"C-Clara... I think I'm really falling." Napalunok ako nang paulit-ulit, sinusubukang i-digest sa isip ko ang mga salitang inilabas ng bibig niya. Hindi ako makasagot sa kaniya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. "Is there any chance that you would catch me...?" pagbabakasakali niya. "B-Baste..." Huminto ako at kinagat ang ibabang labi ko. "P-Pwede bang i-enjoy muna natin ang kung ano mang m-mayroon t-tayo ngayon? H-Hindi pa kasi ako kumbinsido..." Buong lakas kong inamin sa kaniya iyong katotohanan na iyon. Pawang katotohanan lang naman iyon dahil iyon ang totoo kong nararamdaman. Hindi pa ako kumbinsido nang kaunti, ngunit alam ko na ang gusto kong isagot sa kaniya. Alam ko na ang isasagot ko, ngunit hindi ko pa rin alam kung paano at kung kailan ko sasabihin sa kaniya ang sagot ko

