Kabanata 4

3661 Words
Isang mahinang tawa ang narinig ko kaya naidilat ko ang mata ko. Nakita ko ang natatawang mukha ni Sebastian. Tsaka ko lang napagtanto kung bakit siya tumatawa, tsaka ko lang napagtantong nagmukha pala akong tanga sa harapan niya. Nahiya tuloy ako bigla dahil sa katangahan ko. Ang buong akala ko kasi ay hahalikan niya ako! Hindi ko naman alam na hindi niya naman pala itinuloy dahil nakapikit nga ako! Nakakahiya tuloy. Baka isipin niya pang isa rin ako sa nagkakagusto sa kaniya kaya ganoon na lang kadali sa akin ang magpa-halik sa kaniya. Kahit na hindi ko naman talaga siya gusto ay baka isipin niya iyon nang dahil sa pag-asa ko sa kaniyang hahalikan niya ako. Wala pa naman sa isip ko ang pagi-pag-ibig na iyan dahil ang prayoridad ko ngayon ay ang pamilya ko. Gusto kong maayos muna ang buhay namin at mabigyan ng maayos na buhay ang mga magulang ko pati na rin ang kapatid ko. Gusto ko munang abutin ang pangarap ko bago ako tutungo sa pag-ibig na iyan. Sabi kasi nila at base na rin sa naririnig ko sa mga taga sa amin, sinasabi nilang sagabal lang daw ang pag-ibig sa pangarap. Sa tingin ko ay totoo naman kaya iyon rin ang paniniwala ko. Kaya nga mas maganda munang abutin muna ang pangarap, ayusin ang buhay ng pamilya, at tulungan sila. Kapag okay na ang lahat-lahat at tsaka na pwedeng umibig. Para sa akin, iyon ang gagawin ko. Hindi ko rin naman jina-judge iyong mga may karelasyon kahit na tinutupad pa rin nila ang pangarap nila. Sa tingin ko rin naman ay walang mali doon, huwag lang talaga masyadong magpaka-lunod sa pag-ibig dahil hindi nakagaganda ang mga bagay na sobra. Walang magandang idudulot ang mga bagay na "sobra". Hindi ko naman obligasyon ang pamilya ko na bigyan sila ng magandang buhay kahit na panganay ako. Hindi obligasyon ng mga panganay na anak o maski sinong anak pa 'yan. Hindi nila obligasyon ang pamilya nila. Pero dahil nga sa kahirapan, walang nagagawa minsan dahil kailangan talagang tumulong para mabuhay kaya, karamihan talaga ay ang panganay nilang anak ang ino-obliga nila dahil nga "panganay" at "mas may alam". Nakakalungkot lang na ganoon ang iniisip nila, nakakalungkot na porke panganay ka ay kargo mo na ang buong pamilya mo. Nasa sa iyo naman iyon kung tutulungan mo ang pamilya mo. Pero sa akin, pamilya ko sila. Mahal ko sila kaya gusto ko silang tulungan. Gusto kong mapaganda ang buhay namin, kahit nga hindi na maging mayaman, basta may nakakain nang tatlong beses sa isang araw at may panggastos para sa pang-araw-araw na pangangailangan ay ayos na. "What makes you think that I'll kiss you?" Muling natawa ang nakaka-bwisit na Sebastian na ito, inaasar pa ako. "Your lips are dry, why would I kiss that?" Dry? Marahan kong itinaas ang kanang kamay ko at dahan-dahang hinawakan ang labi ko. Nangunot na lang ang noo ko dahil hindi naman totoo ang sinabi niyang dry ang lips ko. "H-Hindi naman, e..." Ibinaba ko na ang kamay ko at pinaglaruan iyon. Natawa siyang muli ngunit agad ring sumeryoso matapos ang ilang minuto. "Ms. Severino, don't assume that I will kiss you. I don't even like you. You're here to teach me, just like what Ma'am Odi wants," aniya. Alanganin akong napatawa para ibsan man lang ang kaunting kabang nararamdaman ko. "H-Hindi naman ako umaasa." Sino ba naman siya para magustuhan ako? Masyado siyang mataas para sa akin, hindi ko siya abot. Ang mayaman ay para lang sa mayaman at ang mahirap ay para lang sa mahirap. Hindi kami pwede dahil hindi ko siya maaabot. Tsaka, kung makapagsalita naman siya ay parang gusto ko rin siya, ah? Hindi ko rin naman siya gusto. Katulad nga ng sinabi ko kanina, wala pa sa plano ko ang pag-ibig na iyan. "Okay." Nagkibit balikat siya. "Ma'am Clara, may delivery po sa labas, hinahanap kayo. Ayaw naman po ibigay sa amin, ikaw ang gustong makaharap." Pinahiran ko ang luha kong lumandas sa pisngi ko at walang kaemo-emosyong nilingon ang kung sino mang sumira sa pagr-reminisce ko ng nakaraan namin ni Sebastian. "What delivery?" I asked with no emotions. "Hindi ko po alam, Ma'am." Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Pagkababa ko naman sa baba ay nakabukas ang main door. Nakita ko pang nagi-isa na lang si Cora doon sa couch, mukhang umalis na 'yong mga kasama niya. "What's that?" bungad ko. There's a guy standing in front of me, holding a big bouquet of flowers. May hawak pa siyang kung ano sa kamay niya na hindi ko naman alam. Nang tignan ko siya ay kumunot ang noo ko dahil naka-all black siya. He's also wearing a mask. Hindi ko siya mamukhaan nang sa mata lang. "Delivery, Ma'am." Mas lalo lang akong nagtaka. Pamilyar ang boses niya pero hindi ko maalala kung saan o kung kailan ko ba narinig ang boses na iyon. "Who's that from?" I asked again. "An anonymous delivery for Ms. Claralie Severino. Ikaw po ba si Ms. Clara?" I arched a brow. "Yes, I am Clara. Answer my question first. Who's that from?" "Anonymous, Ma'am." "Babayaran ko?" tanong ko at handa na sanang ilabas ang wallet ko ngunit mabilis siyang umiling. Kinuha ko iyong bouquet na ibinigay niya. Napaliyad pa nang kaunti ang likuran ko dahil sa laki at bigat n'ong bulaklak. Habang narito pa iyong delivery guy ay tinignan ko na agad iyong bulaklak. Kinalkal ko iyon para hanapan ng card sa kung sino mang galing. Hindi naman ako nabigo dahil may nakita akong maliit na kulay puting card. Binasa ko ang nakalagay roon. "Want me to satisfy you, Ms. Severino? From Sebastian Laxamana." Napairap ako at dali-daling inihagis sa labas iyong bouquet. Nakita kong nagulat iyong lalaki sa harap ko na mukhang may kausap sa phone through text dahil nagt-type siya. "Throw that away. Pakisabi sa nagbigay niyan, kainin niya nang buo 'yang mga bulaklak niya at baka mas matuwa pa ako!" Pagkatapos kong sabihin iyon ay sinamaan ko siya ng tingin. Isinara ko na ang main door pero bago ko pa maisara iyon ay nahagip pa ng mata ko iyong kotse sa labas ng gate. Kulay itim na kotse iyon ngunit hindi ko na lang inintindi at baka rito rin galing sa lalaki iyon. Alam ko namang hindi itong lalaking ito si Sebastian. Sebastian's tall, I guess, he's already six-one feet now. Ito kasing lalaki sa harap ko ay parang nasa five-nine lang. Malaki ang katawan ni Sebastian at maliit naman ang katawan nitong nasa harapan ko. Isa pa, Sebastian has white complexion. Moreno naman itong lalaki. In short, he's not Sebastian, but he's really familiar. Sa palagay ko ay nagkita na kami somewhere before pero hindi ko na matandaan kung saan at kailan. Pamilyar ang mata niyang singkit nang kaunti at pamilyar rin ang deep yet pleasant voice niya. Matapos kong isara ang main door ay umakyat na ako sa itaas, hindi na inintindi si Cora na busy sa phone niya. Kinabukasan, naging palaisipan pa rin sa akin iyong tungkol sa pagu-usap namin ni Sebastian kahapon. Hindi na nga iyon nawala sa isip ko, e. Buong gabi at hanggang mag-unaga ay iyon na lang ang laman ng isip ko. Hindi ko pa rin siya maintindihan. Ang kapal ng mukha niyang bumalik na akala niya ay may babalikan pa siya. Masyado siyang nagpaka-kampante na mababalikan niya ako kahit hindi na. Simula nang iwan niya ako at nang malaman kong pinaglaruan niya ako, binago ko ang sarili ko. Ayaw ko nang maulit iyong naging kawawa ako noon dahil lang iniwan ako ng mga taong importante sa akin. Aminin ko man o sa hindi, pairalin ko man ang pride ko o sa hindi, nasaktan ako. Nasaktan ako noong iniwan niya ako at nalaman kong pinaglaruan niya lang ako para makuha niya ang gusto niya. Ang gusto niya... Na hanggang ngayon ay gagamitin niya na naman ako para makuha ang gusto niya. Masyado akong nagpaka-bulag sa pagmamahal kaya inakala kong mahal niya rin ako. I was so in love with the idea of falling in love, kaya rin siguro ganoon ang kinalabasan. Nagmadali ako dahil sa kaniya... At kasalanan niya ang lahat nang ito. He doesn't deserve my love, he doesn't deserve me... He doesn't deserve it all! "Ma'am, nandyan na 'yong products sa loob. Nagtext na sa akin si Sandra, siya na raw ang umasikaso n'on," ani Martha. Nasa loob pa kami ng sasakyan, papunta na sa kumpanya. Sinubukan kong kalimutan ang pagu-usap namin ni Sebastian kahapon ngunit hindi ko naman magawang makalimutan dahil kusa lang itong pasok nang pasok sa aking isipan nang wala man lang pahintulot mula sa akin. Hangga't maaari ay ayaw ko siyang ibalik sa isipan ko dahil hindi naman worth it iyon. Ayaw ko siyang isipin, ayaw kong magpaka-stress nang dahil lang sa kaniya. Gusto ko siyang kalimutan na nang tuluyan, iyong tipong hindi ko na siya kilala sa muli naming pagkikita. He's not worth it at all. He's selfish, masyado niyang mahal ang sarili niya kaya wala siyang pake kung may masasaktan siyang iba, makuha lang ang gusto niya. "What products?" I creased my forehead. "Product po ng perfume na ie-endorse mo, Ma'am." Mas lalo lang akong nagtaka. "Ie-endorse?" "Ma'am, in-accept mo 'yong endorsement ng well-known perfume dito, 'di ba?" Napaisip ako nang saglit, tsaka lang pumasok sa isip ko na in-accept ko nga pala 'yong endorsement n'on dahil sa sobrang inis ko kay Sebastian. Nagsisi tuloy ako dahil hindi muna ako nag-isip. Bahala na. Endorsement lang naman iyon. Pwede ko pa iyong i-cancel kapag hindi ko nagustuhan ang products nila. After a couple of minutes, nakarating rin agad kami sa kumpanya. Nakita ko pang may kumpol-kumpol na mga tao doon sa harapan. "Bakit maraming tao, Manong?" tanong ko, salubong na ang kilay. "Hindi ko po alam, Ma'am, may lalaki pong nakatayo doon." Dali-dali akong sumilip sa bintana ng kotse. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita si Sebastian doon, pinagkakaguluhan ng mga tao. Nagtagis ang bagang ko. "Stop the car, Manong," utos ko. Inihinto ng driver ang kotse sa tapat ng kumpol-kumpol na tao. Natigilan sila sa kaguluhan nila nang marinig ang paghinto ng kotse. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis na bumaba ng kotse. "What the hell is this!?" salubong ang kilay kong bungad. Naghiwa-hiwalay sila at yumuko sa akin. Isang tao lang ang hindi yumuko, iyon 'yong nasa gitna. Lalaki at hindi lang basta-basta lalaki dahil si Sebastian iyon. "What are you doing here!?" He lifted a corner of his lips. "Good morning, Ms. Severino." "What the hell are you doing here!?" asik ko sa kaniya. He smoothly ran his fingers in his hair. "I'm here to satisfy you." I heard some of them gasp. Bigla akong namula, hindi dahil sa kilig o hiya, kung 'di dahil sa galit! "The hell!?" "Let's go, milady?" He offered his hands but I refused. Inirapan ko siya at pumasok sa loob ng kumpanya ko kasama ang mga bodyguard ko at pati na rin si Martha na dala-dala ang mga gamit ko. Narinig kong sumunod iyong mga taong nasa labas kanina, they are my employees. Before I even forget, hinarap ko iyong mga nagc-chismisan kanina sa labas, iyong mga empleyado kong pinagkukumpulan at pinagkakaguluhan si Sebastian. "You are all fired!" sigaw ko. Narinig kong suminghap ang iba, umangal ang iba. Wala akong marinig sa kanila kung 'di ang pagtawag nila sa akin ng "Ma'am Clara" ngunit hindi ko lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad patungong elevator. May nangahas pang lapitan ako at hawakan ang braso ko ngunit winaglit ko lang iyon. Agad ko ring ipinadampot sa isa sa mga security para mabawasan ang problema ko. "Ir-review na po ba natin ang products, Ma'am? Nasa table niyo na po sa office niyo." Biglang sumulpot si Sandra, hawak-hawak ang mga folder na palagi niyang dala-dala kasama ng isang tablet na kulay itim. Tipikal na sekretarya, isang pencil cut skirt ang suot niya, puting pang-loob, at black na cardigan. "Let's hire new employees. Ang daming nabawas sa atin. Make sure na papasa sa qualifications ang ihaharap niyo sa akin." Pagkasabi ko n'on ay saktong bumukas ang elevator. Lumabas kami ni Sandra at Martha mula doon at tumungo sa office. "What the actual hell..." inis kong bulong nang makitang nakatalikod mula sa gawi ko ang swivel chair ko. Mukhang naagaw ko ang pansin ng kung sino mang nakaupo roon kaya inikot niya ang swivel chair ko dahilan para bumungad siya sa akin. Mas lalo lang akong sumimangot nang makita si Sebastian doon, nakaupo, at may malaking ngisi sa labi. "Nice office, Ms. Severino. Care to renovate it? I can help you with the renova-" "I don't need your help! I don't need your money! I don't need you at all!" inis kong sigaw, napipikon na. Bigla siyang natawa. Kahit na namumula at umuusok na ang ilong ko dahil sa inis ko sa kaniya ay nagagawa niya pang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. "I thought you want me to satisfy you, huh?" A corner of his lips lifted. Umirap lang ako, hindi sumagot. Inis kong kinuha kay Martha ang gamit ko. Papasok pa sana silang dalawa ngunit agad ko silang pinigilan. "Leave us for a moment, I need to get rid of this jerk," wika ko, nagtatagis ang bagang. Tumango silang dalawa at tumalikod na. Hindi pa nakaligtas sa paningin ko ang paghagikhik ni Sandra. Mukhang may pinagu-usapan silang hindi ko alam na wala rin akong balak na alamin. Nang mawala ang dalawa ay mahinahon kong hinarap si Sebastian. Huminga muna ako nang malalim bago siya seryosong tinignan. "What do you need?" mahinahong tanong ko. Tumayo siya mula sa swivel chair at lumapit sa table ko. Sumandal siya roon at pinagkrus ang mga kamay niya. "I told you, Clara, I need you to marry me. Marry me as soon as possible. I can give you the benefi-" I cut him off. "Alin ba doon sa mga sinabi ko ang hindi mo maintindihan, Mr. Laxamana? 'Di ba, sabi ko naman sayo, hindi ko kailangan ng pera mo! Hindi ko kailangan ng tulong mo sa kumpanya ko! Hindi kita kailangan sa buhay ko!" He arched his left brow, didn't even bother to answer me. "Where are you when I needed you the most, huh? Where are you when I needed you to stay 'cause I can't stand alone? Where are you, huh!?" asik ko. "Pero bakit ngayong kaya ko na lahat, tsaka mo lang ako tutulungan? Bakit? Kasi may kailangan ka na naman? Gagamitin mo na naman ako? Hindi ako gamit para gamitin, Sebastian!" Hindi siya sumagot, bagkus ay marahan siyang humakbang palapit sa akin. Hindi ako natinag, nanatili lang ako sa kung saan ako nakatayo. "What do you want me to do, Clara? What do you want me to do for you to accept my offer and marry me?" "You're so selfish!" I stunned when he's now in front, three inches away from me. I breathed heavily. "Do I need to satisfy you like this?" Hinawi niya ang buhok kong nakakalat sa pisngi ko at inilagay iyon sa likod ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na 'to. Bumabalik sa isipan ko ang mga alaala naming dalawa habang nasa harapan ko siya ngayon, kaunting lapit na lang ay magdidikit na namang muli ang mga balat namin. Gusto kong iiwas ang sarili ko sa kaniya dahil sobrang lapit niya ngunit hindi ko magawang gumalaw nang maayos. Ni maski paghinga ay nahirapan pa ako. He leaned closer, he was about to kiss me. Nahinto lang siya nang iiwas ko ang mukha ko gamit ang paglingon ko sa kabilang gawi. "S-Stop it..." Napansin kong natigilan rin siya at mabilis na umiwas. Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "I don't need that kind of satisfaction, Sebastian." Muli akong huminga nang malalim. "And... I don't need you, too. I can on my own, Baste. I don't need your help anymore." He chuckled softly. His chuckle was a bitter one. Pagkatapos n'on ay bumuntong hininga siya at tumango. "Don't make me do worst things just for you to say yes, Clara." Tsaka siya tumalikod at naglakad paalis. Wala akong ibang marinig na ingay kung 'di ang bawat pagtama ng sapatos niya sa sahig. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko ay naghabol ako ng hininga. Parang nanikip bigla ang dibdib ko, hindi ako makahinga nang maayos. Ang bigat-bigat sa dibdib. Umupo ako sa swivel chair at ipinahinga ang sarili ko. Sakto namang naglitawan sa isip ko ang kontinwasyon ng mga alaala namin. "Anak! May ibibigay kami sayo ng Tatay mo!" Pagkauwi ko sa bahay galing eskwelahan ay sinalubong ako nina Tatay at Nanay ng isang malaking ngiti. Napangiti rin ako nang makita ang ngiti nila. Nakakapagod sa eskwelahan dahil sa dami naming ginawa, idagdag mo pa ang unang araw ng pagt-turo ko doon sa Sebastian na iyon. Nakakapagod nga pero nakita ko lang ang mga ngiti sa labi nina Nanay at Tatay ay parang gumaan na ang dibdib ko at nawala ang pagod na nararamdaman ko kahit papaano. Habang tinturuan ko si Sebastian kanina ay napagtanto kong hindi naman pala siya ganoon ka-mangmang. Kung tutuusin ay marunong naman siya ngunit hindi ko lang talaga alam kung bakit kailangan ko siyang itutor gayong marunong naman siya. Isa pa, parang ang labo ng sinasabi na babagsak na siya. Hindi halata sa kaniya. Mabait naman siya... Nang kaunti. Iyon nga lang, reklamador, ingles nang ingles, hindi siya pala-ngiti. Ngingiti, ngingisi, o hindi kaya ay tatawa lang siya sa isang sitwasyon o isang bagay na hindi naman katawa-tawa. Mukha siyang wirdo ngunit pinakisamahan ko na lang para pareho naming matapos ang pagtuturo sa kaniya. Masungit rin siya. May ugali siya, pero may kabaitan rin naman nang kaunti. Caring siya kaya siguro iniligtas niya ako doon sa notebook na ibinato ng kaibigan niyang Brent yata ang pangalan. "Ano po 'yon, Nay?" nakangiting tanong ko. Nae-excite tuloy ako kung ano iyong ibibigay nina Nanay sa akin. "Ito, anak, o!" Lumapit ako sa kanila at nagmano. Pagkatapos n'on ay ibinaba ko na ang bag ko. May ini-abot sila sa aking isang box na kulay puti. Kumunot ang noo ko at kinuha iyon. "Ano 'to, Nay?" "Buksan mo na lang, anak. Sana ay magustuhan mo." Napakamot sa ulo si Nanay. Ngumiti ako sa kaniya at binuksan iyong hawak ko. Lumapad ang ngiti ko nang makita iyong nasa loob. Isa iyong cellphone na may pindutan! "Pasensya ka na, anak, ha. Hindi na uso 'yan ngayon ngunit iyan lang ang kaya naming ibigay sa ngayon," malungkot ang tinig na sabi ni Tatay. Mabilis akong umiling, malaki ang ngiti. "Naku, Tay! Ayos lang po! Ang saya-saya ko nga po!" Sabay ko silang niyaka habang nakangiti. Pinagmasdan ko pa ang cellphone na hawak-hawak ko ngayon. Kulay pula iyon na cellphone na may pindutan. Hindi ganito ang cellphone na nakikita ko sa mga kaklase ko dahil walang pindutan ang kanila at mas malalaki, malalapad pa nga. Ang alam ko ay kaya n'ong gumalaw kahit pa kamay mo lang ang gagamitin at walang keypad. Masama ang mainggit ngunit minsan ko na ring hiniling na sana ay magkaroon na ako ng cellphone. Nakikita ko kasi sa mga kaklase ko na kaya nilang makipag-usap sa isang taong malayo gamit itong cellphone. Pwede nilang padalhan ng mensahe o hindi kaya ay tawagan. "Salamat po ulit!" "O s'ya, maghahanda muna ako ng hapunan natin para pagdating ng kapatid mo ay makakain na tayo ng hapunan." Tumayo si Nanay at ngumiti naman ako. Nakita ko mula sa gilid ng mga mata kong tumayo rin si Tatay. "Pupunta muna ako kay ka-Ulpin para doon sa sweldo ko ngayong buwan. Iwan muna kita rito, Clara, ha?" "Sige, 'Tay. Salamat po ulit!" Pagkaalis ni Tatay ay kinalikot ko iyong cellphone na hawak ko. Binuksan ko iyon at nakita kong puno pa ang baterya. Nakita ko ring may nakapasak na na sim card kaya hindi ko na kailangang maglagay pa. Kinuha ko iyong calling card na napulot ko kanina doon sa classroom kung saan kami galing ni Sebastian. May pangalan iyon ni Sebastian at mukhang kaniya iyong calling card na iyon. Dali-dali akong nagtype para makita kung kaya nga bang makapag-mensahe sa isang taong malayo gamit ito. Ako: Hi "Paano ba 'to?" nakangiwing tanong ko sa sarili ko. Pinindot ko iyong send na button na nakalagay sa screen. Nag-panic na lang ako nang makitang nag-send iyon. "'Nay! Paano 'to!?" Mukhang hindi ako narinig ni Nanay dahil hindi man lang siya sumagot sa akin o tumugon. Napakamot ako sa ulo ko. "Paano ko buburahin iyon? Kaya bang burahin 'yon?" Napakamot na naman ako sa ulo ko. "Paano ba 'to?" Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang tumunog iyong cellphone. Pagtingin ko doon sa screen ay nanlaki na lang ang mga mata ko nang mapagtantong kaya ngang makapag-mensahe sa isang taong malayo gamit ito dahil may isang text akong natanggap na mukhang isang sagot mula sa mensaheng si-nend ko. Unknown: Who's this? "Ingles-ero talaga 'to." Natawa ako. May biglang pumasok sa isip ko kaya napangiti ako. Nagtipa ako ng reply sa kaniya. Ako: Hulaan mo! Pagka-send ko n'on ay naghintay ako nang ilang minuto hanggang sa makatanggap muli ako ng sagot. Unknown: I don't have time for your nonsense. Who's this? I ain't playing here. "Sungit mo talaga." Napahagikhik ako. "Gwapo mo sana kaso ang sungit-sungit mo. Nuknukan ka nang sungit at suplado! Reklamador pa! Naku! Ganoon ba talaga kapag mayaman?" Ako: Gwapo mo Natawa ako at buburahin na sana iyong nai-type ko ngunit nanlaki na lang ang mga mata ko kasabay ng pagkahulog ng panga ko nang iba ang napindot ko. Napindot ko iyong send! "Paano 'to, Nay!?" muli kong sigaw. Maya-maya ay tumunog na naman iyong cellphone. Napapikit na lang ako at nahihiyang napakamot sa ulo ko nang makita ang reply niya. Unknown: I know. Another admirer, huh? Hindi naman ako admirer! Sa sobrang hiya ko ay inilapag ko na lang iyong cellphone at hindi na nagreply sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD