Chapter 29

2739 Words
We celebrated at a restaurant with our friends, it was one of the fun successes that happened in my racing career. "Cheers!" Itinaas namin ang baso ng wine saka ito diretsong inubos ang laman nito. "Congratulations again Rocky, you are so great." Saka nito inalis ang jacket nito na halos lumuwa na ang dibdib ni Sopia. Napatingin naman ako kay Wilson ngunit ito ay nanatiling abala sakanyang telepono at nang mapalingon ito sa akin ay itinaas nito ang kanyang kilay. "Why?" He mouthed pero umiling naman ako mukhang nagbago na ang mokong na ito. "Congrats Rocky." Tumabi naman sa akin si Tonet at ngumiti ito. "By the way Rocky, nasaan na ba si Caleb? Hindi na kasi nagpaparamdam sa akin." Hindi ko inaasahan na mababanggit muli ang pangalan nito at nagkatinginan naman kami ni Farrah. "He has been in Australia for a week. Natapos na rin naman kasi ang kontrata niya bilang driver ko." Nakita ko sa kanyang mukha ang pagkadismaya rito at hindi na muling nagtanong pa. Natapos na ang aming late lunch at kami na lang tatlo nina Farrah at Wilson ang natira sa restaurant. Lumapit naman sa akin si Farrah habang nakasandal ang ulo nito sa aking balikat. "Ayos ka lang ba Rocky?" Napahinto naman ako sa pagnguya. "Oo naman Farrah kailan ba ako hindi naging OK." Humarap ito sa akin at niyakap ang baywang ko na animo'y isang bata na nakayap sakanyang ina. "Are you sure? One week palang noong umalis siya, sigurado ka bang nakamove on ka na?" Habang nakatitig pa ito sa akin, kumunot naman ang nuo ko saka ito pinitik sakanyang nuo. "Ang sweet niyo naman daig niyo pa ng may relasyon." Napatawa naman ako dahil sa sinabi ni Wilson na kakagaling lang sa banyo habang si Farrah naman ay hindi maipinta ang mukha na tila ba diring diri sa kanyang narinig. Nagpaalam na rin si Farrah dahil mayroon tumawag sakanya at nagmamadali itong umalis kaya naman dalawa na lang kami ni Wilson na natitira sa restaurant at nagyaya itong mag-stroll kaming dalawa, pumayag naman ako dahil gustong gusto ko iyon. Mukhang nakukuha na rin ni Wilson ang ugali ko, ang gusto ko at ang hilig kong gawin. Dumaan na rin kami sa foundation upang ibigay ang premyo na nakuha ko kanina, masaya kami ni Wilson buong araw. Inihatid pa nito ako sa aming bahay ngunit nakita ito ni dad kaya naman inanyayahan siya nito maghapunan. Habang nasa harap kami ng hapag kainan ay siya naman kulitan namin ni Wilson. "Stop it Wilson nasa harap tayo ng hapag kainan." Ngunit pana'y pa rin ako tawa ko dahil sa pag kwento nito tungkol sa una nitong pag sakay ng motor. "Sige pa Rocky pagtawanan mo pa ako, kaya nga hindi sumagi sa isipan ko ang sumasali sa mga karera." Mahina nitong sabi. "Ahem." Napalingon naman kami pareho ni Wilson kay dad. "Mukhang naging masaya ang araw ninyong dalawa." Habang malaki ang ngiti ni dad na salitan pang nakatingin sa aming pareho ni wilson. "Yes tito it was a very happy day, right Rocky?" Sabay naman ang kindat sa akin ni Wilson. "That's good to hear." Nagpatuloy ito sa kanyang pagkain samantalang pumasok naman si manang na mayroon dala dalang ulam. "Sir Rodrigo, mam Dale tikman po ninyo ito dala ng anak ko kanina galing ng probinsiya." Napakunot nuo naman si dad at mom ngunit nang mailapit iyon ni manang at maitapat sa harapan ko ay pamilyar sa aking luto. "What is this manang?" Tanong ni dad. "Labong, that's Labong diba manang with salu.. salu." Habang iniisip ko kung ano ba iyon. "Tama ka Rocky Labong nga ito na may saluyot." Kumuha ako kaagad at inilagay sa plato ko saka ito kinain habang enjoy na enjoy sa pagnguya niyon , napalingon naman ako sakanila isa isa habang sila naman ay nakatingin sa akin. "Paano mong nalaman ang tungkol sa pagkain na ito Keitlyn?" Tanong ni dad at kumuha rin ito. "Minsan na kasi akong pinatikim ni Farrah ng ganyan dala rin ng kasambahay nila, try ninyo masarap I'm sure magustuhan niyo rin." Habang pangiti ngiti pa ako ngunit napansin ko naman si kuya na palihim na natatawa dahil sa sinabi ko. Naalala ko tuloy ang unang araw na namasyal ako kina Caleb dahil iyan ang kinain ko. Nang biglang umulan ng malakas kaya naman nagpalipas muna ng ilang sandali si Wilson dahil motor lang naman ang dala nito, wala rin si mang Kanor na maghahatid rito dahil umuwi ito ng probinsiya. "Bakit hindi ka na lang dito magpalipas ng gabi Wilson madami naman bakanteng kuwarto ang bahay." Umiling naman si Wilson at sa tingin ko ay nahihiya lang ito. "Hintayin ko na lang pong tumila ang ulan tito." Sagot naman nito. "Pasensiya ka na bro Wilson hindi rin kita maihahatid dahil mayroon pa akong zoom meeting mamaya." Habang ako naman ay nanatiling nakaupo habang umiinum ng tsaa. Ngunit hindi pa rin humihinto ang malakas na ulan at pasado alas dies na ng gabi kaya naman nagdesisyon na itong dito na lang matulog at maaga na lang na uuwi bukas. "Keitlyn ikaw na bahala sa bisita mo matutulog na kami ng mom mo dahil madami kaming aasikasuhin bukas, Goodnight." Tumango naman ako gayun din si Wilson habang nakangiti. Kalahating oras din siguro kaming naging tahimik ni Wilson habang nakaupo sa sala at abala sa aming mga telepono. "Hindi ka pa ba matutulog?" Basag ko sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. "Hindi pa naman ako inaantok Rocky at mukhang mamamahay ako nito, gusto mo bang magmovie marathon tayo habang nagpapaantok?" Yaya nito sa akin ngunit napatawa lang ako. "Movie marathon? Wilson hindi ako mahilig manuod." Habang napapatawa pa rin. "Ang alam ko kasi mahilig ang mga babae sa movie lalo na sa k-drama." Napahagalpak naman ako dahil sa sinabi nito. "K-drama? Wilson pang teenager lang iyon, siguro ang mga naging girlfriend mo o girlfriend mo mahilig sa mga movie at k-drama." Habang pataas pababa ang kilay ko at nakangiti rito. "I don't have a girlfriend and I haven't had a girlfriend yet, and that's how I know women. " Seryoso nitong sabi. "Seriously Wilson? Wala ka pang nagiging girlfriend? I don't believe you, sa guwapo mong iyan at sa dami ng pera mo." Tumabi naman ito sa akin at tumitig ito kaya naman tumitig din ako rito at nakahalukipkip pa. "Fine, mayroon naman akong naging girlfriend pero hindi naman seryoso at madalas iyong iba pineperahan lang ako." Tumango tango naman ako. Halos nasa kanya na nga ang lahat kung tutuusin matangkad, pogi, matangos ang ilong, anak ng isang mayaman na pamilya, may sariling negosyo pero wala naman love life. "Alam mo naman Rocky na sinabi ko sa iyo dati na gusto kita seryoso ako nu'n." Dugtong pa nito ngunit tumawa lang ako. "Wilson madami akong kailangan pang ayusin, gawin, trabahuin at hindi ko pa maisisingit sa buhay ko iyan." Umupo ako ng nakadekuwatro habang napapakamot sa aking kilay. "Maghihintay naman ako Rocky hindi naman ako nagmamadali, wala naman akong pupuntahan." Saka ito tumawa at tumawa lang din ako. "Not funny." At umiling iling ako. "Rocky can I ask you something pero huwag mo sanang mamasamain ha." Tumaas naman ang kilay ko saka tumango. "Bakit hind mo subukan magsuot ng dress sa tingin ko mas bagay sa iyo iyon, tignan mo nga ang itsura mo mas mukha ka pang lalaki sa akin." Kumunot naman ang nuo ko saka napatawa ng bahagya. "Wilson saan ka ba nakakita ng racer na nakadress at naka stiletto habang nakasakay sa motor, saka mas komportable ako na ganito ang suot ko. Itulog nalang natin ito, aakyat na ako sa ako kuwarto ko goodnight." Ngumiti ako saka tumayo na, tumayo na rin ito at sabay kaming umakyat sa hagdan patungo sa aming mga kuwarto. Hindi ko na naabutan pa si Wilson dahil sabi ni kuya Ronald ay maaga raw itong umalis at madami itong mga appointments ngayong araw. Katulad ng ipinangako ko kay mom ay sasabay ako sakanilang mag-agahan. "Siya nga pala Keitlyn nakapaghire na ako ng bago mong driver para hindi na maistorbo pa si Wilson sa ibang negosyo nito." Napatigil naman ako habang ngumunguya, nagsisimula na naman si dad na ipilit ang gusto niya. "Dad hindi ko naman kailangan ng driver, kaya ko naman pumunta sa trabaho gamit ang motor ko." Ngunit nakita ko ang pag pasok ng isang lalaki na kasing tanda lang siguro ni dad. "Heto na pala siya, si mang Froilan. Halika ka rito Froilan, ito ang anak ko si Keitlyn siya ang ipagmamaneho mo." Ngumiti at binati nito ako ngunit tipid lang ang ngiti ko rito saka tinanguan at umalis na rin ito pagkatapos. "Naghire ako ng kasing tanda ko na driver mo Keitlyn nang sa ganoon e hindi kana magkagusto pa katulad ng huling naging driver mo." Dugtong pa ni dad habang nakatitig sa akin, nagbaba naman ako ng tingin saka inilapag ang kubyertos na hawak ko at tumayo na. Hindi na ako umimik dahil tama naman ang sinabi ni dad at ayaw ko ng pakinggan pa ang susunod na sasabihin nito kaya naman nagsimula na akong umalis sa hapag kainan at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makapagsalita na naman ng hindi maganda. Nasa garahe na ako noon at papunta sa racing circuit ngunit tumawag sa akin ang assistant ko. "What Nicole? Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na ikaw na ang bahala makipag meeting at sinabi ko na rin sa iyo na hindi na ako tatanggap pa ng mga investors." Ibinaba ko ang telepono at ibinalik sa akin bulsa. Nang muli itong tumunog at nakita ko ang hindi pamilyar na numero. "Hello Rocky, I just want to invite you here in my house because it's my birthday today." Malakas na sabi ng nasa kabilang linya nang sagutin ko ito. "Sopia?“ "Ako nga Rocky, makakapunta kaba?" Naisip ko na kaibigan ko rin naman sila at naging parte rin sila ng racing career ko. "Yeah sure." Sabi ko naman kaya mabilis ako nagtungo sa address na sinabi nito. Nadatnan ko roon ang iba nitong mga kaibigan kabilang na sina Trissha at si Tonet na masayang nagkukwentuhan. Lumapit ako sakanila at agad akong niyakap saka hinalikan pa sa pisngi. Mayroon rin iba roon na nagpapacute pa sa akin sabay ang kanilang pagkindat kaya naman hinakbayan ko si Tonet at umupo kami sa upuan. "Anong ginagawa mo Rocky? Ang awkward nito hindi ako prepared." Ngumiti naman ako saka inilapit ang bibig ko sa tenga nito. "Ssh huwag kang maingay let's be pretend." Sabi ko. "Pretend? What?" Kumunot ang nuo nito ngunit hinawakan ko ang pisngi nito. "Iyong mga kaibigan ni Sopia kanina pa nagpapacute sa akin, naiilang na ako Tonet kaya magpanggap na lang tayo." Gulat ang reaksyon nito ngunit nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi na tila ba sumasang-ayon sa plano ko. "Sure why not, baka gusto mo totohanin pa natin?" Napatawa naman ako saka ito kinurot sakanyang pisngi. "I'm just kidding Rocky pero pwera biro ha kahit sino naman atang babae mapagkakamalan kang lalaki dahil sa porma mo, babaeng lalaki kung porma." Habang napapatawa pa ito. "At kung malaman man nila na babae ka pala baka matomboy na rin sila, ang galing mo kayang pumorma Rocky. Alam mo bang may kamukha ka, iyong volleyball player sa t.v ganyan na ganyan siya sa iyo ang dami na ngang natomboy dahil sakanya." Dugtong pa nito, hindi ko akalain na napakadaldal pala ni Tonet at iyong tungkol sa volleyball player na kamukha ko minsan na rin nabanggit iyon ni Nicole. Hindi ko namamalayan ang bilis ng takbo ng oras nang dahil sa kwentuhan at tawanan, mukhang napapaniwala naman namin sila na magkarelasyon kami ni Tonet at dahil doon ay lumalayo na sa akin ang ibang mga babaeng gustong kumuha ng numero ko. Naglabas na rin ng whisky si Sopia lamesa at nagyaya na itong uminum, tatanggihan ko sana iyon dahil pupunta pa ako ng foundation ngunit iniabot na nito sa akin ang isang baso na mayroon laman na alak. Ilang beses din tumunog ang telepono ko ngunit inaagaw naman iyon ni Tonet tuwing hahawakan at sasagutin ko, feel na feel rin nito ang pagpanggap bilang noyba ko at panay din ang yakap nito sa akin na halos linta kung makadikit. Mabuti nalang at nagpunta ito sa banyo kaya naman mabilis kong kinuha ang telepono ko na nakapatong sa lamesa. "Hello Wilson, I'm so sorry hindi ko nasasagot ang tawag mo." Wika ko rito sa kabilang linya. "Nasaan ka ba rocky? Akala ko ba magkikita tayo ngayon sa racing circuit, alas kuwatro na ng hapon." Napasandal ako sa upuan habang hinihimas himas ang ulo ko. "Nandito ako kina Sopia ininvite niya ako dahil birthday niya." "Alright pupuntahan kita riyan." At ibinaba ko na ang telepono nang makita palapit na sa akin si Tonet. Nagsiuwian na ang ilang mga bisita ni Sopia at ilan na lang kaming natitira roon. Makulit na rin si Tonet at halos matulog na sa balikat ko habang ako naman ay natatamaan na rin sa alak na aming nainum. Sakto naman ang pagdating ni Wilson at ngumiti pa ako rito habang ibinubuka ng bahagya ang mga mata ko. Tatayo na sana ako ngunit hinawakan ni Tonet ng mahigpit ang braso ko. "Where are you going babe? Please stay." Napalingon naman sa akin si Wilson at umiling ako saka naman ako hinila at hinalikan ni Tonet. "Please Rocky totohanin nalang natin." At tuluyan na itong nakatulog. "Huwag mo ng pansinin iyan Rocky ganyan talaga 'yan pagnalalasing." Kumuha naman ng kumot si Sopia at kinumutan niya ito. "Aalis na rin kami Sopia happy birthday ulit." Niyakap ko ito saka lumabas na ng kanilang bahay. Hindi naman ako pinayagan ni Wilson na magmaneho ng motor ko kaya naman sumakay na lang ako sa kotse nito at ipapahatid nalang ang motor ko sa bahay. Habang nasa biyahe kami ni Wilson ay panay ang lingon nito sa akin. "Why?" At Napabuntong hininga ito. "Hindi ba't mayroon kang race bukas bakit nagpakalasing ka pa?" Isinandal ko ang aking ulo sa bintana at lumingon din dito. "Napilitan lang ako, hindi ko natanggihan si Sopia birthday niya kasi." Narinig ko ang pag tsk nito saka ko ipinikit ang aking mata. Naalimpungatan na lang ako nang ugahin ako ni Wilson. "Rocky gising nandito na tayo sa bahay ninyo, ayusin mo ang sarili mo at baka mahalata ka ni tito." Kinurap kurap ko pa ang aking mata saka ko inayos ang sarili ko. Pumasok kami sa loob ng bahay at naroon nga si dad sa sala na naghihintay. "Oh and there you are." Tumayo pa si dad at sinalubong kami ni Wilson napansin kaagad ni dad ang itsura ko kahit na anong ayos at hawak ko kay Wilson ay mukhang matutumba na ako, hindi naman ako lasing ngunit ang tama ng whisky sa akin ay kakaiba hindi naman kasi iyon ang brand ko. "Wilson pwede ka ng umuwi, ako ng bahala kay Keitlyn." Dugtong pa ni dad saka naman umalis na si Wilson habang palingon lingon pa ito sa akin. Nang masiguro ni dad na nakaalis na si Wilson ay kaagad nito akong hinawakan sa braso. "And what are you doing to yourself, Keitlyn?" Hindi naman ako makasagot dahil sa sakit ng ulo ko. "Nagkakaganyan ka ba ng dahil kay Caleb?" Sigaw nito na halos mabingi ang tenga ko. "At anong kinalaman ni Caleb dito dad? Hindi ba pwedeng magsaya ako paminsan minsan?" Binitawan ako nito at halos matumba na ako. "Hindi ka na bata Keitlyn para maglaro, at ano itong nababalitaan ko na hindi ka na tumatanggap ng investors?" Dahil sa lakas ng boses ni dad ay na pababa si mom at kuya Ronald. "Dad kayang suportahan ng mga negosyo ko ang kompanya, ang V. E. M, hindi na kailangan pa ng investors." Sagot ko naman. "Anong sinabi mo? Hindi mo ba alam na malaki ang maitutulong ng mga investors para sa kompanya, huwag kang masiyadong magmalaki Keitlyn dahil papunta ka pa lang pabalik na ako." Gigil na sabi ni dad. "Bukas na bukas kailangan mong makipag-usap sakanila at makuha muli ang tiwala nila." Sigaw pa nito at umakyat na ng hagdan, halos hindi ako makasagot dahil sa sakit ng ulo. Samantalang sinundan naman ito ni mom habang si kuya naman ay inalalayan ako nitong makaupo. "Bakit kasi uminum ka ng mag-isa hindi ka man lang nagyaya dapat niyaya mo si dad." Bahagya akong napatawa dahil sa sinabi nito. Alam ko naman na pinapagaan lang nito ang kalooban ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD