Nagmamadali ako sa pagbibihis dahil tumawag sa aking si Larraine na dumating na ang mga bagong modelo ng motor galing sa ibang bansa. Pagbaba ko ng hagdan ay naroon si dad, Caleb at julia na nag-uusap sa sala. "Goodmorning dad." Hinalikan ko ito sakanyang pisngi habang inaayos ko ang suot ko. "Mukhang nagmamadali ka yata anak, halika ka mag-almusal ka muna bago ka pumasok sa V. E. M." Aya nito habang hawak pa ang kamay ko. "Thank you dad but I have to go, sa shop ako papasok mayroon kaming importanteng meeting ng mga staff." Hindi ko na hinintay ang sagot ni dad dahil kanina pa tumutunog ang telepono sa bag ko. Lumabas na ako ng bahay saka nagpunta sa may garahe at sumakay na kaagad ng kotse. Habang nagmamaneho ay napaisip ako kung ano ang pinag-uusapan nila at bakit ang aga aga naman

