"Anong sinabi mo Rocky nagpunta ka ng San Luis kahapon? Oh tapos anong nangyari? Nagkausap naman ba kayo ni Caleb." Tumango naman ako habang papaupo sa aking swivel chair, narito kami ngayon sa opisina sa V. E. M hindi na nga sana ako pupunta rito ngunit kinukulit ako ni Nicole dahil palagi raw itong pinapagalitan ni dad.
"Oo nagkausap kami pero saglit lang dahil pinaalis niya rin ako kaagad."
"Sinabi mo ba na gusto mo siya? Or tinanong mo ba kung gusto ka niya?" Lumingon ako rito saka ito tinaasan ng kilay at ibinaba ang hawak kong papeles.
"Ano bang klaseng tanong iyan Farrah? Sa tingin mo ba maitatanong ko pa iyon kung pinagtatabuyan niya ako? Yes you heard it right pinagtabuyan niya ako, kung dati rati inaaya niya pa akong pumasok sa loob ng bahay nila pero ngayon hanggang sa daan na lang ako." Napayuko ako habang hawak hawak ang ulo ko mukhang sumasakit na rin ang ulo ko dahil sa kakaisip.
"Well kung ayaw niya sa akin Farrah, ayaw ko na rin sakanya." Dugtong ko pa ngunit alam kong hindi ko gustong gawin iyon.
Nang biglang tumunog ang telepono ko at dali dali ko naman iyon kinuha sa loob ng drawer.
"Hello Dr. Fajardo?"
“Hello Ms. Valdez, mukhang nakalimutan mo na atang kuhanin ang mga test results mo if you are not busy today puntahan mo ako ngayon dito sa hospital I have something important to discuss with you. " Napatulala naman ako dahil sa sinabi ni Dr. Fajardo sa tono pa lang ng pananalita nito ay mukhang hindi maganda ang sasabihin nito, hinawakan naman ni Farrah ang likod sabay ang paghagpos dito.
Dali dali naman kaming nagtungo sa hospital upang puntahan si Dr. Fajardo kung ako lang ang tatanungin ay ayaw ko ng malaman pa ang resulta ngunit mapilit ang kaibigan ko.
Nakita naman kami kaagad ng assistant ni Dr. Fajardo kaya pinapasok na nito kami roon. Ngumiti naman si Dr. Fajardo nang makita kami ni Farrah habang papaupo sa harapan nito.
"Kumusta Ms. Valdez naiinum mo ba sa tamang oras ang mga gamot mo?" Isinuot nito ang kanyang salamin saka I nilabas ang isang envelope.
"Yes dok."
"That's good! But, the result of your test came out and I'm sorry Ms. Valdez because you have stage 2 congestive heart failure." Nanghina ako dahil sa sinabi ni Dr. Fajardo at nakatinginan pa kami ni Farrah habang iniabot nito ang resulta, mamamatay na ba ako?
"Anong ibig ninyong sabihin Dr. mamamatay na ba ang kaibigan ko?" Napailing naman ito saka bahagyang napatawa.
"No of course not, but she had to undergo to a heart valve surgery katulad nga ng sinabi ko before na kailangan mong baguhin ang lifestyle mo Ms. Valdez." Halos hindi ako makasagot sa naririnig ko. Kailangan ng surgery?!
"Urgent po ba ito? Wala po bang ibang treatment?“ Napalingon naman ako kay Farrah na sobra kung mag-aalala para sa akin.
"Kung ayaw mo pa sa procedure na iyon pwede ka naman magdrug therapy but you have to limit your outdoor activities para malessen at hindi lumala." Kumuha ito ng isang papel sakanyang drawer at pinapirma sa akin iyon katunayan na hindi ako mgpapaheart valve surgery.
"But if you are ready tawagan mo lang ako." Dugtong pa nito.
"And Ms. Valdez mas mabuti na rin siguro na malaman ng parents mo ang kalagayan mo para maalagaan ka nila, dahil kung hindi mo inalagan ang sarili mo it would be worsen." Umiling naman ako dahil ayaw kong malaman nila ang tungkol dito at baka mas lalong hindi na ako payagan ni dad na magmotor.
"Gaano po ba katagal ang recovery if ever at magkano po?"
"It cost 800,000 to 1 million, barya lang naman sainyo iyan Ms. Valdez mas mahalaga pa rin ang kalusugan and for the recovery it takes several weeks." Mukhang napakatagal na recovery iyon at hindi ko kayang magtagal sa bahay na walang ginagawa.
Tahimik lang kami sa loob ng kotse ni Farrah mukhang pareho kami ng iniisip ngayon, inihatid nito ako sa V. E.M dahil naroon ang motor ko.
"Oh paano Rocky aalis na ako, inumin mo ang mga gamot mo ah at palagi kang tatawag sa akin lalo na pagmayroon kang ibang nararamdaman." Ngumiti naman ako at niyakap ito ayaw kong magkadramdahan pa kami ng kaibigan ko kaya naman kumalas ako sa pagkakayap dito.
"Sige na Farrah, madami pa akong aasikasuhin sa opisina kailangan kong matapos iyon ng maaga para makauwi ako kaagad sa bahay at makapagpahinga." Ngumiti rin ito at hinalikan pa ako bago ako tuluyan bumaba ng kotse nito.
Bumalik ako sa opisina na lutang ang isip habang dala dala ang mga gamot sa loob ng bag ko.
Naabutan ko pa sa loob si Nicole habang inililigpit ang mga hawak nitong papeles.
"Mayroon pa ba akong meeting ngayon Nicole?" Umupo ako saka naman nito inilabas ang ibang mga pipirmahan ko.
"Wala na miss CEO, I mean Rocky." Ngumiti ito habang nakatitig sa akin at umupo pa sa harapan ko, tumango naman ako at sinimulan pirmahan ang naroon, hinayaan ko lang siyang tumitig sa akin hanggang gusto niya dahil alam kong guwapong guwapo ito sakin.
Alas sais na ng gabi nang matapos ko ang aking mga trabaho dumeretso na ako sa parkingan at magtungo sa motor ko, pagod at inaantok na rin.
"Keitlyn na riyan ka na pala." Sinalubong ako ni mom at hinalikan sa aking pisngi samantalang si dad naman ay abala sa kanyang pagbabasa.
"Magpalit ka na ng damit mo at pagkatapos bumaba ka na rin para makapaghapunan na tayo." Tumango naman ako at dumeretso na sa kuwarto inilapag ko ang mga gamit ko sa aking working desk saka nagtungo sa banyo habang nakatingin ako sa salamin ay naalala ko pa rin si Caleb.
Ngunit nawala iyon nang biglang mayroon kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
"Keitlyn anak kakain na tayo." Lumabas naman ako ng banyo at binuksan ang pinto ng kuwarto ngumiti naman ako kay mom at sumunod na rin dito.
"Kumusta ang company Keitlyn?" Lumingon naman ako kay dad at tipid na ngumiti.
"OK naman dad, natapos ko ang lahat ng trabaho kaya kahit hindi ako pumasok roon bukas ay OK lang." Sagot ko naman ngunit lumingon ito sa akin at ibinaba ang hawak nitong kubiyertos.
"At bakit hindi ka papasok? Hindi porke natapos mo ang trabaho mo ngayon Keitlyn ay hindi ka na papasok kinabukasan hindi naman ata ganyan ang ugali ng isang CEO at may ari ng kompanya." Napatawa ito na tila ba nang-iinsulto.
"Tama na iyan Rodrigo nasa hapag kainan tayo mamaya na ninyo pag-usapan iyan ng anak mo." Suway ni mom mukhang nawalan ako ng gana kumain kaya hindi ko masiyadong nagalaw ang pagkain sa plato ko.
Pagkatapos kong kumain ay dumeretso ako sa veranda upang magpahangin sinundan naman ako ni kuya Ronald at inabutan ng tsaa.
"Mag tsaa muna tayo next time na ang alak pag wala sina dad." Bulong nito at napangiti naman ako.
"Kwentuhan mo naman ako Keitlyn." Biglang nawala ang ngiti aking mga labi dahil naalala ko si Caleb na sinasabi rin sa akin ang mga katagang iyan.
"Kumusta naman ang bakasyon mo? Mabuti ka pa at nakapagrelax samantalang ako subsob pa rin sa trabaho." Dugtong pa nito at ibinagsak ang katawan sa upuan na naroon sa may veranda.
"OK naman kuya masaya dahil nakapag-enjoy ang mga staff ko." Umupo rin ako sa tabi nito at inilapag ang hawak kong tsaa sa lamesita.
"Bakit naman staff mo lang ang nag-enjoy? Hindi ka ba nag-enjoy? Wala bang masiyadong chicks doon?" Natawa naman ako dahil sa sinabi ni kuya.
"Kuya, ano bang akala mo sa akin chickgirl? Chick boy?" Napapailing nalang ako habang ito naman ay patuloy sakanyang pagtawa.
"Ayan nakita ko na rin ang baby sister ko na ngumiti, alam mo Keitlyn huwag mo masyado pansinin si dad alam mo na tumatanda na naghahanap na ng apo, bigyan mo na kasi." Saka nito ako hinakbayan.
"Dapat nga ikaw ang magbigay ng unang apo kuya, ipakilala mo na kasi ang girlfriend mo." Tumawa lang ito saka umiling at humigop muna ng tsaka bago sumagot.
"Masiyado siyang busy, minsan lang sa isang lingo kami kung magkita dahil palagi siya sa kaibigan niya nagseselos na nga ako sa kaibigan niya e." Ngumiti nalang ako dahil sa sinabi nito, buti pa ang puso ni kuya mabuti samantalang iyong sa akin doble doble ang sakit, wala na ngang love life may sakit pa.
"By the way nakausap mo na ba si Caleb? Ang bait pa naman niya at mukhang maaasahan." Ngumiti naman ako ngunit hindi ako umimik, nakatitig lang ito sa akin at naghihintay ng sagot ko.
"Nakita ko kung paano ka niya alagaan, alam mo Keitlyn lalaki rin ako kaya alam ko kung may gusto ba ang isang lalaki sa babae sayang nga lang at pinaalis na siya ni dad." Kumunot naman ang nuo ko at napakamot pa sa aking ulo.
"Anong ibig mong sabihin kuya?“ Ngunit hindi nito iyon nasagot nang dumating sa aming likuran si dad at ito'y magsalita.
"Tungkol na naman ba sa driver mo Keitlyn ang pinag-uusapan ninyo?" Sabay kaming napalingon ni kuya Ronald saka nagkatinginan, napabuntong hininga muna ako bago sumagot.
"Ano bang ginawa sa inyo ni Caleb dad para maging ganyan ang trato ninyo sakanya? Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan niya." Mahinahong wika ko habang papatayo ako sa aking kinauupuan at si kuya Ronald naman ay hawak ang braso ko.
"Ganyan ba ang naituro niya sa iyo ang sumagot sa magulang?" Lumapit pa ito sa akin at tumitig ito ng matalim.
"Magulang? Hindi ba't nawalan siya ng magulang nang dahil kay tito Rodolfo?" Mukhang nagulat pa ito dahil sa sinabi ko gayun din si kuya Ronald na hawak pa rin ang braso ko.
"Kung makapagsalita kayo dad parang ang laki ng kasalan ni Caleb, hindi ba dapat na tayo ang may kasalan sakanya?" Dugtong ko pa habang nagsisimula ng mamuo ang luha sa aking mga mata ngunit pinipigilan ko iyon dahil gusto kong maging matatag sa harapan ni dad.
"Ano bang kahibangan ang pinagsasabi mo Keitlyn?" Halos mabingi ako sa sigaw ni dad.
"Kahibangan dad? Hindi kahibangan ito, ang kinakasama ni tito rodolfo ay ang mama ni Caleb, nawalan ng magulang sina Caleb at ang mga kapatid nito nang dahil kay tito Rodolfo." Pasigaw na sambit ko, nagulat si dad sa sinabi ko at tatlong hakbang lang ang nagawa nito ay isang malakas na sampal ang inabot ko kaya naman nakabitaw si kuya Ronald sa aking braso dahil sa gulat din sa kanyang narinig habang si mom naman ay palabas saka mapalingon sa aming likuran at gulat na gulat ito sa kanyang nakita kaya naman napalingon din ako at nakita kong nakatingin sa akin si Caleb.
Halos hindi ko na mapigilan ang luha sa aking mga mata, ang kabog sa aking dibdib ay mas malakas pa sa mga kuliglig at ang malamig na simo'y ng hangin ang pagpangatog sa aking mga tuhod.
"Anong sinabi mo Rocky? Ang tito mo ang bagong asawa ni mama?" Lumapit ako rito at aakma itong hawakan ngunit inilayo nito ang kanyang sarili, galit ang mga mata nito at parehong kinuyom ang kanyang mga palad.
"Caleb." Ang tanging sambit ko habang humihikbi.
"Kailan mo pa alam ang tungkol diyan? Akala ko ba magkaibigan tayo Rocky, bakit hindi mo sinabi sa akin kung nasaan si mama." Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag kay Caleb ang sarili ko. Hindi ko alam kung maintindihan ba niya ako.
"Sasabihin ko na sana sa iyo noong nagpunta ako ng saan Luis kaya lang." Napatigil ako dahil sa lakas ng boses nito.
"Kaya lang ano Rocky? Pinagmukha mo akong tanga." Diin nito sabay talikod at nagsimulang maglakad, hahabulin ko pa sana ito ngunit mabilis na hinawakan ni dad ang braso ko at hinila ako papasok ng bahay pilit ako nagpupumiglas sa pagkakawahak ni dad ngunit sobrang higpit niyon.
"Kailangan kong makausaap si Caleb dad." Itinulak ako ni dad at mapaupo sa sofa pinuntahan naman ako ni kuya ngunit nanatili lang din itong tahimik kahit si mom ay tikom din ang bibig.
"Para saan pa Keitlyn? Hayaan mo na siyang umalis, hayaan mo ng maghiwalay kayo at magalit kayo sa isa't isa." Tumayo akong muli at lumapit kay dad.
"Bakit dad? Bakit kailangan namin magalit sa isa't isa?" Tumalikod na ito at nagsimulang umakyat ng hagdan ngunit napahinto itong muli saka lumingon sa akin.
"Maintindihan mo rin sa tamang panahon Keitlyn kaya kung ako sa iyo kalimutan mo na siya." At muling nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan, Niyakap naman ni kuya at pinahinto sa pag-iyak samantalang si mom naman ay sinundan si dad.
Hindi ko maintindihan, ano pa ba ang kailangan kong intindihin? Bakit kailangan namin magalit at kalimutan ang isa't isa?