Caleb Point Of View
Natapos ang lahat ng meeting nito nang nakasunod lang ako sakanya, panay din ang kunot ng nuo nito sa tuwing mapapalingon sa akin, mukhang naiinis ito dahil hindi ito makakasama kay Wilson.
Ngunit sinisiguro ko naman na magiging masaya si Rocky sa pupuntahan namin. Umuwi kami ng bahay na hindi man lang ito umiimik, nang makababa ito ng kotse ay pabalibag nitong sinarado ang pinto sumunod naman ako habang papasok ito sa sala.
"Magbihis ka na pagkatapos ay bumaba ka ulit." Sabi ko saka ito humarap sa akin.
"Ano bang akala mo Caleb? Kailangan ba lahat ng sasabihin mo susundin ko? Nasaan na ang freedom ko?" Napangiti naman ako habang ito naman ay nakapameywang na nakaharap sa akin.
"Ano bang drama iyan Rocky? Basta magbihis ka pagkatapos bumaba ka ulit dito, diba nga sabi ko may pupuntahan tayo." Hindi ito umimik bagkus ay pinanliitan ako nito ng mata saka ito padabog na umakyat ng hagdan. Napatawa naman akong naiwan sa sala habang umiiling pa.
Napakatagal nito halos isang oras na akong naghihintay sakanya sa sala, nakaligo at nalinisan ko na rin ang kotse pero wala pa rin ito. Wala naman akong contact number nito para tawagan at makababa rito sa sala.
"Manang mayroon po ba kayong contact number ni Rocky?" Tanong ko kay manang na palabas ng kusina.
"Wala akong contact number ni Rocky anak, sa pagkakaalam ko masiyadong private ang contact number niya at wala siyang pinagbibigyan nito, bakit? Hindi ba't magkasama kayo?" Tumango naman ako.
"Nasa itaas po siya manang hinihintay ko po kasi siyang bumaba mayroon po kaming pupuntahan." Ibinaba nito ang hawak nitong pamunas at lumapit sa akin.
"Bakit hindi mo na lang akyatin sa kuwarto niya?" Napakamot naman ako sa aking ulo saka mapalunok ng aking laway bigla akong nahiya dahil hindi ko kayang puntahan ito sakanyang kuwarto.
"Heto ang contact number niya." Lumingon ako sa gilid ko saka makita ang isang calling card, nang mapadako ako sa kanyang mukha ay sinalubong ako ng ngiti ni Ronald, tumayo naman ako saka kinuha iyon.
"Salamat." Mahinang wika ko, ngumiti lang ito at hindi man lang nagtanong saka umakyat na rin ng hagdan at mukhang pagod sa trabaho.
Lumabas na rin ako ng bahay habang hinihintay si Rocky sa may garahe, ilang beses ko itong tinext ngunit hindi ngrereply tinatawagan ko rin ito ngunit hindi rin sumasagot at pinapatayan lang ako. Pero hindi ko ito tinigilan dahil alam kong makukulitan ito sa akin at bababa rin ito.
"So hindi pa ba tayo aalis?" Nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Rocky sa aking likuran dahil pinupunasan ko ang harapan ng kotse. Sumakay ito sa loob ng kotse saka naman ako sumunod.
"Ready ka na ba?" Tanong ko, napangisi ito sa akin habang nakatitig ako sakanya. Napatingin ako sa damit nitong panlalaki, nilakihan nito ako ng mata kaya sinimulan ko ng paandarin ang kotse.
"Make sure na matutuwa ako sa pupuntahan natin dahil kung hindi last na ito na pagsunod ko sa gusto mo." Ngumiti lang ako dahil tiwala ako sa sarili ko na magugustuhan niya ang pupuntahan namin.
Nakarating na kami sa lugar kung saan gaganapin ang race, inilagay ko sa bulsa ko ang dalawang ticket na ibinigay ni Tonet. Mabuti na lang talaga at madaming gagawin si Tonet dahil kung hindi ay Wilson sana ang kasama ni Rocky ngayon.
"What are we doing here? Kung manood lang tayo ng football game or baseball game I'm sorry pero hindi ako mahilig diyan." Ano bang sinasabi nito hindi ba niya nababasa ang Flat track? Binuksan ko ang pinto ng kotse saka ako umikot at pinagbuksan ito.
"Hindi mo ba ako narinig?" Sabi pa nito saka ko hinila ang kanyang kamay pababa ng kotse at naglakad kaming dalawa habang nakikipagsiksikan sa mga taong naglalakad, iniabot ko ang ticket sa entrance saka kami pumasok.
Hindi ko binitawan ang kamay nito hanggang sa makaupo kami, nakita ko ang saya sakanyang mukha at ang malaking ngiti nito na halos hindi makapaniwala.
Tama nga si Tonet na mahilig itong manuod ng mga race, halos nakatitig lang ako sakanyang mukha habang nakapokus ito sa mga manlalaro.
"Thank you Caleb." Lumingon ito sa akin habang nakangiti at sinuklian ko rin ito ng matamis na ngiti.
Halos mabingi ako sa sigaw ni Rocky, hindi ko alam kung kakilala ba niya ang mga kasali sa race o sadyang maingay lang talaga ito.
Ilang beses din itong napapatayo at napapapalakpak, at sa bawat pag-upo nito ay siya namang pagkairita ko dahil sa style nito kung umupo, hindi na ako nakatiis kaya naman pinagsabihan ko na ito.
"Ayusin mo nga ang pag-upo mo Rocky." Suway ko, inayos naman nito ngunit ganoon pa rin ang kanyang pagkakaupo daig pa nito ako kung umupo kaya naman napailing na lang ako.
Nang matapos ang race at siya namang tuwa ni Rocky, nang mapansin ko ang mukha nito sa malaking wide screen ay kinalabit ko ito saka iyon itinuro.
Tinignan nito iyon saka ito yumuko at ibinaba ang sumbrero na nakalagay sakanyang ulo. Kaya ba ito mayroon dalang sumbrero para hindi makita ang mukha niya, pero bakit?
Narinig ko ang pag tawag sakanyang pangalan at kilala nila ito, mukhang sikat nga si Rocky sa larangan ng pakikipagkarera. Tumahimik ang buong stadium at nakapokus sakanya ang camera, lumingon ito sa akin kaya naman ngumiti at tumango ako.
Inalalayan ko ito sa paglalakad hanggang sa maakyat ng stage at halos lahat ng nanunuod ay gusto magpapicture rito, nakakainis lang ang mga lalaking kung makadikit sa katawan ni Rocky ay parang gusto na nila itong yakapin.
Tinawag ko pa ang pangalan nito ngunit hindi nito ako marinig dahil sa mga sigawan ng mga tao, ang ilang din sa mga manlalaro ay nagpapapicture rin dito. Kabilaan ang camera at mga reporter na nakapaligid sakanya.
Umakyat ako sa stage at nagpunta sa likuran nito saka hinawakan ang kamay ni Rocky, lumingon naman ito sa akin.
"Tara na bulong ko." Napalingon naman ito sakanyang paligid at mukha namang abala ang ibang tao sa pag bibigay ng parangal sa mga nanalo.
Napalingon ako sa kamay ko nang higpitan nito ang pagkakahawak saka kami mabilis na tumakbo pababa ng stage at palabas ng stadium habang nagtatawanan na pumasok sa loob ng kotse.
Napakaganda ni Rocky lalo na kung nakangiti ito, ang pantay pantay na mapuputing ngipin nito at ang mapupulang labi na halos hindi nakakasawang tignan.
Balak ko rin sana itong dalhin sa mamahaling restaurant gamit ang perang kinita ko sa pag-aayos ng motor ni Tonet ngunit nakalimutan ko ang aking wallet kaya ang bagsak ay sa isang carinderia.
"Pasensiya na iyan lang ang pasok sa budget ko." Napangiwi ako habang ibinababa ang inorder kong pagkain. Hindi ko alam kung kakainin ba niya ito pero alam ko naman na malinis ang pagkain dito dahil minsan na akong kumain dito.
"No its OK, ano ka ba dapat nga ako ang magtreat sa iyo dahil napasaya mo ako ng sobra ngayon Caleb." Napatigil ako sa paglagay ng pagkain sakanyang plato. Sabi ko na nga ba ayaw niya rito.
"Ang ibig mo bang sabihin ayaw mo ng mga ito?“ Ibinaba ko iyon saka napaupo.
"Hindi no seyempre gustong gusto ko ang mga ito, ang ibig kong sabihin dapat ako na nagtreat sa iyo hindi ka na dapat pang gumastos." Napangiti naman ako saka ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa kanyang plato.
"Alam mo ba Caleb na nawala ang stress ko, pagod sa trabaho at kahit ang inis ko sa iyo nawala dahil dito kaya sorry sa mga kaartehan ko." Dugtong pa nito nito kaya naman napatawa ako, alam ko naman na inis na inis ito sa akin.
"Naiinis ka sa akin? Ang bait ko nga sa iyo Rocky." Tumawa rin ito kaya naman napatitig na naman ako sakanyang mga labi.
"Basta I'm sorry sa lahat ng kaartehan, kayabangan at pagiging antipatika ko sa iyo and I want us to start all over again." Nagulat ako nang bigla itong tumayo at inilahad ang kanyang kamay.
"Hi my name is Rochelle Keitlyn Valdez, Rocky for short." Napangiti naman ako at tumayo rin saka inabot ang kamay ni Rocky.
"Hi Rocky my name is Caleb, Caleb Francisco." Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Rocky na halos ayaw ko ng bitawan pa at napakabilis ng pagtibok ng puso ko.
Panay ang kwento at pagtawa nito habang kumakain, napapangiti naman akong nakatitig lang sakanyang nakikinig. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko ay halos ayaw kumalma, ano bang ibig sabihin nito? May gusto na ba ako sa iyo?
Masaya kami buong gabi na halos ayaw ko ng matapos ang gabing ito na kasama si Rocky, gusto ko lang kasama at katabi ito magdamag ngunit natapos iyon nang maghiwalay kami sa bahay.
"Good night." Sabi nito nang makababa ito sa kotse at nakangiti sa akin saka dumeretso na sa loob ng bahay.
Ito na ang simula ng pagkakaibigan namin ni Rocky at mas lalo ko pa siyang nakikilala, mukha lang siya mayabang, maarte at antipaka pero napakabuti ng puso nito.
Katulad ng kahapon ay sumama ako sa loob ng opisina nito at hindi naman ito nagreklamo bagkus ay nakangiti pa ito sa akin at hindi na rin makikita sakanyang mukha ang pagkunot ng nuo, iniwan ako nito dahil mayroon itong meeting sa conference room kaya naman habang wala ito ay inayos ko ang kanyang opisina.
"Tapos na ba ang meeting ninyo? Parang ang bilis naman ata?“ Napalingon ako sa pinto dahil bumukas ito kasama ang kanyang sekretarya na mayroon dalang pagkain.
"Anong ang bilis? Ang tagal nga nangalay na nga paa kong nakatayo habang nagdidiscuss sa harapan, kung alam ko lang na ganito sana pala teacher na lang kinuha kong kurso." Napatawa naman ako habang inaayos ang pagkain sa lamesa.
"Siya nga pala ikaw Caleb anong course ang kinuha mo?" Dugtong pa nito ngumiti naman ako saka umupo na rin.
"Automotive Engineering." Mabilis kong sagot habang ito naman ay gulat sakanyang narinig.
"Wow so madami ka palang alam sa mga sasakyan? At may knowledge ka rin sa pag-aayos ng mga ito, teka bakit hindi mo inayos ang motor ko noong nakita mong nasiraan ako sa daan?“ Tumawa lang ako dahil sa reaksyon nito. Gusto ko sanang sabihin sakanya na dala ko talaga ang tools ko noon ngunit hindi bale na lang at baka masapak pa nito ako.
"Dahil ayaw ko, dahil ang yabang yabang mo, magkano na ba iyong Big bike mo 650,000 pesos?“ Bahagya akong napatawa habang nilalagyan ng pagkain ang plato nito nang maiangat ko ang aking mukha at mapatingin sakanya ay pinanliitan nito ako ng mata.
"Biro lang nagmamadali rin kasi ako noon pabalik ng San Luis dahil baka hindi na ako makatawid ng daan dahil sa lakas ng ulan." Tumango lang naman ito at hindi na nagtanong hindi katulad dati na hindi ka mananalo sa pakikipag-argumento rito.
"Rocky this is papers that.." Napalingon ako sa pag bukas ng pinto at naririto na naman ang lalaking ito na lagi na lang panira sa tanghalian namin ni Rocky. Napalingon ako kay Rocky nang yayain nito itong kumain.
"Thanks Rocky, pero hindi na rin ako magtatagal may lunch meeting kami ng mga Event Directors na kaibigan ko isasama sana kita pero sa tingin ko mukhang busy ka naman." Tanggi nito saka mapatingin sa akin kaya naman itinaas ko ang kilay ko habang ito naman ay nakangisi sa akin.
Natapos kami sa pagkain ni Rocky na hindi ito umiimik gusto sanang magtanong kaya lang mukhang malalim ang iniisip nito.
"Hindi ka ba nahihilo niyan Rocky? Ako ang nahihilo sa iyo sa kakaikot mo." Huminto naman ito sa pag-ikot ikot sakanya swivel chair at humarap sa akin.
"Hindi naman may iniisip lang kasi ako, by the way Caleb pwede bang mauna ka ng umuwi sa bahay tumawag kasi si Farrah nagpapasama siya sa akin magshopping." Nagtaka naman ako kung kailan tumawag sakanya si Farrah nabanggit na rin kasi nito minsan na matalik nitong kaibigan si Farrah kaya kilala ko na rin ito.
"Sige walang problema kung si Farrah lang naman ang kasama mo, ano oras ba kita susunduin?" Pumayag na rin naman ako.
"Ihahatid niya ako sa bahay pagkatapos." Sagot nito tumango naman ako saka kinuha ang susi sa mesa nito.
"Hindi rin pala kita maihahatid dito bukas Rocky, may lakad kami ni Tonet." Sabi ko naman dahil tumawag ito sa akin kagabi na samahan ko raw siyang mamili ng gamit sa motor hindi ko ito matanggihan dahil malaki ang utang na loob ko sakanya.
"Yeah sure, no problem." Lumabas ako ng opisina ni Rocky at mapatingin sa aking telepono. Mahaba pa naman ang oras ko kaya nagpasiya akong magpunta ng San Luis para bisitahin ko ang aking mga kapatid.
Pagkarating ko ng San Luis ay naabutan ko roon ang kaibigan kong si Achilles.
"Bro kamusta na? Napakabusy mo na, malamang bantay sarado ka sa boss mo." Nagtaka naman ako sa sinabi ng kaibigan ko saka ito napatawa habang tinatapik ang balikat ko.
"Nabanggit sa akin ni Crissa na type mo ang boss mo."Dugtong pa nito, napakamot ako sa aking kilay habang umiiling. Anong bang ichinichismis ni Crissa hays.
"Huwag kang maniwala sa kapatid ko bro dahi hindi iyon totoo." Mas lalo pa itong napatawa at mukhang hindi naman naniniwala sa sinasabi ko. Hindi ko nga ba type si Rocky? Niloloko ko na lang ba ang sarili ko?
"Hindi ako naniniwala sa iyo bro kilala kita, kwento pa sa akin ng pinsan mong si Randy na ang lagkit ng tingin mo sa boss mo, ano na nga ba ang pangalan niya?" Napangisi naman ako dito kung bakit kailangan pa niyang malaman.
"Rocky, Rocky ang pangalan niya." Tumango lang ito.
"Sana minsan makilala ko rin siya, malay mo ako pala ang type niya dahil di hamak na mas guwapo naman ako sa iyo." Nainis ako sa biro nito kaya naman hinampas ko ang tiyan nito saka dumeretso sa loob ng bahay.
"Biro lang bro, teka." Pabagsak akong umupo sa upuan habang ito naman ay tawang tawa.
"Ano ba kasing ginagawa mo rito?" Napatingin naman ako sa mga kapatid ko na isa isang lumabas ng kuwarto habang hawak ang kaniya kaniya nilang telepono na marahil ay galing kay Rocky.
"Araw araw akong nagpupunta rito para makapag kwentuhan sa pinsan mo at nabanggit din pala ni Crissa na binilihan sila ng tig-iisang cellphone ni Rocky." Napangiti ito sa akin habang pataas pababa ang kilay nito.
"Mukhang mabait ang Rocky mo Caleb."Dugtong pa nito saka ko inihagis sakanya ang hawak kong unan.
"Hindi ka pa ba aamin? Baka gusto mong tawagin ko pa ang mga witness ko na gusto mo ang boss mo." Sumasakit ang ulo ko sa kaibigan ko, pumunta lang ba siya rito para tanungin ang bagay na ito. Kung sabihin ko ba sakanya na may gusto nga ako kay Rocky titigilan na niya ako? Napabuntong hininga ako bago sumagot.
"Oo gusto ko nga si Rocky, matagal na at hindi ko alam kung paano o saan nagsimula basta bigla na lang, isang araw paggising ko gusto na siya." Dire diretso kong sabi kahit na ako ay gulat din sa mga nasabi ko, napalingon ako sa labas ng pinto at naroon sina auntie Hasmin, Cindy at Randy ang ibig bang sabihin nito ay narinig nila ang sinabi ko?
Napayuko nalang ako habang naririnig ang hagikgikan ng mga kapatid ko sa pinto ng kuwarto. Pakiramdam ko ay namumula na ang buong pisngi ko, bakit ko ba kasi nasabi ang mga salitang iyon? Panigurado akong panay ang tukso ng mga ito sa akin.
Lumapit naman sa akin ang kaibigan ko saka ako hinakbayan habang tinutukso.