"Nanay..." Nakatalikod sa gawi ko si Nanay nang lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Tahimik akong napabuntong hininga at ibinaon ang mukha ko sa balikat niya. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa sabay hawak sa dalawang kamay kong naka-pulupot sa baywang niya. "Bakit nanlalambing ang anak ko?" natatawa niyang tanong. "W-Wala po, 'Nay..." Pilit akong ngumiti bagaman hindi niya nakikita. Gusto ko lang naman magpahinga kaya ko siya niyakap. Namiss kong makasama si Nanay dahil inaagaw na kasi ng paga-aral ang oras ko na makasama ang pamilya ko. Ganoon rin naman si Cora dahil busy rin siya sa paga-aral kaya hindi namin masyadong nakakasama nang matagal si Nanay. Nakakalungkot nga dahil hindi ko na natutulungan si Nanay sa trabaho niya bilang labandera. Mukhang mahina ang mga kinikita ni

