Naisipan kong pumunta sa San Luis upang bisitahin sina auntie Hasmin dahil wala naman roon si Caleb at julia, narinig ko kasi ang usapan nila kanina na mayroon silang pupuntahang isang hacienda. Nang makarating na ako sa tapat ng bahay nina auntie Hasmin ay kaagad naman akong bumababa. Nang makatapat na ako sa pinto ay naroon sina auntie Hasmin at Crissa na abalang gumagawa ng meryenda. "Ate Rocky?" Nanlaki ang mata ni Crissa nang makita ako habang si auntie Hasmin naman ay napa sign of the cross pa. Mukha na ba akong multo? Sa tingin ko ay hindi naman. "Kumusta na po kayo?" Halos hindi makapaniwala ang mga ito nang makita nila ako at makapasok sa loob ng kanilang bahay. "Auntie totoo ba ang nakikita natin?" Ang akala ba nila'y patay na talaga ako? "Buhay po ako, buhay ako Crissa."

