Sa pag-lipas ng taon ay siya ang nakasama ko. Ganoon yata talaga gumagana ang pag-ibig, na tama yata ang sinabi nila na kapag pareho kayong nagmamahalan ng ka-relasyon mo ay talagang magta-tagal kayo. Isang taon. Isang taon na ang nakalipas nang makilala ko si Sebastian. Ini-tutor ko siya dahil sa kagustuhan ni Ma'am Odette, naging mag-kaibigan kami kahit pa hindi kaibigan ang turing niya sa akin, tinanggap ko ang lahat nang imperfections niya lalo na ang ka-sungit-an niyang nagu-umapaw... Hanggang sa pareho kaming nahulog sa isa't isa at pareho rin naman naming sinalo ang isa't isa. Sa hindi inaasahang pagka-kataon, natutunan ko ang "magmahal" nang dahil sa kaniya. Nalaman ko ang ibig sabihin ng "pagmamahal" na palaging sinasabi sa akin ng mga magulang at mga kaibigan ko. Sa kaniya ko n

