"Buntis nga po ako" sabi ni Ana na nakayuko. Hindi sya makatingin sa mga tao na nasa loob ng kwarto. "Aning wala ka naman bf ah. Sinong ama nyan?" Tanong ng mama nya Napatingin sya kay Reymund na nakatingin din sa kanya. "Si Reymund po. "Ha" natawa ng bahagya si Reymund "Akala ko ba wala na tayo." sabi pa nito na napatayo at napasandal sa pader. "Kaya hindi ko pa sana plano pang sabihin kasi wala pang maalala si Reymund." Sabi ni Ana. "Nangyari noong nagpunta kami sa resort" kahit hindi komportable ay sinabi na din nya. "Diba si Terri ang kasama ni Reymund noon sa kwarto" sabi ni Marc na napatingin kay Terri na nakikinig din sa nangyayaring komosyon sa kwarto. "Ha oo kasama ko nga si Reymund magdamag sa kwarto" sabi naman ni Terri. Bigla naman nagulat at nag init ang ulo ni Ana

