Chapter 36

2351 Words
Naramdaman ko ang paggalaw nito ngunit nanatili lang akong nakapikit na kunwari ay natutulog din, inangat nito ang kanyang ulo at alam kong inayos nito ang kanyang sarili. Nang bigla kong imulat ang mga mata ko at sakto naman itong nakatitig sa akin, hindi ko alam kung anong ginagawa nito ngunit nahiya akong bigla nang titignan nito ang mukha ko. "Anong ginagawa mo?" Wika ko sabay na itunulak ang kanyang nuo dahil halos hindi nito maalis ang pagkakatitig. "Pinagmamasdan mo ba ang mukha ko?" Dugtong ko pa habang inaayos nito ang kanyang sarili. "Hindi no, ang kapal naman ng mukha mo. Napatingin lang ako sa mukha mo may masama ba? Teka nga hindi pa ba tayo aalis naiinip na ako rito." Kumunot ang nuo nito sabay ang pagkuha ng telepono niya na nakapatong sa harapan ng kotse. "Ayan na pala sila. Hindi ba't nabanggit sa iyo ni Cindy na pupunta tayo sa maliit naming taniman?" Lumingon lang ito sa akin at tumango naman ito, sumakay na sa loob ng kotse sina auntie Hasmin at Cindy. Nang makarating kami sa aming bahay ay kaagad na bumababa sina auntie Hasmin at Cindy upang asikasuhin ang mga namimitas ng gulay at ganoon din ako, napansin ko naman na hindi bumaba ng kotse si Rocky kaya kinatok ko ang bintana nito. "Hindi ka ba bababa? Kailangan ko pa bang buksan ang pinto?" Kumunot ang nuo nito saka binuksan ang pinto ng kotse at pabalibag na isinarado, napatawa naman dahil sa kasungitan ng babaeng ito. Narinig ko ang pag tawag sa akin ng mga kapatid ko kaya naman mabilis akong lumapit sakanila at niyakap nila ako ng mahigpit kahit na kakagaling ko lang dito noong isang araw. Napalingon naman ako kay Rocky at niyaya ko itong magpunta sa aming likod bahay kung saan naroon sina auntie Hasmin. Kinuha ko naman ang sumbrero at isinuot ang dyaket para tulungan ang mga namimitas ng gulay, sumama rin sa akin sina Chelsea at si Christopher upang tumulong din. Habang namimitas ako ng gulay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kinaroroonan ni Rocky habang nakangiting kausap nito ang aking kapatid. "Insan, baka iba na ang mapitas mo sa kakatingin mo riyan sa boss mo." Siniko ko naman ang pinsan ko na kapatid ni Cindy na si Randy. "Tumahimik ka nga insan, si Crissa ang tinitignan ko at hindi ang boss ko." Palusut ko naman. "Sus huwag ka nga insan kilalang kilala kita ganyan na ganyan ka rin kay Julia noon hindi ba?" Si Julia ang ex girlfriend kong sumama sa ibang lalaki dahil mas gusto nito ang mayamang lalaki kaysa sa katulad kong mahirap. Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pag pitas ng mga gulay. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Crissa na kakain na kaya naman nagsiahunan na ang mga kasama namin na namimitas ng gulay, tinanggal ko ang sumbrero ko saka ang damit na suot ko dahil sa sobrang init. Napansin ko naman na wala na roon si Rocky na katabi ni Crissa kanina. "Nasaan ang ate Rocky mo?" Tanong ko rito. "Nagpunta siya doon sa may kotse kuya may tumawag kasi sakanya." Napakunot naman ang nuo ko kaya dali dali akong nagpunta sa kinaroroonan niya nang makita ko pang nakangiti ito habang may kausap sa kanyang telepono. "Si Wilson na naman ba iyon?“ Sabi ko habang nakatapat sa bintana ng kotse, ngumisi pa ito sa akin habang nakatitig din. "So what?“ Tumayo ako ng diretso saka pumameywang habang ito naman ay nagtataray sa akin. Hay napakasungit talaga mo talaga Rocky. "Bumaba ka na riyan o baka gusto mong buhatin pa kita." Bumaba naman ito kaagad ng kotse saka nito ako nginisian muli. Nagsimula kaming maglakad patungo sa hapag kainan at umupo roon sa tabi ni auntie Hasmin. Katulad kaninang umaga ay nilagyan ko ng kanin ang plato nito saka inilapit ang mga klase ng gulay na pinaluto ko. Alam kong hindi nito kakainin ang mga iyon ngunit sinubukan ko pa rin. "Busog pa ako Caleb." Mahinang wika nito habang nakalapit ito sa akin. "Bawal ng ibalik ang kanin pagnasandok na magagalit si Auntie Hasmin." Ngumiti lang ako at hindi ito pinansin. "Kumakain ka ba ng gulay?“ Dugtong ko pa tumingin naman ito sa mesa at tinignan niya isa isa ang mga ulam na nakalagay sa mangkok mayroon pakbet, adobong sitaw, labong, ginisang ampalaya, bulanglang saka abraw. "Keitlyn iha, tikman mo ito labong na may saluyot masarap ito." Tinignan niya iyon at tila ba nandiri ang mukha nito marahil ay dahil sa tekstura nitong madulas. "Ate Rocky heto baka gusto mo? Bulanglang ang tawag dito sa amin." Nakita ko ang tipid nitong pag-iling saka humarap sa tambak ng kanin na inilagay ko sa plato nito, mayaman nga talaga ito dahil ni isang gulay sa mesa ay hindi nito alam Mali an sa pakbet ngunit hindi nito gusto iyon. Hinawakan ko ang balikat nito saka ito mapalingon sa akin. "Sandali bibilhin kita ng ulam." Bulong ko sakanya, patayo na sana ako nang mabilis nitong hawakan ang kamay ko saka ako napahinto ngunit kaagad nitong inalis ang pagkakahawak dito. "OK na ito, don't worry." Mahina nitong sabi saka ito ngumiti ng bahagya sa akin at bumalik din ako sa pagkakaupo. Kinuha nito sa mesa ang adobong sitaw at nilagyan nito ng kaunti ang kanyang plato, tinikman nito iyon saka ito napatango tango mukha naman itong nasarapan dahil nagsimula na itong kumain. "Adobong sitaw iyan ate Rocky." Ngumiti naman ang kapatid kong si Crissa saka naman tipid na ngumiti si Rocky. Natapos ng kumain ang mga kasama namin sa hapag kainan samantalang si Rocky naman ay mukhang nag-eenjoy sa kanyang mga kinakain at halos maubos na nito ang kanin sa kanyang plato at dahil doon ay natutuwa naman ako. "Subukan mo rin ito ate, saluyot iyan na may labong." Inabot ni Crissa ang labong na mayroon saluyot kay Rocky, akala ko ay tatanggihan niya iyon ngunit napangiti ako nang kuhanin niya saka nito amuyin iyon. "Ano ba itong saluyot Crissa?" Napangiti ako habang pinagmamasdan ang inosenteng mukha ni Rocky, napakaganda nito kahit na palaging nakakunot ang kanyang nuo. Hindi ko akalain na mapapakain ko ang isang bilyonaryang babae ng pagkain ng mahihirap. "Hindi ko alam ang ingles niyan ate Rocky pero iyan labong iyong batang kawayan iyan." Napahinto ito sa kanyang pagkain at tinitigan niya ito. "Kawayan ito? You mean itong upuan at mesa natin ito iyon?" Napatawa naman kami ni Crissa dahil sa kanyang reaksyon habang ito naman ay nakakunot ang nuong tinitignan ang nasa plato nito. "Ang yaman yaman mo kasi ate Rocky kaya hindi ka sanay sa mga ulam na iyan." At muli kaming napatawa samantalang ito naman ay hindi pa rin makapaniwala. Pagkatapos namin kumain ay naligo muna ako upang hindi nakakahiya kay Rocky na amoy pawis ako dahil sa pagpitas namin ng gulay kanina. Naabutan ko silang nagpapasok ng mga gulay sa kotse ni Rocky. "Insan bakit sa kotse ng boss ko kayo naglalagay ng gulay?" Tanong ko sa pinsan ko habang nilalagay sa compartment ang mga gulay. "Pumayag naman ang boss mo insan saka anong gagamitin mo? Iyan kotse mong sira sira sa tingin mo ba mapapasakay mo riyan ang boss mo?" Sabagay mayroon punto ang pinsan ko dahil baka tumirik lang kami sa kalsada kung ang kotse ko ang gagamitin at tiyak na lalabas na naman ang sungay nito. "Sige na lumakad na kayo at baka maabutan pa kayo ng dilim lalo na't dadalhin pa ninyo sa charity foundation ang mga gulay." Habang sumesenyas si Auntie Hasmin. "Sumabay na po kayo sa amin pabalik ng mansion." Suwestiyon naman ni Rocky. "Hindi na Keitlyn, sasakay nalang kami ng traysikel ni Cindy para hindi na namin kayo maistorbo at baka magabihin kayo." Tanggi naman ni Auntie Hasmin saka ito ngumiti. "Ate Rocky babalik ka po ah, iyong promise po ninyo." Lumapit naman ito kay Crissa saka kinurot ang pisngi nito, napakunot ang nuo dahil anong promise ang sinabi ni Rocky sa kapatid ko? Ayaw kong mayroon nangangako sakanila dahil ayaw ko silang umasa at masaktan. "Yes of course, tutuparin ko ang pangako ko." Ngumiti naman si Rocky habang sinasabi ang mga iyon, niyakap ko ang mga kapatid ko dahil matagal na naman bago kami magkita ulit. Sumakay na kami ng kotse habang silang naman ay kumakaway sa amin. Nang makarating kami sa charity foundation ay hindi ako nagdalawang isip na tanungin si Rocky kung ano ang ginagawa nito rito nang minsan kaming magkita. "Rocky nakita na kita minsan dito, ano palang ginagawa mo dito?“ Napalingon ito sa akin saka ngumiti. "3 years na akong nagdodonate sakanila simula ng itayo ko ang Ride Auto Bike, at lahat ng premyo sa pagre race ko sakanila rin dumederetso." Nagulat ako sa sagot nito ngunit hindi ko iyon pinahalata, natutuwa ako dahil tumutulong ito sa foundation para sa mga bata. Kahit na napakayabang at napakaarte nito ay mayroon itong malambot na puso para sa mga bata. "Ah, akala ko ipinagyayabang mo lang ang motor mo rito." Napalingon ito sa akin saka nito ako nginisian at tumawa lang ako. Sabay kaming bumaba ng kotse habang sinasalubong kami ni Mrs. Reyes. Dumeretso sila sa loob samantalang ako naman ay ibinababa ang mga tiklis at deretso ng nilagagay sa kusina ang mga dala naming gulay, mukhang mayroon silang mahalagang pinag-usapan dahil mahina ang mga boses nito. Nang matapos kong dalhin lahat sa kusina ang mga gulay ay dumeretso na ako sakanila, tumabi ako kay Rocky habang si Mrs. Reyes naman ay tumayo upang gumawa ng tsaa, hindi ako umiinum nu'n ngunit alam kong mahilig si Rocky sa tsa kaya naman hindi na rin ako tumanggi. "Gaano ka na katagal nagsussupply ng mga gulay dito?" Tumingin ako sakanya at mukhang seryoso ito. "Matagal na, wala pa noon si bunso si Chelsea. Teka sandali anong promise ang sinasabi ni Crissa kanina?" Ibinaba nito ang kanyang tingin saka ito napangiti kaya naman mas lalo akong napaisip kung ako ba iyon. "Wala, sa amin na lang ni Crissa iyon." Kumunot ang nuo ko rito at mapalunok ng sariling laway. "Huwag kang nangangako sa mga kapatid ko kung wala ka rin lang balak tuparin ang mga iyon, ayaw kong umasa sila sa mga pangako." Bigla akong nainis dahil hindi nito sinabi kung ano ba iyong pinangako niya sa kapatid ko, ako dapat ang mang-iinis sakanya ngunit tila ba ako pa ang napipikon rito. "Tutuparin ko ang promise ko sakanila, kagaya ng pagtupad ko sa kasunduan natin." Kumunot naman ang nuo nito kaya napatitig ako sakanya saka ko inilagay ang aking kamay sa kanyang nuo ko at inunat iyon. "Mas maganda ka paghindi palaging nakakunot ang nuo mo." Tinapik nito ang kamay ko saka ito muling napakunot ang nuo. "Oh ayan na naman, nakakunot naman ang nuo mo." Dugtong ko pa habang napapatawa samantalang inayos naman nito ang kanyang buhok. Sakto naman ang pagbalik ni Mrs. Reyes na dala dala ang tsaa saka ito nakangiti sa amin ni Rocky. Inilapag nito sa mesa ang hawak nito at umupo sa harapan namin ni Rocky. "Alam ninyo bagay na bagay kayong dalawa kung hindi ko nga alam na amo mo si Rocky Caleb pagkakamalan ko kayong magkasintahan." Lihim akong napangiti dahil sa sinabi ni Mrs. Reyes, ilan beses na ba kaming napagkamalang magnobyo at nobya? Ibig sabihin ba nito ay bagay na bagay talaga kami? Napalingon ako kay Rocky at nakangiti rin ito. "Hay naku Mrs. Reyes hindi ko naman type itong si Rocky hindi siya iyon babae na magugustuhan ko at isa pa paano ninyo nalaman na amo ko siya." Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Hindi ko nga ba type si Rocky? Niloloko ko ba ang sarili ko? "Nabanggit ko kay Mrs. Reyes kanina." Mabilis nitong sagot at nawala ang ngiti nito kanina habang seryoso ang kanyang mukha. "Kumusta na pala si Hasmin, Caleb?" Napalingon naman ako kay Mrs. Reyes. "Maayos naman po siya Mrs. Reyes, gusto nga niyang sumama rito sa foundation pero mukhang hindi na niya kakayanin pa ang biyahe." Tumango naman ito saka humigop ng tsaa, muli akong napalingon kay Rocky at abala ito sakanyang telepono. "Magpagaling ka Rocky." Lumingon naman si Rocky saka ito tumango at tipid na ngumiti. Mukhang wala ito sa mood at hindi ko alam kung ano ang dahilan malamang ay pagod na rin ito, gusto ko sana itong asarin para pansinin ako ngunit di bale na lang at baka masapak pa ako nito. "Nag-enjoy ka ba?“Hindi ito lumingon sa akin ngunit tumango naman ito, hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para masira ang mood ni Rocky. Nang makarating kami ng kanilang bahay sa San Antonio ay kaagad itong bumababa ng kotse, ni hindi man lang nito ako nilingon hanggang sa makapasok ito sa loob ng bahay. Napansin ko ang kotse sa gilid ng garahe at kung hindi ako nagkakamali ay kay Wilson ito. Ibinaba ko ang isang tiklis ng gulay saka pumasok sa loob ng sala upang sabihin kay sir Rodrigo na nagpadala ng gulay si auntie Hasmin. "Sige Wilson hintayin mo ako at magbibihis lang ako." Napahinto ako nang makitang hawak hawak ni Wilson ang kamay ni Rocky at mukhang mayroon silang pupuntahan. "Caleb ang daming gulay niyan, pinadala ba iyan ni auntie Hasmin?" Wika ni Ronald habang nakatingin pa rin ako kina Wilson at Rocky, mayroon pa itong sinabi ngunit hindi ko iyon pinansin dahil nakatuon ang sarili ko sa dalawa. "Ahem dalhin mo na sa kusina iyan Caleb." Tinapik ni Ronald ang balikat ko at doon lamang ako nakabalik sa aking ulirat saka ako tumango. Dumeretso ako sa kusina saka ibinagsak ang tiklis na dala dala ko at nagulat pa si manang at mang Kanor na kumakain. Lumabas ako sa kusina at dumeretso na sa aming silid ngunit bago ako pumasok ay napalingon ako sa garahe at nakita ko pang pinagbuksan ni Wilson si Rocky ng pinto ng kotse saka ito pumasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa nakikita ko, gusto kong hilayin si Rocky palayo kay Wilson upang hindi nito ito makasama. Nanatili akong nakatayo hanggang sa mkakaalis na ang kotse na kanilang sinasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD