Caleb Point Of View
Maaga akong nagising dahil sabi nito ay sa V. E. M ito papasok kaya naman pagkatapos kong mag-almusal ay dumeretso na agad ako sa garahe upang hintayin si Rocky, nakita ko itong palabas ng bahay habang nakangiti pa mukhang good mood ito dahil hindi nakakunot ang nuo ito marahil ay masaya ito dahil makakaalis na ako ng bahay nila.
Napatawa ako sa sinabi nito dahil sa shop niya kami dideretso at mamimili ako motor na gagamitin ko sa race namin mamayang gabi, mukhang excited itong talunin ako.
"Talagang tuloy na tuloy na a, hindi ka ba aatras?" Sabi ko habang pinapaandar ang sasakyan tumingin ito sa akin saka ako pinasadahan ng masamang tingin.
"Bakit naman ako aatras? Hindi ba dapat ikaw ang umatras?" Hindi na lang ako umimik dahil alam kong hindi naman ako mananalo sa aming argumento.
Nakarating kami sa shop nito at kaagad itong bumaba ng kotse sinalubong naman ito ng isa nitong empleyado at sinabing tawagin si Kevin saka na dumeretso sa loob ng kanyang opisina. Lumabas din ako ng kotse habang hinihintay si Kevin.
"Bro." Sabi nito nang makalapit ito sa akin at tinapik ang balikat ko, tumango naman ako.
"Ang sabi ni boss Rocky hanapan daw kita ng magandang klase ng motor? Bibili ka ba?" Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito kahit ata buong buhay akong magtrabaho ay hindi ko mababayaran ang halaga ng mga motor na narito.
"Hindi Kevin, may race kami mamaya ni Rocky hindi ko nga alam kung ano itong pinasok ko." Sumunod naman ako rito at dinala nito ako sa mga motor na magaganda nga kalidad at mukhang mamahalin.
"Bakit naman makikipag race sa iyo si boss Rocky?" Kumunot ang nuo nito sa akin saka nito inilabas ang isang motor.
“May pinagkasunduan kasi kami, pagnanalo ako susundin niya lahat ng gusto ko para na rin maputol ang sungay at kasungitan ng boss niyo." Napatawa ito dahil sa sinabi ko.
"E paano kung natalo ka?" Alam ko naman matatalo ako at handa akong harapin at tanggapin ang aming pinagkasunduan.
"Magreresign na ako bilang driver niya at hindi na magpapakita sakanya kahit kailan." Umupo naman ako roon habang idenedemo ito sa akin ang motor.
"Nakapag-empake na rin naman ako." Muli itong napatawa sa sinabi ko.
"Dapat lang, magaling si boss Rocky na makipag race at panay ang panalo nito, bakit ba kasi pumayag kang makipagrace sakanya? Mawawalan ka pa tuloy ng trabaho tsk." Inabot nito sa akin ang susi ng motor at kinuha ko naman ito saka ito tumabi sa akin.
"Kaya nga, hindi ko alam kung ano ba itong pinasok ko."
"Well good luck sa iyo bro, teka may alam ka naman ba sa motor." Umiling naman ako saka naman ito napasapo sakanyang mukha.
"Hay Caleb." Sabi nito habang Umiling iling.
"Gusto mo bang turuan kita?" Dugtong pa nito ngunit tumanggi ako.
"May alam din naman ako konti tsaka alam ko naman na matatalo rin ako." Tumango tango ito saka pumasok na sa opisina ni Rocky sumunod naman ako rito.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Rocky dahil napaka bilis ng pag pili ko sa motor.
"Bakit ang bilis naman ata?" Tanong nito kay Kevin habang si Kevin naman ay nagkibit balikat lang.
"Pareho pareho lang naman ang motor at isa pa matatalo rin naman ako." Nagsuwestiyon pa itong magpraktis kami ni kevin ngunit hindi ko ito pinansin, ngumisi ako rito saka tumalikod na at lumabas ng kanyang opisina sinubukan pa nito akong pigilan ngunit diretso lang ako sa paglalakad.
"Caleb, sandali nga." Huminto ako nang makarating ako sa parkingan at humarap sa nainis na mukha ni Rocky.
"What else do you want? I've already given you all the favors, I'm just doing this to end our deal." Sabi nito ngunit tumango tango lang ako para inisin ito.
"OK, tawagan mo na lang ako kung susunduin na kita." Wika ko saka sumakay na ng kotse at pinaandar na ito dahil kailangan ko pang puntahan si Tonet para ayusin ang mga motor ng mga kaibigan nito.
Doon na rin ako nagpalipas ng oras habang hinihintay ang tawag ni Rocky ngunit alas sais na ng gabi ay wala pa rin itong tawag, naalala kong nakalimutan ko palang ibigay sakanya ang contact number ko. Kaya naman nagpaalam na ako kay Tonet at sa mga kaibigan nito at kahit na papaano ay nagkaroon ako ng extra income.
"Caleb bakit ngayon ka lang dumating? Umuwi na si boss Rocky." Sabi ni kevin nang makitang pababa ako ng kotse at nakita ko na rin ang motor na nasa labas. Iniabot nito sa akin ang protective gear at helmet ngunit hindi ko kinuha iyon.
"Suotin mo ito, hindi pwedeng makipag race ka ng walang suot na ganito." Kinuha ko ang susi saka sumakay na sa motor.
"Hindi ko kailangan iyan Kevin."
"Hay pasaway talaga kayo ni boss Rocky, sasakit ang ulo ko sainyo." Ipinasok nito sa kotse ang protective gear at helmet saka ito pumasok sa loob ng kotse.
"Sundun mo na lang ako, tatawagan ko na lang si boss Rocky pag nasa track na tayo." Tumango naman ako saka ito sinundan, nakarating kami sa isang racing circuit kung kanila'y tawagin.
"Papunta na si boss Rocky, kung ako sa iyo mag ikot ikot ka muna." Sabi nito nang makababa na ito ng kotse.
"Saan ba magsisimula? Dito ba o doon?" Napatawa ng bahagya si Kevin na alam kong pinagtatawanan ako.
"Tsk doon bro, kung ayaw mong magsuot ng protective gear kahit itong helmet ko na lang." Kinuha ko naman iyon saka isinuot at nagtungo na sa pwesto nakita ko naman si Rocky na parating na saka ito nilapitan ni kevin nakita ko pa itong tumingin sa akin at bahagyang ngumiti.
Pumwesto na rin ito sa tabi ko at alam kong ilang beses nito akong tinitignan ngunit hindi ako tumingin rito para hindi mawala ang focus ko.
Itinaas na Kevin ang flag na hawak nito at dahil sa sobrang kaba ko ay hindi ko kaagad napaandar ang motor na gamit ko habang si Rocky naman ay parang hangin sa sobrang bilis.
Sa unang lap ay nanalo ito, napakamot na lang ako sa aking ulo dahil napaka layo ng agwat namin, sa pangalang lap naman ay medyo nakaadjust na ako na parang hindi ako nakasakay sa motor sa tuwing tumatakbo ito kaya naman nanalo ako hindi ko alam kung pinagbigyan niya lang ba ako o kung mas magaling ba talaga ako sa kanya.
Napatawa na lang ako habang pabalik muli sa pwesto napalingon naman ako kay Rocky na nuo'y nakatingin din sa akin.
"Last na ito kaya galingan mo, kung ayaw mong sundin ang lahat ng gusto ko." Nakangisi ako habang nakatingin ako sakanya ngumisi rin ito sa akin sabay na pinanliitan ako nito ng mata.
"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan kung ayaw mong mawalan ng trabaho." Tumawa naman ako para lalo pang inisin ito ngunit sa loob ko ay huli na pala naming pagkikita ito.
Huli na ito at kailangan ay galingan ko kahit na alam ko naman na matatalo lang ako, mabilis na pinaandar ni Rocky ang motor nito at gayun din ako malayo ang pagitan namin dalawa kaya naman binilisan ko pa at nang maitapat ko ang motor na gamit ko sa motor ni Rocky ay tumingin ako rito at ganoon din ito na tila ba naghahamon kaya naman kinindatan ko ito at nakita ko ang gulat sa mukha nito. At nang maunahan ko na si Rocky ay natuwa ako dahil malapit na ako sa finish line, ngunit nakita ko sa side mirror ko na nawala ito ng balanse saka ito natumba kasabay ng motor nito.
Bumalik ako ngunit nang makita ko itong maayos lang ay ipinagpatuloy ko hanggang sa makarating ako sa finish line at nakipag-apiran pa ako kay Kevin na tuwang tuwa rin bago ito tumakbo papunta kay Rocky at ganoon din ako.
Inilahad ko ang aking palad ngunit tumingin lang ito sa akin at hindi nito iyon abutin, mabilis naman nakarating si Kevin at inalalayan nito si Rocky na tumayo bago nito itayo ang motor.
Napansin ko ang pagngiwi ni Rocky kaya naman lumapit ako sakanya at inalis ang helmet nito, nakita ko ang tagatak nitong pawis na tumutulo sakanyang mukha inalis ko rin ang protective gear nito sakanyang katawan at napahawak ito sa kanyang siko.
Saka ko napansin na umaagos sakanyang kamay ang dugo kaya naman inalis ko rin ang jacket nito at makitang mayroon sugat sakanyang braso mukhang ito ang ginamit niyang pang tukod upang hindi maumpog ang ulo nito kaya ito ang tumama sa semento.
Hindi na rin maipinta ang mukha nito sa sakit kaya naman nagdesisyon na akong dalhin ito sa hospital.
"Halika ka na Rocky dadalhin na kita sa hospital." Hindi naman ito tumanggi at inalalayan ko itong makapasok sa loob ng kotse, alam kong kasalanan ko kaya ito natumba at mawalan ng balanse, hindi ko na dapat iyon ginawa.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko ngunit hindi ito umiimik, ilang beses ko pa itong tinignan ngunit nanatili lang itong nakatingin sa labas ng bintana habang hawak nito ang kanyang braso.
"Ayos ka lang ba Rocky malapit na tayo." Nakita ko ang pag agos ng dugo sa damit nito at pantalon, hindi pa rin ito umiimik alam kong marahil sa sobrang sakit na kaya naman binilisan ko na sa pagpapatakbo.
Nang makarating kmi sa hospital ay kaagad itong bumaba, hindi man lang nito ako hinintay na pagbuksan ito ng pinto at alalayan ito papasok ng emergency room. Inasikaso naman kaagad ito ng mga nurse na naka duty habang ginagamot ang sugat nito ay nanatili lang akong nakatayo sa likuran nito.
"Sir pakialalayan naman po ang girlfriend ninyo na maupo sa wheelchair at magpunta sa xray room." Sabi ng nurse habang ito ay nakatingin sa akin, napalingon pa ako sa aking likuran ngunit ako lang naman ang tao roon. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako dahil napagkamalan akong boyfriend ni rocky tinuro ko pa ang sarili at tumango naman ang nurse saka sumagot si Rocky.
"Hindi ko siya boyfriend." Napalingon si Rocky sa akin saka muling humarap sa nurse napakamot na lang ako ng aking ulo, basag trip naman itong si Rocky.
Sinamahan kami ng nurse patungo sa xray room habang si Rocky naman ay nakasakay roon at itinutulak ng isang nurse, ayaw pa nitong sumakay sa wheelchair dahil kaya raw niya at muntikan pang makipag-away kung hindi ko lang ito pinigilan.
Bumalik kami sa doctor na tumingin kay Rocky kanina at saka ito niresetahan ng mga gamot at katulad ng sinabi ni Rocky ay binigyan ito ng mga gamot na mabilis maghilom ang sugat at mawala ang kirot.
Ni hindi nito ako inimik hanggang sa makauwi kami ngunit sumunod ako sakanya papasok ng kanilang bahay at naroon sina sir Rodrigo at mam Dale.
"What happened to you Keitlyn." Inalalayan ni mam Dale si Rocky na maupo sa sofa.
"Why is there so much blood on your clothes, what happened?" Tanong naman ni sir Rodrigo nang makalapit ito kay Rocky, nanatili naman akong nakatayo sa harapan ng pinto.
"I had an accident but don't worry, I'm fine mom dad." Nakita ko ang pagkunot ng nuo at ang pag-igting ng panga ni sir Rodrigo.
"God damnit!" Malakas na mura ni sir Rodrigo, nakita ko rin ang pagyuko ni Rocky na mukhang alam na rin nito ang mangyayari kaya naman sumabat na ako sa usapan.
"Kasalanan ko po mam sir, kung hindi ko hinayaan si mam Rocky na mag motor hindi sana siya madidisgrasya." Napalingon naman sa akin si Rocky at umiling ito saka ito muling napatingin kay sir Rodrigo.
"What? I trusted you Caleb, I told you to watch over my daughter." Lalapit na sana si sir Rodrigo sa akin ngunit pinigilan iyon ni Rocky.
"Dad, huwag ninyong sisihin si Caleb kasalanan ko kung bakit ito nangyari dahil nagpumulit akong magmotor, please dad I want to rest now, please." Umalis na rin ako nang makitang paakyat na si Rocky kasama ang mom nito.
Dumeretso naman ako kina manang at mang Kanor na nasa labas ng aming silid na tila ba hinihintay din ako.
"Caleb ano bang nangyayari?"
“Narinig namin si sir Rodrigo na galit na naman. "
"Halika ka nga dito, magkwento ka." Lumapit naman ako at tumabi kay mang Kanor.
"Naaksidente po kasi si Rocky sa motor." Nagulat naman ang dalawa at mukhang nagtataka.
"Paanong naaksidente? Sa pagkakaalam ko 13 years old palang si Rocky nagmomotor na kung kailan siya tumanda doon naman naaksidente." Napakamot pa sa ulo si mang Kanor.
"Kasalanan ko po kasi kung bakit naaksidente si Rocky, nakipagkarerahan po kasi ako sakanya." Napalingon naman si manang at si mang Kanor.
"May kasunduan po kasi kami na pagnanalo ako susundin niya lahat ng gusto pero pagnanalo siya aalis na ako dito sa bahay at hindi na magpapakita sakanya." Dugtong ko pa napaluha naman ng bahagya si manang.
"Kaya ba nag-empake ka na kagabi? Mamimis kita Caleb anak." Niyakap pa ako ni manang habang tinatapik ni mang ang balikat ko.
"Sandali manang, ano po bang sinasabi ninyo?" Napatawa naman ako sa reaksyon ng mga ito.
"Manang, mang Kanor hindi po ba ninyo tatanungin sino nanalo?" Dugtong ko pa ngunit hindi pa rin humihinto ang mga ito. Hindi ba kapani paniwala kung sabihin ko na ako ang nanalo?
"Bakit pa namin tatanungin? Alam naman na namin kung sino ang mananalo." Napangiwi naman ako.
"Ako po ang nanalo sa race namin kaya nga po nandito pa rin ako at dahil doon susundin ni Rocky ang lahat ng gusto ko." Kumalas naman sa pagkakayakap si manang at halos hindi makapaniwala ang mga ito.
Masaya akong pumasok sa aking silid habang iniisip si Rocky, napapatawa ako sa tuwing nakikita ko itong inis na inis sa akin. Simula na ng kasundun namin bukas at sinisiguro kong matatanggal ang sungay nito.