Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagtunog ng telepono ko, nakita ko ang nakalihistrong pangalan ni Crissa, isang lingo ko na rin itong hindi sinasagot sa tuwing tumatawag ito dahil gusto ko na rin sanang putulin ang ano mang ugnayan pa namin ngunit sa pagkakataong ito ay tila mayroon nang-eengganyo na kausapin ko ito.
"Hello Crissa." Sagot ko.
"Hello ate Rocky, mis na mis ka na po namin bakit hindi na po kayo na mamasyal dito sa San Luis? Mamasyal naman po kayo, please?" Narinig ko ang garalgal na tinig ni Crissa na alam kong ano mang sandali ay tutulo na ang luha nito, ngunit hindi ako sumagot at ibinaba ko na ang telepono.
Dali dali akong nagtungo sa banyo upang maligo at makapag ensayo dahil mayroon akong karera mamayang alas tres ng hapon.
"Hello Rocky, hindi na ako makakapunta sa race mo mamaya balitaan mo na lang ako, goodluck at magiingat ka OK?" Ibinaba ko ang telepono ko habang pababa ng hagdan.
"Where are you going Keitlyn?" Napalingon naman ako kay dad na nakaupo sa sala.
"Pupuntahan ko lang ang kaibigan ko dad babalik din ako." Sagot ko naman habang papunta ng kusina.
"Siguraduhin mo lang dahil may meeting ka mamayang alas kuwarto ng hapon sa mga investors, huwag mo akong pahiyain Keitlyn dahil mga kilalang tao ang mga kameeting mo." Dugtong nito ngunit dire diretso lang ako saka kumuha ng tubig sa loob ng ref at nagsalin sa baso. Nang walang ano ano'y mabitawan ko iyon at mabasag sa harapan ko.
"Ayos ka lang ba Rocky? Halika ka rito at baka mabubog ka pa riyan." Umatras naman ako habang inililigpit ni manang ang basag na baso sa aking harapan. Sa sobrang gulat ko ay hindi na lang ako nakainum pa at lumabas na muli ng kusina.
"Nakikinig ka ba Keitlyn? Huwag mo ng dagdagan pa ang sakit ng ulo ko dahil sa mga trabaho na dapat ikaw ang gumagawa at hindi ako." Hindi pa rin pala tapos si dad sa sermon nito kaya naman ngumiti ako saka ito niyakap ng mahigpit.
"I love you dad." Wika ko saka ko ito hinalikan sakanyang pisngi, nakita ko ang gulat sakanyang mukha at kahit ako ay gulat din kung bakit ko iyon ginagawa.
Lumabas ako ng bahay at napapaisip sa ginawa ko mukhang kakaiba ang tama ng alak na pinainum sa akin ni Sopia, naiisip ko tuloy na baka mayroon iyon gayuma. Nasalubong ko naman roon si mang Froilan na abala sa pagpupunas ng kotse ko.
"Sa V. E. M nalang po tayo magkita mang Froilan." Ngumiti naman ito at tumango, mukha naman itong mabait at magpagkakatiwalaan kaya mabilis itong natanggap sa trabaho.
Dumaan muna ako sa supermarket at naggrossary ng ilan para kina Crissa, desidido akong puntahan sila ngayon ngunit ito na ang huling beses na pupuntahan ko sila at magpapalit na ako ng panibagong numero upang hindi na nila ako matawagan pa.
Nang makarating ako sa San Luis ay halos hindi ako makagalaw upang makababa sa aking motor na tila ba nahihirapan ang dibdib ko na makahinga kaya naman huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad patungo sa kanilang bahay habang bitbit ko ang aking pinamili.
"Ate Rocky akala ko hindi kana makakapunta rito." Gulat itong makita ako habang na iiyak pa saka ito yumakap sa akin.
"Hindi na rin ako magtatagal Crissa idinaan ko lang talaga ito para sa inyo ng mga kapatid mo at pasensiya ka na masiyado kasi akong busy sa negosyo wala na rin talaga akong time para mamasyal pa." Nalungkot ito sa sinabi ko ngunit masaya pa rin ito dahil kahit na papaano ay nakapunta pa rin ako rito sakanila.
Inihatid na nito ako sa daan at sakto naman ang pag labas ni Auntie Hasmin na nakatingin sa amin at ito ay mabilis na nagtungo sa aming kinaroroonan.
"Keitlyn nandito ka pala, kumusta na?" Ngumiti ako ngunit tipid lang iyon.
"Maayos naman po ako Auntie Hasmin, aalis na rin po ako dahil may meeting pa po ako." Habang inaalis ko ang helmet na nakasabit sa motor at ito ay hindi ko sinasadyang mailaglag.
"Mamaya ka na lang umalis Keitlyn, alam mo bang masamang pangitain ang mailaglag ang mga bagay bago umalis?" Napatawa naman ako dahil sa sinabi ni Auntie Hasmin.
"Pamahiin lang po iyon Auntie Hasmin at hindi mangyayari iyon, huwag po kayong mag-aalala tatawagan ko po kaagad si Crissa pag nasa San Antonio na ako." Hindi na nito ako napigilan kaya naman umalis na ako at nagtungo sa racing circuit kung saan naghihintay roon si Wilson.
"Saan ka nanggaling bakit ngayon ka lang?" Sinalubong nito ako sa harapan ng circuit.
"Sa bahay, sinermunan pa kasi ako ni dad." Tumingin naman ito sakanyang relo at kumunot ang nuo nito.
"Are you sure? 1pm na Rocky, ilang oras ka bang sinermunan ni tito at ngayon ka lang nakarating, naglunch ka na ba?" Mukhang hindi naman ito naniniwala sa palusot ko kaya napatawa ako at umiling.
"Hindi pa nga e, gutom na ako Wilson pwede bang sa track nalang tayo kumain, doon na lang din tayo maghintay at hindi na rin ako magpapraktis."
"Sigurado ka ba? OK sige, sure naman ako mananalo ka." Kinurot pa nito ang pisngi ko at sumakay na kami pareho sa motor. Mukhang malaki ang tiwala ni Wilson na maipapanalo ko ang race na ito.
Natapos na kaming kumain at nagpapahinga na lang habang hinihintay ang ibang kalahok. Samantalang si Wilson naman ay abala sa pag-ayos ng mga protective gear na gagamitin ko.
"Rocky, nasaan na po kayo? 2:30 pm na po kanina pa naghihintay si sir Rodrigo sainyo." Sabi ni Nicole sa kabilang linya.
"Nicole relax, 4pm pa naman ang meeting ko hindi ba? Andiyan na ako before 4pm OK." Ibinaba ko ang telepono saka inilapag sa lamesa.
"Wilson, hindi ba't 2:30 pm ang assembly? Bakit wala pa naman masiyadong tao?" Lumingon naman sa paligid nito si Wilson.
"Sige magtatanong lang ako." Tumayo ito at nagtungo sa sports commentator na naroon at mabilis din itong bumalik.
"Rocky, 3:30 pm pa ang start ng race dahil male late raw ang iba." Napahawak ako sa aking ulo at mukhang lagot na talaga ako kay dad.
"May problema ba?" Dugtong nito.
"May meeting ako ng 4pm Wilson paniguradong sermon na naman ang aabutin ko kay dad."Habang umiiling iling ako.
Lumipas pa ang oras at 3:15pm na nagsidatingan na rin ang ibang kalahok at napupuno na rin ang grand stand.
"Rocky, Ms. CEO nasaan na po kayo nagagalit na po ang dad ninyo malapit na pong mag 4pm, narito na rin po ang driver ninyo." Malakas na wika ni Nicole habang naririnig ko ang pag-anunsiyo na magsisimula na.
"OK Nicole puntahan mo ako rito at pagkatapos diretso tayo sa meeting, itetext ko sa iyo ang address." Mabilis kong ibinaba ang telepono at iniabot kay Wilson.
"Good luck Rocky." Hinawakan ni Wilson ang balikat ko at nakipag fist bump pa habang tumatango naman ko.
Halong nerbiyos naman ang nararamdaman ko dahil sa sermon na maabutan ko kay dad at baka mapatay pa nito ako dahil hindi ako nakarating sa mahalagang meeting ko ngayon.
Kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagpapatakbo at sa wakas ay nakarating din ako sa finished line.
Sobrang saya sa pakiramdam na manalo at madami ang humahanga sa iyo nang dahil doon ay nababawasan ang aking lungkot.
Mabilis naman akong pinuntahan ni Wilson kasama na ang assistant ko na si Nicole na gulat na gulat sa mga nasaksihan nito.
"Racer ka pala Rocky, ang galing!" Habang napapatalon pa ito.
Nagtungo kami sa isang triage area habang si Wilson naman ay mayroon kausap sa telepono.
"Rocky water." Habang hindi pa rin maalis sa mukha nito ang pagkamangha.
"Thanks Nicole." Nag-ayos na ako ng sarili ko nang makita ang papalapit na mga paparazzi.
"Let's go Nicole hindi na tayo makakaalis kung papayagan mong makalapit sila sa akin.
At mabilis kaming sumakay ng kotse na nakaparada na agad sa harapan namin ni Nicole.
Mukhang na star struck pa ang sekretarya ko dahil kung makatitig ay mukhang matutunaw na ako.
"Hello Wilson, nakaalis na kami ng E. A ko, favor naman pwede bang pakihatid sa V. E. M ang motor?" Pumayag naman ito at alam din naman nito ang dahilan kaya umalis na ako kaagad.
Nanatili lang kaming tahimik ni Nicole sa loob ng kotse at bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa meeting na hindi namin napuntahan.
"Relax Nicole, akong bahala sa iyo OK? Kasalan ko naman lahat." Napatingin naman ito sa akin at ngumiti ako habang ito naman ay titig na titig.
Nakarating kami sa V. E. M at kaagad na nagtungo sa opisina ko habang si Nicole naman ay tinatawagan ang mga investors.
Umupo ako sa aking swivel chair habang tinignan ang mga litrato naalala ko bigla si Farrah kaya naman tinawagan ko ito ngunit isang malakas na kalabog ang narinig ko sa pinto at pagharap ko ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin at na bitawan ko ang telepono ko.
Sermon at masasakit na salita ang inabot ko kay dad ang masayang araw ko sana ay napalitang ng sakit. Tiniis ko ang sakit at tinibayan ko ang loob ko para hindi ako mapaluha.
Nang tuluyan ng makalabas si dad ng opisina ko ay halos hindi ko na mapagilan ang luha sa aking mga mata.
"Race tonight?" Sabi ko.
"Sure Rocky pero baka matalo lang kami." Habang napapatawa sa kabilang linya si Dexter.
"Treat ko kayo pagkatapos, around 8pm hintayin ko kayo sa racing circuit." Ibninaba ko ang telepono ko saka lumabas sa opisina ko nang makasalubong ko si Nicole.
"Cancel all my meetings today."
"But Rocky ang sabi ni sir Rodrigo mag-usapu pa kayo."
"I said cancel all my meetings, sino ba ang boss mo Nicole? Ako o si dad?" Diretso akong naglakad habang nakatingin pa sa akin ang ilang mga empleyado na naroon.
Dumeretso ako sa parking lot at naroon na nga ang motor ko na inihatid ni Wilson kanina.
"Farrah I'm sorry hindi matutuloy ang dinner natin tonight, may race pa kasi kami nina Dexter." Nanghinayang naman ito ngunit pumayag na rin.
Nagpunta na ako sa racing circuit at naroon na rin sina Dexter, Sopia, Tonet, Trissha at ang iba pa nitong mga kaibigan na makikisali sa race.
"Anong problema? Bakit narito pa kayo sa labas?" Pagtataka ko naman dahil dati rati ay nasa loob na ang mga ito.
"Under renovation ang circuit Rocky, mukhang mauuwi na lang sa dinner ang pagkikita kita natin." Banat naman ni Dexter.
"Pwede naman street race." Suwestiyon naman ni Sopia.
"Hindi ba delikado? Hindi ba illegal iyon?" Kumunot naman ang nuo ni Trissha.
"May alam akong closed-off public roads, temporary close siya ngayon so I think pwede tayo doon at malapit lang." Pumayag na rin naman ako dahil mukha naman maayos kausap si Sopia.
Nakarating kami doon habang sinusuri at para makabisa ang daan, maliwanag din naman kaya walang problema ngunit madaming barrier ang hindi maganda ang pagkakapwesto.
"Hello Wilson nakalimutan kong sabihin sa iyo na may race kami nina Dexter ngayon, itetext ko sa iyo ang address, punta ka a." Ibinababa ko na ang telepono at ibinalik sa aking bulsa.
"Start na ba tayo? Para makapag dinner na ng treat ni Rocky." Nagsigawan naman ang mga ito sa pagkantiyaw sa akin.
"Wait Rocky my gasgas ang helmet mo?" Tinignan ko naman iyon at ngayon ko lang ito napansin, naalala kong nalaglag pala ito kanina sa San Luis.
"Baka hindi mo makita ang daan Rocky lalo na pagnagreflect na riyan ang street lights, gusto mo bang hiramin itong sa akin?" Umiling naman ako kay Tonet.
"OK na ito, nakapag race nga ako kanina na ito ang gamit ko di'ba?" Sinuot ko na iyon at wala naman problema.
"Kanina iyon Rocky dahil maaga pa pero gabi na ngayon, kung ayaw mong hiramin ang helmet ko huwag ka ng sumali." Dugtong pa nito ngunit hindi ko na ito pinansin.
Pumwesto na kami sa aming Lugar habang nagkakangitian pa na tila ba isang laro lang ang ginagawa namin, nakita ko pa sa aking side mirror ang kotse ni Wilson kaya naman napangiti ako.
"Magpatalo ka naman Rocky. "Sigaw pa ni Dexter kaya naman nagtawanan ang mga ito.
Iwinawagayway na ni Trissha ang hawak nitong bandera, hindi ito sumali sa race dahil namaltos ang paa nito dahil sa race kanina.
At nang itaas niya iyon ay mabilis namin pinaandar ang mga motor, noong umpisa ay enjoy na enjoy pa akong nagpapatakbo ng motor nakarating pa nga ako sa dulo ngunit noong pagbalik ko ay biglang nagbago ang timpla ng aking katawan nagpadagdag pa ang masasakit na salita na sinabi sa akin ni dad, napahawak ako sa aking dibdib at unti unting mawalan ng balanse at tumama sa matigas na barrier ang motor.
Narinig ko ang malakas na pagsabog na halos mabingi ang tenga ko, ang sigawan ng mga kaibigan ko. Nakapikit ako ngunit manhid na ang buong katawan ko, halos hindi ko na maibuka ang bibig ko at nalalasan ko na rin ang malakalawang na lumabas dito, ang tunog ng ambulansya ang huling narinig ko, pinilit ko pang huminga ng malalim ngunit unti unting humihina ang aking pahinga na tila ba sinsakal ako. Mamamatay na ba ako? Huling tanong ko sa aking isipan ngunit ipinasa diyos ko na lang ang buhay ko at siya lang may alam ng mangyayari.