Chapter 20

2538 Words
Rocky Point Of View Bago ako umalis ng shop ay nagpadeliver muna ako ng pagkain para sa mga staff ko at nagpasiya ng umuwi dahil antok na antok na ako at kailangan ko ng magpahinga, ngayon ko palang nararamdaman ang tama ng alak. Sinuot ko ang helmet ko saka pinaandar na ang motor, sa daan palang ay nakakaramdam na ako ng hilo at nagsisimula na naman manikip ang dibdib ko. Binilisan ko ang pagpapatakbo at nang makarating ako sa bahay ay nadatnan ko ang kotse ni Farrah na nakapark sa labas at bukas din ang gate. Nasalubong ko naman si mang Kanor at manang sa may garahe. "Sa wakas at nandito ka na ring bata ka, nag-aalala kami sa iyo dahil wala ka rito sa bahay, ang sabi ko kay Caleb kagabi dalhin ka na niya sa kuwarto e, saan ka ba nanggaling Rocky?" Inaayos ko ang motor ko saka tinanggal ang helmet sa ulo ko. "Nagmorning exercise lang ako manang sinabi ko na kasi sainyo hindi naman ako nalasing." Ngumiti ako saka ko ito hinakbayan papasok sa loob ng bahay. "Keitlyn." Salubong naman ni kuya nang makita nito akong papasok sa bahay at napatayo rin si Farrah nang makita ako. "Where you have been? Nag-aalala ako sa iyo." Niyakap ako ni kuya na para bang ilang taon kaming hindi nagkita. "Hindi kasi ako makatulog kagabi kaya magdamag akong nag motor sa kalsada." Umupo ako saka ibinagsak ang katawan ko sa upuan. "What?“ “I'm just kidding." Saka ako tumawa ng malakas at lumapit sa akin si Farrah. "Saan ka ba kasi nanggaling Rocky pati tuloy ako nag-aalala tumawag sa akin ang kuya mo at nawawala ka raw, muntikan na ngang tumawag ng mga pulis at imbestigador." Lalo pa akong napatawa dahil sa sinabi ni Farrah. "Maaga akong nagising dahil nagmorning exercise ako. Don't worry about me anymore because I'm already here." Umupo naman si kuya saka napahawak sakanyang nuo. "Pasaway ka talaga." Bulong pa nito saka nagtungo ito sa kusina. Napansin ko naman na nakatitig sa akin si Farrah kaya naman tinaasan ko ito ng kilay. "OK ka lang ba Rocky? Namumutla ka." Hinawakan pa nito ang mukha ko at mabilis ko naman na inalis iyon. "Oo naman masakit lang ang ulo ko dahil siguro ito sa alak na ininum namin ni kuya kagabi." Ngumiti ito ng bahagya ngunit hindi pa rin nito inaalis ang kanyang tingin. Sakto naman ang pagdating ni kuya na mayroon dalang juice at cheesecake. "Oh Farrah favorite mo cranberry juice at cheese cake." Ngumiti naman ito saka kinuha ang juice na iniabot ni kuya sakanya. "Teka kuya kailangan pa tayo nagkaroon ng cranberry juice dito? Hindi ba't ayaw ni mom niyan?" Tumingin naman ito sa akin na nuo'y nakatingin kay Farrah. "Dala ko iyan kagabi bigay ng girlfriend ko hindi mo siguro napansin dahil abala ka sa madaming pagkain sa mesa." Tumango naman ako saka uminum ng juice. Nagpaalam muna si kuya at umakyat sa itaas dahil mayroon pa raw itong kailangan gawin. Samantalang mas lalo pang dumikit sa akin si Farrah at lalo pang tumitig sa akin. "Farrah ano bang ginagawa mo lumayo ka nga at baka makita tayo ni kuya sabihin may relasyon pa tayo." Ngunit nanatili lang itong nakatingin sa akin, ano bang nasa isip ng kaibigan ko? Nang biglang nanikip ang dibdib ko saka ako napahawak rito. "Rocky ayos ka lang ba? Sandali kukuha ako ng tubig." Hinawakan ko ang kamay nito upang pigilan at baka makagawa ito ng ingay. "Ayos lang ako Farrah mawawala din ito mamaya." Isinandal ko ang ulo ko sa sofa saka ako pumikit at huminga ng malalim. "Pero namumutla ka na Rocky tatawagin ko na ang kuya mo." "Huwag Farrah please ayaw kong mag-aalala sa akin si kuya, please mawawala rin ito." Tinanggal nito ang jacket ko at nilakasan ang aircon. "Anong sabi mo mawawala rin? Paano mo nasabing mawawala rin Rocky? Ibig sabihin ba palagi mo na iyan nararamdaman?" Tumingin ako kay Farrah at tumango rito saka naman ito napatakip ng kanyang bibig. "What? Is it true? Oh my gosh Rocky we need to go to the hospital now para matingnan ka na ng mga doctor." Kumunot ang nuo ko habang umiling rito. "Kung ayaw mo magpunta sa doctor sasabihin ko na lang sa kuya mo." Dugtong pa nito, mukhang pinagbabantaan pa ako ng kaibigan ko kaya wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag sa gusto nito. "Sige papayag na ako pero sa atin lang dalawa ito Farrah walang kahit na sino ang makakaalam lalo na si dad." Sumang-ayon din naman ito sa gusto ko, hindi na kami nagpaalam kay kuya o kahit na sinong tao sa bahay upang hindi na magtanong pa ang mga ito, sumakay kami sa kotse ni Farrah at nagpunta sa hospital bumaba kami roon at nagtungo sa family doctor namin nina dad. Kumatok muna ako sa pinto saka naman iyon bumukas at bumungad ang assistant ni Dr. Fajardo. "Miss nandiyan ba si Dr. Fajardo ngayon?" Tanong ko sa assistant roon saka naman nito ako tinitigan. "May appointment po ba kayo ngayon sakanya? Kung wala naman po, pirmahan na lang po ninyo ito at tatawagan ko po kayo kung hindi na busy si Dr. Fajardo dahil may schedule po siya ngayon sa operating room." Inaabot nito ang isang maliit na papel, ngunit hindi iyon kinuha ni farrah sa halip ay nginisian niya ito. "Excuse me miss, this is an emergency. We need to see Dr. Fajardo now." Napahalukipkip naman ang assistant na naroon saka kami pinanliitan ng mata ni Farrah. "I'm sorry miss, babalik nalang kami." Hinila ko naman si Farrah saka kami naglakad palayo. "Pero Rocky kailangan ka ng matingnan ngayon." "Anong nangyayari rito?" Sabi ng doctor. "Gusto raw po nilang magpacheck up sainyo ang sabi ko po may schedule kayo ngayon sa operating room at wala naman silang appointment." Napatingin naman kami sa isa't isa ni Dr. Fajardo na tila ba iniisip kung nagkita na ba kaming dalawa. At ngumiti ito sa akin habang papalapit at niyakap ako ng mahigpit. "Keitlyn ikaw na ba iyan? Ang laki mo na, tara sa loob." Hinawakan pa nito ang balikat ko saka kami pumasok sa loob saka naman pinandilatan ni Farrah ang assistant nito. "Kumusta na Keitlyn? Pasensiya na kayo sa assistant ko bago palang kasi siya, nagleave na kasi si Shiela dahil manganganak na." Tumango naman ako, kaya pala hindi ako kilala ng bago niyang assistant. "Kamusta na pala ang tito Rodolfo mo, nabalitaan ko sa dad mo na naheart attack daw ito, kaya ang anak ko na si Markus ang nag-a asikaso sakanya sa Australia." Dugtong pa nito. "Maayos na po si tito Rodolfo, minomonitor na lang po siya ngayon." Tumango tango naman ito. "Ano palang ginagawa ninyo dito? Magpapacheck ba ang kasama mo Keitlyn?" Umiling naman si Farrah at ngumiti kay Dr. Fajardo. "Hindi po siya, ako po ang magpapatingin." Sagot ko naman at hindi na ito nabigla pa, wala rin akong nakuhang tanong. Sinimulan na nito akong suriin, inilagay nito ang stethoscope sa aking dibdib pinahinga nito ako ng malalim. "Naninigarilyo? Umiinum ng alak?“ Umiling naman ako. "Shortness of breathing? Chest discomfort? Pain in you left shoulder?" Tumango naman ako habang napapalunok, hindi ko alam kung gusto ko pa bang ipagpatuloy ito dahil natatakot ako sa magiging resulta napatingin ako kay Farrah at tumango naman ito. Tinawag pa nito ang kanyang assistant saka naman pumasok ang iba pang mga nurse. Kung ano anong test ang ginawa nila sa akin, blood test, ECG, MRI at kung ano ano pa. Habang tumatagal ako rito sa hospital pakiramdam ko ay may problema ang puso ko. "Palagi ka bang stress Keitlyn?" "Yes sometimes dahil sa trabaho." Mahina kong sagot. "Balikan mo ang ibang result nextweek but for the mean time you have to take this medicine." Ngumiti ito saka iniabot ang dalawang bote ng gamot. "Para saan po ang mga ito? Ano po ba ang sakit ko?" Saka ko kinuha iyon. "Vitamins iyan para sa heart mo at pampakalma sa tuwing naninikip ang dibdib mo, for now Keitlyn mayroon kang congestive heart failure stage 1 pero hindi pa natin masasabi kung stage 1 palang dahil hindi pa lumabas ang ibang resulta, malamang ay nagmana ka sa dad mo at sa tito Rodolfo mo." Halos hindi ako makapaniwala na mayroon akong sakit, nagulat ako sa mga pangyayari at hindi makapaniwala na ang isang katulad ko na laging nasa labas at nageexercise ay mayroon palang sakit. Lumabas kami sa hospital na hindi ako umiimik kahit na ilang beses akong tanungin ni Farrah ay hindi rin ako sumasagot mukhang lalo lang akong nastress dahil sa sakit ko. "Bakit mo sinabi kay Dr. Fajardo na huwag sabihin sa parents mo? Gusto mo bang ilihim ang sakit mo Rocky?“ Sumakay kami sa kotse nito, tumingin naman ako kay Farrah at tinawanan lang ito. "Why? Rocky dapat malaman nila iyan para maalagaan ka nila." Dugtong pa nito at pinaandar na ang kotse nito. "Farrah don't worry about me OK? Ang layo sa bituka nito at isa pa may gamot na ako kung tutuusin hindi ko nga kailan ang mga ito." Tinignan lang nito ako ng masama. Dumaan pa kami sa supermarket at bumili ito ng madaming prutas para sa akin, kung ano anong mga pagkain ang binili nito para sa puso at saka na kami dumeretso sa bahay. Kinuha naman ni manang ang dala namin prutas at kaagad na dinala sa kusina. "Saan kayo nanggaling? Bigla nalang kayong nawala pagkababa ko kanina." Wika naman ni kuya habang nakaupo sa sala at abalang nakatitig sakanyang laptop. "Bumili lang kami ng mga prutas kuya." Napalingon nman ito sa akin at sa hawak kong envelop. "Halos tatlong oras kayong nawala tapos prutas lang ang binili ninyo? Teka ano iyan hawak mo Keitlyn." Mabilis ko naman itinago iyon sa aking likuran. "A ito ba kuya? Wala, mga papeles lang galing sa shop." Umakyat ako sa itaas habang naiwan naman ang dalawa sa ibaba. Itinago ko iyon sa silong ng kama ko para hindi nila makita ang ibang resulta ng test ko kanina. Naligo muna ako bago bumalik sa ibaba at naabutan ko naman ang dalawa na nagbabalat ng mga prutas at masayang nagkukwentuhan. Hindi kaya sinabi na ni Farrah kay kuya ang tungkol sa sakit ko? "Farrah?" "Rocky halika ka, kainin mo itong mga binatan kong prutas para sa iyo." Kumunot nuo naman akong nakatitig dito. "Maiwan ko na muna kayo, magpapaluto lang ako kay manang para dito na maghapunan ang kaibigan mo." Tumayo naman si kuya saka ito hinanap si manang. "Sinabi mo ba kay kuya?" "Rocky kahit gusto kong sabihin kung ayaw mo naman wala akong magagawa, kaibigan kita at nirerespet ko ang desisyon mo, pero kung ako lang ang masusunod kanina ko pa sinabi." Ipinasok nito sa bibig ang hawak nitong slice ng mansanas. "Basta Rocky please huwag na huwag mo kakalimutan inumin ang mga gamot mo OK?" Dugtong pa nito saka muli nito akong sinubuan ng prutas. "Yes boss Farrah hindi ko kakalimutan." Sagot ko naman at ngumiti ako kahit na sa loob loob ko ay nag-aalala rin ako para sa sarili ko. Natapos na ang hapunan na halos hindi ko man masiyadong nagalaw ang pagkain ko hindi naman iyon napansin ni kuya dahil abala ito sa pakikipagkwentuhan kay Farrah. "Maraming salamat sa masarap na hapunan, mauuna na ako na rin ako good night." Ngumiti ito kay kuya saka naman lumapit si kuya at hinalikan ito sa pisngi. "Kuya mayroon ka ng girlfriend sumesegwey ka pa ata kay Farrah." Napatawa naman si kuya dahil sa sinabi ko. "Hindi ba pwedeng halikan as a friend ang kaibigan mo." "Whatever, let's go Farrah ihahatid na kita sa labas." Hinawakan ko naman ang braso ng kaibigan ko na halos ayaw pang maglakad at nakatingin pa rin kay kuya, gusto rin ata nitong makilaglandian sa kuya ko. Inihatid ko ito sa labas ng gate kung saan nakaparking ang kotse nito, humarap ito sa akin at niyakap pa ako ng mahigpit naririnig ko ang mahina nitong paghikbi. "Farrah umiiyak ka ba?" Aalisin ko na sana ito sa pagkakayakap ngunit pinigilan nito ako. "Hayaan mo lang akong yakapin ka Rocky." Wika nito at nanatili kami sa ganoong posisyon. "Rocky magpagaling ka hindi ko kakayanin kung mayroon mang mangyaring masama sa iyo, hindi ko kakayanin ang mawalan ng kainigan na katulad mo mahal na mahal kita Rocky." Tinapik tapik ko naman ang balikat nito habang pinigilan ang pagtulo ang luha ko. "Ang drama mo talaga Farrah, stage 1 palang naman malay mo pag lumabas na lahat ng result healthy pala ang puso ko." Kinurap kurap ko ang namumuong luha sa mga mata ko para hindi iyon tumulo. "Basta Rocky I will always call you, I will always remind you to take your medicine, even for a minute" Humarap ito sa akin at hinawakan ang balikat ko ngumiti naman ako at tumango rito. "OK but promise me Farrah walang ibang makakaalam tungkol rito kung hindi tayo lang dalawa." Tumango naman ito habang pinupunasan ang luha nito at sumakay na sakanyang sasakyan. At tuluyan na rin tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinigilan na huwag tumulo ayaw kong isipin ang tungkol dito dahil gusto kong mamuhay ng katulad ng dati. At sakto naman nang pag pasok ko sa gate at punasan ang luha ko ay nasa likuran ko pala si Caleb at titig na titig ito sa akin mabilis ko pinunasan ang luha sa pisngi ko na kunwari ay inaayos ko lang ang mukha ko. Narinig ka niya ang usapan namin ni Farrah? Napalunok ako habang papalapit sakanya at lampasan ito ngunit mabilis nitong hinawakan ang kamay ko. At mapahinto sa paglalakad, humarap ito sa akin habang hawak pa rin ang kamay ko. "Umiiyak ka ba Rocky?" Umiling naman ako at ngumiti rito. "Hindi Caleb napuwing lang ang mata ko." "Pero ang kaibigan mo si Farrah nakita ko umiiyak siya habang kayakap ka niya." Tinanggal ko naman ang kamay ko sa pagkakawak nito at umupo sa upuan sa garden. "Iyon ba? Wala iyo huwag mo pansinin nagkatampuhan lang kami pero maayos na kami ulit." Umupo rin ito saka tumingin sa kalangitan. "Rocky." Mahinang wika nito saka naman ako napalingon dito. "Pasensiya na kagabi kung napagtaasan kita ng boses hindi ko sinasadya, alam mo na nakainum din ng konti." Lumingon din ito at tumitig sa akin. "OK lang hindi naman big deal sa akin iyon at isa pa kasalan ko rin naman dahil masyado akong pakialamera." Tumawa ako ng bahagya at iniwasan ang tingin nito. "At pasensiya ka na dahil iniwan kita kagabi, nagbasag pa ako ng bote akala ko ata nasa bahay ako." Napakamot naman ito sakanya ulo habang napapatawa. "OK lang din sanay naman ako na pagnakainum walang umaasikaso at sarili ko lang ang karamay ko tsaka hindi naman ako nalasing kagabi tignan mo nga maaga pa akong nagising at nagpunta sa racing circuit." Ngumiti ako ngunit hindi ako lumingon dito dahil alam kong nakatitig ito sa akin. "Sorry talaga, hayaan mo Rocky babawi ako." Tumayo ito saka mabilis nitong hinalikan ang pisngi ko at mabilis itong naglakad palayo. Nabigla ako sa ginawa nito at nanatili lang akong nakaupo na nakatitig sa kung saan, nakikita ko ang sarili ko na napapangiti habang hawak hawak ang pisngi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD