Rocky Point Of View Nagpaalaam na ang mga kaibigan ni Wilson dahil mayroon din silang kanya kanyang meeting ngayong araw, babalik na rin sana ako sa pwesto nina dad ngunit sa tingin ko ay wala naman akong gagawin roon at nag-eenjoy pa ang mga ito sa pag-inum ng champagne. "Babe pwede ba tayong mag-usap sa ibang Lugar?" Pumayag naman ako dahil ayaw ko ng makisabay pa sa kotse ni Caleb. Lumapit muna ako kay kuya Ronald at bumulong dito na mauuna na kami ni Wilson at pumayag din naman ito. Lumabas kami ni Wilson sa restaurant na iyon at nagpunta sa isang café para duon makapag-usap, sa totoo lang ay wala naman dapat kaming pag-usapan dahil napakasimple lang naman ng hindi namin pagkakaunawaan. "Kaya ba hindi natuloy ang lunch date natin dahil mas inuna mo ang lunch meeting ninyo ni

