"U-Uh, Clarysse, sigurado ka ba talaga riyan?" Napalunok ako habang nakatingin sa kaniya mula sa repleksyon niya sa salamin. Narito siya sa likuran ko, sinusuklayan ang buhok ko dahil ip-pony niya raw muna ang buhok ko habang inaayusan niya ako para pagkatapos niyang ayusin ang mukha ko ay aayusin niya naman raw ang buhok ko. Kinakabahan pa rin kasi ako sa gagawin niya. Baka kung ano pang sabihin sa akin ng ibang estudyante rito, baka mas lalo lang magalit sa akin sina Alexa at ang mga kaibigan niya. Tsaka, baka kung ano pang sabihin sa akin ni Baste kapag nalaman niyang si Clarysse pa ang gumawa nito. Ngumiti siya at tumango. "Oo nga, Clara. Ano bang problema? Ayaw mo ba? Tell me agad para bibihisan na lang kita." "H-Hindi naman..." Umiling ako. Natawa siya. "E 'di ano? Parang ang la

