Chapter 2

1076 Words
Dumating na ang uwian at nagulat ako nang sumabay sa akin sina Elle at Ethan. "Okay ka na?" tanong sa akin ni Elle. Tumango naman ako at ngumiti. "Ikaw kasi nanggugulat ka eh!" biro na sabi ni Elle kay Ethan. "Nag-sorry na nga ako, 'diba?" sabi ni Ethan sabay kalabit sa akin. Ang cute niya parang bata na naghahanap ng kakampi. "Oh hindi sumagot yari ka," sabi ni Elle. Ngumiti naman ako at ramdam ko sa peripheral vision ko ang pagsiko ni Elle kay Ethan sabay ngiti. Paglabas namin ng gate ay nakita ko ang mga kaibigan ni Billy at 'yung jowa niyang babae na parang may hinihintay. Kinabahan naman ako dahil doon. "Uhm, mauna na kayo salamat ah," sabi ko kila Ethan at Elle. Tiningnan naman nila ang tinitingnan ko at nakita nila sila Billy at mga kaibigan nito. Mas marami silang naghihintay dahil yung ibang kaibigan ng Girlfriend ni Billy na si Mariz ay nandito. Alam kong ako ang puntirya nila dahil hindi lang ngayon ito nangyari na aabangan nila ako kapag nagsumbong ako sa teacher o 'di kaya ay napa-guidance si Billy. Hinawakan naman ni Elle ang braso ko. "Hayaan mo walang mangyayaring masama sayo," sabi ni Elle. Pilit ko naman iyong binawi at nang mabawi ko ang braso ko ay kaagad akong tumakbo papasok sa school ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may humila na sa akin pabalik. Pagharap ko ay malakas na sampal ang sumalubong sa akin. "Ang kapal ng mukha mong mapa-guidance si Billy 'no?! Ilang beses ko bang sinabi sayo na iwasan mong may mangyari kay Billy na maaaring magpa-guidance sa kaniya!" sigaw ng Girlfriend ni Billy na si Mariz. Kaagad naman na nagkumpulan ang ibang estudyante upang makichismis. "Tama na 'yan Babe, mapapa-guidance na naman ako sa ginagawa mo eh," awat ni Billy kay Mariz. "Sabagay, tss walang kwenta," sabi ni Mariz at tumalikod na pero biglang hinablot ni Elle ang buhok nito at pinaharap siya habang nakasabunot pa rin sa kaniya sabay sampal nang makaharap na ito. Nagulat naman ang lahat sa nangyari. "Iyang Bf mong mabantot yung nambubully ng tao, imbis na pagsabihan mo kinukunsinti mo pa? Bagay na bagay kayo parehas lang mabantot. Mukha na ngang mabantot, ugaling mabantot pa!" sigaw ni Elle sa mukha ni Mariz. Bago pa man magkagulo ay may baranggay tanod na ang sumulpot kaya naman kaagad na nagsi-alisan ang mga taong nanonood gano'n na rin sina Mariz at Billy at mga kaibigan nito. "Okay ka lang?" tanong ni Elle. "Bakit mo ginawa iyon," naiiyak na sabi ko. "Bakit ka umiiyak masakit ba 'yung pagkakasampal sayo?" nag-aalalang tanong ni Elle. "Hindi! Madadamay kayo eh, bakit niyo ginawa iyon. Dahil sa akin mapapahamak pa kayo," sabi ko at tinakpan ang mukha ko dahil may ibang estudyante ang nagtitinginan sa amin. Hinila naman ako ni Elle upang makapunta kami sa tabi dahil marami pa ring estudyante ang naglalabasan. "Okay look," sabi ni Elle kaya tumingin ako sa kaniya. "Kaya namin ang sarili namin okay? Kaya dapat kaya mo rin ang sarili mo, huwag mong hahayaang gawin sa'yo iyon ng ibang tao naiintindihan mo? Lumaban ka, isa pa hindi mo kasalanang madamay kami sa kung ano mang away na 'yan, desisyon namin iyon okay?" sabi ni Elle. Natulala ako sa sinabi niya. First time in my life na may ganitong tao ang naging mabuti sa akin. May iba rin naman akong naging kaibigan pero minsan ang iba ay naaartihan sa akin dahil iyakin ako. Kaya naman sinusubukan kong hindi maging iyakin para na rin walang tao ang magalit sa akin o umiwas sa akin. "Saan ang bahay mo? Ihahatid ka na namin," sabi ni Elle. "Okay lang ako, super salamat sa inyo," sabi ko at pinunasan ang luha ko. "Sure ka? Baka mamaya naka abang na sila sa'yo," sabi ni Elle. "Hindi may shortcut akong dinaraanan kaya hindi nila ako makikita pauwi, mag-ingat kayo ha please," sabi ko. Hinawakan naman ni Elle ang ulo ko. "Sure," nakangiting sabi ni Elle sabay gulo ng buhok ko. "Ingat," nakangiting sabi ni Ethan sa akin. Sabay silang umalis ni Elle kaya naman naglakad na ako papuntang bahay. Pagkauwi ko ay wala pa ring pinagbago, lasing pa rin si Mama at nakatulog na ito sa sofa kaya inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan siya. Niligpit ko ang mga bote ng alak na nakakalat sa sahig at pinatay ang t.v. Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba ako upang magsaing dahil wala pang pagkain. Habang nagsasaing ay sinabay ko na ang pagluto ng ulam. Naglinis na rin ako ng bahay dahil ang kalat. Nang matapos ay kumain na ako. Hindi ko na ginising si Mama dahil alam kong magagalit lang ito sa akin kapag ginising ko ito upang kumain. Pagkatapos ay umakyat na ako at dahil sa pagod ay ipinikit ko ang mga mata ko. Pagkadilat ng mga mata ko ay nagulat ako dahil nakatayo na ako sa isang madilim na paligid. Walang ka tao-tao o gamit. Itim lang ang paligid. Hindi katagalan ay bigla akong nakarinig ng sigaw. "Tulong!" sigaw ng babae. Naalala ko ang may-ari ng boses na iyon. Siya 'yung multong babae kanina sa cr. "Tulong!" sigaw ulit nito. Sinundan ko ang boses na iyon. Hindi katagalan, may naaninag ako na parang selda. Tumakbo ako papunta roon dahil iyon lamang ang liwanag na nakikita ko sa itim na paligid. Pagkalapit ko ay nakita ko ang babaeng nakatalikod sa akin. "Sino ka?" tanong ko rito. Unti-unti naman itong humarap at nang humarap ito, napagtanto ko na siya 'yung nakita kong multo sa cr. "B-bakit ka nandito? Paano ka nakapunta rito? Tulungan mo ako!" pagmamakaawa nito at lumapit sa akin. "P-paano? Sino ang naglagay sa'yo rito? Paano kita matutulungan?" tanong ko. Magsasalita na sana siya kaso biglang may tumawa nang malakas. Malalim ang boses nito at talaga namang nakakapanindig balahibo. "U-umalis ka na! Tumakbo ka! Takbo!" sigaw nito sa akin. Halata sa boses nito ang takot. Unti-unti akong humakbang patalikod. Hindi pa ako nakakalayo ay biglang sumulpot sa harap ng selda niya ang demonyo na nakita ko rin sa kaparehas na cr kung saan ko nakita ang babaeng multo. Nakaharap ito sa multong babae. "Walang makakatulong sa'yo, mananatili ka rito habambuhay!" sabi nito at tumawa nang nakakakilabot. Napatigil naman ito at unti-unting lumingon kung nasaan ako. Napatigil ako sa pag-atras dahil sa takot. Unti-unti itong naglakad papunta sa akin at hindi pa man siya lubos na nakakalapit ay hinawakan ko na ang kwintas ko at nagising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD