Tinawag na ako ni manang upang maghapunan hindi sana ako kakain ngunit magtataka na naman si dad at paniguradong susunduin lang ako ni mom dito. Nagpalit muna ako ng aking damit pagkatapos ay bumaba na rin ako, naroon na rin si kuya Ronald na nakapangbihis trabaho pa. Umupo ako sa tabi nito at kinamusta nito ang bagong bukas na shop ni Farrah hindi rin ito nakapunta dahil mayroon itong importanteng meeting kanina. "Ayos naman kuya." Sagot ko lamang habang naglalagay ng pagkain sa plato ko. Bida ni dad ang luto ni Julia na caldereta na halos maubos na ang laman ng plato nito. Pagkatapos nu'n ay nagpunta ako sa kusina upang kumuha pa para lang makaiwas sa kanilang dalawa. Nagsasandok na ako ng caldereta sa plato nang biglang agawin iyon ni Julia . "Ako na riyan." Binitawan ko naman

