Caleb Point Of View
Pinagdala ako ni manang ng hapunan dahil hindi na ako nakabalik ng kusina ngunit hindi ko iyon kinain, wala akong gana dahil iniisip ko si Rocky at si Wilson. Ilang beses din ako bumangon para silipin kung bukas na ang ilaw sa kuwarto ni Rocky ngunit nakapatay pa rin, malamang ay nag-eenjoy itong kasama si Wilson.
Naalimpungatan ako dahil sa kalabog mula sa labas, tinignan ko ang oras sa aking telepono at alas siete na ng umaga kaya naman bumangon na rin ako upang ipagluto ng almusal si Rocky. Pagkalabas ko ng pinto ng aking silid ay naabutan ko roon si manang na inililigpit ang dala nitong pagkain kagabi na hindi ko kinain.
"Bakit hindi mo ito kinain kagabi Caleb? Mayroon ka bang problema?" Umiling naman ako saka kinuha iyon sakanya.
"Wala po manang busog pa naman po kasi ako kagabi, ako na pong magliligpit dito saka ipagluluto ko po ng almusal si Rocky." Dumeretso ako sa kusina habang si manang naman ay nakasunod sa akin.
Habang nagluluto ako ay siya naman ang pagtunog ng aking telepono.
"Hello Tonet? Oo nga pala nakalimutan ko na ngayon pala iyon, sige papunta na ako." Ibinaba ko ang telepono ko saka muling nagluto.
"May date ka ata Caleb?" Napalingon ako sa aking likuran at naroon na si mang Kanor na humihigop ng kape.
"Wala po mang Kanor." Ngumiti naman ako saka ngpaptuloy sa pagluluto.
Inayos ko na sa plato ang kakainin ni Rocky nakalagay doon ang itlog, ham at bacon, nilagyan ko rin iyon ng design upang maganahan itong kumain.
Sumabay na ako sa pag-aalmusal kina manang at mang Kanor dahil tinawagan ako ni Tonet na ayusin ang motor ng pinsan nito.
"Manang pag bumaba po si Rocky nasa gilid po ang almusal niya, huwag din po ninyong kalimutan ang gatas niya." Ngumiti naman sa akin si manang at tumango ito nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Iyong para sa akin wala ba?" Napalingon naman ako sa aking likuran at naroon si Ronald na nakangiti sa akin, hindi ako nakasagot agad dahil sa pagkakagulat.
"Biro lang Caleb." Pumasok ito sa kusina saka uminum ng tubig. Ganito ba talaga sila, madalang lang kumain at puro tubig lang ang almusal?
Pagkatapos nitong uminum ay lumabas din ito ng kusina habang tinatapik ang balikat ko at tumango naman ako.
Dumeretso na rin ako sa garahe at ginamit ko ang kotse ni Rocky, wala naman itong sinabing pupuntahan namin kaya hindi rin ito lalabas ng bahay.
Nang makarating ako sa bahay nina Tonet ay naroon na rin ang pinsan nito, wala akong ibang ginawa roon kung hindi kalikutin ang kanilang mga motor.
"How's Rocky? Is she OK? Nabalitaan ko ang nangyari sakanya.“Tumingin naman ako kay Tonet habang inilalapag nito sa mesa ang dala nitong juice.
"Maayos naman siya at malayo naman sa bituka ang galos niya." Nang bilang bumukas ang gate at nakita kong pumasok si Wilson.
"Hi Wilson what are you doing here?" Sinalubong ito ni Tonet saka ito tumingin sa akin.
"Nandito pala si Mr. Driver at kailan mo pa naging mekaniko ang driver ni Rocky?" Hindi ako tumingin sakanya bagkus ay ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa.
"Napakagaling kaya ni Caleb hindi katulad ng mga mekaniko na nirerekomenda mo Wilson lahat sila ay puro palpak." Napatawa ako dahil sa sinabi ni Tonet saka ako humarap kay Wilson. Ngumisi ito sa akin kaya naman gumanti rin ako.
Niyaya ito ni Tonet na pumasok sa loob ng kanilang bahay at mukhang mayroon silang importanteng pag-uusapan, nagpokus na lang ako sa pag-aayos ng mga motor dahil tatlo pa ang aayusin ko.
Nakita kong nagpaalam na rin si Wilson rito, lumingon pa ito sa akin saka ngumisi ngunit hindi ko na iyon pinansin. Tinignan ko ang aking orasan at pasado alas dos na ng hapon kaya naman nagpaalam na rin ako kay tonet at sa ibang araw ko nalang aayusin ang isang motor na natitira dahil baka hinahanap na ako ni Rocky.
"Siya nga pala Caleb bago ka umuwi ito kunin mo, dalawang ticket iyan para sa isang flat track racing aayain ko sana si Rocky dahil alam kong mahilig iyon manuod ng race pero busy ako kaya kayo na lang dalawa." Kinuha ko naman iyon saka ngumiti rito.
Umuwi ako ng bahay at nagtungo kaagad sa kusina, nakita ko roon sa gilid ang pagkain na itinabi ko kay Rocky binuksan ko iyon at mukhang hindi iyon nagalaw. Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na naman kumain ng agahan si Rocky?
Pinuntahan ko si manang sa aming silid at naabutan ko itong nakaupo habang nanunuod ng t.v.
"Manang bakit hindi po kinain ni Rocky iyong almusal niya kanina?" Habang nakakunot ang nuo ko, napalingon naman ito sa akin.
"Aba'y ewan ko kung bakit hindi niya kinain, ito kasing Kanor na ito sinabi niyang umalis ka dahil mayroon kang pupuntahang babae." Itinuro nito si mang Kanor na nasa likuran ko.
"Sinabi ko lang naman sakanya ang totoo na mayroon kang sasamahang babae, mukhang nagselos ata kaya hindi na nag-almusal." Pumasok naman si mang Kanor saka ito umupo, napangiti naman ako habang iniisip na nagseselos si Rocky dahil kay Tonet.
"Talaga po mang Kanor nagseselos po si Rocky?" Umupo rin ako sa tabi ni manang Kanor saka ito tumango. Napahawak pa ako sa ulo habang pangiti ngiti hindi ko alam kung kikiligin na ba ako.
"Nasaan na po ba si Rocky manang?" Nagtingin naman ang dalawa ngunit pareho silang hindi sumagot.
"Ito na iyong pinapanuod ko." Wika ni manang.
"Nakalimutan ko palang icharge ang telepono ko at baka tumawag na si sir Rodrigo." Tumayo naman si manang Kanor saka kinuha ang charger sa kabinet.
"Manang? Mang Kanor? Nasaan po ba si Rocky?" Hindi ko alam kung bakit ayaw nilang sagutin ang tanong ko malamang ay mayroon na namang kalokohang ginawa ang boss kong si Rocky.
"Umalis si Rocky." Tipid na sagot ni manang.
"Saan po siya nagpunta manang? Sino po kasama niya?" Napaisip ako kung sino ang kasama niya dahil kakakita lang naman namin ni wilson.
"Umalis siya mag-isa Caleb, ginamit niya ang motor niya." Nagulat ako sa sinabi ni mang Kanor, napahawak pa ako sa aking ulo dahil napaka tigas ng ulo nito. Hindi pa magaling ang braso nito at nakuha na niyang magmotor, napakapasaway talaga.
Oras na ngunit wala pa ito, paniguradong mapapagalitan na naman ito ni sir Rodrigo dahil ginamit nito ang kanyang motor. Nag-aalala rin ako at baka napano na ito sa daan kaya naman hinintay ko na lamang ito sa may garahe.
Nakita ko ang pag bukas ng Gate saka ito pumasok na gamit nga ang kanyang motor kaya naman lumuwag ang pakiramdam ko mabuti na lang at wala pa sina sir Rodrigo.
"Saan ka nanggaling?" Tanong ko rito nang maipark nito sa garahe ang kanyang motor, napansin ko rin na hindi na nito suot ang kanyang arm supporter at tanging bandage na lang ang nakalagay dito.
"Nang-iwan ako ng almusal mo bakit hindi mo kinain?" Dugtong ko pa ngunit hindi nito ako pinapansin kaya naman sinundan ko ito papasok sa sala.
"Sandali nga Rocky." Hinawakan ko ang braso nito saka ko ito hinila kaya naman napalingon ito sa akin at mukhang wala itong naririnig.
"Hindi mo ba ako naririnig?“ Kumunot ang nuo ko habang nakatitig dito.
"Pagod ako I'm sorry." Mahinang wika nito kaya naman binitawan ko kaagad ang braso nito.
"Namumutla ka Rocky may sakit ka ba? At sino nagsabi sa iyong pwede ka ng gumamit ng magmotor?" Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito saka ko tinitigan ang mukha nito ngunit umiling ito.
"Umalis ka raw sabi ni manang dahil tumawag sa iyo si Tonet magpapasama sana ako sa shop, si mang Kanor naman susunduin pa si dad kaya no choice ako ginamit ko na iyong motor ko and look maayos na ang braso ko kaya ko ng mgdrive ulit." Tipid ang ngiti nito sa akin saka tumalikod na at nagsimulang maglakad papasok sa sala.
"A Rocky nagpasama lang kasi si Tonet bumili ng mga gamit sa motor pero bumalik din kaagad ako dito." Saglit itong lumingon ngunit tumalikod na rin at sumeniyas ng OK sakanyang daliri.
"Rocky." Sabi ko ngunit hindi na nito ako pinakinggan, nanibago ako dahil sa kilos nito.
Nang biglang tumunog ang telepono ko at nakitang si Crissa ang nakalihistro.
"Hello kuya nagpunta si ate Rocky dito, bakit hindi ka sumama sakanya? Mukhang nahihirapan pa nga siyang magmotor."Wika nito sa kabilang linya.
"Anong sinabi mo? Nagpunta si Rocky diyan sa San Luis?" Ang sabi nito sa akin kanina magpapasama siya sa shop niya at wala siyang binanggit na pumunta siya ng San Luis.
"Opo kuya ang dami nga niyang biniling pasalubong at binilhan din niya kami ng tig-iisang cellphone." Iyon ba ang sinasabi niyang pangako sa mga kapatid ko? Kung alam ko lang sana pala hindi ko na ginawa ang motor ng pinsan ni Tonet at sinamahan ko na lang siya.
"Sige na kuya bukas na lang ulit, pakisabi kay ate Rocky thank you a." Ibinaba nito ang kanyang telepono habang ako naman ay nanatiling tahimik habang iniisip na tinupad nito ang kanyang pangako sa mga kapatid ko kahit na pa hindi pa ito magaling.
Nabanggit sa akin ni Rocky na papasok ito sa V. E. M ngayon dahil madami na raw itong tambak na trabaho kaya naman maaga akong nagising. Pasipol sipol pa akong naglalakad patungo sa garahe upang doon na lamang hintayin si Rocky ngunit nadatnan ko itong nasa loob na ng kotse.
Napalunok pa ako ng aking laway dahil hindi ko inaasahang mas maaga pa sa akin ang boss ko. Katulad ng palagi nitong sinusuot ay pormang lalaki pa rin ito habang suot suot nito ang kanyang sun glasses.
Naging tahimik lang ang aming byahe dahil mukhang wala ito sa mood kaya naman hindi na lang din ako nagsalita. Nang makarating kami sa V. E. M building ay kaagad itong bumaba, sinundan ko naman ito ng palihim hanggang sa makarating ito sakanyang opisina.
Umupo ito sakanyang swivel chair habang ako naman ay sinasarado ang pinto ng opisina nito saka ito magulat nang makita niya akong nasa loob na rin ng kanyang opisina.
"Anong ginagawa mo rito?" Umupo naman ako sa upuan habang ito ay nakatayo sa harapan ng kanyang lamesa.
"Ayaw ko naman maghintay sa baba, ang init init doon kaya dito na lang ako." Humilata ako sa upuan at nakita ko ang pagkainis nito ngunit wala rin naman itong magagawa sa gusto ko.
"Teka huwag kang humilata riyan baka mayroon dumating na bisita." Tumingin ito sa akin ngunit ipinikit ko ang aking mga mata.
"Kakatok naman siguro sila bago pumasok, huwag mo akong istorbohin matutulog lang muna ako." Hindi ito umimik ngunit narinig ko ang malakas nitong pag buntong hininga.
Nagkunwari akong tulog kahit na pa gusto kong matulog dahil hindi na naman ako nakatulog kagabi kakaisip sa kanya. Bahagya kong iminulat ang aking mga mata para silipin kung ano ang ginagawa nito.
Nakakunot ang nuo nitong pumipirma ng mga papeles ngunit kahit ganoon pa man ay lumalabas pa rin ang ganda nito. Tambak din sa mesa nito ang mga papel na halos hindi nito alam kung paano nitong sisimulan. Narinig ko ang malakas na pagkatatok sa pinto kaya naman ipinikit ko ang aking mata.
"Come in." Wika ni Rocky at narinig ko ang pag bukas ng pinto.
"Miss CEO, heto pala iyong mga schedule ninyo sa meeting mamaya." Sabi ng babae, malamang ay assistant ito ni Rocky.
"Come here Nicole." Pormal na sabi ni Rocky.
"You have a meeting with Mr. Lee at 2pm and 4pm with Mr. Gomez, they will discuss about the new car models that will arrive next week miss CEO." Patuloy lang ako sa pakikinig sa kanilang usapan.
"Hindi ba't nakipagmeeting ka na sakanila Nicole? And please call me Rocky lalo na pag tayo lang dalawa." Napangiti ako dahil bagay sakanya ang tawag na miss CEO.
"Yes miss CEO, I mean Rocky. Nakipagmeeting na ako sakanila pero nag-email ako sainyo na gusto nila na ikaw mismo ang makipag meeting sakanila."
"He's my driver Caleb, masama ang pakiramdam niya kaya pinahiga ko na muna diyan, sabihin mo sakanila na makakarating ako." Narinig kong binanggit nito ang pangalan ko at sinabi pa nito na masama ang aking pakiramdam.
Naging abala ito sakanyang ginagawa habang ako naman ay nangangawit na sa aking ginagawa at nakakaramdam na rin ako ng antok. Nagising ako dahil malakas na kalabit sa akin ni Rocky, mukhang napaidlip ako hindi ko inaasahan na magiging totoo ang pagpapanggap kong magtulog tulugan.
"Bumangon na po kayo riyan mahal na prinsipe at kakain na po." Napalingon ako sa lamesa at nakahanda na ang aming tanghalian, umupo ako saka uminat pa hindi ko alam na ganoon na pala katagal ang tulog ko.
"Pasensiya na napasarap ata ang tulog ko." Napataas ang kilay nito saka umupo sa kabilang upuan at nagsimula na rin kumain.
"Thank you pala Rocky." Dugtong ko pa.
"Thank you saan? Sa pagkain ba? Umorder ako ng pagkain natin dahil gutom na ako, at hindi ito libre dahil may kapalit ito." Pagtataray nito sa akin.
"Hindi naman dito sa pagkain, thank you sa mga binigay mo para sa mga kapatid ko, tumawag si crissa at halos maghapon ka raw roon sa San Luis kahapon bakit hindi mo sinabi kaagad na pupunta ka sa San luis sana nakasama ako at hindi mo na ginamit ang motor mo." Ngumiti naman ito sakin ngunit nakataas ang isang kilay nito.
"Kahit hindi ka naman sumama alam ko naman nag-enjoy ka kasama si Tonet hindi ba? Saka maayos na ang braso ko kaya ko na ulit magdrive." Nang biglang may kumatok muli sa pinto kaya naman huminto ako sa pagkain.
"Come in Nicole." Sabi ni Rocky kaya alam kong assistant niya iyon kaya naman nilagyan ko pa ng pagkain ang plato nito.
"Tama na Caleb, busog na ako." Hindi ko ito pinakinggan at naglagay pa rin ako.
"Tssk kumain ka pa."
"Oh what a surprise! Invite palang sana kitang maglunch sa labas Rocky." Tumayo naman si Rocky saka ito sinalubong at napatingin sa akin si Wilson.
"Hi Wilson, madami pa kasi akong ginagawa kaya nagpaorder na lang ako ng food, madami naman ito so come on join us." Ngumisi pa ito sa akin bago ito umupo may pinag-uusapan sila pero sa akin ang tingin ni Wilson na tila ba nagtataka kung ano ang ginagawa ko rito kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagkain habang nakikinig sa kanilang usapan.
"I'm so sorry Rocky hindi ko alam na sa staff mo lang pala, si Farrah talaga." Pigil ako sa pagtawa dahil napaka assuming nitong si Wilson.
"Well, it's OK Wilson if you want to come with us, ang sabi nga nila the more the merrier." Iniangat ko ang ulo ko at mapatingin kay Rocky saka bumaling ang tingin ko kay Wilson at ngumisi ito sa akin.
"How about you Mr. Driver baka gusto mo rin sumama?“ Hindi ko inalis ang pagkakatitig dito at pinanliitan ko ito ng mata, mas lalo pa itong tumitig sa akin na tila ba nanghahamon.
"Hindi ako sasama, may sarili akong lakad kasama si Tonet." Sabi ko at muling kumain.
"Oh really? That's good to hear, nagkakamabutihan na pala kayo ni Tonet. You know what Mr. Driver masuwerte ka kay Tonet dahil bukod sa sexy ito at mayaman, mabait, matalino at maganda pa." Napangisi naman ako ngunit hindi na ako kumibo. Hindi ako ganoon tulad ng iniisip niya.
"By the way Rocky, I'd love to invite you to watch the Dirt Bike Race after work if you're free." Naalala ko ang ticket na ibinigay ni Tonet.
"Really Wilson? Of course, I'm always free." Nakita ko ang tuwa sa mukha ni Rocky, tama nga si Tonet na mahilig ito manuod ng race.
"Nakalimutan mo na ba na mayroon tayong pupuntahan ngayon? Sorry Wilson ah pero may lakad na kami ni Rocky ngayon, hindi ba Rocky?" Sabat ko at mapalingon sa akin si Rocky, alam kong nagtataka ito kaya naman nilakihan ko ang mata ko sanay lang ay magets nito ang aking ibig sabihin.
"Yah, I'm really sorry Wilson I forgot about that may lakad nga pala kami." Napangiti ako dahil tinanggihan nito si Wilson na siya naman nitong ikinais sa akin.