bc

Marry Me, Brother (SPG)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
14.1K
READ
billionaire
dark
forbidden
HE
badgirl
powerful
stepfather
bxg
bold
like
intro-logo
Blurb

Nakilala ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon. Landas namin ay hindi pinagtagpong muli sa nakalipas na ilang taon.

Ngunit...

Magkikitang muli sa hindi ko inaasahang sitwasyon.

Paano ko ipaglalaban?

Paano ko ipagsisigawan ang nararamdaman?

Kung siya pala ay kapatid ko, hindi nga lang sa dugo at laman.

chap-preview
Free preview
Prologue
Thirteen years ago. "Janine!" Nilingon ko ang walang hiyang tumawag sa pangalan ko. Napataas pa ang kilay ko nang makitang kaklase naming nerd ang papalapit sa direksyon ko. What now? Wala na ba silang ibang alam na paraan? Nakakasawa na laging makita ang pagmumukha ng nerd na ito. Dahil nakaupo ako sa damuhan ay napatingala ako sa kanya nang makalapit na siya sa akin. Hinihingal siya at pinagpapawisan. Kung hindi ba naman siya walo't kalahating tanga ay bakit siya tatakbo? Hindi ba uso sa kanya ang maglakad? "Bakit ba ikaw lagi ang pinapadala ng mga teacher natin?" naiinis kong tanong. "Hindi ibig sabihin na pinagtanggol kita sa mga bully na iyon ay close na tayo." Umupo siya sa harapan ko at inirapan ko siya. The nerve! Nagkataon lang na kalaban ko ang mga nam-bully sa kanya kaya pinagtanggol ko siya. Simula nang mangyari iyon ay siya na lagi ang inuutusan ng mga teacher namin para hanapin ako. Gaya ngayon. Nag-cutting classes ako. Bakit ba kailangan ko pang pumasok? Kami naman ang may ari ng school na ito at balang araw ay mapapasaakin din naman ito. Why bother? Kung hindi lang dahil sa allowance ay hindi ako papasok. "You need to go back," panimula ni Jeishi. "Ma'am Silvano give us a new project for the fourth grading." Sarap tanggalan ng hininga. "What if I don't?" "Really?" sarkastiko niyang sabi. She even smirked na mas lalong nagpainis sa akin. "Your words are contradicting with your actions." "Asa ka pa!" singhal ko sa kanya. "Kaya lang naman ako sumusunod sa iyo kasi nakakairita iyang boses mo. Panay English ka pa! Ikaw ba may ari ng America?" "Are you forgetting something?" tanong niya habang pinupunasan ng panyo ang pawis sa leeg niya. Tinanggal niya ang salamin niya sa mata. Kung hindi lang sa porma niya ay papasa talaga siyang campus muse. Mahihigitan niya ang kagandahan ko. "That I am not a pure blooded Filipino?" "Whatever!" Inis akong tumayo at nauna nang maglakad. Three months na lang at matatapos na rin ang school year. Kaunting tiis na lang talaga. Nasa grade seven na kami at hiling ko sana ay wala ng pasok sa eskwelahan habang buhay. Ano naman ngayon kung tamad akong mag-aral? Sa totoo lang ay wala naman akong pinapansin sa room namin. Itong si Jeishi ay this month ko lang nakakausap nang dahil nga iyon sa mga nam-bully sa kanya. Ang grupo ni Samantha ang pinakaiinisan ko. Babanggain ko sila sa kahit anong paraan. Masyado yata akong nalunod sa mga iniisip ko at hindi ko namalayan ang lumilipad na soccer ball. Oo, lumilipad. Papunta sa direksyon ko. "Dodge, Janine!" sigaw ni Jeishi. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko na nagawa pang iwasan ang bola. Lumanding iyon sa mismo sa mukha ko. Sa sobrang lakas ng impact ay natumba ako sa magaspang na sahig ng pathway. Hindi ko alam kung anong unang hahawakan. Ang mukha ko bang natamaan ng bola o ang siko kong nagdudugo na? Nahihilo na rin ako. Hindi na ako makapagmura dahil sa halo-halo na ang nararamdaman ko. "Oh my gosh, Janine!" Parang tanga talaga itong si Jeishi! Sa halip na tulungan akong tumayo ay sumisigaw-sigaw lang. Puputulan ko talaga ng hininga ang babaeng ito. Sa kung sino mang sumipa sa bola ay humanda-handa na siya! Akma akong tatayo pero bigla rin akong napaupo ulit. Nagdidilim na ang paningin ko. Mula yata ito sa pagtama ng bola sa akin. Tang ina talaga! "Oh, thank God, Kuya! You're here!" bulalas ni Jeishi. May kuya siya na nag-aaral dito? O baka naman higher year lang kaya niya nasabing kuya? Bago pa man ako mawalan ng malay ay may kumarga na sa akin. I didn't see his face clearly. Dahil hilong-hilo na talaga ako ay tuluyan na akong nawalan ng malay. All I could remember was his smell. A mix of chocolate and strawberry perfume. Nagising akong iniinda ang sakit sa ulo ko. Babangon na sana ako nang bigla kong maramdaman ang hapdi sa siko ko. Kaya nanatili na lang akong nakahiga habang sapo-sapp ko ang noo ko. "Thank, God! You're awake!" Nagulat ako sa boses ni Jeishi kaya muntik na akong mahulog sa kama. Mabuti na lang ay may sumalo kaagad sa akin. That smell... Kaagad kong nilingon ang may ari ng mga brasong halos nakayakap na sa akin. Maayos ang pagkakahulma ng kilay niyang may kakapalan. His nose was pointed that suited the shape of his face. Tinulungan niya akong makabalik ng higa sa kama. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay napapaso ako sa mga hawak niya. Anong nangyayari sa akin? Oo, nasa murang edad pa lang ako. But this feeling... Baka epekto lang ito ng kakabasa ko ng mga fanfic story? I shouldn't feel this kind of emotion. Napakabata ko pa para sa mga ganyan! Alam kong pasaway ako pero hindi ako malandi! My gulay! "How do you feel, Janine?" Isa pa itong nerd na ito, eh! Kung hindi dahil sa pangungulit niya sa akin na bumalik ng classroom ay hindi ko sasapitin ito. Nagasgasan pa tuloy ang siko ko! Gusto ko sanang isigaw iyon sa harapan ni Jeishi. Pero dahil may iba kaming kasama ay huwag na lang pala. "Well, I'm fit as a fiddle," I answered, sarcastically. "The nurse already informed your parents," Jeishi said at kaagad na umangat ang tingin ko sa kanya. "A-Anong sabi?" tanong ko. Nagbabaka sakaling mabigyan na ako ng oras nina Daddy at Mommy. "Parating na raw ang driver mo," Jeishi said like it was just nothing. Not to me. Akala ko talaga ay si Daddy or si Mommy ang susundo sa akin. Hindi pala. "What's new?" bulong kong tanong sa sarili ko. Naiinis ako. Kahit siguro madisgrasya ako at maging malubha ang kalagayan ay wala pa rin silang pakialam. "You can go out now." Ilang minutong katahimikan. Kaya nilingon ko na sila. "I said you can leave now." "It's that how you say thank you?" Nalipat ang atensyon ko sa lalaking nagbuhat sa akin kanina. Tinaasan ko siya ng kilay. "I don't remember asking you for a help." Napansin kong nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. "Well then, thank my sister. She ask me for help." So magkapatid nga sila ni Jeishi. Halata naman dahil parehas silang panay English. According sa suot nitong sling id ay nasa junior high school na siya. Five years ang gap nila ni Jeishi Ngumisi ako habang hindi inaalis ang tingin sa kuya ni Jeishi. I was not a brat for nothing. "Bakit ko siya pasasalamatan? Kung hindi niya ako pinilit na bumalik sa room namin ay hindi ako matatamaan ng letseng bola na iyon!" Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Bakit ba? "Is it really hard for you to say thank you?" Pinagdidiinan niya talaga ang bagay na iyan. Tsk! "It's okay, Kuya," singit ni Jeishi sa amin. "You better get going now." Nakatingin lang ang kuya ni Jeishi sa akin na para bang gusto niya na akong sapakin. Kahit naiilang ako sa titig niya sa akin ay hindi ako magpapatalo ng tingin sa kanya. Sino ba siya sa inaakala niya? "I'm disappointed, brat..." Bulong lang iyon pero tagos hanggang puso ko naman iyon. Sanay akong tawaging brat, spoiled, walang modo, at kahit ano-ano pang mga tawag nila sa akin. Pero bakit noong siya ang nagsabi ay para bang ang sakit? Para bang hindi ko matanggap na sinabihan niya ako niyon. Ilang minuto na ang lumipas simula nang umalis ang kuya ni Jeishi. Pero hindi pa rin ako makaimik sa sinabi ng lalaking iyon. "Are you okay, Janine?" mahinang tanong ni Jeishi na halatang nag-iingat sa sasabihin niya. "Hindi ko alam na may kapatid ka pa lang akala mo kung sino," saad ko habang nakatingin sa kisame ng clinic. "Sino ba siya sa inaakala niya?" "H-He was just worried," Jeishi said that made me looked at her. I irked a brow and laughed at her statement. "Worried? He insulted me as if he knew me! Ganoon ba ang pag-aalala?" "Miss San Juan, nandito na po ang sundo ninyo," anunsyo ng nurse na naging dahilan kung bakit hindi natuloy ni Jeishi ang sanang sasabihin niya. Marahas akong bumangon at tinapon ang kumot sa kung saan. Napupuno ng inis ang puso ko at gusto kong magwala. Paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ng lalaking iyon! Disappointed pa nga! Bakit naman siya madidismaya sa akin? Close ba kami? Pakyu siya, mga bente! Nilingon ko si Jeishi na ngayon ay nakatingin sa kumot na tinapon ko sa sahig. "I'm sorry for my brother's words," sabi niya na nakayuko pa rin. Ngayon ko lang napansin ang mantsa sa uniform niya. Dugo ko ba iyon? So what? Kasalanan niya naman talaga. Maglalakad na sana ako palabas nang magsalita siyang muli. "I am so thankful that I met you. I think, this will be our last conversation." Pinagsasabi ng nerd na ito? "Aalis kayo?" wala sa sariling tanong ko. Dahan-dahan siyang tumango habang nakayuko pa rin. "Good for me then," malamig kong sagot saka lumabas kaagad. Wala nang mangungulit sa akin sa t'wing tatakas ako sa klase. Wala na akong ipagtatanggol kung sakali mang ma-bully na naman siya ng grupo nina Samantha. Pero bakit? Bakit parang ayaw kong umalis sila? Pakialam ko sa kanila? Parehas silang nakakairita ng kuya niya!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
40.9K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
131.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.6K
bc

The Sex Web

read
136.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
67.1K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
36.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook