Chapter 2 - Pagkikitang Muli

1667 Words
Dalawang tungga lang naman ang nainom ko pero hilong-hilo na ako. Guess where I was. Pinakulong ako ng sarili kong ama. Wow lang talaga! Five hours lang naman daw ako rito sabi niyong pulis na nagdala sa akin sa seldang ito. Gusto raw makasiguro ng magaling kong ama na hindi ko masisira ang kasal niya. See? Sobra nila akong mahal. This was not my first time here. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong nagpabalik-balik dito. Napangiti ako nang makita ang papalit na pulis. May bitbit siyang bottled water. Kaagad naman akong tumayo para kunin iyon. I was sure that it was for me. "Sabihin mo nga sa akin," salubong niya sa akin. "Kaya ka ba laging nandito dahil nakakalibre ka ng tubig?" Hinablot ko kaagad ang tubig sa kamay niya at inisang lagok iyon. Binalik ko iyon sa kanya nang wala ng laman. "Namu!" "Ibang klase ka talagang magpasalamat, 'Nin!" nakasimangot niyang tugon sa akin. Natigilan ako. Sa t'wing naririnig ko ang salitang salamat na iyan ay may naalala akong tao. Thirteen years na ang nakalipas pero sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari nang araw na iyon. "Oh, natahimik ka na riyan?" untag sa akin ni Craig— kaklase ko siya noong first year college ako sa isang subject. At dahil nakatatlong balik ako ay pulis na siya ngayon samantalang ako ay estudyante pa rin. "Masyadong nakakasilaw iyang ayos mo. Pwede bang bumalik ka sa katinuan?" Minsan lang talaga ako magsuot ng dress. Laging jeans, jogger, t-shirt at hoodie ang suot ko. Hindi ako tibo. Hindi lang ako sanay sa mga sexy na damit. Isa pa ayaw kong mabastos ako kapag nalalasing ako. Kaya mas safe pa rin kapag ganoon ang mga suot ko. Hindi kami close ni Craig ever since, totoo iyon. Pero nang unang beses akong mapadpad dito ay iyon na ang simula ng pagkakaibigan namin. Yeah, matatawag kong friendship ang mayroon kami. Wala akong ibang kasabayang uminom o gumala kung hindi si Craig lang. Minsan kasama rin namin ang kapatid niyang maarte. Wala akong kaibigan sa school dahil ang papangit nilang ka-bonding. Hindi nila nasasabayan ang trip ko. Anong trip ko? Uminom nang uminom. Galit ako sa mundo, bakit ba? Samantalang sila ay puro kaartehan lang ang alam sa buhay. Kung hindi nagpapayabangan ng mga damit o kotse ay nang-aalisputa naman ng mga mahihirap. Bully din naman ako pero sa mga bully rin. "Miss San Juan!" Sabay pa naming nilingon ni Craig ang kasamahan niyang pulis. "Laya ka na ulit!" Natatawa naman akong nilingon ni Craig. "Ano? Saan tayo mamaya?" Nakakunot ang noo ko habang tinatanaw ang labas ng seldang kinaroroonan ko. "Tatlong oras pa lang ako rito, ah?" "Aba? Feel na feel mo na yata rito sa kulungan, ah? Lipat-bahay ka na ba rito?" pang-aasar sa akin ni Craig. "Kunin ko lang ang susi." Hindi na mapakali iyong puso ko. Anong nangyayari? Halos mabali na iyong leeg ko kakalingon sa labas ng selda. Sinong nagpalabas sa akin? Si Papa ba? O baka naman si Mama? Tsk. Imposible. Abala sila sa mga buhay nila. Ni minsan ay hindi nila ako nasundo sa school, sa presinto pa kaya? Ilang taon na rin akong pabalik-balik dito. Kusa akong umuuwi o hindi naman kaya ay si Kuya Mario ang sumusundo sa akin. Nabalik ako sa hwisyo nang marinig ang kalansing ng susi sa bakal na rehas. Nalipat ang atensyon ko kay Craig. Hawak niya ang pouch ko. "Nasaan ang susi ng kotse ko?" kaagad kong tanong sa kanya. "Pambihira ka talaga," sagot ni Craig sa akin habang papalabas na ako ng selda. "Baka gusto mo munang hanapin ang kotse mo bago ang susi ng kotse?" "Alam kong nasa venue ang kotse ko," sagot ko sa kanya at kaagad na hinablot sa kanya ang pouch ko. Napahinga ako nang maluwag nang makitang nasa loob nito ang susi ng kotse ko. "Anong oras ba ang out mo? Pahatid naman doon sa venue. Kukunin ko lang ang kotse ko." "Ako na." Sabay naming nilingon ni Craig ang nagsalita. Pakiramdam ko ay biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo. Para bang naging slow motion bigla ang paligid at tumitigil sa pagdaloy ang oras. Bakit ganoon? Bakit hindi man lang nagbago ang reaksyon ng puso ko sa kanya kahit ilang taon na ang nakalipas? Inamin ko sa sarili ko noon that it was just a puppy love. Pero bakit ganito pa rin ang t***k ng puso ko? Kahit nag-matured ang mukha niya at pangangatawan, ay hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking unang nagpatibok ng bata kong puso. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam kong kuya siya ni Jeishi. Nakakatawa lang dahil pinagpapantasyahan ko ang isang lalaking hindi ko naman alam ang pangalan. Simula ng araw na iyon, hindi na siya nawala sa isipan ko. Kaya paanong makakalimutan ko siya? "Kilala mo siya, 'Nin?" nagtatakang tanong ni Craig sa akin. Bago pa man may makapagsalita sa amin ay may isang babae na ang yumakap sa akin. "Oh, gosh! I miss you so much, Janine!" Sandali nga lang. Hinintay kong kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nang magharap kami ay kulang na lang mapanganga ako sa kanya. What the hell! "J-Jeishi?" gulat kong tanong habang pinasadahan siya ng tingin. "Is that you?" Wala na siyang suot na salamin sa mata. Hindi na rin magulo ang buhok niya. Higit sa lahat ay maayos na rin ang pananamit niya. Kung susumahin, mukhang nagkapalit kami ng style. Ako na ngayon iyong manang kung pumorma. Mabuti na lang talaga at naka-dress ako ngayon. "Ano ka ba. Ako pa rin ito!" Bukod sa hitsura nila, pati sa pananalita ay nagbago rin. "Kung saan nangibang bansa kayo ay saka pa kayo natutong mag-Tagalog?" naiiling kong sabi sa kanila. "Well, hindi ba nasabi ni tita sa iyo?" tanong naman ni Jeishi sa akin. Kumunot ang noo ko. "Sinong tita?" Napansin ko ang pag-iwas ng tingin ng kuya ni Jeishi. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan niya. Hindi ako nag-abala noon na alamin. Masyado akong nainis sa biglaan nilang pag-alis. Kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko naman akalain na hindi pala siya makakalimutan ng puso ko. "Sandali nga lang," sabi ko at hinarap ulit si Jeishi. "Anong ginagawa ninyo rito?" Ngayon lang ako tinablan ng hiya. Nahihiya akong dito pa sa presinto ang muli naming pagkikita. Pero ano nga bang ginagawa nila rito? "Sinusundo ka namin!" masayang sagot ni Jeishi at inakbayan pa ako. "Marami kaming pasalubong sa iyo. Lalo na si Ku—" "Let's go," singit ng kuya ni Jeishi sa usapan namin. "Kukunin pa natin ang kotse mo." Pero nalilito pa rin ako. "Hep! Teka lang," awat ko kay Jeishi na inaakay na akong maglakad palabas ng presinto. "Bakit ninyo ako sinusundo at bakit ninyo alam kung nasaan man ako ngayon?" Ito na naman ang puso ko. Bumibilis na naman sa pagtibok. "I think si Tita Victoria na lang ang kausapin mo," sagot naman ng kuya ni Jeishi. "Ano namang kinalaman ni Mama rito?" nagtataka kong tanong at hindi ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari. "Hindi ba nabanggit ni tita na darating kami ngayon?" tanong naman ni Jeishi sa akin. Marahil ay gusot na gusot na ang mukha ko ngayon. "Kayo ba ang sinundo niya sa airport?" Tumango si Jeishi at halatang ang saya-saya niya. Hindi ako bobo para hindi kaagad makuha ang sitwasyon. Ang dami kong gustong itanong at isumbat. Pero dalawang salita lang ang lumabas sa bibig ko. "Putang ina..." Walang may nagsalita sa kanila. Isa pa, si Mama ang gusto kong makausap ngayon nang mas maliwanagan ako sa mga nangyayari. Ramdam yata nila na wala ako sa mood makipag-usap kaya hinayaan lang nila akong manahimik. Hinatid nila ako sa venue ng kasal ni Papa. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang kotse ko. Atat na akong makalabas sa kotse na ito. Sa sobrang abala ng utak ko ay hindi ko napansin na kotse pala ni Mama ito. What the f*ck was going on! Nang ihinto na ng kuya ni Jeishi ang kotse ay kaagad na akong bumaba. Nakakapaso ang tensyon. Halos paliparin ko ang kotse ko pauwi ng bahay. Hindi ko pa man naririnig ang mga sasabihin ni Mama ay hindi ko na matanggap. Hindi ko alam kung anong irarason. Basta hindi ko tanggap, period! Hindi ko na nga naisara ang pinto ng kotse nang makababa ako sa pagmamadali ko. Magtutuos tayo Mama! Hindi ko na rin pinansin pa ang paghinto ng sasakyan na ginamit nila Jeishi. Oo, minsan ay naihiling kong sana magkita kami ulit. Pero hindi sa ganitong paraan! Kapapasok ko lang ng bahay pero dinig na dinig ko ang halakhak ni Mama. Nakakarindi! Kaagad akong nagtungo sa kung nasaan man sila ngayon ng kausap niya. "Mama!" sigaw ko nang makapasok ako sa living room. "What's the meaning of this!" Sabay pa silang tumayo ng lalaking kausap niya. "Ahmm, calm down, anak," nakangiting sabi ni Mama pero halatang hindi niya alam kung anong sasabihin. Narinig ko ang mga yabag na papasok sa kung nasaan man kami ngayon. Alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko, pero gusto kong marinig iyon mula kay Mama. "Magsasalita ka ba, Mama? O babasagin ko ang mukha ng lalaking iyan?" nanghahamon kong sabi kay Mama at tinuro pa ang katabi niyang lalaki. "Janine!" sigaw ni Mama, ni Jeishi at ng kuya niya. Mabuti pa siya at kilala ako. Kaya naman ay nilingon ko silang dalawa. "Ah, so tanggap ninyo na kayo ang mga anak ng lalaking sumira sa pamilya namin? Sumira sa akin!" "Janine!" sigaw ni Mama at hinablot ang braso ko. She then slapped me. Narinig ko ang pagsinghap ni Jeishi. "Victoria!" sigaw naman ng tatay nila Jeishi. "Are you out of your mind?" Kaagad na lumapit ang tatay nila Jeishi sa akin. "A-Are you o-okay? Hindi sinasadya ng mama mo iyon." Humakbang ako paatras habang hawak ang pisnging sinampal ni Mama. "K-Kahit na kailan, hindi ko kayo matatanggap!" Tumakbo ako papalayo sa kanila kasama ng puso kong luhaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD