Chapter 28

2614 Words
Rocky Point Of View Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng dibdib ko, naalala kong nakalimutan ko palang inumin ang mga gamot ko kagabi.Tinignan ko pa ang orasan at alas sais na ng umaga, dumeretso ako sa kusina habang dala dala ang ilang piraso ng gamot. Naabutan ko naman roon si manang na abala sa pagluluto ng agahan, kumuha pa ako ng tubig saka ininum ang hawak kong gamot habang hindi ito nakatingin. Naalala kong bigla ang nangyari kagabi, nasaan na si Caleb? Nang mapansin naman ako ni manang sakanyang likuran. "Ang aga mo naman nagising Rocky." Ibinaba pa nito ang kanyang nilutong hotdog at ham habang naglalagay muli sa kawali ng itlog. "Manang nasaan po si Caleb? Dito ba siya natulog kagabi?" Napahinto naman si manang sakanyang ginagawa at ito'y humarap sa akin. "Hindi Rocky, umalis din siya kagabi pagkatapos niyang kuhanin ang lahat ng mga gamit niya, pinipigilan ko nga kaya lang ang sabi niya maaga raw ang flight niya." Muli itong nagluto. "Flight?" Tanong ko at tumango naman ito. Kaya naman dali dali akong umakyat sa hagdan at magtungo sa aking kuwarto upang kuhanin ang susi ng motor ko. Narinig ko pa ang malakas na pagtawag sa akin ni manang kung saan ako pupunta ngunit hindi ko na nasagot pa iyon. Sumakay ako sa aking motor at dali daling pinaandar ito, wala akong pakialam kung gaano pa kabilis ang pagtatakbo ko basta maabutan ko lang si Caleb sa San Luis. Habang nakasakay ako sa aking motor ay tinawagan ko na rin si Farrah tungkol dito, inalok pa nito akong ang kotse nito ang gamitin ngunit tinanggihan ko ito dahil mas mapapabilis ako kung itong motor ko ang gagamitin. Wala pang isang oras ay naroon na ako sa San Luis kaagad akong bumaba sa aking motor at patakbo pang nagtungo sa loob ng bahay nila Caleb habang tinatawag ko pa ang pangalan nito ngunit naabutan ko lang roon ang mga kapatid nito na tila ba kakatapos lang umiyak dahil bakas pa sa mukha nila ang luha. "Ate Rocky!" Kaagad akong niyakap ni Crissa. "Nasaan ang kuya Caleb ninyo?" Nakita ko ang lungkot sa mga ito habang lumuluha ang nakababatang kapatid ni Caleb na si Chelsea. "Wala na po si kuya Caleb, ate Rocky. Umalis na po siya papuntang airport, ngayon po kasi ang flight niya patungong Australia." Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Crissa at hindi kaagad na nakapagsalita, mukhang hindi ko na ito maabutan pa ngunit buo ang desisyon kong puntahan ito at makausap bago man lang ito makaalis. Nagpaalaam na ako kaagad sa mga kapatid nito at mabilis na magtungo sa aking motor. "Hello Farrah, papunta ako sa airport ngayon doon na lang tayo magkita." Ibinalik ko sa aking bulsa ang hawak kong telepono saka sumakay sa aking motor. Habang nasa biyahe ako ay samu't sari ang mga naiisip ko puro panoo kung? Paano kung hindi ko na siya maabutan? Paano kung huli na pala namin pag kikita iyong kagabi? Paano kung naabutan ko, anong sasabihin ko sakanya? Pumatak na ang luha sa aking mga mata kaya naman mas lalo ko pang binilisan sa pagpapatakbo, busina rito busina roon habang napapamura pa dahil sa mga bigla na lang lumulusot na sasakyan. Napakahaba pa ng traffic, kung pwede lang paliparin ko ang motor ko ay gagawin ko na para lang makarating na ako sa pupuntahan ko. Nang makarating ako sa airport ay kaagad ako bumaba ng motor habang inaalis ang helmet ko at hindi sinasadyang malaglag ko iyon sa tabi ng aking motor. Tumakbo pa ako papasok sa loob ngunit hinarang lang ako ng mga guard na naroon mabuti na lang at dumating si Farrah kaya naman kinausap niya ang mga ito at kaagad naman akong pinayagan na pumasok. Para akong naghahanap sa kawalan, naghahanap sa taong imposibleng makita ko pa. Inilibot ko ang aking mata habang tumutulo ang luha ko, nagtungo pa ako sa passerger service assistant para tanungin kung anong oras ang flight patungo sa Australia at sinabi nitong nakaalis na una at isang flight na lang ang natitira. Kaya naman umaasa ako na nasa natitirang flight pa si Caleb, naglakad lakad pa ako at nagtungo sa mga upuan roon kung pwede lang isigaw ko ang pangalan niya ay ginawa ko na ngunit baka mayroon lang makakilala sa akin at kunan na naman ako ng litrato. Sa kakalakad ko ay nasagi ko ang isang tao at malaglag nito ang kanyang hand bag lumingon ako rito at humingi ng pasensya. "OK lang miss." Ngumiti ito sa akin saka tinapik pa ang braso ko. "Caleb bro." Dugtong nito nang mapalingon sa aking likuran, tama ba ang dinig ko? Caleb ba ang binanggit nitong pangalan? Dahan dahan akong lumingon habang nakapikit pa, at unti unti itong iminulat nang tuluyan na akong makaharap. Tears welled up in my eyes when I saw the man in front of me who was also staring at me, I smiled but it remained formal. "Caleb, mag-usap tayo please?" Lumapit ako rito ngunit nanatili lang itong nakatayo. "I'm sorry if I didn't tell you right away dahil natatakot ako na baka magalit ka sa akin at ayaw kung mangyari iyon pero nangyari na nga." Napatawa ako habang sinisinghut ang sipon ko gawa ng luha ko. "Pero nagsinungaling ka pa rin Rocky alam mo bang iyan ang pinaka ayaw ko sa lahat." Seryoso nitong wika nang biglang mag-anunsyo ang susunod na flight patungong Australia "Bro Tara na." Yaya ng kasama nito. "Kung wala ka ng sasabihin, aalis na kami." Malamig nitong sabi nang walang ano ano'y nasabi ko ang mga katagang matagal ko ng itinatago. "Caleb gusto kita." Nakita ko ang gulat sakanyang mga mata ngunit nanatili lang itong nakatitig sa akin, lumapit sakanya ang kasama niya saka ito bumulong, tumalikod na ito at nagsimulang maglakad kaya naman mabilis akong lumakad at hinawakan ito sakanyang braso. "Caleb mahal kita." Napahinto ito at humarap sa akin habang inaalis ang kamay ko na nakakapit sakanyang braso ngumiti pa ako ngunit matalim ang tingin nito at wala man lang kareareaksyon. "Hindi kita gusto Rocky at mas lalong hindi kita mahal, alisin mo na rin ang lahat ng koneksiyon mo sa amin ng mga kapatid ko." Napatulala ako dahil sa sinabi nito habang nanginginig ang mga labi ko dahil sa pagpigil sa luha ko at hindi kaagad ako nakasagot, akala ko'y mababago nito ang kanyang isip ngunit nagkamali pala ako habang ito naman ay nagsimula na rin maglakad palayo sa akin ngunit lumingon itong muli. "Nagkabalikan na pala kami ni Julia dahil mahal pa rin namin ang isa't isa at sa pagbabalik ko magpapakasal na kami." Tila ba sinakluban ako ng langit at lupa, umagos ng kusa ang luha sa aking mga mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakaupo na sa sahig habang tinitignan itong maglakad palayo sa akin. Napayuko ako habang nakatungkod ang mga kamay ko sa sahig at kahit na anong punas pa ang gawin ko sa aking pisngi ay kusa lang na umaagos roon ang luha ko. Bakit Caleb? Bakit hindi mo man lang ako nilingon? Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan at yakapin? Patuloy lang ako sa pag-iyak kahit na alam kong madami ng tao ang nakatingin sa akin, naramdaman ko na lang na mayroon yumakap sa akin at nilagyan ako ng sumbrero sa ulo. "Tumahan ka na Rocky, please. Baka mayroon pang mangyaring masama sa iyo." Inalalayan ako nitong tumayo saka naglakad palabas ng airport. Nagpunta kami sa isang bakanteng upuan at umupo roon habang ang kaibigan ko naman ay patuloy sa paghaplos sa aking likuran, alam ko naman na nagkamali rin talaga ako dahil naglihim ako sakanya at kung magalit man siya ay nararapat lang iyon sa akin. Pinusan ko ang luha ko at inayos ang boses ko bago magsalita. "Kasalanan ko rin naman Farrah kaya nagalit sa akin si Caleb at deserve ko iyon, ang hindi ko lang mataggap ay iyong alisin ko ang koneksyon ko sa mga kapatid niya habang pinagdukdukan niya sa akin na hindi niya ako gusto at hindi niya ako mahal." Tumayo ako saka humarap kay Farrah. Hindi ko alam kung masiyado na ba akong assuming, kung ba mahal mo ang isang tao ay dapat mahalin k rin nito pabalik? Hindi ba pwedeng magmahal ka lang ng walang hinihintay na kapalit? Napalunok ako ng aking laway, alam ko naman ang sagot ngunit nasasaktan lang talaga ako. "Pwes kung iyon ang gusto niya, OK." Tumango tango ako habang pigil sa pag-iyak. Bumalik ako kung saan ko iniwan ang motor ko habang naroon pa rin sa lapag ang helmet na nailaglag ko kanina saka ito malakas na sinipa. Sayang lang dahil napaka mahal ng helmet na iyon na nagkakahalaga ng 21,000 galing pa ng india kung narito lang si Caleb ay sasabihan na naman nito akong mayabang. Sumakay ako sa motor at nagpunta sa isang racing circuit para doon ibuhos ang lahat ng sama ng loob na mayroon ang dibdib ko at walang hintong paikot ikot sa track sa ilalim ng tirik na araw hanggang sa tuluyan nalang akong mapagod. "Mam kanina pa kayong umaga riyan at pasado alas kuwarto na ng hapon wala po ba kayong balak kumain at magpahinga man lang?" Sabi ng isang staff roon habang nakatingin sakanyang relo, umiling naman ako saka muling pinaharurut ang motor ko. Namamanhid na ang kamay at binti ko ngunit hindi ko nararamdaman ang gutom, ni hindi na rin ako nakainum pa ng gamot ko. Tinawagan ko rin si Wilson para isama ang pangalan ko sa lahat ng racing event na alam nito. Isang lingo na rin akong hindi pumapasok sa V. E. M building at kahit na sa shop ko, ni hindi ko rin sila tinawagan o inaupdate man lang. Sa tuwing umuuwi naman ako sa bahay ay diretso ako sa kuwarto at pagkagising naman ay sa racing circuit ang punta ko. "Hindi ka raw pumasok sa V. E. M sabi ng assistant mo." Napatingin naman ako kay habang palabas ng bahay. "Nagpupunta ako dad malamang ay hindi niya lang ako nakikita." Pagsisinungaling ko ngunit alam kong alam ni dad na hindi ako nagsasabi ng totoo. "Anak mag-almusal ka na muna ilang araw ka na rin namin hindi nakaka sabay." Sinuot ko naman ang sun glasses ko at hinalikan si mom. "Sa office na ako kakain mom madami kasi akong ginagawa." Palabas na sana ako nang makasalubong ko naman si Wilson, lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko. "Are you ready for the race?" Bulong nito saka ito tumitig sa akin. "Of course!" I mouthed habang malaki ang ngiti rito at hawak pa ang kamay nito. "Good morning po tito, tita." Lumapit ito kay mom at dad habang nagmamano rito. "Good morning Wilson, pwede ba tayong mag-usap saglit sa opisina ko?" Sumunod naman si Wilson dito habang hinihintay ito sa sala. "Keitlyn anak, kumusta naman ang business mo? Halos hindi na tayo nakakapagkwentuhan." Ngumiti naman ako kay mom at lumapit dito. "Maayos ang lahat mom, busy lang talaga ako kaya hindi na ako masyado nakakapagkwento sa inyo." Nang makita kong lumabas na si Wilson sa opisina ni dad sa bahay. "Sige na mom aalis na kami." Niyakap ko ito ng mahigpit at kumalas din agad nang makalapit na sa amin si Wilson. "Let's go?" Tumango naman ako at lumabas na kami ng bahay papunta sa garahe. Si Wilson at si Farrah lang ang palagi kong nakakasama, nang dahil sa kanilang dalawa ay nakakalimutan ko ang sakit na naidulot sa akin nang magmahal ako sa taong hindi pala nakatadhana para sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang isang big bike katabi ng motor ko napatingin naman ako kay Wilson habang nakangiti ito. "Is that yours?" Ngumiti naman ito saka inilabas ang susi at inihagis hagis pa nito sa ere. "Oh my gosh, did you buy at my shop?“ Natawa naman ito dahil sa reaksyon ko. "Where else can I buy a good class and quality motor? Of course only in your shop, Rocky.“ Napangiti ako habang pinipisil ang pisngi nito. "Oh you're so sweet." Pabebe kong sabi dito. Sumakay na kami pareho sa aming mga motor nang bigla ito ngumuso at ituro ang gate. "What?" Sabi ko. "The gate." Sabi niya at itinuro ang tarangkahan. "Open the gate Rocky, alangan naman ako ang magbubukas niyan hindi ba't bisita mo ako?" Saglit akong napatulala dahil naalala ko si Caleb tungkol sa pag-utos nito sa akin na buksan ang tarangkahan noon. Nakatitig ito sa akin habang nakakunot ang nuo. "Rocky?" Hinawakan pa nito ang braso ko at ilang beses pa akong napakurap kurap. "Yeah of course, mang Kanor ang gate please." Tawag ngunit wala roon si mang Kanor kaya naman napilitan akong ako na lang ang gumawa. Nagpunta kami ni Wilson sa isang racing circuit, mahilig din ito sa mga motor ngunit ni minsan ay hindi ito sumubok na makipagkarera. Harurot kung harurot importante sa aking ang makapag-ensayo ng mabuti para race na ito dahil isa ito sa mga International competition na gaganapin dito sa bansa. Hindi sana ako hihinto kung hindi lang sumenyas sa akin si Wilson, kaya naman nagtungo ako papunta rito. "That's enough Rocky baka masobrahan mo sa galing." Tinanggal nito ang helmet sa aking ulo saka iniabot ang tubig. "Importante sa aking ang competition na ito Wilson malaking halaga ang pinag-usapan dito at para ito sa mga bata sa foundation." Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko. "Yeah I know that, malaki ang tiwala ko sa iyo Rocky that you will win this competition." Gigil na sabi nito. Nagtungo na kami sa Grand stand International race competition kung saan naroon na rin si Farrah at ang iba pa namin kaibigan kabilang na si Dexter, Sopia, Trissha at Tonet. Hindi naman na bago sa akin ang makipagkarera ngunit kabado ako ngayon dahil napakaraming tao ang nakaupo at manonood sa amin, iba't ibang lahi rin ang nakilahok sa kompitisyon na ito at panigurado akong makikita na naman ito ni dad. "Best of luck Rocky." Lumapit si Sopia gayun din si Trisshabhabang yakap yakap ako. "Rocky!" Habang si Farrah ay tumitili at isinisigaw ang pangalan ko at nakaupo na kasama ang iba pang mga manonood. Lumapit naman sa akin si Wilson at inayos pa ang helmet at sinuri pang mabuti kung tama ang lagay ng mga protective gear ko. "Good luck Rocky, you can do this." Saka nito tinapik ang balikat ko at tumango naman ako. Pumwesto na kami sa aming lugar habang isa isa kong tinitignan ang mga katunggali ko, ang pag t***k ng puso ko ay mas malakas pa sa hiyawan ng mga manonod. I closed my eyes as I waited for the gunshot to signal that the competition had begun. And when I heard that, I immediately started my motor there was nothing else on my mind but Caleb. The short time I had with him and the happy memories we both had. It was short but I learned a lot. Hindi ko napansin na nakarating na pala ako sa finished line at halos mapuno ng hiyawan ang grand stand. Mabilis naman akong pinuntahan ni Wilson at niyakap ako ng mahigpit at nang makababa ako sa aking motor ay kaagad akong pinuntahan ng mga paparazzi. Inalalayan ako ni Wilson na umakyat ng entablado at tanggapin ang trophy at cash na premyo. Kabilaan ang mga kamera at tagapagbalita ngunit hindi ako makasagot sa kanilang mga tanong, gulat na gulat pa rin ako at hindi makapaniwala sa nangyari nang dahil sa kakaisip ko kay Caleb ay nanalo ako, he is my inspiration. Ang daming mga kapwa ko racer ang lumapit sa akin at batiin ako, ang mga paparazzi naman ay hindi pa rin ako tinitigilan. Lumapit na rin dito si Wilson para sabihin na hindi ako magpapainterview.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD