Chapter 3 - Under That Tree

1558 Words
"Oy!" sigaw sa akin ni Craig. "Alam kong lasenggera ka pero may bukas pa naman! Kung makainom ka akala mo naman katapusan na ng mundo!" Inirapan ko lang siya. As if namang makikita niya. Nandito kami ngayon sa paborito naming bar. Pagkatapos kong mag-walk out sa bahay ay kaagad kong tinawagan si Craig. Kasama namin ngayon ang kapatid niyang si Chloe. Mas bata pa sa akin si Chloe pero parehas kaming nasa last year na ng college. Nakailang bote na rin kami ng Black Label. Ganito ang mga paborito kong inumin. Ayaw ko nang simpleng cocktail lang, kakaumay at walang thrill. Gusto ko iyong tipong gumagapang ako pag-uwi. Iyon nga lang, hindi ako basta-basta nalalasing. Na-immuned na yata ako dahil maaga akong natutong uminom ng alak. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Craig at nanonood lang sa mga nagsasayaw sa dance floor. Medyo nahihilo na ako pero nasa hwisyo pa ako. Thirteen years... Ganoon katagal na ang lumipas at ngayon lang kami ulit nagkita. Pero sa ganitong paraan pa. Nagpapatawa talaga ang tadhana. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa sa alaala ko ang araw na iyon. Unang beses ko siyang nakita at hindi ko akalain na iyon din ang huli. "I'm disappointed, brat..." Tatlong salita lang pero tumatak iyon sa isipan ko. Akala ko ay mawawala na ang nararamdaman kong iyon sa kanya dahil ilang taon na rin ang nakalipas. Pero ito at bumalik na naman. Tumibok na naman ang puso ko na hindi naman nangyayari sa ibang lalaki. Pumapabor ang puso ko sa kanya, pero hindi pabor sa akin ang tadhana. Life was really ironic, wasn't it? That day, umuwi ako kaagad galing sa clinic. May benda ang siko ko at masakit pa rin ang ulo ko dahil sa pagkakatama ng bola sa mukha ko. Pagkarating ko ng bahay ay pag-aaway kaagad nina Mama at Papa ang sumalubong sa akin. Noong araw ding iyon ko nalaman na may ibang lalaki si Mama. Hindi lang ako sigurado kung ang lalaking iyon from thirteen years ago ay siya ring ama nila Jeishi. Ang ama ng lalaking unang nagpatibok ng puso ko. I was now torn into pieces. Confused and all alone. Punong-puno ng hinanakit ang puso ko at hindi ko na nga kinaya, dahil nagpaligsahan na sa pag-agos ang mga luha ko. Madilim naman dito sa pwesto namin kaya hindi ako mapapansin nila Craig. Pasimple ko lang na pinupunasan ang mga luha kong wala yatang balak na tumigil sa pagdaloy. That day galit na galit ako kay Mama at sa lalaki niya. Nagmukmok ako sa kwarto ko at hindi ako pumasok kinabukasan. Pero nang maalala ko ang sinabi ni Jeishi na aalis sila ay kaagad akong naghanda para pumasok sa hapon. Pero huli na dahil wala na siya. Wala na sila. I was so broke back then. Nasanay kasi ako sa presensya ni Jeishi. Lagi niya akong kinukulit at kinakausap kahit na hindi ko naman siya sinasagot kung minsan. Siya lang talaga ang naglakas ng loob na lapitan ako. Akala ko ay magiging magkaibigan kami pero iniwan niya rin ako. I deserved that though. Kasi ipinagtatabuyan ko rin naman siya kaya deserved kong maiwan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa kuya niya pa unang tumibok ang puso ko. Na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang nararamdaman kong iyon. Pero bakit? Bakit kailangang tatay pa nila ang naging lalaki ng nanay ko? Hindi ko alam kung alin ang hindi ko matanggap. Na tatay nila ang kabit ni Mama o dahil sa hindi pwede ang nararamdaman ko para sa kuya ni Jeishi? Parehas lang siguro iyon. Nilingon ko sina Craig at Chloe. Mga mahihinang nilalang. Mahimbing na yata ang tulog ni Craig at si Chloe naman ay umiiyak. My gulay! Paano ako makakapagpaalam nito na mauuna nang aalis? Kaagad kong tinawagan si Kuya Mario. "Ikaw na pong bahala sa dalawang ito." Ganoon lagi ang set up. Kapag sila ang natamaan ay si Kuya Mario na ang pinapaasikaso ko sa kanila. Ganoon din kapag ako naman ang nasobrahan sa kalasingan. Bitbit ang isang bote ng Black Label ay lumabas ako ng bar. Kaagad kong naramdaman ang lamig at napamura na lang. Hindi pala ako nakapagbihis, tang ina! Tinanggal ko ang suot kong stiletto at hindi ininda ang magaspang na daan. Dahil hindi ako sanay magsuot ng heels ay nasugatan ang talampakan ko. Paika-ika kong tinungo ang kotse ko at kaagad iyong pinaandar. Pinaharurot ko iyon at isang lugar lang ang pumasok sa isipan ko. Ilang minuto lang ay narating ko na ang eskwelahan namin. Nag-park ako mismo sa harap ng gate kaya kaagad akong nakilala ng security guard. Lagi akong pumupunta rito kahit hindi na ako nag-aaral dito. Kaya kilala na ako ng mga security guard. "Ma'am Janine?" tawag sa akin ni Kuya Andress at kaagad na lumapit sa akin. "Lasing na naman po kayo." "Gusto ko lang magpahangin, kuya," sagot ko sa kanya at hindi na siya pinansin. Bitbit ang bote ng alak, nakayapak lang akong naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Hindi ko alam kung anong oras. Sobrang dilim ng buong campus pero may mga ilaw naman kaya nakikita ko pa nang maayos ang nilalakaran ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ito. Pero lagi kong natatagpuan ang sarili kong nakahiga sa damuhan sa ilalim ng isang partikular na puno. Iyon ang lugar kung saan huli akong kinulit ni Jeishi. Kaagad akong nahiga nang marating ko ang lugar na iyon. Kusa na ring umagos ang mga luha kong punong-puno ng hinanakit. Kailan ba magbabago ng direksyon ang buhay ko? Bakit puro na lang sakit ang dumadating? Kailan ko mararanasang maging masaya? I was blaming my parents all the time but I was blaming myself of what I became. Kung hindi ko ba kinulong ang sarili ko sa kaisipang walang kwenta ang mga magulang ko, nag-iba kaya ang takbo ng buhay ko? Kung nag-aral ba akong mabuti kahit wala silang pakialam sa akin, nagbago kaya ang tadhana ko? Nagulat ako nang may naglagay ng throw blanket sa katawan ko. Akala ko si Kuya Andress lang pero marahas akong napabangon nang makita kung sino ang lalaking umupo sa tabi ko. Ang kuya ni Jeishi. Putang ina, ano ba kasing pangalan niya! "Hindi ka pa rin nagbabago," panimula niya. "Rito ka pa rin laging tumatambay." Kumunot ang noo ko sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? How did he knew that this spot was my favorite? "Paano mo nalamang narito ako?" kaagad kong tanong sa kanya. Naka-side view siya at nakaharap sa malawak na soccer field. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay iniba niya ang usapan. Tinuro niya ang isang pathway. "Naalala mo pa ba ang nangyari sa iyo roon?" Wala na akong maintindihan. Una, bakit siya naririto? Pangalawa, paano niya nalamang nandito ako? Pangatlo, bakit tinatanong niya sa akin ang bagay na iyon? Nang hindi ako nagsalita ay siya na mismo ang sumagot sa sarili niyang tanong. "Doon ako unang naglakas ng loob na lapitan ka." "W-What are you talking a-about?" naguguluhan kong tanong ulit sa kanya. Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Matagal ko nang alam ang tungkol sa daddy ko at mama mo." Wala akong masabi dahil sa pagkagulat. Umihip ang malamig na simoy ng hangin at tanging ingay mula sa mga dahon ang siyang maririnig. Saka ko pa lang nahanap ang gusto kong sabihin. "Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin ngayon? Para ano? Para mas lalo akong saktan?" He looked at me immediately. Kung dati ay kaya kong salubungin ang mga mata niya, ngayon ay hindi na. Ako ang unang umiwas dahil pakiramdam ko ay napapaso ako. "You're still stubborn, as always," komento niya na nagpabalik ng tingin ko sa kanya. "Excuse me? As if you know me that well," naiinis kong saad sa kanya. "Kung makasabi ka sa akin ng 'I'm disappointed, brat', akala mo naman ay kilalang-kilala mo ako!" "So all this time, you remember?" tanong niya na malayong-malayo sa topic namin. Saka ko lang napagtanto ang una niyang tanong sa akin kanina— ang tungkol sa nangyari sa pathway thirteen years ago. Para ko na ring inamin na naaalala ko nga. Nagiging matabil na yata ang dila ko. "So what kung naaalala ko?" pagtataray kong balik na tanong sa kanya. Nakita kong nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Hindi ko matukoy kung anong klaseng emosyon ang pinapakita ng mga mata niya. Ito yata ang resulta nang masyadong kong paglayo sa mga tao. Hindi ko kayang basahin kaagad ang reaksyon nila. Kaya minsan ay nagiging insensitive ako. Umiwas siya ng tingin at binalik iyon sa harapan. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong una kitang nakilala kaysa kay Jeishi?" What? Tama ba ako ng dinig o nabibingi na ako? Pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. "P-Paano?" Iyon na lamang ang lumabas na tanong sa bibig ko. Napakarami kong gustong itanong at sabihin pero nabablangko ang utak ko ngayon. Idagdag pa itong puso kong naabnormal na yata. "Nakita kita nang minsang sundan ko si Tita Victoria," sagot niya at hindi pa iyon sapat para matigil ang kalituhan ko. "Hindi lang ikaw ang nasira, Janine. Hindi lang pamilya ninyo ang nasira. Dahil nasira din kami nang dahil sa mama mo." Para bang tinutunaw ang puso ko sa narinig at nakikita kong reaksyon niya ngayon. Pero mas natunaw ang puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD