Caleb Point Of View
Maaga akong nagising at tinawagan si Don Rodrigo, nagpasiya na ako na mamasukan bilang driver ng anak nito. Sinuportahan din ako ng mga kapatid ko at lahat sila ay masaya para sa akin.
Pinapunta naman kaagad ako ni Don Rodrigo sa San Luis sa bahay nila, nagcommute lang ako dahil hindi ko naman magagamit ang sasakyan ko roon.
Bumababa ako sa address ng bahay na ibinigay ni Don Rodrigo, napakalaki ng bahay na ito at mukhang maliligaw ako sa pagpasok. Pinindot ko ang door bell at kaagad naman na binuksan iyon ng isang matandang lalaki.
"Ikaw ba si Caleb?" Mabilis naman akong tumango.
"Halika pasok ka Caleb, ako nga pala si Kanor, mang Kanor nalang ang itawag mo sa akin personal driver ako ni sir Rodrigo." Ngumiti ako at sumunod lang dito.
"Sino po ba ang ipagmamaneho ko mang Kanor?" Napatawa naman ito ng bahagya kaya naman nagtaka ako.
"Hindi ko alam ko maipagmamaneho mo iyon, baka lagi ka lang takasan." Saka ito muling napatawa kaya naman kumunot ang nuo ko, dinala nito ako sa isang malawak na hardin at naroon si Don Rodrigo at ito ay nakaupo.
Napalingon ito sa akin na mayroon malaking ngiti at ito'y tumayo saka ako sinalubong
"Welcome to Valdez Residence, Caleb." Ngumiti naman ako habang si mang Kanor naman ay umalis na saka naman mayroon dumating na isang matandang babae na mayroon dalang dalawang tasa ng tsaa.
"Ibigay mo sakanya ang mga gamit mo Caleb para maidala na niya sa magiging kuwarto mo, siya si manang Ason ang all around dito sa bahay." Binati ko naman ito saka ko iniabot sakanya ang maleta ko. All a around? Sa laki ng bahay na ito ay mag-isa niya lang ginagawa ang lahat? Panigurado akong malaki ang sahod nito.
"Hindi ka ba nahirapan sa pagpunta rito Caleb?" Umiling naman ako.
"Hindi naman po Don Rodrigo nasundan ko naman po ang address na ibinigay ninyo." Ngumiti naman ito sa akin saka kami umupo sa upuan.
"Huwag mo na akong tawaging Don Rodrigo at baka sabihin nila na sobra naman ako sa yaman, sir Rodrigo nalang o kaya tito Rodrigo." Habang napapatawa ito.
"Sige po sir Rodrigo, na saan na po pala iyong ipagdadrive ko?" Lumabas naman ang isang lalaki na pamilyar din ang mukha at mukhang papunta na sakanyang trabaho.
"Dad mauuna na ako sainyo ni mom, I still have an important meeting today." Niyakap nito si sir Rodrigo at napalingon sa akin.
"Caleb? Is that you? 15 or 17 years ago I think last na nagkita tayo." Tumayo naman ako at naalala ko na ito si Ronald ang kalaro ko noon sa San Luis.
"Ronald? Kamusta na?" Ngumiti rin ito saka nito ako hinawakan sa balikat.
"I'm really good, so ikaw pala ang magiging driver ni Keitlyn." Keitlyn? Iyon ba iyong kapatid niya? Pero kahit na minsan hindi ko pa iyon nakikita na nagpupunta ng San Luis.
"Alright, next time na lang tayo magkwentuhan OK? I have to go magagalit na ang kameeting ko." Tumango naman ako.
"By the way Caleb, nabanggit sa aking ni Hasmin na kailangan mo ng pera para sa pag-aaral mo sa Australia."
"Opo sir Rodrigo kaya po napagdesisyonan ko na sunggaban na po ang oportunidad na ito para makaipon po ng sapat na pera." Tumayo naman ito saka lumapit sa akin.
"OK sige, OK na ba iyon 40,000 pesos para sa isang buwan na pagiging driver mo para sa anak ko?" Nagulat ako sa laki ng sasahurin ko dahil ang inaasahan ko ay nasa sampong libo lang kaya hindi kaagad ako nakapagsalita.
"Nandiyan na pala ang magiging amo mo, come here Rocky." Rocky? Akala ko ba si Keitlyn? Napalingon naman ako sa likuran ko at makita ang babaeng bumihag ng puso ko, totoo ba? Siya ang ipagmamaneho ko?
"Rocky, he is your personal driver, Caleb Francisco." Mabilis itong humakbang patungo sa amin habang masama ang tingin nito sa akin.
"What are you doing here? Dad anong personal driver ang sinasabi ninyo?" Nakita ko ang gulat sa mukha ni sir Rodrigo dahil sa asta ng anak nito.
Habang ipinapaliwanag nito ang nangyari.
"Sir Rodrigo siya po ang nauna, inisulto niya po ako nang dahil lang sa sasakyan ko na sira sira." Humarap pa ito sa akin saka ako inirapan, umatras naman ako ng bahagya at baka masapak ako nito.
"Dahil itinumba niya ang motor ko sa putikan." Gigil pa na sabi nito.
"Pag-usapan natin ng mabuti." Ngumisi pa ito sa akin kaya naman lumayo ako.
"Sir Rodrigo pasensiya na ngunit kung siya lang ang magiging amo ko, maghanap na lang po kayo ng iba." Tumalikod ako saka napatawa ng bahagya dahil alam ko naman na pipigilan ako ni sir Rodrigo at tama nga ako.
"Caleb sandali mag-usap tayo, dadagdagan ko ang sahod mo 50,000 pesos pumayag ka na." Napahinto naman ako saka humarap kay sir Rodrigo hindi ko naman plano iyon para dagdagan pa niya ang sahod ko ginawa ko lang iyon para inisin si Keitlyn? O si Rocky?
"Alam ko naman papayag din si Rocky at wala na siyang magagawa pa sa desisyon ko." Tumango naman ako kay sir Rodrigo at nang mapalingon ako kay Rocky ay nginisian nito ako kaya bumawi rin ako.
Nakita ko pa itong padabog kung maglakad papasok sa loob ng kanilang bahay, nagpaalaam na rin si sir Rodrigo dahil nagkaroon ito ng emergency meeting kaya naman pumasok na rin ako sa loob ng bahay upang puntahan ang mga kasama ko na nagtatrabaho rito.
Ngunit sa kakaikot ko ay napunta ako sa kusina at naabutan ko roon si manang na nagluluto ng almusal.
"Nag-almusal ka na ba Caleb? Halika rito, maupo ka at samahan mo akong kumain." Tumango naman ako saka lumapit kay manang at umupo sa upuan roon.
"Si Rocky pala ang ipagmamaneho mo, good luck sa iyo Caleb." Dugtong pa nito at inilapag sa harapan ko ang plato at kubyertos.
"Naku! Mukhang natakasan ka na ng amo mo Caleb, ayun na siya o." Habang itinuturo nito sa may labas ng bintana, lumingon naman ako sa bintana at mabilis nga na pinaharurot nito ang kanyang motor, napahawak naman ako sa aking nuo habang si manang naman ay napapatawa.
"Ano po bang klaseng ugali ang mayroon si Rocky manang?" Umupo naman ito saka nagsimulang kumain.
"Mabait na bata si Rocky, sa totoo lang ngayon lang sila nagkasundo ng daddy niya. Tatlong taon na kasing nakatayo ang sarili niyang kompanya kaya lang itong si Rocky ni minsan hindi pa nagpupunta roon puro pagmomotor ang inatupag at ang iba niyang nga negosyo."Kwento ni manang.
Nakwento rin nito na madalas itong hindi kumakain ng agahan at diretso na kaagad sa trabaho, pagkauwi naman nito ay ganoon din ang kanyang ginagawa. Nakwento rin ni manang na minsan na itong umuwing lasing kaya galit na galit si sir Rodrigo sa kanya. Napaisip tuloy ako na napakapasaway pala ng ako ko.
Sinumbong ko rin ito kay sir Rodrigo dahil tinakasan nito ako papasok sa trabaho kaya naman wala itong nagawa kung hindi sumakay sa kotse.
"Sa shop tayo didiretso." Utos nito.
"Sa V. E. M Building tayo miss, iyon ang utos ni sir Rodrigo." Napalingon ito sa akin saka nito ako inirapan. Narinig ko pa ang pag mura nito at napahampas pa sa kanyang upuan.
Wala itong nagawa kung hindi sumunod sa akin, ilang araw din kaming naging aso't pusa ni Rocky at palagi na lang nito akong sinusungitan.
"May importanteng meeting ako ngayon sa shop ko, kaya sa shop mo ako dalhin." Pabalibag nitong isinarado ang pinto ng kotse. Sinunod ko naman ito dahil mukha nga itong mayroon meeting, sa itsura nito ay para talaga itong lalaki kung umasta at paniguradong lahat ng babae ay magkakagusto sakanya dahil sa kakaiba nitong pagsuot ng damit.
"OK miss walang problema." Kumunot ang nuo nito at tumango na lang.
Ito ang pangalawang beses na ihahatid ko ito sakanyang shop, mabilis itong bumaba nang may nakita itong kotse na mukhang kakilala niya. Bumaba ang isang lalaki at mabilis itong hinalikan sa kanyang pisngi.
"Sino naman kaya ang lalaking iyon?" Napangisi naman ako nang makita silang pumasok sa loob.
Kumatok naman sa bintana ang dalawang lalaki na katatapos lang magyosi kaya naman ibinaba ko ang salamin ng bintana.
"Ikaw ba iyong driver boss Rocky?" Bumaba naman ako ng kotse at nagpakilala sa mga ito.
"Oo ako nga, ako nga pala si Caleb." Ngumiti naman ang mga ito saka tinapik ang balikat ko.
"Ako nga pala si Kevin at ito naman si Martin mga mekaniko ni boss Rocky, Tara sa loob Caleb mas presko doon may aircon." Yaya ng mga ito ngunit tumanggi naman ako.
"Dito na lang ako labas mabilis lang naman siguro siya, may lunch pa kasi sila ng dad niya." Iniwan na nila ako at muli naman ako pumasok sa loob ng kotse, ilang oras din ako naghintay sa loob ng kotse at ramdam ko na ang gutom ngunit naisip ko na kung ako ay ramdam ko na ang gutom kahit na nag-agahan ako paano pa kaya si Rocky na hindi nag-aagahan.
Nakita ko ang paglabas nito sa shop at patungo ito sa kinaroroonan ko. Kinatok nito ang bintana ng kotse saka ko naman iyon ibinaba.
"Mauna ka ng umuwi at may lunch meeting ako ngayon." Sabi nito.
"Hindi pwede miss, tumawag si sir Rodrigo at sabay daw kayong maglunch." Sabi ko naman.
"Call me Rocky, OK? Tatawagan ko na lang si dad." Nagsimula itong maglakad kaya naman mabilis akong bumaba ng kotse at hinawakan ko ang braso nito.
Saka naman dumating ang lalaki at inangasan ako kaya binatawan ko ang braso ni Rocky.
"What's your problem?" Umigting ang panga ng lalaki, kaya naman lumapit din ako at itinaas ng bahagya ang aking ulo habang nasa pagitan namin si Rocky. Anong akala niya siya lang ang may karapatang mag-angas?
"Stop this, OK? I'm really sorry Wilson next time na lang tayo maglunch." Sabat naman ni Rocky at mabilis itong sumakay ng kotse at pabalibag na isinarado ito habang nagsusungit sa loob, sinundan ko naman ito at pumasok na rin sa kotse.
"What was that Caleb? Hindi natuloy ang lunch meeting namin ni Wilson nang dahil sa iyo." Napatawa naman ako ng bahagya habang tinitignan ang itsura nito. Wilson pala ang pangalan ng lalaking iyon.
"Kasalanan ko pa kung hindi natuloy? Bakit hindi mo sisihin si sir Rodrigo." Napahampas na lang ito sa harapan ng kotse habang gigil na gigil sa akin, mukhang mabibingo na ako at kaunti na lang ay tatama na ako.
Inihatid ko na ito sa restaurant kung saan sila maglalunch ni sir Rodrigo, umuwi na rin ako pagkatapos dahil sabay na raw silang uuwi ng bahay.
Bumaba ako ng kotse saka dumeretso sa kusina dahil gutom na ako at tamang tama nakaluto na si manang.
"Halika ka na Caleb kumain na tayo, tinawag mo na rin sana si Rocky para makasabay mo naman siyang kumain." Naghain ito sa lamesa habang ako naman ay nagsasandok na ng makakain.
"Hinatid ko po si Rocky sa restaurant, sabay daw po kasi silang maglalunch ni sir Rodrigo." Tumango naman ito at kumain na rin.
"Kanor narito ka na rin pala kumain na tayo." Lumingon naman ako sa likuran ko habang papalapit si mang Kanor.
"Tamang tama pala ang dating ko." Umupo na rin ito saka kumain, gusto ko sanang magtanong tungkol kay Rocky ngunit baka mayroon sabihin ang mga ito kaya naman nakikiramdam muna ako.
"Kumusta ang pagiging driver mo Caleb? Hindi ka ba nahihirapan sakanya?" Napangiwi naman ako dahil kaunti na lang din ay hindi ko na matitiis pa ang kasungitan nito.
"Hindi naman po mang Kanor, sa totoo lang ako ang puputol ng sungay niya." Nagtinginan naman sina mang Kanor at manang saka sabay na napatawa.
"Ayos iyan Caleb putulin mo ang sungay niya para mabawasan ang kasungitan, maganda nga kung gawin mo na rin babae." Saka tumawa ulit.
Mukhang alam na alam ng mga ito ang ugali ni Rocky, pero naisip ko kung bakit Rocky at Ronald lang ang tawag nila sa mga anak ni sir Rodrigo.
Nang matapos kaming kumain ay dumeretso na ako sa kuwarto, uwian lang naman talaga sana ako ngunit sinabi ni sir Rodrigo na dito na lang ako tumira para hindi na ako mahirapan sa pag-uwi ng San Luis.
Napakatahimik ng bahay at hindi ako sanay, nagpasiya muna akong magikot ikot lalo na't wala pa naman sina sir Rodrigo samantalang sina mang kanor at manang naman ay nagpapahinga pa.
Nakita ko ang pagdating ng isang kotse kaya naman mabilis kong binuksan ang gate, nakita ko pa si Ronald na ngumiti sa akin kaya naman tumango ako.
Nang makababa na ang mga ito ay nakita ko naman si Rocky na nakahakbay pa kay sir Rodrigo, tama nga ang sinabi ni manang na magkasundo sila ni Rocky.
Isinarado ko na ang gate habang sila naman ay papasok na sa loob ng bahay, nakita ko pa ang pag lingon sa akin ni Rocky at ngumisi pa ito. Napakaantipatika talaga ng babaeng ito at nakuha pa akong sungitan kahit papasok na nga lang sa kanilang bahay, napatawa nalang ako dahil sa ginawa nito.
Pagkatapos namin maghapunan nina manang at mang Kanor ay nanuod na lang kami ng TV sa aming maliit na sala. Nakahiwalay kasi sa bahay nina sir Rodrigo ang tinutuluyan ng mga kasambahay rito na matatagpuan sa gilid, sa likod ng bahay nila na tanaw rito ang napakalawak na hardin at ang garahe kaya naman mabilis mong makikita kung mayroon parating.
Puno rin ng cctv ang buong lugar na nakakonekta sa kuwarto ni sir Rodrigo at dito sa amin, mayroon din malaking swimming pool.
Alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog, bumangon ako sa kama ko at nagpunta sa sala binuksan ko pa ang TV ngunit wala na rin mapanuod, pumasok ako sa bakanteng kuwarto at nakita kong mayroon dumb bell roon kaya naman kinuha ko iyon saka sinimulang buhatin.
Lumabas ako at nagtungo sa harapan ng swimming pool para doon magdumb bell, napalingon ako sa itaas ng bahay at nakita kong bukas pa ang ilaw ng ilang mga kuwarto roon, mukhang nagtatrabaho pa ang mga ito kahit na sa ganitong oras.
Nang makaramdam ako ng pagod ay umupo ako sa upuan sa likod ng kusina nang hindi sinasadyang mailaglag ko ang dumb bell at tumama sa may bakal na nakagawa ng ingay kaya naman mabilis ko iyon pulutin ngunit bago ko iyon mapulot ay lumabas si Rocky at nagsisisigaw ng magnanakaw at naihampas nito sa akin ang hawak nitong palayok mabuti na lang at mabilis kong naisangga ang braso ko kaya hindi tumama sa mukha ko at kung nagkataon ay wasak ang kapogian ko.
Tinakpan ko rin ang bibig nito dahil baka marinig pa nina Don Rodrigo habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa baywang nito, itinulak nito pa nito ako.
"Anong ginagawa mo rito?" Saka ito umupo roon, sinabi ko naman na dito na ako titira dahil malayo ang San Luis.
Nagulat naman ito sakanyang narinig at parang ayaw nito ako na rito tumira, sinabihan pa nito ako na nagiingay ako sa ganitong oras, sa totoo lang hindi ko naman sinasadya ang nangyari.
Pagkatapos kong sabihin dito na nagpapapawis lang ako ay kaagad itong tumayo at muling pumasok sa loob ng kusina, gusto ko pa sana itong kakwentuhan ngunit mukhang na istorbo ko lang ito sakanyang trabaho.