Paano kung may ginagawa siya na importante? Paano kung kinailangan siya sa kumpanya nila? Paano kung may inutos pala sa kaniya ang mga magulang niya? Paano kung pagod siya dahil may mga ginawa siya? Paano kung umalis sila ng Lolo niya at may kailangang puntahan na importanteng bagay? Napakaraming bagay ang naiisip kong posibleng dahilan kung bakit hindi nakapunta si Sebastian sa "date" na sinabi niya kay Brent para nga sa first anniversary namin bilang magka-relasyon, ngunit hindi siya sumipot. Nasaktan na nalungkot ako, oo, pero inisip ko na lang na baka may emergency sa kanila o may kailangan siyang gawin na ipinagu-utos ng mga magulang niya kaya hindi siya naka-sipot. Ayos lang, in-intindi ko na lang. Hindi naman masyadong importante iyon para sa akin. Tsaka, may mga araw pa naman na

