Chapter 1

1037 Words
Unti-unti itong lumapit sa akin. Hinawakan ko ang kwintas ko at pumikit. Pagkadilat ko ay nasa harapan ko na siya. "H-hindi mo akong gustong saktan," sabi ko. Ang nakangiti niyang mukha ngayon ay naging seryoso. "Umalis ka na rito baka maabutan mo sila," sabi nito sa akin. "Sinong sila?" tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang umiyak. "Bakit hindi ka natatakot sa akin? Bakit nandito ka pa? Umalis ka na! gusto lang kitang iligtas," sabi niya habang umiiyak. Ngayon lang ako nakakita ng umiiyak na kaluluwa. "Ikaw? Anong kinakatakot mo? Bakit gusto mo akong paalisin? Iyon ba ang dahilan kung bakit tinatakot mo ang mga estudyanteng pumupunta rito?" sunod-sunod na tanong ko. Tumigil naman siya sa pag-iyak at humarap sa akin. "Umalis ka na rito, umalis ka na!" sigaw nito habang papalapit sa akin. Bigla namang umilaw ang kwintas ko dahilan para lumitaw ang bilog na harang sa paligid ko na galing sa positibong enerhiya na nasa kwintas ko dahilan para hindi siya makalapit sa akin. "Anong nangyayari? Bakit hindi ako makalapit sayo?!" tanong nito. "Hindi ka makakalapit sa akin kung gusto mo akong saktan, ngayon sabihin mo bakit ka nandito? Anong nangyari sa 'yo at sinong 'sila' ang binabanggit mo?" tanong ko sa kaniya. Ako naman ang unti-unting lumapit sa kaniya at siya naman ang lumalayo dahil sa harang na gawa ng kwintas ko. "Hindi mo ako matutulungan, mapapahamak ka lang din tulad ko kaya umalis ka na, Alis!" sigaw nito sa akin. Bigla namang nagbukas sarado ang cubicle at nabasag ang mga ilaw. Napatakip ako sa tainga ko dahil sa sigaw niya. Bigla ring nawala ang sigaw niya kaya naman idinilat ko ang mata ko. Laking taka ko naman kung bakit umiilaw pa rin ang kwintas ko at mayroon pa ring umiilaw na harang ang nakapaligid sa akin. Ang harang na sinasabi ko ay 'yung harang na sumusulpot galing sa kwintas ko na nagpoprotekta sa akin sa mga masasamang espirito at mga elemento na gusto akong saktan. Pagtingin ko sa harap ko ay napalaki ang mata ko at napaatras. Wala na 'yung babaeng multo kanina, isang demonyo na ang nasa harap ko. Nakangiti ito sa akin, mahaba ang mga kuko nito at kitang-kita ang sungay nito. Kitang-kita rin ang matatalas niyang ngipin dahil sa ngiti niya. Tumawa ito nang malakas kaya kaagad akong tumakbo papuntang pinto at binuksan ito para makalabas. Tumakbo ako palayo sa building na iyon at pumunta sa building namin. Nanginginig ako dahil ngayon lang ulit ako nakakita ng demonyo simula nung mamatay ang lola ko. Pagkarating ko sa room ay kaagad akong umupo sa upuan ko at kinuha ang tubig ko at uminom. Pagkatapos uminom ay ibinalik ko ang tumbler ko sa bag ko. "Huy, okay ka lang?" pagsasalita ni Ethan sa likod ko kaya nagulat ako at napaiyak dahil na rin sa takot. "A-ay hala sorry! Hindi ko naman intensyon na gulatin ka, sorry talaga!" natatarantang sabi ni Ethan. Yumuko ako sa table ko at doon umiyak. "Anong nangyari riyan?!" tanong ni Elle. "Nagulat ko kasi ata," natatarantang sabi ni Ethan. "Tumabi ka nga riyan!" sabi ni Elle at rinig ko ang pagtulak niya kay Ethan. "Hindi ko naman siya actually ginulat kasi ano uhm ganito nakita ko siyang nanginginig kaya tinanong ko siya kung okay lang ba siya tapos ayon nagulat tapos umiyak," sabi ni Ethan. Naramdaman ko namang may humaplos sa ulo ko. "Okay ka lang? Nagugutom ka ba? Nagulat ka ba? May pagkain ako rito kung nagugutom ka." Hinaplos ni Elle ang buhok ko at pinatahan ako. "Kaartehan niya lang 'yan papansin 'yan eh huwag niyo na lang pansinin," rinig kong sabi ni Cath. "Sinabi ko bang magsalita ka?" sabi ni Elle kay Cath. Tumahimik naman si Cath pagkatapos no'n. Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng upo. "S-sorry hindi ako gutom o nagulat, s-salamat sa pag-aalala," maikling sabi ko at napatingin sa bintana. Nakita ko naman ang cr sa building na pinag-ihian ko kanina, nakikita kasi 'yung building na 'yon sa bintana ng classroom namin. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang demonyong nakasilip sa cr at nakangiti sa akin. Pinigilan kong hindi maluha pero nangilid pa rin ang luha sa mga mata ko dahil sa takot. Napansin naman ni Elle na nakatingin ako sa bintana kaya tiningnan niya kung saan ako nakatingin, nang makitang walang tao ay tinakpan niya ng kurtina ang bintana dahilan para hindi ko makita ang building na iyon. Pansin niya naman ang panginginig ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan ang luha ko gamit ang panyo niya. "Oh ito tubig uminom ka muna, kung nagugutom ka ay may pagkain ako rito," sabi ni Elle sabay abot sa akin ng tubig. Ininom ko naman iyon at pinilit kumalma. Lumapit naman sila Mia sa amin. "Omygosh Stella are you okay? why are you crying? come here let me hug you!" sabi ni Mia at niyakap ako. Nakatingin lang sa amin sina Elle at Ethan pati na rin ang mga kaibigan ni Mia. Pagkatapos kumalas ni Mia sa pagkakayakap sa'kin ay humarap siya sa akin. "Kalmado ka na ba? Let me know kung need mo ng anything ha, para matulungan kita okay?" sabi ni Mia. Nakayuko lang akong tumango. "Oh Ethan! Nariyan ka pala, haysts pag pasensyahan niyo na si Stella kung gan'yan siya, ako lang kasi ang nagpapakalma sa kaniya rito kasi comfortable siya sa akin and please huwag kayong magagalit sa kaniya kung gan'yan siya it's not her fault, natrauma lang siya sa dad-" Naputol ang sasabihin ni Mia nang magsalita si Elle. "Pwede ka nang umalis kami na ang bahala rito," nakangiting sabi ni Elle kay Mia. "Okay, sure!" sabi ni Mia at bumalik na sa inuupuan niya. "Kaibigan mo ba 'yon? tanong ni Elle. Napatingin naman ako kay Mia na nakikipagdaldalan na sa mga friends niya. "Okay no need nang sumagot alam ko na kaagad 'yung sagot," sabi ni Elle. Napansin niya atang nagpapanggap lang si Mia na kaibigan ako upang magpakitang tao ito kay Ethan. "Ikaw anong ginagawa mo riyan? Bumalik ka na sa upuan mo!" sabi ni Elle kay Ethan. Nakatayo lang kasi si Ethan at nakatingin sa amin. "Ay oo ito na sorry," sabi ni Ethan at umupo na sa upuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD