Pagkauwi ko nang araw na iyon ay si Tita Luzinda agad ang bumungad sa akin sa mansion. Kausap niya si Cora nang makita ko siya. Hindi ko alam kung bakit narito siya at kung ano na naman ang kailangan niya ngayon. Panigurado ay may kailangan na naman siya o hindi kaya ay mangingialam na naman sa mga desisyon ko sa buhay. Pagkaabot ko sa kasambahay ng gamit ko ay agad akong lumapit sa kaniya. The heels of my sandals are screaming so much power as I walk towards them. "What are you doing here?" agad kong bungad, na kay Tita Luzinda agad ang paningin. She smiled, that was a fake one. "Bumisita lang ako rito. Masama ba iyon?" I scoffed. "Alam kong hindi lang pag-bisita ang ginawa mo rito. What do you need?" "Ate naman..." mabilis na suway sa akin ni Cora. What would I expect? Alam kong m

