"Oh? Bakit hindi ka pa nakabihis, anak?"
Nilingon ko si Mama habang papalapit siya sa kinaroroonan ko. I was still lying on my bed. Wala talaga akong planong bumangon at ayaw kong lumabas sa kwarto ko. Tinatamad ako na kahit gutom ay hindi ko maramdaman.
Umupo si Mama sa gilid ng kama ko saka nilingon ang damit na dapat ay susuutin ko. Maayos iyong nakalatag sa couch.
Narinig kong huminga siya nang malalim bago binalik ang atensyon sa akin. "Ganyan ka rin ba kapag ako naman ang ikakasal?"
Sa sobrang inis ko ay itinakip ko ang comforter sa mukha ko. "I want to be alone."
"Anak, kailan mo ba matatanggap na wala na kami ng papa mo?" tanong pa ni Mama na mas lalong nagpaalab sa nararamdaman kong galit.
Padabog akong tumayo at hinarap si Mama. "Dapat noon pa lang naghiwalay na kayo! Hindi iyong lumaki akong hindi ko naramdaman na may mga magulang pala ako! Lagi kayong abala sa pag-aaway at hindi man lang ninyo mabigyan ng intensyon ang nag-iisa ninyong anak! Tapos ano? Magpapakasal kayo ulit at bubuo ng bagong pamilya? Hindi nga ninyo ako naalagaan!"
There! Finally! Nasabi ko rin.
Gulat na gulat si Mama habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin. Wala silang narinig sa akin ni Papa. Kahit noong nasa korte sila at nagpipirmahan ng divorce agreement ay wala silang narinig mula sa akin.
Tapos ngayon, tatanungin niya ako kung kailan ko matatanggap ang nangyari sa pamilya namin. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung maghiwalay sila.
Pero iyong magpapakasal ulit para bumuo ng bagong pamilya, insulto iyon sa akin. Nag-iisang anak na nga lang ako pero hindi nila ako nabigyan ng atensyon. I felt unwanted, unloved, and all alone.
"Kung hindi pala ninyo mahal ang isa't isa bakit pa ako nabuo? Bakit pa ako nabuhay? Para masaksihan ang pag-aaway ninyo araw-araw? Para marinig ang sigawan ninyo? Pinalaki ninyo ako sa galit. Dapat hindi na lang ninyo ako ginawa kung hindi man lang ninyo ako mapanindigan!"
"J-Janine..." Umiiyak na si Mama.
Hindi ko namalayang hilam na rin pala sa luha ang mukha ko. Ni minsan hindi ako umiyak. Ni minsan ay hindi ako nanumbat sa kanila. Kaya marahil ay ganoon na lamang ang reaksyon ni Mama.
Grade five ako noon nang magsimulang masira ang pamilya namin. Masyado pa akong bata noon kaya hindi ko pa naiintindihan. Sa paglipas ng mga taon ay nasanay na ako sa pag-aaway nilang dalawa. Unti-unti ay naiintindihan ko kung bakit lagi silang hindi magkasundo.
They were not meant to be. They didn't love each other. They made a huge mistake. Kaya pakiramdam ko ay hindi rin nila ginusto na mabuhay ako. Binuhay na lang para hindi sila magkasala sa mata ng Diyos.
Pathetic.
I witnessed everything. How they fight and shouting at each other na aakalain mong mga mortal na magkaaway at hindi mag-asawa. Kaya siguro lumaki akong ganito. A brat, a black sheep, reckless, rule breaker, at ano-ano pang mga tawag sa akin bilang isang suwail na nilalang.
Dati, kaya lang naman ako nagpapasaway ay sa kadahilanang gusto kong mapansin ako nina Mama at Papa. Pero kalaunan parang nagiging habit ko na ang magpasaway. Cutting classes at pakikipag-away lang noong high school. Ngayong college na ako ay nagka-cutting classes ako para lang pumunta sa mga bar at magpakalasing.
