Chapter 26

2393 Words
Rocky Point Of View Nakarating kami sa bahay na hindi nagkakaimikan ngunit ngumingiti naman kami sa isa't isa tuwing nagkakatinginan. Bababa na sana ako ng kotse nang pigilan nito ako, umikot pa ito saka pinagbuksan ako ng pinto. Kahit sa pag-alis ng seat belt ay siya pa ang gumawa habang nakangiti sa akin. Bumababa ako saka dumeretso sa loob ng bahay habang pangiti ngiti pa, nagulat ako nang makitang nakaupo si dad sa sala kasama si kuya Ronald habang si mom naman ay nakatayo sa gilid nito. "Mom, dad!" Mabilis akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng mga ito at masayang niyakap sila sabay ng paghalik sa kanilang pisngi ngunit napansin ko naman na hindi umiimik si dad. "Mom akala ko next week pa ang balik ninyo?" Hinawakan ko pa ang kamay ni mom ngunit hindi ito sumagot. "Where you have been?" Wika ni dad, napatingin naman ako kay mom at kuya Ronald habang umiiling ang mga ito. "Sa-sa San Luis dad." Sagot ko habang nauutal pa. "Akala ko ba Keitlyn 3 days lang ang bakasyon mo sa resort? Paanong napunta ka ng San Luis?" Nagulat ako sa pangalan na itinawag sa akin ni dad dahil nasanay na akong Rocky ang pag tawag nito sa akin. "Yes dad 3 days lang talaga kami sa resort pero dumeretso kami ni Caleb sa San Luis dahil birthday niya at naabutan kami ng ulan kagabi kaya doon muna kami nagpalipas ng gabi." Paliwanag ko naman saka ito tumayo, napaatras pa ako ng bahagya nang makita ko ang galit na mukha ni dad. "Alam mo bang kagabi pa kami nandito ng mom mo at hinihintay ka pero naroon ka pala sa San Luis, at sino ang kasama mo Keitlyn? Si Caleb, ang driver mo?" Napalunok ako ng laway dahil lakas ng boses ni dad kaya naman hindi ako nakasagot agad. "At ito akala mo ba hindi namin malalaman." Inihagis nito ang isang diyaryo sa aking harapan, pinulot ko naman iyon sa sahig habang pinupulot ko iyon ay alam ko ng tungkol iyon sa pagkakakarera ko. "Kailan pa Keitlyn? Kailan ka pa sumasali sa mga racing event na iyan? Hindi ba't si Caleb ang kasama mo sa diyaryong iyan?" Hindi ko alam na nailagay pala sa diyaryo ang pagmumukha namin ni Caleb noong manood kami sa isang flat track racing. "Pinayagan kitang magmotor Keitlyn at kahit sa mga negosyo na gusto mo ay hindi kita pinigilan, isa lang naman ang gusto namin ng mom mo ang pag-iwas sa mga Event na iyan dahil napaka delikado." Dugtong pa nito ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ako makasagot, alam kong ito ang mangyayari pag nalaman nila ang tungkol sa racing career ko. "Rodrigo tama na iyan pagpahingain mo muna ang anak natin kakarating lang niya." Hinawakan ni mom ang braso ni dad. "Dad iyong tungkol sa San Luis si Auntie Hasmin ang kasama ko at siya rin ang nagsabi na hindi na kami makakabalik ng San Antonio kaya nagpalipas muna kami ng gabi doon." Hinawakan ko ang braso ni dad ngunit inalis niya iyon. "Hindi ko gusto ang pagsali mo sa mga racing event na iyan Keitlyn kaya kung ako sa iyo itigil mo na iyan or else ipapasara ko ang shop mo, mark my word." Tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinigilan ngunit kaagad ko naman iyon pinunasan at sakto naman ang pag pasok ni Caleb dala ang maleta ko at mapalingon si dad dito. "Caleb sumunod ka sa akin sa opisina ko, at ikaw Keitlyn hindi pa tayo tapos." Nakita kong sumunod naman si Caleb kay dad. Umakyat ako ng hagdan patungo sa aking silid at pabalibag na isirado ang pinto. Hindi pwedeng gawin ni dad ang sinabi niya, pinaghirapan kong itayo ang shop ko dugo't pawis ang pinuhunan ko roon at walang sinuman ang pwedeng magpasara noon. Pumasok ako ng banyo at nag-ayos ng aking sarili pagkatapos niyon lumabas ako at kinuha ang susi sa drawer ko saka ako bumababa ng hagdan habang sinusuot ang jacket ko. "At saan ka pupunta?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni dad sa likuran ko. "Sa shop dad." Sagot ko naman ngunit hindi ako humarap dito. "Keitlyn anak, halika ka na manghalian muna tayo bago ka umalis." Hinawakan ni mom ang braso ko saka kami umupo sa hapag kainan. "Keitlyn simula sa araw na ito ay hindi mo na magiging driver pa Caleb." Napalingon ako kay dad dahil sa sinabi nito. Tungkol pa rin ba ito sa pagpunta namin ng San Luis? "Bakit naman dad? Hindi ba't isang buwan lang naman siya rito? Bakit hindi niyo pa tapusin ang isang buwan niya bago ninyo siya paalisin?" Ibinaba nito ang kutsarang hawak hawak nito saka lumingon din sa akin. "Ibinigay ko naman na ang buong sahod niya kaya wala ng problema kahit hindi niya tapusin ang isang buwan." Ikinuyom ko ang aking palad dahil sa sinabi ni dad. "Huwag kang mag-aalala Keitlyn dahil naghahanap na ako ng bagong magiging driver mo pero habang wala pa nariyan naman si Wilson upang magsundo at maghatid sa iyo." Dugtong pa nito. "Hindi ba pwedeng si Caleb muna dad habang naghahanap ka pa ng bagong driver ko?" "At bakit naman? Huwag mong sabihin na mayroon kang gusto sa driver mo Keitlyn, kaya ba palagi mo itong kasama?" Hindi ko alam kung saan papunta ang usapan namin ni dad, kaya naman tumayo ako aakma na sana akong tumalikod at umalis ngunit nagsalita itong muli kaya naman napahinto ako. "Maghire ka na rin ng magmamanage sa shop mo dahil simula ngayon sa V. E. M ka na lang papasok at iyon na lang ang pagtutuunan mo ng oras." Hindi ako sumagot at naglakad na palabas ng bahay, nasalubong ko naman roon si mang Kanor na pinupunasan ang kotse ni dad. "Rocky ano bang nangyari? Bakit nagmamadaling umalis si Caleb?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay mang Kanor kaya naman nagkibit balikat na lang ako. Sumakay ako ng motor ko at dumeretso sa shop, ni hindi ko man binati ang mga staff ko dahil sa inis kay dad pabalibag ko pang isinarado ang pinto ng opisina ko. Umupo ako sa aking swivel chair habang hinihintay si Farrah na dumating at wala pang kalahating minuto ay dumating na rin ito. "What happened Rocky? Ang sabi ng mga staff mo wala ka raw sa mood." Umupo ito sa harapan ko at tumitig sa akin. "Ang sabi mo sa akin kagabi may good news ka mukhang bad news naman ata." Dugtong pa nito. "Dumating na si dad Farrah at nalaman na niya na sumasali ako sa mga race at ito pa bigla na lang niyang pinaalis si Caleb sa bahay." Nagulat naman ito sakanyang narinig. "Alam na ni tito Rodrigo ang tungkol sa racing career mo? Oh my gosh Rocky, ano ba kasing nangyari?" Ikinuwento ko naman kay Farrah ang lahat ng nangyari simula ng nasa San Luis kami ni Caleb hanggang sa makauwi kami sa bahay hindi ko alam kung nakikinig pa ba ang kaibigan ko dahil mukha naman lutang ang isip nito. "Really? Seryoso? Nagkiss kayo ni Caleb? Tapos anong sabi niya? Bakit daw niya ginawa iyon? Sinabi ba niya na gusto ka niya?" Daig pa nito ang isang imbestigador kung makatanong dahil sa dire diretso nitong tanong sa akin ngunit umiling naman ako. "Wala, wala siyang sinabi Farrah. Nagkiss kami tapos wala lang hindi siya nagpaliwanag kung bakit niya ginawa iyon, hindi kaya pinagtitripan niya lang ako?" Tumayo ito saka nagpunta sa likuran ko at niyakap ako. "Hindi naman ganoon ang tingin ko kay Caleb, mukha naman siyang mabait Rocky malay mo nahihiya siyang ipagtapat sa iyo ang totoo if I were you pupuntahan ko siya." Umiling naman ako sa sinabi nito. "Para ano? Para tanungin kung may gusto ba siya sa akin? Kilala mo ako Farrah hindi ako ganoon (ngumisi ako) at kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi naman sumasagot ayaw ko muna siyang puntahan ng San Luis at baka malaman na naman ni dad." Bumalik ito sakanyang upuan. "So anong plano mo? Galit sa iyo si tito Rodrigo dahil nalaman niya ang tungkol sa racing career mo tapos si Caleb naman bigla ka nalang iniwan ng walang paalam hindi kaya alam na niya na alam mo kung nasaan ang mama niya?" Ano nga ba ang plano ko? Hindi ko pwedeng itigil ang pagkakakarera ko dahil masaya ako sa gingawa ko, kung tungkol naman kay Caleb magpapalipas muna ako ng araw hindi pa naman siguro nito alam. Niyaya ako nitong lumabas at mamasyal para malibang ko ang sarili ko at hindi mag-isip pa ng kung ano ano, humingi rin ako ng pasensiya sa mga staff ko dahil alam kong kagagaling pa lang namin sa masayang bakasyon tapos ganito ang makikita nila sa akin. Kanina ko pa rin tinatawagan si Caleb ngunit hindi ito sumasagot ganoon din si Crissa pakiramdam ko ay mayroon sinabi si dad kaya umiwas na sa akin si Caleb. Lumipas pa ang dalawang araw ngunit walang Caleb na dumating sa bahay ngunit naroon pa rin sakanyang kuwarto ang mga damit at ibang gamit nito kaya umaasa pa rin akong babalik ito, panay din ang sermon sa akin ni dad dahil dis oras na ako kung umuwi ng bahay halos mag-over time na ako sa trabaho huwag ko lang makita si dad. Ni hindi rin ako pumapasok sa V. E. M at pana'y si Nicole ang inuutusan kong makipag meeting sa mga kliyente, katulad ng dati ay naibinalik ko ang ugali kong mainitin ang ulo. "Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni dad nang makasalubong ko ito sa sala ngunit diretso lang ang lakad ko palabas ng bahay, desidido na akong puntahan si Caleb sa San Luis upang tanungin ito kung bakit ito biglaang umalis. Nasa daan palang ako ay kabado na ang dibdib ko, hindi ko alam kung anong mangyayari pagdating ko ng San Luis pero isang ang sinisiguro ko iyon ay ang makita at makausaap ko si Caleb. Dalawang oras din ang biyahe ko patungo sakanila, bumababa ako sa motor at tinanggal ang helmet na nasa ulo ko malayo palang ako ay nakita ko na si Caleb na namimitas ng gulay kasama ang kanyang mga kapatid marahil ay daldalhin nito iyon sa foundation. Naglakad pa ako papalapit sakanila nang mapalingon sa akin ang mga kapatid ni Caleb gayun din ito, tumakbo pa si Crissa at sinalubong ako ngumiti naman ako saka ito niyakap. Lumapit din sa akin si Caleb ngunit nanatili lang kaming nakatayo at hindi man lang ako niyayang pumasok sa loob katulad ng dati. "Kumusta?" Ang tanging lumabas sa aking bibig. "Maayos naman, anong ginagawa mo dito?" Tila ba ibang Caleb ang nasa harapan ko dahil simula kanina ay hindi man lang ito ngumiti sa akin. "Anong nangyari? Bakit bigla ka nalang umalis ng bahay? Mayroon bang sinabi si dad?" Umiling naman ito at hindi makatingin sa akin. "Walang nangyari, ibinigay lang ni sir Rodrigo ang buong sahod ko at dahil doon hindi na ako mahihirapan pang ipagdrive ka dahil tapos na ang trabaho ko sainyo." Nadismaya ako dahil sa sinabi nito, anong nahihirapan? Nahihirapan ba siya sa akin? "Kung wala ka ng sasabihin pa pwede kang umalis dahil madami pa akong gagawin." Dugtong pa nito tila ba nasabuyan ng asido ang puso ko dahil sa pagtrato nito sa akin, hindi naman ganito si Caleb pero bakit ganito ang ipinapakita nito ngayon. "Umalis ka na at baka maabutan ka pa ng ulan." Sabi pa nito, tumingin naman ako sa kalangitan at mukhang nakakaulan na kaya naman tumango tango na lang ako. Tumalikod na ito sa akin na hindi man lang naririnig ang sagot ko. Kaya naman mabilis akong sumakay ng motor at kumaripas ng takbo habang pumapatak ang luha mula sa aking mga mata. Hindi ko akalain na ganito pala kasakit ang muling pagkikita namin ni Caleb hindi ko alam kung anong nangyari sakanya pero hindi na siya ang Caleb na nakilala ko. Inihinto ko pa ang motor at tinanggal ang helmet sa ulo ko saka ko ibuhos ang lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak kasabay ng malakas na buhos ng ulan pakiramdam ko ay pinag laruan lang ako ng tadhana kung kailan mahal ko na doon pa ako iiwan. Umuwi ako sa bahay na basang basa nang dahil sa ulan at namumugto pa ang mga mata, nakita ako ni mom ngunit dumeretso lang ako sa kuwarto ko. Pumasok ako sa banyo at tumapat sa tumutulong tubig habang nakaupo at nakayuko, nasasaktan ako sa mga nangyayari wala man akong lakas ng loob para sabihin na gusto ko siya, na mahal ko siya. Nang biglang huminto ang pagtulo ng tubig dahan dahan ko pang iniangat ang mukha ko, nakita ko si mom na nakatitig sa akin wala akong narinig na salita sakanya kumuha ito ng tuwalya at inilagay sa katawan ko at dahan dahan akong pinunasan saka ito kumuha ng damit ko at pinalitan ako na parang isang bata. Nang mapalitan nito ako ng damit ay lumabas ito ng kuwarto ko at sa pagbalik ni mom ay mayroon na itong dala dalang mainit na gatas at iniabot nito sa akin, umupo ito sa tabi ko at kumuha ng suklay saka sinuklayan ang buhok ko. "Anak Keitlyn ano bang nangyari? Bakit nagkakaganyan ka?" Tumulo ang luha ngunit mabilis kong pinunasan iyon. "Bakit umiiyak ka?" Dugtong pa nito at humarap ito sa akin pagkatapos nito akong suklyan. "Keitlyn sweetheart magsabi ka sa akin dahil ako ang mom mo, kahit na ano pa iyan ay maintindihan ko." Habang hawak hawak nito ang mukha ko. "Tungkol ba ito sa sinabi ng dad mo na ipapasara niya ang shop?" Umiling naman ako at ibinaba ang baso ng gatas na hawak ko. "O tungkol kay Caleb?" Napahinto ako saka yumuko. "Mayroon ka bang gusto sakanya anak?" Binitawan nito ang mukha ako at hinawakan naman nito ang mga kamay ko. "Mahal mo ba siya Keitlyn?" Saka naman tumulo ang mga luha ko, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga ito ngunit patuloy lang ito sa pagtulo. Nakita ko ang pagngiti ni mom saka nito ako niyakap ng mahigpit. "Maiintindihan mo rin anak ang lahat sa tamang panahon." Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa mga mata ni mom. "Anong ibig ninyong sabihin mom?" Umiling ito at hinalikan ang nuo ko saka lumabas na ng kuwarto ko. Anong dapat kong maintindihan sa tamang panahon? Hindi ba dapat ako ang maintindihan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD