Chapter 39

2399 Words
Hindi ako kaagad nakabalik ng San Antonio dahil nag-inuman pa kami ng pinsan kong si Randy at ang kaibigan kong si Achilles. Hindi na ako pinauwi pa ni auntie Hasmin dahil malalim na ang gabi ang nakainum na rin ako. Pagbalik ko ng San Antonio kinabukasan ay naabutan ko si manang na naglilinis sa may sala. Mukhang tahimik ang bahay ngunit alas siete palang naman ng umaga malamang ay natutulog pa sina sir Rodrigo at mam Dale. Magtutungo sana ako sa kusina para ipagluto ng agahan si Rocky ngunit napatigil ako nang magsalita si manang. "Saan ka ba galing Caleb? Bakit hindi ka umuwi kagabi?" Napahinto rin naman ako saka lumapit kay manang. "Nagpunta po kasi ako ng San Luis manang, napainum po ng kaunti kaya hindi na ako pinayagan ni auntie Hasmin na umuwi." Tumango naman ito at ipinagpatuloy ang paglilinis. "Ipagluluto ko na ng agahan si Rocky manang, mayroon po kasi akong pupuntahan mamaya." Dumeretso ako sa kusina saka naman nito ako sinundan malamang ay tutulungan niya ako. "Naku huwag na Caleb dahil maaga silang pumasok sa trabaho." Napakunot naman ang nuo kong humarap kay manang, ang ibig sabihin ba silang lahat ay pumasok ng maaga? "Pumasok po si Rocky na hindi na naman nag-almusal mangan? Hay ang tigas talaga ng ulo niya." Umupo ako sa upuan at ganoon din si manang. "Maaga kasi silang nagising Caleb, nagmamadaling nagpunta ng Australia si mam Dale at si sir Rodrigo dahil inatake sa puso si sir Rodolfo iyong kapatid ni sir Rodrigo, eh iyong dalawang magkapatid halos mapuyat na sa pag-aalala si Ronald diyan na sa sala nakatulog itong si Rocky naman hindi na ata natulog nagbihis nalang saka pumasok na sa trabaho mabuti na lang at sinundo ni sir Wilson." Paliwanag ni manang. "Kawawa naman si Ronald at si Rocky, sila ang may-ari ng sarili nilang kompanya pero hindi naman sila makapagpahinga, napakasipag ng dalawang batang iyon caleb." Dugtong pa nito. Halos hindi naman ako makapaniwala sa aking mga narinig, kawawa naman si Rocky malamang ay wala na naman laman ang tiyan nito. Nagbihis na rin ako para puntahan si Tonet sa kanilang bahay, nasabi ko na rin naman kay Rocky na hihiramin ko ang kotse nito. Nagpunta kami ni Tonet sa mga bilihan ng mamahaling mga gamit sa motor. Pagkatapos niyon ay nilibre nito ako ng tanghalian sa isang mamahaling restaurant tatanggihan ko na sana ito para puntahan si Rocky at makasabay itong mananghalian ngunit mapilit si Tonet kaya pumayag na rin ako. Pagkapasok namin ng restaurant ay kaagad kong nakita si Rocky at si Wilson hindi ko isaahan ito pero anong ibig sabihin nito nagdedate ba sila? Tumayo pa si Wilson para salubungin kami ni Tonet na tila ba ang bait bait sa akin ngunit napakasama naman ng tingin nito. "Hi Rocky, It's been a long time since we last met, and I heard what happened to you." Lumapit si Tonet dito saka ito hinalikan sa pisngi, pag harap sa akin ni Tonet ay kumindat pa ito. Natawa nalang ako dahil alam kong kinikilig ito kay Rocky. "Oo nga Tonet matagal tagal na rin iyon at sa susunod pwede na ulit akong makipag race." Umupo kami sa upuan saka kumapit sa braso ko si Tonet napatingin pa ako kay Tonet ngunit ngumiti lang ito. "OK let's eat, Tonet itigil mo muna ang kakakapit kay Mr. Driver at baka langgamin na tayo rito." Nakita ko ang lihim na pagtawa ni Rocky kaya naman inalis ko ang kamay ni Tonet sa braso ko. "Wilson don't call him Mr. Driver may pangalan siya OK? Palagi mo na lang siyang tinatawag ng ganyan and that's not funny." Wala naman akong pakialam kung ano pa ang itawag sa akin ni wilson ang mahalaga sa akin ay makita ko si Rocky dahil nag-aalala ako sakanya. "Fine I'm sorry nagbibiro lang naman ako Tonet, kumain na tayo." Napansin ko na natabig ni Rocky ang kanyang telepono at ito ay malaglag sa ilalim ng mesa saka ito yumuko upang pulitin iyon, nang walang ano ano'y hinawakan ni Tonet ang hita ko kaya napalingon ako sakanya. "Don't move, pgseselosin ko lang si Rocky alam kong nakikita niya ito." Napakunot ang nuo ko sa sinabi ni Tonet, kailangan ba talaga niyang himasin ang hita ko para lang ipakita kay Rocky na hinawakan niya ito? Nang biglang gumalaw ang mesa dahil sa pagkakauntog ni Rocky. "Tumigil ka na Tonet." Napatawa ito habang nakikitang hinawakan ni Rocky ang ulo nito habang si Wilson naman ay mariing na nakatitig sa mukha ni Rocky saka ito hinalikan ang kanyang ulo. Napangisi ako dahil sa kalokohan ni Tonet, mukhang ako ata ang magseselos nito. Alam kong panay ang sulyap ni Rocky sa amin ni Tonet habang kumakain dahil sa paglalagay ni Tonet ng kung ano ano sa plato ko. Narinig kong pinag-usapan nila ang tungkol sa outing na minsan ko na rin narinig sa opisina at tinanggihan ko pa iyon dahil sinabi kong mayroon kaming lakad ni Tonet pero sa pagkakataong ito ay gusto ko ng sumama. Sinadya kong lagyan ng dumi ang aking bibig. "Tonet sumama tayo sa outing nila, punasan mo na rin ang dumi sa bibig ko." Bulong ko kay Tonet at sumasakay din ito sa trip ko. "What outing is that? Baka pwede naman kaming sumama ni Caleb." Nang masiguro ni Tonet na nakatingin na sa amin ang dalawa ay saka nito pinunasan ang bibig ko gamit ang kanyang daliri, hindi ko inaasahan iyon dahil mayroon naman tissue para iyon ang kanyang gamitin. "I'm sorry lovers pero exclusive ang outing na iyon para sa mga staff ni Rocky, right Rocky?" Napalingon naman ako kay Rocky na nakatitig lang sa amin ni Tonet habang humihiwa ng steak. Hinawakan ni Wilson ang balikat ni Rocky saka ito mapalingon rito at hindi sinasadyang mahiwa nito ang kanyang daliri tatayo na sana ako nang makita ng dumudugo ang daliri ni Rocky ngunit pinigilan lang ako ni Tonet. Mabilis naman akong kumuha ng tissue para ibigay kay Rocky ngunit na unahan na naman ako ni Wilson. "Are you OK Rocky? Parang wala ka sa sarili." Inaabot naman ni Tonet ang band aid na nasa kanyang bag, mukhang handa ito sa mangyayari. "Kung saan saan ka kasi nakatingin kaya pati daliri mo hinihiwa mo na at ginawa mo ng steak." Biro ko pa kay Rocky ngunit hindi ito sumagot bagkus ay pinanliitan ako nito ng mata. "Ano na Rocky pwede ba kaming sumama ni Caleb?" Nakita ko ang pagtango ni Rocky. "Talaga? Wala ng bawian ah? Kailan ba para makabili ako ng swimsuit ko." Kumapit muli sa braso ko si Tonet, paano ba ito kakain kung palaging nakaka kapit ang babaeng ito sa akin? Nakita ko ang pagbubulungan ng dalawa ngunit hindi ko marinig kung ano ba iyon, nakita ko pa ang pag hawak ni Wilson sa nuo Rocky saka ito mapangiti kaya naman kaagad kong inaalis ang kamay ni Tonet sa braso ko at titigan ang dalawa. Tumayo si Rocky at nagtungo sa banyo, tumingin naman sa akin si Wilson saka ito ngumisi hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa taong ito. "Aalis na rin kami Wilson, see you tomorrow sa circuit." Wika ni Tonet saka nito hinawakan ang kamay ko. "Alright." Tumango naman si Wilson at hinalikan ang pisngi nito saka naman nito tinapik ang balikat ko, hindi ko alam kung para saan iyon dahil alam ko naman na naiinis din ito sa akin. Muli kaming naghanap ni Tonet ng tindahan na pagbibilihan nito ng mga gamit sa motor halos na puntahan na nga namin ang lahat ng tindahan ngunit wala itong magustuhan. Alas siete na ng gabi nang makauwi ako sa bahay, naroon na ang kotse ni Ronald. Malamang ay narito na rin si Rocky kaya naman nagtungo na ako sa aming silid. "Kumain ka na ba anak?" Tanong ni manang na nanunuod ng T. V. "Busog pa po ako manang, si Rocky po dumating na ba?" Umupo naman ako. "Hindi pa, hindi na nga nahintay ni Ronald maghapunan." Napakunot naman ang nuo saka nagtungo sa kusina para doon nalang ako dumaan papunta sa sala at hintayin si Rocky. "Bakit ngayon ka lang?" Sabi ko nang makita itong umiinum ng tubig sa kusina. "Ano bang ginagawa mo? Papatayain mo ba ako sa nerbiyos?" Humarap ito sa akin na halos mabilaukan sa tubig kaya naman napatawa ako. "At bakit kung ngayon lang ako? Bakit mo tinatanong? Sino ka ba?" Mas lalo akong natawa dahil sa sinabi nito, sa pagkakaalam ko ay maayos na kaming dalawa. "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Kaya nagtatanong ako, teka masakit pa ba ang bukol mo? Ano ba kasing tinitignan mo sa ilalim ng mesa kaya nauntog ka?" Hahawakan ko sana ang ulo nito ngunit tinapik nito ang kamay ko at nagpatuloy lang ako sa pagtawa. "Naninilip ka ba ha Rocky?“ Dugtong ko pa kaya pinanliitan nito ako ng mata. "Ang kapal naman ng mukha mo, nagulat lang ako dahil nakita kong hinihimas himas ni Tonet ang binti mo na gustong gusto mo naman hindi ba?" Pigil ako sa pag ngiti kaya napahawak ako sa aking baba pakiramdam ko ay nagseselos nga si Rocky. "Oo tama ka gustong gusto ko nga ang ginagawa niya, lalo na pagdumidikit ang katawan niya sa katawan ko." Ngumisi ito sa akin at lumabas ng kusina kaya naman hinila ko ang braso nito. "kaya ba ang sama ng tingin mo sa amin dalawa ni Tonet dahil nagseselos ka." Seryoso kong tanong, bumuntong hininga pa ito bago sumagot sa akin saka nito itinaas ang kanyang kilay. "Oo masama talaga ang tingin ko sainyo, sa sobrang sama gusto ko na kayong hiwain dalawa dahil sa ksweetan ninyong nakakasuka." Mabilis nitong tinanggal ang kamay ko sakanyang braso at nagmadaling umakyat ng hagdan. Naiwan akong nakangiti dahil sa narinig ko habang iniisip na nagseselos nga ito. Kinabukasan maaga akong nagising para ihatid ito sa V. E. M building at makapag-usap na rin kaming dalawa. Nagpunta na ako ng garahe para doon na lang ito hintayin ngunit nakita ko itong nakasakay na ng kanyang motor habang kausap si Farrah sa labas ng gate. "Oh Caleb, mukhang mayroon lakad si Rocky ngayon hindi ka ba kasama?" Napakunot naman ang nuo kong nakatingin sa kinaroroonan nila. "Wala po siyang nabanggit na mayroon siyang pupuntahan ngayon mang Kanor, sa pagkakaalam ko po sa V. E. M building kami papasok." Lalapit na sana ako sa kinaroroonan nila nang bigla hatakin ni Rocky si Farrah pasakay sa motor nito saka kumaripas ng takbo. Tumakbo pa ako palabas ng gate ngunit mabilis na nakaalis ang dalawa, nagtaka naman ako sa kinikilos ni Rocky dahil bigla nalang nitong pinaharurot ang kanyang motor nang makita nito akong palapit sakanila. Umiiwas ba ito sa akin? Sa anong dahilan? Bumalik ako sa garahe saka sumakay ng kotse para sundan sana ang mga ito ngunit napakabilis ng kanyang pagpapatakbo kaya hindi ko na ito naabutan pa. Nagpaikot ikot ako at nagbabakasakali na makita silang dalawa ngunit bigo ako at sa huli ay sa bahay ang bagsak ko at doon na lamang ito hintayin. Ilang beses ko itong tinatawagan ngunit nakapatay ang telepono nito kaya naman nagtungo ako sa kuwarto upang doon ipagpatuloy ang pag tawag ko rito. "Hello who is this?" Sabi nito nang sa wakas ay sinagot na rin nito ang tawag ko. "Saan ka nagpunta? Bakit nagmamadali kang umalis kanina?" Tanong ko ngunit hindi kaagad ito nakasagot. "May lakad kasi ako makikipagkita ako sa mga kaibigan ko, may kailangan ka ba?" Makikipagkita sa mga kaibigan niya? Bakit kailangan pa niyang isama si Farrah habang naka suot ito ng bestidang nakasakay sa kanyang motorsiklo? "Pupuntahan kita, saan ba banda iyan? Nasa flat track ka ba? Sa San Luis? Sa foundation?“ Humiga ako saka ipinikit ang aking mata. "Hindi Caleb wala ako sa mga iyan, sige na tinatawag na nila ako." Hindi pa naman ako nakaka sagot ay pinatayan na niya ako kaagad ng telepono at hindi ko na ulit ito makontact pa. Nang maalimpungatan ako ay kaagad akong nagtungo sa kusina upang puntahan si manang at tanungin kung dumating na ba si Rocky at sakto naman na narinig ko ng boses nito. "Manang! Manang, padala naman po ng juice dito sa sala." Narinig ko nang malakas na sigaw ni Rocky na nagmumula sa sala. "Manang ako na po ang magdadala ng juice ni Rocky." Bulong ko naman kay manang at tumango lamang ito. Naglakad ako patungo sa sala at abala itong nakaupo habang nakapatong sa lamesita ang paa nito saka nakalagay sakanyang tenga ang headset. "Thanks manang." Sabi pa nito ngunit nanatili akong nakatayo sakanyang harapan at hinihintay ko itong lumingon. "Caleb?" Gulat ito nang maingat nito ang kanyang ulo at mapatingin sa akin kaya naman lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nito saka tinanggal ang headset na nasa kanyang tenga. "Sa foundation ka pala nagpunta." Nanatili itong nakatitig sa akin na tila ba nagtataka kung anong ginagawa ko rito. "Rocky may problema ba tayo? Kaninang umaga na nakita mo ako parang nakakita ka ng multo?" Kinuha nito ang juice na nakapatong sa lamesita at ininum iyon. "Akala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit parang umiiwas ka naman sa akin?" Muli itong tumingin sakanyang telepono nang hindi ito sumasagot saka muling tumingin sa akin. "Rocky nakikinig ka ba?“ Hinawakan ko ang mukha nito saka iniharap sa akin, napalunok ako ng aking laway nang mapatitig sakanyang mata at mapatingin sakanyang labi. "Of course I hear you, napagod lang ako sa lakad namin ni Farrah." Nagbaba ito ng tingin at muling uminum ng juice. "Mukhang napilitan nga lang sa iyo si Farrah na sumama, kung titignan mo nga kanina parang kinidnap mo siya." Tumawa ako ng bahagya at lumapit pa ng upo rito. "Umiiwas ka ba Rocky?“ Humarap ito sa akin saka kumunot ang nuo nito na tila ba napipikon sa mga tanong ko. "Hindi nga, bakit naman kita iiwasan Caleb? Anong dahilan? Mayroon ba dapat akong iwasan? Saan na naman ba papunta ito? Tatanungin mo na naman ba ako kung nagseselos? Oo nagseselos nga ako." Nagulat ako sa narinig ko na lumabas mula sakanyang bibig, nang bigla itong tumayo at mabilis na umakyat ng hagdan kaya naman sinundan ko ito saka hinila ang kanyang kamay at mapalapit ang mukha namin sa isa't isa. Napatitig ito sa mga mata ko at ganoon rin ako saka mapadako sakanyang bibig, pakiramdam ko ay tinatawag ako nito ako para halikan ang mapupulang labi ni Rocky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD