Kabanata 3

3176 Words
Isang tikhim ang narinig ko kaya nagbalik ako sa reyalidad. Everything's still a blur for me. Ayaw mag-sink in sa akin na nasa harap ko na naman siya ngayon matapos ang ilang taong hindi kami nagkita. Sobra-sobra ang galit ko kay Sebastian dahil sa ginawa niya sa akin. Puro sakit at galit na lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Wala nang pagmamahal matapos nang ginawa niya sa akin. Sinamantala niya ang pagiging mahina ko. Alam niya kasing hindi ako makagaganti sa kaniya dahil hindi ko siya abot noon. Wala lang akong mapapala. Ngunit ngayong pantay na kaming dalawa at bumalik na ulit siya sa buhay ko... Hinding-hindi ko na hahayaang maging masaya siya. "What do you want from me?" deretsong tanong ko sa kaniya. He cleared his throat first before answering me. "I have a proposal for you." Proposal? Ganoon pa rin talaga ang boses niya. Malamig, madiin, at walang kaemo-emosyon. Maski ang mga mata niya ay wala akong makitang emosyon. He's still that cold hearted billionaire that I've met before. I thought that he's different... Pero akala ko lang pala. Wala siyang pinagkaiba sa lahat. Wala siyang pinagkaiba sa iba, pare-pareho lang sila. May mga tao talagang sasamantalahing mahina ka, sasamantalahin nilang hindi mo pa kaya kaya ganoon na lang kadali para sa kanila ang saktan ka kasi alam nilang hindi mo sila magagantihan. Pero, akala niya lang 'yon. Sinong nagsabi sa kaniyang hindi ko ibabalik sa kaniya ang lahat nang sakit na ibinigay niya sa akin? Ibabalik ko sa kaniya lahat. Lahat-lahat. I scoffed. "Proposal? For what? For me? What kind of proposal?" I acted as if what he have said is funny. Kahit nakita niyang tumatawa ako nang nangangasar ay hindi nawala sa mukha niya ang pagkawalan ng emosyon. He remained poker face. Nainis ako dahil doon. Nakakaasar talaga siya! Unti-unting nawala ang tawa sa mukha ko. Sumeryoso ako at pinagtaasan siya ng kilay. "Proposal..." He paused a bit. "Marriage proposal." Wait... A what? "W-What?" "Marriage proposal." May sumilay na maliit na ngisi sa labi niya ngunit hindi iyon ang pinagtuonan ng pansin ko. May kung anong lumusob sa puso ko na dahilan para sumabog ako sa galit. Hindi ko siya maintindihan, e. Babalik siya sa buhay ko... Para ano? Para lang bigyan ako ng lintik na proposal? At marriage proposal pa? Anong hangin ba ang pumasok sa isip niya at naisip niya ang ideyang 'yon? Anong tingin niya sa akin? Dating tangang Claralie na isang sabi niya lang ay susunod agad ako? Pwes, hindi! Hindi na ako ganoon! I killed the old Claralie! Kasabay ng pagpatay ko sa dating Claralie ay ang pagpatay ko rin sa kung ano mang nararamdaman kong pagmamahal sa kaniya na hindi ko naman dapat naramdaman! "A what?" Bigla akong natawa na parang may nakakatawa sa sinabi niya. "Marriage proposal?" Sa kabila ng peke kong mga tawa ay unti-unting nawala ang maliit na ngisi sa labi niya. Seryoso ang mukha niya, walang kahit anong bahid ng emosyon habang ako ay parang tangang tumatawa nang mag-isa. Ngunit hindi naman totoong tawa iyon. Gusto ko lang iparating sa kaniya na ang tanga ng idea niya. "Was that a joke? God, that was so funny!" I stopped laughing and wiped my imaginary tears. Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa akin, walang kahit anong emosyon pa rin sa mukha niya. Matapos ng peke kong pagtawa ay sumeryoso rin ako. "Grabe, you're a good joker, huh? Saan ka nag-aral niyan? Pwede mag-enroll? Grab-" "I'm not joking, Clara." Ngumisi ako at tumango. "I know. Para kasing joke, e." May bigla siyang inilapag sa table na napagi-gitnaan naming dalawa ngayon. Isa iyong manipis na papel. Out of curiosity, I creased my forehead. "See for yourself," he said. Kinuha ko iyong manipis na papel na iyon at tinignan. Napatawa na lang ako nang makumpirmang isa iyong tseke na mukhang alam ko na kung bakit niya ibinibigay. Nagkakahalaga iyon nang halos sampung milyon. Ano bang tingin niya sa akin? Sa tingin niya ba ay kailangan ko nito? "Ano 'to, suhol?" Bahaw akong natawa. "Or... Baka naman gusto mong palitan ko pa 'to ng cash? Tsaka, ten million lang? Ito lang kaya mo?" Natawa ako ngunit nanatili siyang seryoso, hindi inintindi ang pangangasar ko sa kaniya. Ten million, huh? Ten million lang ba ang halaga ko para sa kaniya? Ten million lang ba ang kaya niyang ibigay sa akin? Mababa pa rin ba ang tingin niya sa akin? Sa tingin niya ba ay ako pa rin iyong Claralie na madali niyang makukuha? His ass. Baka bigyan ko pa siya ng mas malaking halaga kaysa sa sampung milyon niya. Kung sa tingin niya ay madadala niya ako sa pera, mag-isip-isip siya. Hindi ko kailangan ng pera niya. I have my own money, baka isampal ko pa sa kaniya. Masyado niya akong minamaliit. Hindi niya alam ang mga kaya kong gawin ngayon. "Just to remind you, Mr. Laxamana, I can buy whatever I want." I paused. "With my own money," diin ko. Hindi siya sumagot. "I have my own money. Kaya ko na, Mr. Laxamana. If you think that I'm still the old Claralie, please delete it on your mind. It has expired." Tipid siyang tumango at yumuko nang kaunti. Akala ko ay may kung ano siyang naramdaman dahil sa sinabi ko pero laking pagtataka ko nang makita siyang mag-angat ng tingin habang may malaking ngisi sa labi. "Are you sure that you don't need my help?" Tumango ako. "Mukha bang kailangan ko?" Hindi siya sumagot at pinanood lang akong ilapag sa table na nasa gitna namin iyong Prada bag ko. Umangat nang kaunti ang labi niya nang makita ang bag ko. Hindi ko iyon inintindi at kinuha ang phone ko para i-text ang body guards ko na nasa labas ng restaurant kung nasaan kaming dalawa ni Sebastian. "Clara..." Nag-angat ako ng tingin. "Let's be formal here, Mr. Laxamana. Just call me Ms. Severino and I'll call you Mr. Laxamana." "Okay. If that's what you want." He nodded. "How are you now? You changed a lot. You even have your own company now." A corner of my lips lifted. "Thanks to you. Thanks for playing me as if I was a game. I'm okay now. I can do better now..." Nawalan muli siya ng emosyon nang marinig ang sinabi ko. "Life f****d me hard, so I f****d back." Hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha ko. "You really changed..." Nakita kong namungay ang mga mata niya. Dahil doon ay nakita ko kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Alam kong may sakit at lungkot siyang nararamdaman ngayon. Basang-basa ko pa rin talaga ang mga emosyon niya na ang gamit lang ay ang mga mata niya. Hindi na nagbago, at sa tingin ko ay hindi naman iyon magbabago. Nasasaktan siya? Nalulungkot siya? Pero, bakit? Bakit naman siya masasaktan kung siya mismo ang may kasalanan at may kagagawan kung bakit kami napunta sa hiwalayan? Huwag siyang masaktan at malungkot na wala na kami dahil kung hindi sa kaniya, hindi sana 'yon mangyayari. Isa pa, baka nga ako lang talaga ang nagmahal sa aming dalawa. I think, that was just a one-sided love. He made me believe that he's in love, when in fact, he just acted as if he really loves me just to get what he wanted to get before. Malamang sa malamang ay nakuha niya na ang ginusto niyang kunin noon. Masaya na ba siya ngayon? Masaya na ba siyang pinaglaruan niya lang ako? Masaya ba siya sa kinalabasan n'on? Masaya ba siyang sinaktan niya ako? I guess, he's happy. Ano pa bang aasahan ko? He's heartless! Hindi niya ako minahal! Kaya sa malamang ay masaya siya ngayon dahil nasaktan niya ako noon. Baka nga hindi man lang siya nakonsensyang iniwan niya ako nang wala man lang paa-paalam. Ano pa bang aasahan ko sa katulad nila? Pare-pareho lang silang mga mayayaman! Wala silang pake kung may nasasaktan, naa-agrabyado, at natatapakan sila! Masyado silang ma-ere! Ang akala kasi nila ay isang hagis lang nila ng pera sa ginulo nila, magiging ayos na ang lahat. Wala silang pakundangan, wala silang puso. I promised myself that I will never be them... Pero, dulot na lang siguro ng galit ko sa lahat kaya nagkaganito ako. Wala na akong pinagkaiba sa kanila ngayon... Pero, ano bang pake ko? Nasaktan ako, nadapa ako, hirap na hirap ako noon pero ni isa ay walang tumulong sa aking maka-tayo kung 'di ang sarili ko lang. Lahat nang mayroon ako, lahat nang kung gaano kalaking pera ang mayroon ako, ang lahat nang iyon ay dahil sa pagsisikap ko. Hindi ako nanghingi, hindi ako nangutang, hindi ako humingi ng tulong sa kanila dahil tinalikuran nila ako. Kapatid ko lang ang kasama ko... Lahat sila iniwan ako noong kailangang-kailangan ko sila. Lalo na itong lalaking nasa harapan ko ngayon. "I changed? I should change, Mr. Laxamana." I sweetly smiled. "Pain changes people. We change after the pain, after the sufferings, after the chaos. We need to change in order for us to be fine." "Are you happy?" "Oh, come on, Mr. I should be the one who's asking you that question." Natawa ako. "Are you happy now?" Punong-puno ng pagka-sarkastiko ang pang-huling tanong ko. Halatang-halata doon ang pait. Hindi agad siya nakasagot kaya natawa akong muli. "Why can't you answer my question? Guilty that you deserted me when I needed you the most? Guilty that you played me like a fun game? Guilty that you left without even saying a single word?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong sa kaniya ang mga tanong na iyon. Punong-puno ng sakit, pait, at galit dating ng tanong ko. I've always wanted to ask him those questions. Noon pa lang ay gustong-gusto ko nang itanong sa kaniya iyon ngunit hindi pa kami nagkikita noon. Sa totoo lang ay inasahan ko na darating ang araw na ito kahit pa hindi ko siya ginustong makita. Hinintay ko ang araw na ito, kung saan kaya ko na siyang pagsalitaan ng kung ano-ano, araw kung saan maitatanong ko na sa kaniya ang lahat nang tanong na iniwan niya sa isipan ko noong iniwan niya ako. "C-Clara..." I smirked. "First name basis, huh? Are we even that close for you to call me by my name?" "Clara..." banggit niyang muli sa pangalan ko na parang nangangasar pa. "Lolo's dying..." Oh. What a bad news. Please insert sarcasm on my previous statement. Mamamatay na ang matandang iyon? Akala ko ba ay matagal mamatay ang masamang d**o? Nakaka-surprise naman. Naghiwalay lang kami ng apo niya, mamamatay na siya. "What do you want me to do? Ipagamot siya? Gamutin siya? O baka gusto mong sabihin ko sa kaniyang ''wag, 'wag ka munang mamatay' at baka sabihin niyang hindi niya na lang itutuloy ang pagkamatay niya dahil pinigilan ko siya. Ganoon ba?" Pagak akong natawa. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa akin. "Are... Are you really that heartless now?" "You made me like this, Mr. Stop questioning me." "He's dying and he wants to see me getting married while he's still alive. That's also his condition. Makukuha ko lang ang mamanahin ko kapag nakita niyang ikinasal ako nang totoo." Natawa ako, pekeng tawa. What a cliché condition. Akala ko ay sa palabas ko lang makikita ang mga ganito, maski rin pala sa tunay na buhay. E, ano ngayon kung hindi niya makuha ang mamanahin niya dahil wala siyang mapakasalan? Hayok na hayok na ba siya sa kayamanan kaya gustong-gusto niyang makuha ang mamanahin niya? Isa pa, bakit ako? There are many ladies out there that he can marry! Bakit ako pa talaga? As if naman papayag akong magpakasal sa kaniya? Ang lakas naman ng kumpiyansa niya sa sarili kung nage-expect siyang magpapakasal nga ako sa kaniya? "Why me?" "I know that-" "I can't and I don't want." Umiling ako, nagmamatigas. "I need to get marry as soon as possible, Clara... P-Please, help me." Nag-please pero walang emosyon ang mukha kahit pa nautal? Anong katangahan ba ang ginagawa niya? Sa tingin niya ba ay madadala niya ako? "Help?" Ngumiwi ako. "Did I even asked for your help before?" "Clara..." I shook my head. "I won't marry you, Mr. Laxamana. I don't need your money... I don't need you at all." Kinuha ko iyong tsekeng nasa mesa at pinunit iyon sa gitna. Saglit niya lang tinapunan ng tingin iyon bago muling ibinalik sa akin ang paningin niya na para bang wala siyang paki-alam kahit pagpupunit-punitin ko pa sa harapan niya ang tseke niya. "What do you want me to do? Do you want me to kneel in front of you? Do you want me to kiss your feet? Tell me, Clara." Natawa ako. "Are you really that desperate?" "What do you want me to do?" "Satisfy me." Ngumisi ako. Doon na nagtapos ang usapan namin ni Sebastian. Pagkalabas ko ng restaurant na iyon ay nagpahatid agad ako sa mansyon para ipahinga ang sarili ko. Pagod na pagod ako, katawan at ang isip ko. Parang bigla akong nawalan ng enerhiya dahil sa pakikipagkita at pakikipag-usap ko sa kaniya. Sebastian never changed. Kung may nag-iba lang sa kaniya, iyon ay 'yong itsura niya. Mas tumangkad siya, baka nga nasa braso niya lang ako. Mas lalong naging matured ang itsura ng mukha niya, lumaki rin ang katawan niya. He's hot, I admit, but that won't make me come back to him. Pagkauwi ko sa mansyon, si Cora ang naabutan ko kasama ang isang lalaki at babae, naroon sila sa couch. Mukhang may ginagawang project dahil kalat-kalat ang papel. "Cora," tawag ko sa pansin niya. Mabilis silang napa-angat ng tingin sa akin. Ngumiti ang kapatid ko at agad na tumayo para lapitan ako at hagkan. "Bakit ang aga mo ngayon, Ate?" tanong niya. Inabot ko sa isang kasambahay ang gamit ko at hinayaan siyang dalhin iyon sa kwarto ko. Niyakap ko pabalik ang kapatid ko at agad ring humiwalay sa kaniya. "I'm tired kaya I came home early. Ikaw? What are you doing? Are they your classmates?" Sinulyapan niya saglit iyong kasama niya na nag-bow bigla. Hindi ko na lang pinansin iyon at binalingan si Cora. "Groupmates ko, Ate. May project kasi kami kaya kailangan naming gawin ngayon." I nodded. "I see." "Aakyat ka na ba, Ate?" "Yes, I'm really tired." Tipid akong ngumiti. "You take care, okay? If you need something, you can message me." "Okay, Ate." Tinapik ko lang ang balikat niya bago ako nagpaalam na aalis na para maka-akyat na ako nang tuluyan sa kwarto ko. Nakabibinging katahimikan mula sa kwarto ko ang namayani nang makapasok ako sa loob. Wala akong ibang marinig na tunog kung 'di ang paghinga ko at ang takong kong umaalingawngaw ang tunog sa bawat paghakbang ko. Dumeretso ako sa vanity mirror at umupo roon para pagmasdan ang sarili ko. I heaved a very deep sigh. "Bakit ginugulo niya na naman ako? Akala ko, puro galit na lang... Pero, bakit may sakit pa rin?" wala sa sariling nai-usal ko sa sarili ko. How dare him come back after leaving me without even saying a single word? There's no even goodbyes at all. Pinagmukha niya lang akong tanga. Kung hindi lang dahil sa kaibigan niya, baka hindi ko pa nalaman na pinaglaruan niya lang pala ako. Ang kapal ng mukha niya. Tapos ngayon, babalik siya para lang sabihin sa akin na gusto niya akong pakasalan? Anong mapapala ko? Iyong sampung milyon niya? Huwag na huwag niyang i-dahilan sa akin na mamamatay na ang magaling niyang Lolo 'cause that will never be a valid reason for me to marry him. Isa pa, bakit ko siya pakakasalan? Bakit ako magpasasakal sa taong sinaktan ako noon? Kung umaasa pa siyang mahal ko pa rin siya o may nararamdaman pa rin ako sa kaniya, tumigil siya dahil wala na. Walang-wala na. Kasabay ng pagpatay ko sa kung sino ako noon, inilibing ko na rin ang kung ano mang pagmamahal na mayroon ako para sa kaniya noon. Ni hindi ko nga alam kung bakit ba minahal ko ang lalaking 'yon. He's not even worth it. Sinayang niya lang, sinayang niya lang ang lahat-lahat. Habang nakatingin sa salamin, nakita kong may isang likidong biglang tumulo mula sa mga mata ko. Mainit ang likidong iyon kaya mabilis kong pinunasan iyon gamit ang kamay ko. Bakit ko ba iiyakan 'yong taong 'yon? Dahil lang sa pagbalik niya, iiyak ako? Gold ba siya para iyakan ko? The hell with you, Clara? Biglang may pumasok na alaala sa isip ko kaya natahimik ako. "S-Saan mo ba ako dadalhin? A-Akala ko ba magr-review tayo?" Labis na kaba ang naramdaman ko nang makitang palayo na kami sa kung saan kami galing kanina. Ang buong akala ko ay doon kami tutungo sa isang classroom ngunit laking gulat ko nang doon kami sa likurang bahagi ng school pumunta. "Why are you so noisy?" inis niyang tanong. Napakamot na lang ako sa noo ko. Saktong nahagip ng mga mata ko ang kamay niyang hawak-hawak ang kamay ko nang napaka-higpit. May naramdaman akong kung ano sa loob ko ngunit hindi ko masabi kung ano iyon kaya binalewala ko lang iyon. Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang maliit na room. Binuksan niya ang pintuan n'on at tumambad sa akin ang isang maayos na classroom. Hindi naman iyon ganoon kalaki ngunit sapat na ang kwartong iyon para sa dalawa hanggang tatlong tao. "D-Dito ba tayo maga-aral?" tanong kong muli. "Isn't it obvious?" Umiling na lang ako at pumasok na sa loob. "Makulit sila, ayaw nila akong tantanan. That's why we're here. I don't want to study there, for sure, they'll bug me again." "A-Ah..." Sa kalagitnaan ng isang napaka-seryosong pagkakataon, bigla akong natawa kaya kunot noo niya akong nilingon. "What's funny?" "Bakit ba gustong-gusto ka nila? Ibig kong sabihin, ano bang nakita nila sayo na hindi ko naman makita-kita?" Lalong nangunot ang noo niya. "Really? Am I really the one that you're asking me about that? Why don't you ask them?" "Iniiwasan nila ako, e." Nagkibit balikat ako. Biglang umangat ang sulok ng labi niya. "Maybe, I am too hot and gorgeous." "Huh?" Napangiwi ako. Totoo naman ang sinasabi niya pero hindi ko naman siya type kaya hindi ko talaga maintindihan kung bakit gustong-gusto nila itong lalaking ito. "I'm also a damn good kisser." He smirked. "Baka, gusto rin nila 'yong lips ko." Napatingin ako sa lips niya. Ngumiwi ako lalo. Mapula ang makapal niyang labi. Ang ganda ng labi niya ngunit hindi ko naman maintindihan kung paano niya nasabing "magaling" siyang humalik. Minsan ay napapaisip ako kung anong pakiramdam ng hinahalikan o 'di kaya ay nahalikan. Hindi ko pa kasi nararanasan iyon. Masyado pa akong bata para sa ganoon kahit pa nasa kolehiyo na ako. Wala naman iyon sa plano ko ngayon kahit pa halik lang iyon. Mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa labi niya kaya mas lumaki ang ngisi niya. Tsaka ko lang iyon na-realize kaya umiwas ako ng tingin. "Why are you staring like that? Do you wanna... Try?" Mabilis akong umiling. "H-Hindi! U-" Mabilis akong napatigil nang bigla niyang inilapit ang sarili niya sa akin. Napapikit na lang ako nang mapagtantong mahahalikan na ako ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD