Pagkatapos ng check up ay bumisita sila sa bahay nila Suzet at Darwin. "Eto brad yung design ng bahay mo oh hindi pa nga natin tapos eh wala ka talaga matandaan dito" tanong ni Darwin kay Reymund habang pinapakita dito yung architectural design ng bahay na binubuo nila. "Wala talaga pare" sabi ni Reymund habang nakatingin sa isang papel na may drawing ng design na bahay na gawa ni Darwin. Samantala naguusap naman si Suzet at Ana. Pinakita ni Suzet ang nursery room na gagamitin ng baby nila. "Ilang araw na lang may gagamit na nito" sabi ni Ana. "Oo nga eh excited na kami ni Darwin" sabi ni Suzet. "Kayo bes kumusta naman kayo ni Reymund. Marami na ba sya naaalala sayo" tanong nito. "Bakit kasi hiwalay kayo ng kwarto try nyo kaya magtabi tapos mags*x kayo malay mo dun sya bigla makaalal