By the way, tatlong beses akong nagpabalik-balik ng first year college. Sa awa ni satanas ay last year ko na ngayon sa college. Education ang kinuha kong kurso. Ako ang magmamana ng eskwelahan namin kaya iyon ang kinuha ko. Hindi ako magtuturo, fyi! Anong ituturo ko sa mga magiging estudyante ko? Kung paano mag-mix ng mga inumin?
"Totoo naman, Mama..." Matapang kong sinalubong ang lumuluhang mga mata ni Mama. "Bunga man ako ng pagkakamali ninyo ni Papa, I don't deserve to be left out! I don't deserve any of your shits!"
Kaagad akong nagtungo sa banyo ko at ini-lock ang pinto. Kinuha ang pack ng sigarilyo na nakapatong lang sa banyo. Nagsindi ng isang stick saka basta na lang umupo sa sahig at humithit sa sigarilyo.
Never akong umiyak. Twenty-four na ako and it had been thirteen years since naging gyera ang buhay ko. Ngayon lang ako sumabog nang ganoon at sa harap pa mismo ni Mama.
Madalas akong walang pakialam. Hinahayaan ko lang sila. Nag-divorced sila without asking how do I feel about it. Kung sa bagay ay wala naman pala silang pakialam sa akin.
Nagsisi tuloy ako sa naging desisyon ko noon. The court asked me kung kanino raw ba ako sasama. I was of a legal age when my parents decided to separate ways. Tandang-tanda ko pa ang eksaktong sinagot ko noon kahit pa limang taon na ang nakalipas.
"Kung kanino mapupunta ang bahay. Nakakatamad na lumipat ng kwarto."
I know it was an immature answer. Parehas akong galit sa kanila pero mas galit ako kay Mama. Hindi ko naman akalaing kay Mama mapupunta ang bahay. Hindi ko naisip noon na family heirloom pala ni Mama ang bahay na ito.
Yeah.
Si Mama ang unang nag-insist ng divorce. Dahil siya naman iyong atat makipaghiwalay. Siya ang laging nagsasabing maghiwalay na lang sila ni Papa dahil nga sa lagi na lang silang nag-aaway. Iyon pala...
Napahinga ako nang malalim nang maalala ang minsang pagtatalo nina Mama at Papa. Another man was involved. Kung tama ang hinala ko ay first love ni Mama ang lalaking iyon.
Papa just agreed to it. Pero ang hindi ko alam ay kung bakit si Papa ang unang ikinasal ulit gayong si Mama naman itong atat na atat makipaghiwalay. Ewan sa kanila. Parehas lang naman sila.
Naubos ko na ang stick ng sigarilyo kaya nagdesisyon akong tumayo na at maligo. Pinahid ko ang mga luha ko at saka napangiti. Something came up in mind.
Matapos maligo ay kaagad na akong lumabas ng banyo. Wala na si Mama. Ganyan naman sila. Hindi sila marunong mang-alo. Kailan ba nila ako inalo? Hmmm, never ever!
Dinampot ko ang blue cocktail dress na nasa couch. Sinuot ko iyon at sinipat ang sarili ko sa harap ng salamin. Pinatuyo ko ang buhok ko at naglagay ng light make up. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil masyadong revealing ang suot ko.
Nagsuot ako ng black stilettos at nag-spray ng pabango. Nilagay ang cellphone, cards, cigarette holder, lighter, at susi ng kotse sa kulay itim kong pouch.
"Oras na para mambulabog ng kasal," bulong ko sa sarili at tumawa na parang alagad ni satanas.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakatingin sa akin ang dalawang katulong namin na naglilinis ng hallway. Tinaasan ko sila ng kilay at kaagad naman silang napayuko.
"Good morning, Miss Janine," sabay nilang bati sa akin.
"Nasaan ang magaling kong nanay?" tanong ko sa kanila.
"Umalis na po," sagot ng isa sa kanila.
Ano nga ulit mga pangalan nila?
Napansin kong may lumabas sa guestroom na katabi lang ng kwarto ko.
"Anong meron?" tanong ko ulit. "May bisita ba si Mama?"
"Opo, Miss Janine. Papunta po ng airport si Ma'am Victoria, susunduin yata ang mga bisita," sagot naman ng isa.
"Mga bisita?" nagtataka kong tanong. Napansin kong lumabas ulit na katulong sa isang pang kwarto.
Tatlo ang kwarto rito sa third floor at napapagitnaan ang kwarto ko. Sa second floor naman ang kwarto ni Mama, ang office niya, ang library, isang living room, at entertainment room.
"Kilala ba ninyo ang mga bisita?" tanong ko ulit.
"Hindi po, Miss Janine," halos sabay na sagot nilang dalawa.
"Dapat alam ninyo," sabi ko sa tonong naiinis, where in fact ginu-good time ko lang sila.
"P-Po?"
See? Para silang mga inosenteng tanga.
Hindi ko na sila sinagot at kaagad na bumaba para lumabas ng bahay. Masyadong abala ang mga katulong. Gaano kaimportante ba ang mga bisita ni Mama?
"Who cares?" bulong ko sa sarili at tinawag ang isa sa mga katulong na hindi ko rin maalala ang pangalan. "Pudayyyy!"
Lahat sila ay nilingon ako. Nagkatinginan pa silang lahat at nagtatanong kung sino ang tinatawag ko.
"Pudayyy!" Tinuro ko pa ang isang katulong na may hawak ng vacuum.
"Ako po?" nagtataka niyang tanong.
"Oo, ikaw! Halika rito!"
Lumapit siya sa akin. "Inday po ang pangalan ko at hindi Puday."
"Whatever it is," sagot ko sa kanya at inakbayan siya. "Kumuha ka ng isang bote ng Jack Daniels sa bar."
May mini bar kasi kami rito sa bahay.
"Maglalasing na po kayo? Ang aga-aga pa po!" bulalas niya at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Ito na po, kukuha na po."
Ilang minuto pa at nakabalik na si Puday bitbit ang bagong bote ng Jack Daniels. Bitbit iyon ay lumabas na ako ng bahay. Kahit sa labas ay abala ang mga katulong.
Sumakay na ako sa blue sedan ko at pinaharurot iyon. Isang garden wedding ang bubulabugin ko.
Half hour yata ang lumipas bago ko narating ang venue. Bago ako bumaba ay binuksan ko muna ang bote ng Jack Daniels saka tumungga. Napapikit ako nang lumandas sa lalamunan ko ang pait niyon.
"Ahhh! Da best talaga ito!" Bumaba na ako at nagdire-diretso sa loob ng venue.
Nagsasalita na ang pari sa harapan. There, I saw my father together with another woman, exchanging vows in front of all the witnesses, in front of her rejected daughter.
Gumawa ako ng ingay gamit ang pouch at ang bote ng Jack Daniels. Kaya naman lahat ng atensyon ay nasa akin na. Ang galing ko talaga!
Nanlaki ang mga mata ni Papa nang makita ako.
"Oh, I'm sorry!" sigaw ko at kunwari ay na-guilty. "Just wanna congratulate my irresponsible father! At good luck pala sa bago niyang pamilya!"
Pumalakpak pa ako at hindi pa ako nakuntento ay lumapit pa ako mismo sa harapan nina Papa at ng babae niya.
Umiiling-iling ako as a gesture of being disappointed. "Look at you, Papa. Nangangako ka na naman."
"Stop it, Janine!"
Tumungga ako sa bote ng alak na hawak ko at ngumiti kay Papa. "How?"
Binuhos ko ang natitirang laman ng alak sa mismong wedding gown ng babae ni Papa. "Ooppps! I'm sorry."
Nagkagulo na nga ang lahat.