Rocky Point Of View Nanatili sina mom at dad sa bahay nina lolo at lola samantalang si Wilson naman ay nagpatuloy sakanyang trabaho habang ako naman ay naiwan sa condo dahil ayaw akong isama ni dad dahil wala raw mag-aasikaso kay Wilson sa tuwing uuwi ito galing sakanyang trabaho. Naiisip ko pa lang ang pagbabalik ko ng pilipinas ay masaya na ako dahil makikita ko ng muli sina mang Ason, mang Kanor, ang mga staff ko, Ang foundation, sina auntie Hasmin at Crissa ngunit may halong kaba at lungkot dahil babalik ako sa pilipinas na hindi na makikita pa si Caleb. Habang nakaupo ako sa sala ay biglang mayroon nagdoor bell sa pinto, tinignan ko pa ang orasan ngunit pasado alas singko pa lang ng hapon. "Sino kaya iyon?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa pinto, ang alam ko ay mag-

