Chapter 19

2312 Words
Muling bumalik si kuya Ronald kasama si manang at mang Kanor habang mayroon dala dalang yelo at inalalayan pa nila itong maglakad patungo sa amin ni Caleb. "Sino bang nagsabi na lasing ako? Magbabonding pa kami ni Keitlyn, namis ko ang kapatid ko." Umupo ito sa tabi ko at hinalikan pa ang nuo ko saka nito ako hinakbayan habang pasipol sipol pa. "Ronald, Rocky tama na iyan lasing na kayong dalawa baka masisante kami nito, kilala ninyo ang dad ninyo." Tumingin naman kami pareho ni kuya kay mang Kanor na nuo'y nililinisan ang lamesita. "Hindi naman ako lasing mang Kanor, itong si Keitlyn baka lasing na." Tinignan ko naman ito ng masama saka inalis ang braso nito sa balikat ko. "What? Ako lasing? Hindi no, saan banda? Baka gusto mo pang magmotor ako kuya at baka nakakalimutan mo na nakauwi ako dito sa bahay ng minsang nakainum, alam mo bang naka limang Tequila kami noon." Napatawa naman ito sa sinabi ko saka pinitik ang nuo ko. "Ano?“ Mariing naman na nakatitig sa akin si Caleb at pinanliitan ko naman ito ng mata saka ko itinaas ang mga paa ko sa lamesita. "Tama ang narinig ninyo, umuwi siya dito sa bahay nang nakainum at galit na galit sakanya si dad muntikan pa ngang ambahan ni dad kung hindi ko lang pinigilan." Nginisian ko naman si kuya at napabuntong hinga. "Hay tssk. Do you still need to tell them that?" Tumawa ito saka binuksan ang bote ng vodka at nagsalin muli sa panibagong baso na nilabas ni manang. "Naalala ko nga iyon at sinabihan ka pa ng dad mo na wala siya anak na tomboy." Sabay ang tawa nina kuya at mang Kanor. "Manang." Suway ko naman kay manang at tinawanan lang nila ako. We finished drinking the two vodkas left on the table while my older brother was already asleep in the chair, I was just laughing watching him because he was so drunk. At paniguradong malakas ang hang over ni kuya bukas, ilang beses pa itong ginising ni manang ngunit sobrang sarap na ng tulog nito. Inalalayan ito ni mang Kanor at Caleb upang umakyat na sa kuwarto nito. "Caleb ako na riyan at hihilamusin ko pa iyan, babalik ako pagkatapos ko bantayan mo muna itong si Rocky at baka lumabas pa." Tumayo naman ako saka hinakbayan si manang at hinalikan ko pa ito sakanyang pisngi. "Manang hindi ako lasing, sige na dalhin na ninyo si kuya sa kuwarto niya." Muli akong umupo at isinandal ang ulo ko sa upuan. Nagsimula silang naglakad papasok sa loob ng bahay habang inaalalayan nila si kuya Ronald. "Caleb ikaw na bahala kay Keitlyn iakyat mo na siya sa kuwarto niya, aasikasuhin ko pa si Ronald at nagkalat dito sa sala." Sigaw ni manang, napapailing naman ako habang napapatawa mas malakas pa rin talaga akong uminum kay kuya. Binuksan ko ang telepono ko saka ako nagpatunog ng kanta, ipinatong kong muli ang mga paa ko sa lamesita habang sinabayan ang kanta. "Rocky tumayo kana riyan tara na sa kuwarto mo." Umiling naman ako habang nakapikit. "Iwanan mo na ako rito Caleb matulog ka na, dito na muna ako magpapalipas ng oras aakyat din ako pag inaantok na ako." "Tssk bahala ka." Minulat ko ng bahagya ang mata ko at nakita ko itong naglakad na papasok sa loob ng bahay. Napangisi naman ako saka pumikit muli, ang manhid mo talaga Caleb hindi ka marunong makiramdam kahit kailan. Nang biglang tumunog ang telepono ko at sinilip ito kung sino ang tumatawag nakita kong nakalihistro roon ang pangalan ni Wilson. "Wilson napatawag ka? Alas onse na dapat nagpapahinga kana." "Nakainum ka ba Rocky? Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi mo, nasaan ka pupuntahan kita." "Uminum kami ni kuya Ronald at huwag ka ng mag-alala Wilson konti lang naman ang nainum ko, nandito lang din naman ako sa.." Nang biglang agawin iyon ni Caleb sa likuran ko saka nito ibinaba sa harapan ko ang hawak nitong kape. "Wilson magpapahinga na si Rocky at iaakyat ko na siya sa kuwarto niya." Binaba nito iyon saka nito iniabot sa akin. "Inumin mo na iyang kape para bumaba ang tama mo." Akala ko ba matutulog na siya, may pakape kape pa siyang nalalaman. Kinuha ko naman iyon saka ininum sa sobrang pait niyon ay naisuka ko lang iyon kasabay ng mga alak na nainum ko. "Anong klaseng kape iyan Caleb, hays sumakit lang ang ulo ko sa iyo." Inihagis nito ang bimpo sa akin saka naman ako nagmumog at pinunasan ang aking bibig. Umupo naman ito sa tabi ko saka muling iniabot ang kape tinignan ko naman iyon at nginisian. "So totoo palang isang buwan ka lang talaga dito? Bakit saan ka ba pupunta? Anong dahilan?“ Lumingon ito sa akin na seryoso ang mukha nito at ganoon din ako. "Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango naman ako at taimtim na nakatingin rito. Malakas itong napabuntong hininga saka nito ibinaba ang hawak nitong kape. "Pupunta ako ng Australia Rocky ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko siguro naman hindi pa huli para makapagtapos ako( tumingin ito sa akin at ngumiti saka muling nagpatuloy) hindi ko naman sana tatanggapin ang pagiging driver dito dahil sapat na ang kinikita ko pero malaki ang offer ni sir Rodrigo at doon palang ay malaking halaga na para tumuloy ako ng Australia." Napalunok naman ako dahil sa sinabi nito, desidido na nga ito na umalis at magtungo ng Australia. "Huwag mo sanang masamain ang itatanong ko sa iyo, nasaan na ba ang mga magulang mo?" Alam ko naman ang tungkol dito pero hindi ko alam kung bakit ko pa itinatanong. "OK lang kung hindi mo sasagutin mukhang nalasing nga talaga ako, akin na iyon kape." Napangiwi ako sana naman ito nagsalita. "Matagal ng patay si papa kapatid ni Auntie Hasmin, nagkasakit siya." "Eh ang mama mo nasaan?“ Lumingon ito sa akin at kita ko sa mga mata nito ang galit sakanyang ina. "Iniwan niya kami sumama siya sa ibang lalaki, namatay si papa dahil sa kakaisip sakanya araw araw umiinum si papa, araw araw siya nagpapakalasing at nagpapakalunod sa alak at dahil doon nagkasakit siya at namatay." "Sinisisi mo ba ang mama mo dahil namatay ang papa mo nang dahil sakanya? Natanong mo ba ang mama kung bakit niya kayo iniwan? Malay mo naman Caleb may nagawang hindi maganda ang papa mo kaya nagawa ng mama mo iyon.“ Umiiling ito saka tumayo at humarap sa akin. "Wala kang alam Rocky, wala kang alam sa paghihirap ni papa. Umalis si mama para sa sarili niyang interes at hindi man lang kami inisip na mga anak niya." Napahinto naman ako dahil sa lakas ng boses ni Caleb sa tono nito ay malalim ang pinanghuhugutan nito. Naalis ang kalasingan ko dahil ibang Caleb ang nakikita ko ngayon, ang Caleb na may puot sa puso. "Pero sana bigyan mo ng chance ang mama mo Caleb na magpaliwanag sa inyo ng mga kapatid mo hindi natin alam na baka mayroong malalim na dahilan ito." Lumapit ito sa akin saka nito ako nginisian. "Bakit Rocky kilala mo ba ang mama ko para ipagtanggol mo siya? Nakasama ka ba namin sa paghihirap ni papa para sabihin mo iyan? Wala kang alam Rocky at hindi mo alam ang pakiramdam ng hindi buo ang pamilya kaya huwag kang makialam." Parang sinuntok ng ilang beses ang puso ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ni Caleb. Inihagis pa nito ang bote ng vodka at nagkalat ang mga bubog nito sa sahig, nanatili lang akong nakaupo habang siya naman ay naglakad na palayo at nagtungo sa kanilang tulugan. Napapikit nalang ako habang hawak hawak ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit ba kasi ako nakikialam sa buhay niya. Ano naman ngayon kung aalis siya at pupunta sa Australia? Di umalis siya, wala akong pakialam sakanya kung makasigaw parang hindi niya ako amo ah. Sinipa ko ang lamesita sa aking harapan saka naman ito natumba, tumayo ako habang kumakapit sa mga upuan. Pasuray suray akong naglalakad habang hawak hawak ko ang ulo ko, mukhang tinamaan na rin ata ako at hindi ko na kaya pang umakyat sa kuwarto ko kaya naman nagdesisyon nalang ako na sa sala matulog. Humilata ako sa sofa at hindi na inalis ang suot kong rubber shoes, tinignan ko ang oras sa aking relo at pasado ala una na ng madaling araw. Inalarm ko pa ang telepono ko ng alas singko para makapag morning exercise gamit ang motor ko at maagang makapasok sa shop para masabi kina Larraine ang magandang balita. Nagising ako sa lakas ng alarm ng telepono ko, pinagpahinga ko muna ang mata ko bago bumangon. "Ang ganda talaga ng epekto ng Tequila sa akin walang hang over." Ngumiti ako habang papatayo sa sofa, dumeretso ako sa kusina saka uminum ng malamig na soda. Umakyat ako sa kuwarto at kinuha ang jacket at susi ng motor roon saka muling bumaba at nagtungo sa garahe. Pakiramdam ko ay para akong magnanakaw sa lagay kong ito, dahan dahan ko binuksan ang gate saka ko binalikan ang motor ko sa garahe at dahan dahan din itong hinila palabas ng gate. Sinuot ko ang helmet ko saka ko pinaandar ang motor at nagsitahulan naman ang mga aso ng aming kapitbahay pasalamat nalang talaga ako dahil hindi na kami sa village nakatira dahil panigurado akong hindi papayag ang mga guard na lumabas ako. Naaalala ko pa noong nakatira kami sa Village ay hindi ako nakatakas sa mga guard na naroon dahil ibinilin ni dad na bawal akong lumabas lalo na noong nalaman niya na nagmomotor ako. Nagpunta ako sa isang racing circuit malapit sa shop at doon ay nag-ensayo ako, palabas na ang araw ngunit ramdam ko pa rin ang lamig kahit na naka jacket naman ako. Nagpaulit ulit ako sa pag-ikot saka ako huminto dahil sa hingal na hingal na ako, tinanggal ko pa ang helmet at gloves ko. Lumapit naman sa akin ang isang empleyado sa akin roon. "Ang aga po ninyo dito." Lumingon naman ako saka ito napangiti ng malaki. "Mam Rocky? Kayo po iyong The Queen of MotoRacing, pa picture naman po at pa autograph na rin." Tumango naman ako saka nagpapicture rito. Napakamot nalang ako ng ulo habang tinatawag pa nito ang ibang empleyado na naroon, lahat sila ay nagpapicture at humingi ng autograph sa akin buti nalang ay ilang beses akong nagsepilyo at gumamit ng mouthwash kaya naman hindi nila maaamoy ang Tequila na nainum ko. Nagpaalaam na ako sakanila dahil nakita kong parating na ang iba pang empleyado. Nakarating ako sa Ride Auto Bike na sarado pa kung sa bagay ay mag-aalas siete palang naman ng umaga. Umupo muna ako sa motor ko at sakto naman ang pagdating nina Martin at Kevin na nakasay rin sa kanilang mga motor, nagulat pa ang mga ito nang makita nila ako. "Boss Rocky good morning ang aga ninyo ngayon." Lumapit naman si Martin habang si Kevin naman ay binubuksan ang lock ng roll up. "Maaga akong nagpunta ng racing circuit kaya dumeretso na ako dito." Tumango naman ang dalawa saka pumasok na kami sa loob at dumeretso naman ako sa opisina ko. Naririnig ko na ang boses ni Larraine at Denise sa labas kaya naman lumabas ako ng opisina ko at kaagad naman nila akong nakita at halos mapatalon pa si Larraine sa sobrang saya. "Boss Rocky!" Sigaw nito patungo sa akin at niyakap ako ng mahigpit kung hindi ko lang ito empleyado ay iisipin kong tsinatiyansingan na nito ako. "Bakla ako naman, boss Rocky." Niyakap din ako ni Denise. "Teka boss bakit parang iba ang amoy mo ngayon." Kumunot nuo naman akong nakatingin kay Larraine saka ko inamoy amoy ang sarili ko. "Boss Amoy Chico ka." Dugtong pa nito saka naman ako napatawa at umupo sa upuan roon, tinanggal ang sunglass ko at gulat sila nang makita ang eyebags ko. "Uminum kami ni kuya kagabi." Sagot ko naman saka umupo rin ang mga ito sakanya sakanya nilang pwesto. "Kaya pala amoy chico ka boss at ang lalaki ng eyebags mo." "Bakit hindi ka nag-invite boss." "Kaya nga boss inum na inum na ako." Napapatawa naman ako dahil sa hirit ng mga staff ko. "Alright sige sasabihin ko na sainyo ang good news." Taimtim naman sa pakikinig ang mga ito. "Tataasan mo ang sahod namin boss?" Singit naman ni Martin at pinadilatan ito ni Larraine. "Hindi, nagpunta ako dito para sabihin sa inyo na tuloy ang outing natin sa Friday." Natuwa naman ang mga ito dahil sa sinabi ko at kanya kanya pa sa kanilang komento. "Boss tayo lang bang lima ang mag-a outing?“ Tanong naman ni Martin. "Hindi kasama natin si Farrah, si Wilson iyong event director, si Tonet iyong kasama ko sa race at si Caleb iyong driver ko kilala naman na ninyo sila hindi ba?“ Tumango naman ang mga ito samantalang si Larraine naman ay biglang tumahimik. "Boss bakit ba palagi kasama ang kaibigan ninyong si Farrah? Hindi ko kayo masosolo niyan eh." "Hay naku bakla tumigil ka sinagot mo na ang tanong mo kaibigan ni boss si Farrah iyon yu'n." Napangiti nalang ako sa asaran nila. "Alright sa Friday, walang male-late sa bahay ang meeting place gagamitin ninyo ang company service at si Kevin ang magdadrive." Tumango naman ang mga ito at bumalik na sa kanilang mga trabaho nang mayroong dumating na mga kliyente. Bumalik ako sa opisina ko dahil panay ang tunog ng telepono ko. "10 miscall galing kay kuya, 7 miscall galing sa telepono sa bahay, 5miscall kay Wilson at 20 miscall sa unknown number." Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil nawala sa isipan kong tawagan si kuya Ronald paniguradong nag-aalala na ito sa akin. Tinawagan ko ito at sinabing maaga akong pumasok sa shop natuwa naman ito dahil akala nito ay mayroon ng nangyaring masama sa akin, ganoon din si manang tinawagan ko rin ito upang hindi na ito mag-aalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD