Rocky Point Of View
I woke up from a deep sleep because of a voice that I heard even though my eyes were still closed, my whole body was very painful as if I had been lying down for a long time and there was something in my neck that I could not speak.
Is it just a dream? Or is it true that the man I love is here by my side?
"Caleb?" Bigkas ko.
Nanunuyo ang lalamunan ko, pakiramdam ko ay napakatagal ko ng hindi umiinum ng tubig.
I slowly opened my eyes and saw the white ceiling that I thought was not my room. I closed my eyes and moved around until I saw several Doctors looking at me including Dr. Fajardo.
"Keitlyn." Lumingon ako sa aking tabi at nakita ko si kuya na nakangiti sa akin habang naluluha ang kanyang mga mata. Ano bang nangyayari? Bakit ako narito sa ospital?
Lumabas na ang mga doktor nang masiguro na stable na ako, ang ilang mga doktor ay para bang ngayon ko lang nakita at kung magsalita ay purong ingles.
"Keitlyn kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni kuya habang hawak hawak nito ang mga kamay ko.
"I'm fine kuya medyo masakit lang ang likod ko." Tumango ito saka hinaplos ang balikat ko.
Nang biglang dumating sina mom at dad na parehong naluluha din.
"Keitlyn anak." Mabilis na naglakad si mom patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"How's my baby? What do you want? May masakit pa ba anak? Ronald, anong sabi ng doctor?" Sunod sunod na tanong ni mom na para bang malala ang pagkakaospital ko.
"Mom, I'm fine don't worry." Sagot ko naman habang pinipisil pisil ang kamay nito.
"Dad?" Nang mapansin ko na napahinto sa paghakbang si daddy papunta sa akin.
Iniangat ko ang dalawang kamay ko na para bang bata na nagpapabuhat sakanyang ama. Naluluha pa ito nang lumingon sa akin.
"I'm so sorry Keitlyn, this was all my fault. Kasalanan ko ang nangyari kaya ka naaksidente." Lumapit si kuya Ronald dito at hinaplos ang kanyang likuran saka sila nagtungo sa akin.
"Aksidente?" Nang bigla kong maalala ang aksidente na nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa isang karera. Napahawak pa ako sa aking dibdib at makapa ko ang isang bagay na naroon kaya naman iniangat ko ang aking hospital dress at makita roon ang isang bandage. Anong ibig sabihin nito? Naoperahan ba ako?
"Kasalanan ko anak kung bakit ka naaksidente kung hindi sana kita napagsalitaan ng hindi maganda at hindi kita napagbuhatan ng kamay ay hindi sana sasama ang loob mo." Ano bang ibig sabihin ni dad? Alam ko ang tungkol sa aksidente pero hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
"Ano bang nangyari mom? Dad?" Hinawakan ni mom ang kamay ko habang hinahaplos ni kuya Ronald ang ulo ko.
"Naaksidente ka habang nagmomotor anak, ang sabi ni Dr. Fajardo ay inaatake ka sa puso habang nagmamaneho kaya nawalan ka ng balanse sa pagmomotor at maaksindente." Lumuha pa ito saka nagpatuloy.
"Keitlyn baby, bakit hindi mo sinabi sa amin ng daddy mo? Ng kuya Ronald mo na mayroon ka pa lang sakit sa puso? Kung hindi pa sa aksidente ay hindi pa sasabihin sa amin ni Farrah." Dugtong pa ni mom.
"I am really really sorry mom, dad, kuya kung hindi ko sinabi sainyo ayaw ko lang na mag-aalala kayo sa akin at huwag sana kayo magagalit sa kaibigan ko, kay Farrah." Pinunasan ko ang luha sa mukha ni mom.
"Don't worry about that Keitlyn, ang importante ay gising ka na ngayon alam mo bang napakatagal ka namin hinintay na magising?" Matagal nila akong hinintay na magising? Sa pagkakatanda ko ay kahapon lang nangyari iyon, tinignan ko ang mga braso ko at tuyo na ang mga sugat at galos dito.
"Yes Keitlyn almost two months kang comatose dahil sa aksidente, ang akala pa namin ay patay ka na dahil iyon ang sabi sa balita. Mabuti na lang at pumayag si doctor Fajardo na idala ka rito sa Australia kahit na pa nag-aagaw buhay ka at dali daling maoperahan." Dugtong pa ni kuya Ronald. Two months akong tulog dahil na comatose ako? At narito ako ngayon sa Australia?
"What do you mean kuya? Alam ng halos lahat na patay na ako?" Tumango ito saka naman pumasok ang kaibigan ko na si Farrah.
"Rocky?" Gulat ito nang makita ako.
"Oh my gosh Rocky gising ka na." Mabilis itong tumakbo patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit habang humahagulgol pa.
"Ano ba Farrah, stop crying. Hindi pa naman ako mamamatay." Humiwalay ito sa pagkakayakap saka ako kinurot sa tagiliran.
"Huwag ka ngang magbiro ng ganyan it's not funny OK?" Niyakap nito akong muli, saka naman sumenyas sina mom at dad na lalabas muna sumama naman si kuya Ronald sakanila kung iisipin mo lang talaga ay para kaming may relasyon ng kaibigan ko dahil binigyan pa kami ng privacy.
They say that I have been sleeping for a long time because I am comatose and the news also says that I am dead. Does this mean that Caleb also knows I'm dead?
Gusto ko sanang magtanong kay Farrah ngunit hindi pa ngayon, ayaw ko na munang mag-isip ng kung ano ano dahil ang gusto ko ngayon ay gumaling kaagad para kina mom at dad.
Habang nagkukwentuhan kami ni Farrah ay dumating rin si Wilson na gulat rin nang makita ako.
"Rocky?“ Kinurap kurap pa nito ang kanyang mata na para bang nakakita ng multo.
"And there you are, where you have been ba kasi?“ Sa tono ng pananalita ni Farrah ay para bang palaging magkasama ang dalawa.
"Tumawag kasi ako sa foundation para sa mga monthly expenses ng mga bata." Sagot naman ni Wilson, foundation? Lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko katulad ng ginagawa nito noon sa akin.
"Rocky, how are you? I can't believe you're awake, I'm so happy." Ngumiti naman ako dahil sa tuwa na nakikita ko sakanyang mata.
"Nabanggit mo ang foundation wilson tungkol ba iyan sa foundation na tinutulungan ko?" Gusto ko sanang magtanong kung nakikita ba niya si Caleb doon ngunit panigurado ako na hindi nito iyon magugustuhan.
"Of course Rocky, simula ng maaksindente ka ay hindi ako huminto na suportahan ang foundation dahil alam kong mahal na mhal mo ang mga bata." Kumindat pa ito sa akin, masaya ako sa narinig ko dahil kahit na napakatagal ko ng natutulog at narito pa ako sa Australia ay hindi huminto si Wilson na suportahan ang mga bata.
Ilang saglit pa ay lumabas naman si Farrah dahil tumawag sakanya si mom at naiwan naman kami ni Wilson.
"Pinag-alala mo ako ng husto Rocky, akala ko ay mamamatay ka dahil sa itsura mo sa aksidente noon kahit sino ay hindi makakaligtas." Garalgal na wika nito.
"Ganoon ba talaga kalala ang nangyari sa akin?“ Tanong ko naman saka ito tumango.
"Ang sabi ni kuya Ronald ay alam ng halos lahat na patay na ako dahil iyon ang sabi sa balita, ang ibig bang sabihin nito na lahat ng mga kaibigan natin ay alam na patay na ako?" Tanong kong muli rito.
"Nakausap ko na ang iba nating mga kaibigan na buhay ka at nagpapagaling ka lang dito sa Australia." Tumango naman ako, kabilang kaya roon si Caleb? Sina auntie Hasmin kaya? Sina Crissa.
"Why rocky? Does something hurt? Do you need anything? Water? Juice?" Ngumiti ako rito at umiling marahil ay napansin din nito na bigla na lang akong nanahimik.
Several days, weeks and months passed that I stayed here in the hospital. I don't see anyone else but mom, dad, my brother Ronald, Farrah, Wilson and Dr. Fajardo.
To be honest, I'm bored and I want to go home, but Doctor Fajardo's son, Doctor Nicolai, says I need to stay here for two more months.
Lumabas na rin ako ng I.C.U at sa isang private room na ang kuwarto ko. Nagpaalaam na rin si Dr. Fajardo na uuwi ng pilipinas at ang kanyang na si Dr. Nicolai na ang mag-aasikaso sa akin dito.
"Don't worry Mr. And Mrs. Valdez my son Dr. Nicolai is one the best doctor here in Australia, so you have nothing to worry about your daughter." Sabi nito habang nasa loob ng kuwarto ko, ngumiti naman sina mom at dad habang nakikipagkamayan dito.
"Thank you so much Dr. Fajardo." Sabi ko at niyakap pa nito ako ng mahigpit saka iniabot ang isang bouquet ng bulaklak.
"Get well soon Keitlyn." Ngumiti ito at lumabas na ng pinto kasama sina mom at dad naiwan naman kami roon ni kuya Ronald at Farrah.
"Alam mo Farrah pareho kayo ni Dr. Nicolai mabait, maasikaso and I think magugustuhan ninyo ang isa't isa." Tumingin lang ito sa akin saka nagpatuloy sa pagbabalat ng prutas.
"What do you think? Bagay naman kayong dalawa pogi siya at maganda ka." Dugtong ko ngunit ngumisi lang ito sa akin at inirapan pa ako. Sa tingin ko naman ay walang masama sa sinabi ko dahil sa haba ng panahon ng pagiging magkaibigan namin ay pareho kaming walang kainte interest sa mga lalaki.
"Kami? Bagay? No rocky, I think mas bagay kayong dalawa, tinginan at ngitian niyo pa lang iba na." Ipinatong nito ang prutas na binalatan nito saka umupo sa tabi ng kama ko.
"Sshhh pag narinig ka ni Wilson sigurado akong magagalit na naman iyon." Nagtaka naman ako sa sinabi ni kuya.
"Bakit naman magagalit si Wilson, kuya?" Nagtinginan ang dalawa saka tumawa si Farrah.
"Hindi mo ba napapansin kung bakit wala kang nurse na lalaki? Dahil iyon kay Wilson, lahat ng lalaking nurse kasi na tumitingin sa iyo especially noong comatose ay mukhang mayroon gusto sa iyo kaya 'yun nagrequest si Wilson na lahat ng nurse mo babae na lang." Tumango naman ako, nabanggit na rin naman ni Wilson sa akin noon na mayroon itong gusto sa akin ngunit hindi ko akalain na hanggang ngayon pa rin pala.
Isang buwan na lang at tuluyan na akong makakalabas ng hospital. Sa totoo lang ay wala pa rin akong plano kung ano ng gagawin ko pagkalabas ko ng hospital. Umuwi na rin sina mom at dad sa pilipinas noon pang nakaraan linggo para asikasuhin ang mga naiwang trabaho roon.
Masaya rin naman ako dahil sa palaging pagbisita at pag-aalaga ni kuya Ronald at Farrah sa akin kahit na umuuwi pa sila sa condo na binili nina mom at dad noon para gawin ang kanilang trabaho at meeting malayo naman kasi ang bahay nina lolo at lola.
Samantalang si Wilson naman ay halos dito na rin sa hospital tumira dahil dito na niya mismo sa silid ko ginagawa ang kanyang trabaho at zoom meeting mula sa pilipinas.
Madalas din nito akong dalhan ng iba't ibang klase ng bulaklak kahit na pa sinabihan ko na ito noon na hindi ako mahilig sa mga bulaklak.
Kung tutuusin ay napakaperpektong nobyo na ni Wilson bukod sa maasikaso ito ay sobra sobra rin ang pag-aalagang binibigay nito sa akin, bonus na lang talaga ang pagiging mayaman nito at ang mala artistahing itsura nito.
Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa dinami dami ng babae ay ako pa ang napili nitong pagtuunan ng pansin.
Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang napakatangos nitong ilong na pinagpapawisan na dahil sa zoom meeting kahit na pa napakalakas ng aircon sa loob ng kuwarto ko.
"Why?" He mouthed habang nakataas ang kilay nito.
"Nothing." Sabi ko habang umiiling. Nagpatuloy ito sa pagtatrabaho habang ako naman ay inip na inip nang nakahiga sa kama ko.
Kinuha ko ang kumot sa paanan ko saka ako nagtalukbong, ilang beses na akong nagrequest kay Dr. Nicolai na kung pwedeng maglakad lakad din ako pa minsan minsan ay hindi naman ito pumayag.
Napabuntong hininga na lang ako habang inilalagay sa tenga ko ang headset saka magsimulang magpatunog ng music.
Nang biglang may umupo sa tabi ng kama ko saka tanggalin ang kumot na nakabalot sa mukha ko.
"Why?" Napatingin ako sa mukha ni Wilson habang nakakunot ang nuo ko.
"Naiinip na ako Wilson, limang buwan na akong nakahiga rito baka makalimutan ko na kung paano ang maglakad." Tumawa ito saka kinuha ang telepono ko at ipinatong niya iyon sa mesa.
"Alright, saan mo ba gustong pumunta? Sa roof top?" Seryoso ba ang lalaking ito?
"Sa taas ng hospital na ito, sa tingin ko makikita mula rito ang buong lugar ng Sydney." Talaga ba? Pero baka magalit si Dr. Nicolai.
"Kung iniisip mo si Dr. Nicolai ako na ang bahala sakanya." Inilahad nito sa akin ang kanyang palad at iniabot ko naman iyon.
Dali dali kaming nagtungo sa elevator habang magkawak pa ang aming mga kamay, sinabi nito sa akin na gumamit ako ng wheelchair ngunit tumanggi ako dahil sabi ko ay hindi naman ako paralisado.
Nang makarating kami sa tuktok ng hospital ay nakita ko ang naglalakihang mga gusali roon, tanaw din mula rito ang mga magagandang tulay na napapaligiran ng iba't ibang mga ilaw. Tumakbo pa ako malapit sa gilid habang naka hawak sa mga bakal na naroon.
"Thanks Wilson." Sabi ko nang makalapit sa akin si Wilson ngumiti lamang ito at sabay naming pinagmasdan ang tanawin.
Napakalamig ng simoy ng hangin na dumarampi sa aking balat sabagay ay napakanipis ng hospital dress na suot suot ko ngunit hindi ko iyon alintana dahil nag-eenjoy ako sa mga nakikita ko.
Napalingon ako sa aking likuran habang inilalagay ni Wilson ang coat nito sa balikat ko.
"Salamat." Sabi ko.
"Baka sipunin ka, tara na?" Aya nito ngunit umiling ako.
"15minutes pa, please?" Ngumiti ito saka tumango, namiss ko ang lugar sa labas ng ospital. Paano pa kaya ang lugar sa pilipinas na lagi kong pinuntahan? Nang bigla kong maalala si Caleb? Nung huli namin pag kikita ay sa Airport at papunta ito ng Australia. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko na narito rin siya sa Australia. May posibilidad kaya na magkita kami rito sa Australia? Nasaan kayang parte siya narito? Tumingin ako sa ibaba at baka narito lamang siya.
"Times up." Hinawakan muli ni Wilson ang kamay ko at nagtungo na kami sa aking kuwarto habang naiisip ko na nasa iisang bansa lang kami ni Caleb.
Matapos ang tatlong araw nang magpunta kami ni Wilson sa roof top ay nagkasakit ako. Kaya naman nagalit sa akin ang Dr. Kong si Dr. Nicolai.
"I'm so sorry Rocky hindi na dapat tayo nagpunta roon sa roof top hindi ka sana magkakasakit." Hawak ni Wilson ang kamay habang pinupunasan ng basang bimpo.
"Don't blame yourself OK? Ako ang may kasalanan." Kasalanan ko naman talaga kung bakit ako nilagnat ngayon dahil matigas ang ulo ko. Sana lang ay hindi na ito iparating pa ni Dr. Nicolai kay mom at dad at baka mapasugod pa sila rito sa hospital ng wala sa oras.