He kissed me and I kiss him back. Kung binibigyan niya ako ng nagbabagang apoy ganoon din ang ginaganti ko. His hands molding my curves, it is like exploring to a wild forest.
Walang jugjogan, iyon ang nasa kontrata!
Ano ba ang ginagawa ko ngayon? Kapag nabuntis ako at nalaman niya paniguradong sasabihin niya lang na ako ang kusang nagbigay niyon wich is totoo. Tayka! Hindi, ah! Sabi ko maghuhubad lang ako kasi mainit tapos ganito na ang nangyari.
Napamulagat ako nang maramdaman ang kamay niyang gumagapang papunta sa maselan kong parte. Naalala ko agad kung gaano kalaki iyong 'ano' niya—nila ni James dati.
Malaki pa iyon sa talong na binibenta sa palengke. Warak na warak na nga ang pudayday ko, wawarakin na naman ulit?
"T-Tayka,"pigil ko sabay tulak sa kaniya.
Pero nagpatuloy pa rin siya hanggang sa nahulog ang pantalon niya dahil kanina pa pala iyon walang sinturon. Nakatayo na siya ngayon sa paanan ng kama at tudo na ang kunot ng noo.
Habang tulala akong nakatingin sa gitna niyang nakasaludo na parang sundalo. Sundalo na sasabak sa yungib!
"What?"
Napalunok ako. Palipat lipat ang mata ko sa mukha niya at sa junjun niya.
"A-Ang—"
At nagdilim ang paningin ko. Wala na akong naalala pagkatapos no'n. Natagpuan ko na lang ang sariling tumatakbo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong sadya ko doon. Namamasyal? O baka tumatae? Basta lang nandoon ako at patakbo-takbo na parang sa commercial ng downy. May hawak pa na palumpon ng bulaklak.
Nakasuot ng puting damit. Tapos habang tumatakbo ako ay sa unahan nakita kong may mga nakaputi na mga tao. Nanlaki pa ang mata ko nang makita sina Auntie doon, Shalala at Cubicle. Aba! Ang mukhang pera kong tiyahin nandito rin pala.
Nakangiti silang lahat habang naglalakad ako sa gitna. Samantalang wala akong ideya kung anong pinunta ko doon. Tapos sa unahan ay may...
May pari?
Tapos with slow-motion pa na humarap ang nakatalikod malapit sa altar. Hindi ko pa alam kung sino iyong lalaking malapit sa altar dahil may kumunyapit sa braso ko bigla.
Paglingon ko si Birthie Baby ko pala ito. Abot tainga ang ngisi ko. Nakangiti rin siya. Aba! Siya pala ang ikakasal sa'kin? Para tuloy ako nakalutang sa langit habang naglalakad sa gitna ng napakaraming tao. Nagsipagpalakpakan sila nang malapit na kami sa altar.
Para akong maiiyak na... matatae? Something like that, dahil sa tuwa. Panay ang paypay ko sa sarili gamit ang kamay.
Kami pa rin tlaga ang magkakatuluyan sa huli. Oh mg gosh! I love you Lord na talaga!
Panay ang ngisi ko at pakaway kaway pa sa mga tao.
Kaya lang sa dulo naglaho ang ngiti ko nang ipasa ako ni Birthie baby ko sa lalaking dahilan ng panlalaki ng mata ko.
"Stevon?"
"Yeah, come here." At kinuha ang kamay ko mula kay Birth Control.
Nilingon ko si Birth pero nakangisi lang siya. Parang tuwang tuwa pa na naipasa niya na ako kay Stevon. Tapos biglang lumapit si Auntie at lumigkis ang braso sa braso ni Birth. Tapos hinalikan niya si Birth sa lips.
Para akong mapapanawan ng ulirat sa mga nasaksihan.
"Soon, kami naman ng tito Birth mo ang ikakasal kaya dalian mo na ang pagpapakasal diyan, Annessa."
Sila ni...
"Kayong dalawa na?"
Tumango si Birth. "Oo at ako na tatayong ama mo simula ngayon, Annessa. Pangakong magiging mabuti akong ama mo at magiging mabuting asawa sa Auntie mo."
"Hindi..." Napaatras ako.
Paano na ang mga pangarap ko sa aming dalawa ni Birth? Balak ko pa man din na isalang siya sa derma kapag natanggap ko na ang milyones ko.
Tapos ipapaayos ko iyong ngipin niya para mas pumogi. Pero ito na siya.
Mas pinili niya ang mukhang tipaklong kong Auntie kaysa sa'kin.
"Mas maluwag na iyang kay Auntie, Birth. Ano ka ba?" Naiiyak kong turan.
Ako, dalawa pa lang nakatikim sa tinatago kong kayamanan. Iyang si Auntie, kung sinu-sinong junjun na ang tinanggap ng pudayday niyan.
"Magiging toothpick iyong sa'yo kapag nag 'ano' kayo. Tandaan mo magsisisi ka, Birth!"
Tapos tumakbo ako palayo sa venue. Nagulat na lang ako nang makitang puros d***o iyong hawak kong bulaklak kanina. Tapos may suot na akong singsing na hugis junjun.
At nagising ako.
Panaginip lang pala. Kahit sa panaginip ang landi pa rin ni Auntie. Napabaling ako sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nakahubo na ng damit ang nakahigang adonis sa tabi ko.
Agad kong tiningnan ang sarili.
Nakahinga ako ng maluwag nang malaman na wala namang nawala sa suot ko. Bumaling ako sa pinto ng banyo. At doon bumuhos ang lahat ng ala-ala.
Para akong nanonood ng nakakatakot na pilekula habang pinagmamasdan ang banyo.
Naghubad ako dahil naiinitan ako.
Naghalikan kami ni Stevon.
At nahimatay ako.
At ngayon ay may damit na ako. Napalingon ako kay Stevon na tulog na tulog pa rin tapos tumingin ako sa suot ko. Ang long sleeve niya itong suot ko ngayon. Kaya ba siya nakahubad?
Siya ba ang nagdamit sa'kin?
Nabigla ako noong kumilos siya. Pero nagpatuloy sa pagtulog at niyakap lang talaga ang unan. Kailangan ko nang umalis. Nakakahiya na.
Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tingnan sa mata nito mamaya. Dahan-dahan ang kilos ko palabas ng silid kaya lang biglang...
Nautot ako.
"Hmm... Morning odor, nice,"garalgal ang boses niyang sabi. Tapos nilakipan ng marahang tawa.
Mariin akong napapikit at nilingon siya.
Ang magaganda niyang mata ang agad sumalubong sa'kin. Ang gwapo sana pero vajayjay wrecker nga lang. Sumilay ang mapaglaro niyang ngisi.
Gising na pala tapos nagkukunwaring tulog.
"Lahat tayo nauutot,"iritado kong sabi.
"Hmm,I love omelette in the morning."
Mukhang binaliwala na ang sinabi ko.
"Magluluto na ako!" Nakanguso kong sabi.
"Thanks." At kumindat. "Payment for the b***r you made me last night." At dumaan ang dila niya sa namumulang labi.
Napakuyom ang kamao ko. At mangingitim 'yan kapag nasapak ko 'yan. Umikot ang eyeball ko nang nakatalikod na ako. Gustong-gusto ko pa man din na tarayan siya ng harapan. Siguro pagkatapos na lang kapag naibigay niya na ang milyones ko.
Hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip kanina. Nadudurog na ang itlog na nasa plato ko. Sana itlog na lang ni Birth ito. Pupulbusin ko talaga!
Napaka-salawahan niya!
Nang mapansin ko na napapatigil na sa pagkain si Stevon at nakatingin na lang sa ni-murder kong itlog ay saka lang ako nagpatuloy sa pagkasubo.
Itchusero!
Hapon na nang nakapangalumbaba na naman ako sa teresa. Wala na naman akong ibang gagawin ngayon. Iyong mga body guard, hayon! Excited kasi raw kasama sila sa golf ngayon ng amo nila.
Ano ba ang magagawa ko? Kailangan ko magtiis para sa pera.
"Ma'am! Ma'am!" Sigaw nang sigaw si Dyokno pagkaakyat sa second floor.
Tapos sumunod iyong si Toper at Peryong.
Nanlalaki ang mga mata nila. Kinabahan ako sa mga itsura nila. Lalo na si Dyokno na kahit hindi pa mag-wacky ay talagang nature na ang wacky face. Tapos panlalakihan nila ako ng mata diyan.
"B-Bakit?" Kinakabahan ako.
"Ma'am!"si Toper.
"Ma'am!"si Peryong.
Pareho silang mga hingal at puro lang sila ma'am. Kinakabahan na ako. Baka nagbago na isip ni Stevon. Baka naisipan nang ibigay sa'kin ang milyones ko ng hindi pa natatapos ang kontrata. O baka naisip nang iurong ang bayad dahil hindi nagustuhan ang omelette kanina.
"M..."humihingal si Dyokno pero parang may sasabihin na.
Mukhang magsisimula nang magsalita. Nakanganga lang ako at nakaangat na ang kamay sa ere.
"M...."
"Ano, Dyokno?" Naiirita na ako.
"M... Ma'am!"
Lumaylay ang balikat ko sa narinig sa kaniya. Ano ba naman?!
"Tayka lang po, para kasing umakyat ang baga ko papunta sa puso ko,"aniyang hawak pa ang bandang puso.
Nanlaki ang mata nina Peryong at Toper. Agad nilang dinumog si Dyokno at pilit na pinapanganga.
"Peryong, iyong panungkit. Dali! Umakyat na ang baga ni Dyokno, itutulak na'tin pababa!"si Toper.
"Ayokong mamatay si Dyokno!"naiiyak na si Toper habang naghahagilap ng kahoy.
Napangiwi ako. Anong klaseng kuliglig ba ang nakapasok sa utak ng mga 'to?
"Peste kayo!" Tinulak ni Dyokno ang dalawa.
"Anong pinunta niyo ulit?"paalala ko sa tatlo dahil mukhang nalalayo na sila totoong sadya nila.
"Sama ka raw po sa golf ngayon."
Napangiti ako sa narinig kay Dyokno.
...
Itutuloy...