Caleb Point Of View
Ito ang unang araw ng kasunduan namin ni Rocky, pakiramdam ko ay magiging masaya ito. Malaki ang ngiti ko habang pabangon sa aking kama naiisip ko palang ang mukha ni Rocky ay natutuwa na ako. Lumabas na ako ng silid saka dumeretso sa kusina, naabutan ko roon si manang na nagluluto na ng almusal.
"Manang, ako na po riyan. Maupo na lang po kayo rito." Kinuha ko ang siyanse kay manang saka namrito ng itlog, hotdog at bacon.
"Teka ano bang nakain mo at ikaw ang magluluto?" Umupo naman si manang saka ito nagpunas ng mga plato sa lamesa.
"Ipagluluto ko po kasi si Rocky, hindi po ba nabanggit ninyo na hindi siya kumakain ng agahan? Pwes simula ngayon dapat na siyang kumain manang." Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at sakto naman ang dating ni mang Kanor.
"Nakaluto ka na ba ason? Tara na kumain na tayo." Umupo naman si mang Kanor saka ito sumandok ng mga pagkain na naluto ko.
"Sige sabay sabay na tayo, Caleb halika ka na rito masyado ng madami ang niluto mo." Tumingin naman ako sa lamesa at mukha ngang naparami ang nailuto ko, umupo na rin ako at nagsimula na kaming kumain.
"Malamang mamaya pa magigising si Rocky dahil masakit ang katawan nu'n gawa ng pagkakadisgrasiya niya." Napatingin naman ako kay mang Kanor na abala sakanyang pagkain, pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan kung bakit ito nadisgrasya.
Napahinto ako sa pagsubo ng pagkain nang makitang papasok si Rocky ng kusina, ni hindi man nito ako magawang tignan.
"Gising ka na pala Rocky, sandali ipaghahanda kita ng almusal mo maupo ka na roon sa dinning table at hintayin mo ako." Tumayo si manang at kaagad na inasikaso si Rocky ngunit dumeretso lang ito sa may ref.
"Hindi po ako gutom manang." Tipid nitong sabi saka kumuha ng tubig roon. Anong ibig niyang sabihin, tubig lang ang almusal niya?
"Umupo ka rito Rocky, kumain ka." Sabi ko ngunit patuloy lang ito sakanyang ginagawa na tila ba walang naririnig, napalingon pa ako sakanya at mukhang hirap na hirap ito sa pagkilos dahil sa arm supporter na nakakabit sakanyang braso.
"Ikaw na bahala dito Kanor dahil mamamalengke pa ako, oh siya maiwan ko na kayo." Napatawa ako ng bahagya dahil sa ipinapakitang kilos ni manang.
"Caleb ikaw na rin ang magligpit dito nakalimutan ko palang mayroon ipinapagawa si sir Rodrigo." Tumayo na rin si mang Kanor at lumabas din ng kusina kaya naman mas lalo pa akong napatawa dahil sabi nito kanina ay gutom na gutom na ito napansin ko rin si Rocky na nagtataka dahil sa kilos ng dalawa samantalang nanatili pa rin itong nakatayo.
"Umupo ka rito at kumain ka." Tumayo ako saka hinawakan ang braso nito ngunit inalis ko rin iyon.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Hindi ako gutom." Lumapit ako rito saka ito tinitignan.
"Baka nakakalimutan mo Rocky na nanalo ako sa race natin at dahil nanalo ako susundin mo lahat ng gusto ko at ipapagawa ko sa iyo katulad ng usapan natin." Mukhang nagkaroon ata ng amnesia si Rocky dahil kita sa mga mata nito ang pagtataka kaya naman hinawakan ko ang balikat nito saka pinaupo sa harapan ng lamesa.
Kumuha ako ng plato at kubyertos saka nilagyan ito ng kanin, itlog, ham at hotdog bakas pa sakanyang mukha ang pagkainis dahil alam kong hindi ito nagaalmusal. Kumuha rin ako ng gatas at isinalin iyon sa baso saka inilapag sa tabi ng plato nito.
"Bakit ang dami naman? Alam mo bang diet ako?" Nakita kong binawasan nito ang kanyang kanin pati na mga ulam na nilagay ko sakanyang plato, nagtira lang ito ng halos dalawang kutsarang kanin at isang ham sakanyang pinggan kung tutuusin ay kulang pa sa batang dalawang taong gulang ang pagkain na iyon kaya naman binalik kong muli sakanyang pinggan.
"Mayroon ka pang diet diet na nalalaman eh ang payat payat mo nga ubusin mo iyan." Napatawa naman dalhin sa reaksyon nito habang nakatingin sa pagkain nito.
"Masamang magsayang ng pagkain." Dugtong ko pa saka ako kumuha ng mga prutas at binalatan ito habang siya naman ay patuloy lang sa pagkain. Nang makita kong ubos na ang pagkain nito ay siya naman pag lagay ko ng prutas na binalatan ko sakanyang harapan.
"Huwag mong sabihin na kakainin ko lahat ng ito? Busog na busog na ako Caleb wala ng space ang mga iyan sa tiyan ko." Kumunot nuo ito habang ako naman ay nakangiti at sinimulan kuhanin ang plato nito saka hinugasan.
"Pagkatapos mong kainin lahat iyan samahan mo ako." Humarap ako sakanya sabay kindat.
"Seriously Caleb? Kakainin ko lahat ng ito? At saan naman tayo pupunta?" Hindi na ako sumagot dahil paniguradong magtatanong at magtatanong lang naman ito.
Nang makita kong ubos na ang prutas sakanyang harapan ay tumayo na ito at lumabas ng kusina habang ako naman ay pangiti ngiti habang naghuhugas ng mga pinagkainan.
Pagkatapos ko roon ay dali dali naman akong nagbihis at nagtungo na sa garahe, hindi ko alam kung sasama pa siya sa akin dahil halos kalahating oras na akong naghihintay sakanya.
Hindi naman ito date pero nagbihis ako ng maayos, nakapolo shirt, pantalon saka rubber shoes na ibinigay ni tito galing ng America nagpabango rin ako para naman hindi nakakahiya kay Rocky.
Pumasok na ako sa loob ng kotse at doon ko na lamang ito hintayin, nang makita ko itong palabas ng bahay ay bumusina naman ako kaya kaagad din itong pumasok sa loob ng kotse, sinuot nito ang sunglasses nito saka tumitig sa akin.
"Why?“ Tanong nito sa akin.
"Buksan mo ang gate." Ngumuso ako saka itinuro ang gate.
"What?" Itinaas nito ang kanyang sunglasses saka nito itinaas ang kanyang kilay, ngumisi pa ito sa akin habang nakahalukipkip.
"Sabi ko buksan mo ang gate." Nakita ko ang inis sakanyang mukha habang naka titig sa akin.
"Akala ko susundin mo ang lahat ng gusto ko? Bakit parang hindi ka naman ata sumusunod sa pinagka sunduan natin?" Dugtong ko pa, sandali itong nanahimik na tila ba mayroon iniisip bumuntong hininga pa ito bago magsalita.
"Fine!" Sigaw nito habang paikot ang kanyang mata. Binuksan nito ang pinto ng kotse saka ito pabalibag na isinarado at nagtungo na sa gate, binuksan niya iyon at sinenyadan ako na lumabas na. Kahit na mayroon itong suot na arm supporter ay malakas pa rin itong magdabog kaya naman napapatawa ako sa ginagawa nito.
Mabuti na lang talaga at sumusunod ito sa kasunduan namin.
Nanatili lang itong tahimik habang kami ay bumabyahe, dadalhin ko siya sa San Luis sa dating nilang mansion hindi ko alam kung natatandaan pa niya dahil kahit na minsan ay hindi ko pa ito nakitang nagpunta roon. Ipapakita ko rin sakanya ang klase ng aming pamumuhay sa aming munting gulayan.
Napalingon ako sakanya at mukhang naiinip na ito.
"Kailan ang Check up mo? Masakit pa rin ba?" Tanong ko upang mabasag ang katahimikan, hindi ito lumingon sa akin ngunit sumagot naman ito.
"Nextweek, OK naman na hindi na rin masakit sinabi ko kay Dr. Froilan na bigyan ako ng magandang klase ng gamot para mapabilis ang recovery ko at makapag motor ako kaagad." Sabi nito n tila ba nagtataray.
"Hindi naman kasi mangyayari ito kung hindi dahil sa iyo." Dugtong pa niya kaya naman mabilis kong inihinto ang kotse saka ako tumingin sakanya.
"What the hell are you doing?" Humarap ito sa akin saka inalis ang sunglasses nito.
"Anong sabi mo? Sinisisi mo ba ako kung bakit nangyari sa iyo iyan? Alam mo naman kasing nakikipag race ka nakuha mo pang makipagtitigan sa akin." Saka ko muling pinaandar ang kotse.
"Kung hindi mo ako kinindatan hindi mawawala ang focus ko sa race." Napatawa naman ako dahil sa sinabi nito, kung hindi ko pala ginawa iyon ay hindi sana ako mananalo.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Saan ba kasi tayo pupunta kanina pa tayo bumabyahe." Dugtong pa nito ngunit hindi pa rin maalis sa mga labi ko ang ngiti, hay Rocky kahit na mas mukha ka pang lalaki sa akin ay mukhang magiging bakla naman ako sa iyo.
Nang makarating na kami ng San Luis sa mansion ay kaagad akong bumababa at sumalubong naman si auntie Hasmin saka ako mahigpit na niyakap.
Bumaba rin si Rocky at makikita pa rin sakanyang mukha ang pagtataka kung saan kami naroon, lumapit naman sakanya si auntie Hasmin.
"Siya ba ang anak ni Don Rodrigo? Akala ko ba babae ang magiging amo mo anak?" Napatawa ako dahil sa sinabi ni auntie Hasmin kahit sino naman siguro ay mapagkakamalang lalaki ito dahil sa style n kanyang pananamit, nakita ko rin ang paglingon ni Rocky sakanyang sarili habang ito ay nakangiwi.
"Auntie Hasmin babae po ang amo ko si Rocky, Malabo na po talaga ang mga mata ninyo at kailangan na ninyong palitan ang inyong salamin." Mas lumapit pa si auntie Hasmin at tinitigan mabuti ang mukha ni Rocky.
"Aba'y pasensiya ka na iha malabo na nga siguro ang mata ko at hindi na kita nakilala dahil ang alam ko si Ronald at si Keitlyn lang ang anak ni Don Rodrigo mayroon pala." Tipid na ngumiti si Rocky habang hawak hawak ni auntie Hasmin ang pisngi nito.
"Kamukhang kamukha mo si Keitlyn, ang batang iyon maliit pa noong huling namasyal dito." Dugtong pa ni auntie Hasmin at nagulat ako sa mga sumunod na nangyari habang nakangiti rito.
Lumapit si Rocky dito at niyakap nito si auntie Hasmin ng mahigpit kaya naman napangiti si auntie Hasmin.
"Ako po si Keitlyn auntie Hasmin." Wika ni Rocky habang nakangiti.
"Aba'y halika ka nga dito anak, ang sabi mo sa akin Rocky ang pangalan niya siya pala si Keitlyn iyon alaga ko dati dito sa mansion." Lumapit pa sa akin si auntie Hasmin at hinawakan ang kamay ko sabay ang pagkurot nito sa aking tagiliran at napangiwi ako napansin ko naman ang mahinang pagtawa ni Rocky.
Nagpunta kami sa likod ng mansion kung saan gumawa kami ng pinsan ko ng upuan at lamesa na gawa sa kawayan, lumabas naman si Cindy na mayroon dalang meryenda dahil sinabi ko sakanya na mamasyal kami kasama ang anak ni sir Rodrigo.
"Nabanggit sa akin ni Auntie Hasmin ang tungkol sa mansion, ang ibig sabihin ba ito ang mansion namin at siya ang caretaker dito?" Tumango naman ako at umupo. Bahay nila ito pero parang hindi nito ito matandaan.
"Mansion ninyo ito Rocky pero parang hindi mo alam." Napailing naman ito saka kumuha ng kakanin sa mesa.
"Hindi ko alam ang tungkol dito sa mansion na ito, hindi ko nga rin matandaan kung nakapunta na ba ako dito malamang bata palang siguro ako noon kaya hindi ko matandaan." Tumango tango na lang ako, iyon siguro ang dahilan kaya hindi nito ito matandaan at kaya marahil hindi ko rin ito kilala.
"Wait siya pa rin ba ang care taker dito?" Dugtong pa nito.
"Pinapatigil na siya ng mga anak niya na magbantay dito sa mansion pero mapilit eh ang sabi niya dito na raw siya mamamatay kaya ayan si Cindy ang pinsan ko siya ang kasama niya dito." Itinuro ko ang pinsan kong si Cindy na abala sa pag labas ng mga meryenda.
Nang biglang tumunog ang telepono ko at nakita ng si Tonet ang nakalihistrong roon.
"Hello Tonet, ah oo nga hindi natuloy ang date natin may importante kasi akong pinuntahan, sige bukas nalang." Ibinaba ko ang aking telepono at nagsimula akong magtext habang pigil ang pagtawa ko dahil nakatingin sa akin si Rocky.
"Kasama ko kasi si Rocky kaya sinabi ko na may date dapat tayo." Sabi ko sa mensahe ko kay Tonet.
"Nagselos naman ba? Sa tingin ko may gusto rin sa akin iyang Rocky na iyan eh pakipot lang kasi." Mas lalo akong napatawa dahil sa mensahe ni Tonet nang biglang tumayo si Rocky at nagsimulang pumasok sa loob ng mansion.
"Cindy puntahan mo si Rocky sa loob para mayroon siya kwentuhan."Tumango naman ito at ibinaba ni Cindy ang kanyang ginagawa saka ito tumayo.
Gusto ko rin sanang sumunod sakanila ngunit baka makaistorbo lang ako kaya naman hinintay ko nalang na lumabas ang dalawa, tumawag na rin ako sa bahay na magluto ng ulam dahil mayroon akong bisita at lahat ng pinaluto ko ay puro gulay para hindi puro karne ang kinakain ni Rocky.
Nanatili lang akong nakaupo roon at naghihintay sakanila habang katext pa rin ang makulit na si Tonet na patay na patay kay Rocky, kung ano ano rin ang sinasabi nito kaya naman sa bawat mensahe nito ay napapatawa ako.
Napansin ko naman na palabas na ang dalawa habang nagtatawanan pa mukhang magkasundong magkasundo na si Rocky at ang pinsan kong si Cindy. Muling namang nagtext si Tonet kaya napahagalpak ako sa pagtawa na siya naman ikinalingon ni Rocky at mag iba ang timpla ng mukha nito.
Kung iisipin mo lang ay parang nobya ko ito na nagseselos dahil kung makatingin ay daig pa ang lalamunin ako kaya naman ibinaba ko ang hawak kong telepono.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Malakas na sabi nito. Lumingon naman ako na nuo'y masama na ang tingin sa akin ngunit muling tumunog ang telepono ko at nagtext ang kapatid kong si Crissa. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Crissa dahil nakita ko itong tumango at nawala ang kunot ng nuo nito habang palapit sa kinaroroonan ko at muling umupo sa upuan.
Abala kami pareho sa pagkalikot ng aming mga telepono nang biglang tumunog ang telepono ni Rocky. Narinig ko ang pangalang Farrah kaya alam kong babae ang kausap nito sa sobrang lakas ng boses ng babae ay ring ko pa ang pag-aalala nito kay Rocky.
Muli akong bumalik sa pag text kay Crissa dahil naroon na ang mamimitas ng mga gulay na dadalhin sa foundation mamaya. Muling tumunog ang telepono ni Rocky, hindi ko na sana papansinin iyon ngunit narinig ko ng pangalan ni Wilson kaya naman napalingon ako rito saka ito tinitigan.
Habang si Rocky naman ay nakangiti pa, napangisi ako habang tinitignan itong tumayo at naglakad pa palayo sa akin papunta sa kotse at sumakay sa loob nito. Mukhang ayaw pa nitong iparinig sa aking ang kanilang pag-uusapan kaya lumayo pa ito sa akin.
Nanatili lang akong nakatingin habang patuloy ito sa pakikipag-usap kay Wilson, napansin din nito na nakatingin ako sakanya ngunit lumingon ito sa ibang direksyon pagkatapos niyon ay ibinaba na niya ang kanyang telepono.
"Kuya, kursunada mo ang amo mo no?" Hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinitignan ni Crissa na nuo'y nasa harapan ko na at kumakain ng suman.
"Ha? Hindi no, nakakainis lang kasi ang style niya parang lalaki ang daming chicks e, daig pa ako." Kumuha rin ako ng suman saka ito kainin.
"Sabi mo lang iyan pero kung makatitig ka sakanya parang matutunaw na e." Ngumiti pa ito bago pumasok sa loob ng mansion dahil tinatawag ito ni auntie Hasmin.
Nanatili lang akong nakaupo roon habang hinihintay si auntie Hasmin dahil sabi nito ay uuwi ito sa bahay kasama si Crissa.
Napansin ko naman na nakatulog na si rocky sa kotse kaya pinuntahan ko ito, pumasok ako sa loob saka tumabi rito at ipinatong ko ang ulo nito sa aking balikat.
Naamoy ko ang mabangong buhok nito lalo na ang pabango nitong nakakaadik. Hindi ko ininda ang ngalay bagkus nanatili lang ang sa posisiyon na iyon saka pumakit at hinihintay itong magising.