"Isa pa iyan, hindi ko alam na ang dating driver ko pala ay pinsan ko." Napangisi na lang ako at sa ibang direksiyon tumingin. "Kung alam ko lang na ganito ang sasalubong sa birthday ko hindi na sana tayo bumalik pa rito sa pilipinas." Dugtong ko pa. "Bakit? Dahil ba naging pinsan mo si Caleb? Alam ko naman at ramdam ko na mayroon kang gusto sakanya noon hindi ko lang alam kung hanggang ngayon pa rin ba." Alam ni Wilson na mayroon akong gusto kay Caleb? Alam kong nasasaktan ito sa mga sinasabi nito. "Wilson wala akong gusto sakanya nagulat lang ako dahil naging driver ko ang pinsan ko, that's it." Pinsan ko si Caleb, bakit kasi sa dinami dami ng magiging pinsan ko siya pa. "Well naniniwala naman ako sa iyo babe basta usapan natin one month lang tayo dito at magpo for good na tayo sa Au

