Labis akong nagtataka. Ginugulo ako ng isip ko, hindi ako makatulog nang maayos. Ano ba itong nararamdaman ko? "Baste, 'di ba sabi ko naman sayo, ganito 'yan? Pwede rin 'tong solution na 'to at pwede rin itong isa. Tama na sana 'yong sagot mo, mali lang 'yong way mo para sa solution." Pinagsabihan ko siya na para siyang isang batang hindi naintindihan ang sinabi ko kaya kailangan pang ulitin. Kasi naman, paulit-ulit na nga naming nai-study ito ngunit hindi niya pa rin kabisado ang sa solution. Tumatama ang sagot niya ngunit wala ring silbi iyon kung mali ang way of solution niya lalo na kung gusto ng Teacher na may ganoon. Ang iba pa namang guro ay ganoon ang gusto dahil ang iniisip nila ay hinuhulaan lang o kinokopya ng mga estudyante nila iyong sagot kaya tumatama. "Damn way of solu

