Chapter 40

2979 Words
Nang walang ano ano'y tinulak nito ako nang marinig ang ang pagtawag ni manang kay Rocky at dali daling nagtungo sa kusina napakamot na lang ako ng aking ulong naiwan roon. Sinundan ko pa rin ito sa kusina at gusto ko talagang malaman kung bakit ito nagseselos. Nakita kong abala sila ni manang na tinitignan ang mga alimango na pinabili sa akin ni Ronald kanina. "Caleb halika rito tulungan mo akong magluto ng ginataan paborito ito ni Rocky." Lumapit naman ako sakanila ngunit hindi ako tinignan at pinansin ni Rocky bagkus ay umalis ito at umupo sa upuan. "Rocky bakit pala ang aga mong umalis kanina tapos hindi ka pa nag-almusal." Napalingon naman ako rito. "May lakad kasi ako manang, sige po aakyat na ako sa taas." Susunduan ko pa sana ito ngunit nagpatulong si manang na maghanda ng hapunan. "Caleb anak tulungan mo muna ako rito sa kusina at madaming pinapaluto si Ronald." Umupo naman ako saka inumpisahan ang paghihiwa ng mga rekado. "Ano po bang okasyon manang?" Umupo rin ito saka ako tinulungan. "Hindi ko alam basta tumawag siya sa akin at nagpapaluto ng madami, malamang mayroon itong mga bisita." Tumango lang ako. Nakita kong lumabas si manang ng kusina kaya naman naiwan ako roon sa paghihiwa ng mga rekado pagkatapos ay muli itong bumalik. "Caleb iakyat mo muna ito sa kuwarto ni Rocky at kanina pa tumutunog ang kanyang telepono malamang ay emergency ito." Ipinatong ni manang ang jacket at ang telepono ni Rocky sa harapan ko. Naamoy ko pa ang mabangong jacket ni Rocky, gusto ko rin sanang buksan ang telepono nito kung sino ang tumatawag ngunit hindi ako ganoong klaseng tao. Kinuha ko ito saka nagsimulang umakyat ng hagdan at sa bawat hakbang ko ay siya namang bilis nang pagtibok ng puso ko. Muling tumunog ang telepono nito at nakita kong si Wilson ang nakalihistro kaya naman pinatayan ko ito nang telepono. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kuwarto nito ay huminga muna ako ng malalim at baka atakihin ako sa nerbiyos, kumatok muna ako bago pumasok. "Come in." Wika nito saka ko dahan dahang pinihit ang busol. Nakita ko itong nakadapa na tila ba pagod na pagod saka nakapatong ang unan sakanyang ulo. Mukhang wala itong balak tumayo at tignan kung sino ang pumasok kaya naman lumapit na ako saka umupo sakanyang kama at hawak an ang balikat nito. Nang walang ano ano'y hinampas nito ako ng kanyang unan. "Ano ba Rocky." Kinuha ko ang unan na inihahampas nito sa akin at ako'y tumayo. "Anong ginagawa mo rito sa kuwarto ko?" Umayos ito saka umupo sakanyang kama, umupo rin ako saka inihagis ko naman rito ang kanyang jacket at telepono. "Naiwan mo sa sala kanina, siya nga pala kanina pa tumatawag si Wilson." Tumayo ako upang ilock ang busol dahil gusto kong makausap si Rocky nang masinsinan at ayaw kong mayroon makarinig na iba. "Anong ginagawa mo?“ Pagkaharap ko rito ay nakatayo na ito mula sakanyang kama, lumapit naman ako. "Ang sabi mo nagseselos ka sa amin ni Tonet totoo ba?" Gusto kong malaman ang totoo, alam kong isang kahibangan ito ngunit desidido akong malaman. “Oo sinabi ko nga nagseselos ako sainyo pero hindi kay Tonet, hindi ko pinagseselosan si Tonet. Nagseselos ako sa iyo dahil gusto ko si Tonet." Anong ibig niyang sabihin? Mayroon siyang gusto kay Tonet? Pero imposible, iba ang nararamdaman ko. "Kung talagang kaibigan kita Caleb layuan mo si Tonet, dahil ang kay Rocky ay kay Rocky lang." Dugtong pa nito at mukhang seryoso ito kaya naman napatawa ako. Hay naku Rocky lalo kitang nagugustuhan niyan e. "Iyon lang ba? Walang problema." Inilabas ko ang aking telepono sa aking bulsa saka hinanap ng contact number ni Tonet at ipinakita ko rito na binura ko na iyon. "So wala na tayong problema Rocky? Hindi mo na siguro ako iiwasan." Nakita ko ang pagkagulat sakanyang mukha dahil ginawa ko nga ang gusto niya. "Of course basta iiwasan mo na si Tonet wala tayong magiging problema Caleb." Tumango ako saka lumapit sakanya, hinawakan ko ang magkabilang balikat nito at ngumiti gusto kong makasiguro na seryoso ito kaya tumitig ako sa mga mata ngunit hindi ito nagbaba ng tingin at mukhang hinahamon pa ako. "Mayroon ka pa bang sasabihin Caleb? Kung wala na pwede ka ng lumabas ng kuwarto ko." Dugtong pa nito, ano bang gusto mo Rocky? Tinanggal ko ang pagkakahawak sakanyang balikat at inilipat ko iyon sakanyang pisngi nakatitig lang ito sa akin at naghihintay sa mga susunod kong gagawin, napadako ang tingin ko sa mga labi nito kahit na pa gustong gusto ko na itong halikan ay hindi ko magawa dahil nirerespeto ko ang babaeng gusto. Binitawan ko ang pagkakahawak sakanyang pisngi at makitang nakapikit ito kaya naman napangiti ako, hinihintay ba nitong halikan ko siya? Sana pala ay ginawa ko na para maging babae na ang tomboy na ito. "Ako ang magluluto ng paborito mong ginataang alimango." Wika ko saka tumalikod na at hindi na ito hinintay pang sumagot. Lumabas ako ng kanyang kuwarto na napapangiti habang inaalala ang malapitang mukha namin ni Rocky, ang mapupulang labi nito na halos muntikan ko nang mahalikan at mabuti na lang ay nakapagpigil ako. Bumaba ako at nagtungo na sa kusina, nagsisimula na rin magluto si manang ng mga ulam. "Ang tagal mo naman ata Caleb, halos maluto ko na ang lahat at hinihintay ka na ng mga alimango." Umupo ako habang napapangiti. "Mayroon pa kasing pinagawa si Rocky manang." Tumango naman ito at nagpatuloy sa pagluluto. Naluto ko na ang ginataang alimango na paborito ni Rocky, siniguro na masarap ang pagkakaluto nito para madami itong makain. Bumalik muna ako sa aking silid upang maligo at makapagbihis na saka ako muling bumalik ng kusina upang tulungan si manang sa paghahanda ng hapunan sa lamesa. Narinig ko ang paghinto ng sasakyan malamang ay narito na si Ronald. Pumasok si manang sa kusina na mayroon dala dalang cake, binuksan niya iyon ngunit wala naman nakalagay kung anong okasyon at kanino galing. Tinawag kami ni manang upang makisabay sa hapunan ng magkapatid, nagtaka naman ako dahil napakadaming handa ngunit wala naman bisita. Nakita kong nakaupo na si Rocky kaya naman umupo ako sa tabi nito. Lumingon ito sa akin ngunit saglit lang iyon at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kong nakikinig sa pinag-usapan ng magkapatid. Nang makita kong wala ng laman ang plato nito ay naglagay ako sakanyang plato, wala akong pakialam kung mkita pa ni Ronald. "Kumain ka pa, damihan mo para tumaba ka." Mahinang wika ko hindi naman ito nagreklmamo bagkus ay nginitian pa nga ako. "So Caleb nabanggit sa akin ni dad na isang buwan ka lang palang magiging driver ni Keitlyn at pagkatapos noon babalik ka na raw ng San Luis."Lumingon ako kay Ronald saka tumango. "Oo isang buwan lang ako rito at babalik na nga ako ng San Luis dahil mayroon akong importanteng gagawin." Hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa pag-alis ko patungong Australia dahil hindi ko pa ito nasasabi kay Rocky. "Alright, so ngayon palang kailangan ko ng maghanap ng bagong driver mo Keitlyn para hindi mo na masiyadong gagamitin ang motor mo papasok sa V. E. M or turuan na lang kaya kitang magdrive para naman masubukan mo ang kotse mo, what do you think?“ Napalingon ako kay Rocky, hindi ito sumasagot at patuloy lang ito sakanyang pagkain. "Keitlyn?" Ngumiti ito kay Ronald saka lumingon sa akin. "Yah sure kuya ikaw bahala." Tumango si Ronald habang nakatayo at nagsasalin ng wine sa aming mga wine glass, kaya ba Ronald at Rocky na lang tawag nina mang Kanor at manang sa mga ito dahil pamilya na ang turingan nila? Pagkatapos namin kumain ay nagyaya si Ronald na uminum kami dahil anibersaryo nila ngayon ng kanyang nobya, pumayag na rin ko dahil minsan lang naman ito. Umalis ang magkapatid upang kumuha ng maiinum samantalang naiwan naman si mang Kanor at manang na nanghihiwa ng prutas. Kumuha naman ako ng yelo sa kusina, hindi ako pwede uminum ng madami dahil hindi ko pa nakakausap ng masinsinan si Rocky. Bumalik ako at naroon na sila sa veranda, sinimulan ng buksan ni Ronald nang bote ng Tequila saka ito nagsalin sa mga shot glass. Inabot sa akin iyon ni Ronald at sabay sabay namin na ininum samantalang si Rocky naman ay nagrereklamo sa dami ng laman. Napalingon ako rito habang nakangiti dahil sa pagngiwi nito pagkatapos nitong inumin ang Tequila. "Caleb huwag ka magpapakalasing dahil aalagaan natin ang dalawang iyan." Bulong sa akin ni manang kaya naman tumango ako. Naubos namin ang dalawang laman ng bote ng Tequila at nangangalahati na lang ang isa. Nabanggit rin nito kay Ronald na mayroon outing ang mga staff nito, lumingon sa akin si Ronald at sinabi na isama ako kaya naman tumango ako upang sabihin na walang problema. Tumayo pa si Rocky dahil mayroon itong kausap sakanyang telepono saka ito bumalik at isinandal ang kanyang ulo sa upuan, pumupungay na rin ang mata nito malamang ay natamaan na ito sa aming iniinum. "Mayroon lang akong kukuhanin sa loob babalik din ako kaagad." Tumayo naman si Ronald habang gumegewang gewang, malamang ay lasing na rin ito, habang si Rocky naman ay mukhang natutulog na sa upuan. "Kanor sundan mo nga si Ronald at baka lasing na iyon." Mahinang wika ni manang kay mang Kanor saka naman nito sinundan. "Ikaw Caleb ibalik mo na ang mga iyan sa booze room at hindi na natin papainum ang magkapatid tignan mo sobrang lasing na sila, naku pagnalaman ito ni sir Rodrigo masisisante tayong lahat." Isa isa ko ng inipon ang mga bote ng Tequila at ang dalawang vodka na nakapatong sa lamesita. "Manang huwag kayong mag-aalala dahil minsan lang ito, hoy ikaw Caleb subukan mong ibalik ang mga iyan ngayon palang umalis na ka na rito." Napahinto naman ako sa pag-aayos ng lamesita nang marinig kong magsalita si Rocky, akala ko ay tulog na ito. Narinig ko naman ang malakas na sigaw ni mang Kanor na tinatawag si manang, hindi ko alam ang dahilan ngunit nagtungo ito sa loob ng bahay. Naiwan naman kami ni Rocky sa may veranda, hindi ko alam kung paano pa ito kakausapin gayong lasing na ito. Bumalik ang tatlo sa kinaroroonan namin ni Rocky habang inalalayan pa si Ronald. "Sino bang nagsabi na lasing ako? Magbabonding pa kami ni Keitlyn, namis ko ang kapatid ko." Mukhang malakas na ang tama ni Ronald dahil sa itsura nito na namumula na ang buong mukha. "Ronald, Rocky tama na iyan lasing na kayong dalawa baka masisante kami nito, kilala ninyo ang dad ninyo." Suway ni mang Kanor ngunit tumawa lang ang dalawang magkapatid. "Hindi naman ako lasing mang Kanor, itong si Keitlyn baka lasing na." Nakita ko ang pagngisi nito kay Ronald. "What? Ako lasing? Hindi no, saan banda? Baka gusto mo pang magmotor ako kuya at baka nakakalimutan mo na nakauwi ako rito sa bahay ng minsang nakainum, alam mo bang naka limang Tequila kami noon." Tumawa pa ito habang sinasabi iyon, mukhang proud pa ito. "Ano?“ Hindi ako makapaniwala na malakas palang uminum si Rocky at nagagawa pang magmotor habang nakainum, tumingin ako sakanya habang nakakunot ang nuo pinanliitan naman nito ako saka ipinatong sa lamesita ang kanyang mga paa. "Tama ang narinig ninyo, umuwi siya dito sa bahay nang nakainum at galit na galit sakanya si dad muntikan pa ngang ambahan ni dad kung hindi ko lang pinigilan." Umiling lang ako sa mga naririnig ko, napakapasaway mo talaga Rocky. "Hay tssk. Do you still need to tell them that?" Tumawa naman si Ronald saka binuksan ang bote ng vodka. "Naalala ko nga iyon at sinabihan ka pa ng dad mo na wala siya anak na tomboy." Sabay ang tawa nina Ronald at mang Kanor ngunit hindi ako natuwa sa narinig ko dahil naiinis ako sa kalokohan ni Rocky. "Manang." Suway nito kay manang saka ininum ang nasalin na vodka sa baso, pipigilan ko sana ito ngunit ayaw kong sirain ang masayang bonding nilang magkapatid. Nang matapos namin inumin ang lahat ng alak na nilabas ng magkapatid ay halos makatulog na sila sa veranda, hindi naman kami masiyadong uminum ni manang kanor dahil sinabihan na kami ni manang. Nakatulog na si Ronald kaya naman inalalayan na namin itong magtungo sa kanyang kuwarto ngunit pinigilan ako ni manang. "Caleb ako na riyan at hihilamusin ko pa iyan, babalik ako pagkatapos ko bantayan mo muna itong si Rocky at baka lumabas pa." Nagulat ako nang biglang tumayo si Rocky saka hinakbayan si manang at hinalikan pa niya ito sa pisngi. "Manang hindi ako lasing, sige na dalhin na ninyo si kuya sa kuwarto niya." Umupo itong muli saka isinandal ang kanyang ulo sa upuan, mukha malakas nga itong uminum. Nanatili lang akong nakaupo habang pinagmamasdan si Rocky, nang marinig ko ang malakas na Sigaw ni manang sa sala. "Caleb ikaw na bahala kay Rocky iakyat mo na siya sa kuwarto niya, aasikasuhin ko pa si Ronald at nagkalat dito sa sala." Napakamot na lang ako sa ulo habang pinagtatawanan ni Rocky ang kanyang kuya. Habang nililigpit ko ang mga kalat sa lamesita ay siya naman pagkanta ni Rocky na sinasabayan nito mula sakanyang telepono. "Rocky tumayo kana riyan tara na sa kuwarto mo." Umiling lang ito saka ipinatong ang kanyang paa sa lamesita. "Iwanan mo na ako rito Caleb matulog ka na, dito na muna ako magpapalipas ng oras aakyat din ako pag inaantok na ako." Sabi pa nito, kung pwede lang buhatin ko na ito papasok sa loob ng bahay ay ginawa ko na ngunit hindi ko kayang gawin, sa tingin ko ay natotorpe pa rin talaga ako. "Tssk bahala ka." Ang sabi ko saka ako nagsimulang maglakad papunta sa aking silid upang tignan kung nagtext na ba si Achilles dahil mayroon kaming lakad bukas, pagkatapos nu'n ay nagtungo ako sa kusina upang ipanggawa ng matapang na kape si Rocky upang mahimasmasan ito. "Uminum kami ni kuya Ronald at huwag ka ng mag-alala Wilson konti lang naman ang nainum ko, nandito lang din naman ako sa.." Nang malapit na ako sa kinaroroonan ni Rocky ay narinig ko na kausap nito si Wilson kaya naman inagaw ko ang telepono rito. "Wilson magpapahinga na si Rocky at iaakyat ko na siya sa kuwarto niya." Binaba ko iyon at ibinalik kay Rocky. "Inumin mo na iyang kape para bumaba ang tama mo." Iniabot ko sakanya ang hawak kong kape, kinuha naman niya ito saka ininum ngunit sumuka lang ito kaya naman napakamot ako ng aking ulo, mukhang mayroon pa akong lilinisin bukas. "Anong klaseng kape iyan Caleb, hays sumakit lang ang ulo ko sa iyo." Inihagis ko rito ang bimpo ko, kinuha naman niya iyon at pinunasan ang kanyang bibig. Umupo ako sakanyang tabi at muling iniabot ang kape ngunit nginisian lang ako nito. "So totoo palang isang buwan ka lang talaga dito? Bakit saan ka ba pupunta? Anong dahilan?“ Lumingon ako rito saka bumuntong hininga, balak ko na talagang sabihin sakanya ang plano ko. "Gusto mo ba talagang malaman?" Tumango lang ito at hindi nag-alis ng tingin, mukhang desidido itong malaman ang totoo. "Pupunta ako ng Australia Rocky ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko siguro naman hindi pa huli para makapagtapos ako( tumingin ako sakanya at tumango naman ito) hindi ko naman sana tatanggapin ang pagiging driver dito dahil sapat na ang kinikita ko pero malaki ang offer ni sir Rodrigo at doon palang ay malaking halaga na para tumuloy ako ng Australia." Nakita ko ang seryosong mukha nito. "Huwag mo sanang masamain ang itatanong ko sa iyo, nasaan na ba ang mga magulang mo?" Nagulat ako nang tanungin nito ang tungkol sa magulang ko at hindi ko ito inaasahan dahil hindi talaga ako nagkukwento kung kani kanino tungkol dito. "OK lang kung hindi mo sasagutin mukhang nalasing nga talaga ako, akin na iyon kape." Dugtong pa nito. "Matagal ng patay si papa kapatid ni Auntie Hasmin, nagkasakit siya." Tipid kong wika. "Eh ang mama mo nasaan?“ Bakit mo pa kailangan malaman kung nasaan ang mama ko Rocky? Kumunot ang nuo ko pero sinagot ko pa rin ang tanong nito. "Iniwan niya kami sumama siya sa ibang lalaki, namatay si papa dahil sa kakaisip sakanya araw araw umiinum si papa, araw araw siya nagpapakalasing at nagpapakalunod sa alak at dahil doon nagkasakit siya at namatay." Hindi ako humarap kay Rocky habang sinasabi ko ang mga iyon dahil ayaw kong makita nito na naiinis ako sa tanong nito. "Sinisisi mo ba ang mama mo dahil namatay ang papa mo nang dahil sakanya? Natanong mo ba ang mama kung bakit niya kayo iniwan? Malay mo naman Caleb may nagawang hindi maganda ang papa mo kaya nagawa ng mama mo iyon.“ Hindi ko lubos maisip na sasabihin ni Rocky ito, hindi nito kilala ang magulang ko kaya wala siyang karapatan para sabihin sa akin iyan. "Wala kang alam Rocky, wala kang alam sa paghihirap ni papa. Umalis si mama para sa sarili niyang interes at hindi man lang kami inisip na mga anak niya." Napatayo ako at humarap kay Rocky, hindi ko alam na magiging emosyonal ako at mapagtataasan ito ng boses. "Pero sana bigyan mo ng chance ang mama mo Caleb na magpaliwanag sa inyo ng mga kapatid mo hindi natin alam na baka mayroong malalim na dahilan ito." Akala ko ay hihinto na ito at sapat na ang pagtaasan ko ito ng boses ngunit ipinagpatuloy lang nito ang mga opinyon na akala niya ay tama. "Bakit Rocky? Kilala mo ba ang mama ko para ipagtanggol mo siya? Nakasama ka ba namin sa paghihirap ni papa para sabihin mo iyan? Wala kang alam Rocky at hindi mo alam ang pakiramdam ng hindi buo ang pamilya kaya huwag kang makialam." Nang dahil sa inis ko ay naihagis ko ang mga bote ng vodka at nagsanhi ito ng malakas na ingay, hindi naman dahil kay Rocky kung hindi dahil sa mga narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD