PROLOGUE
Marami na akong nababasang libro tungkol sa Greek Mythology. Masasabi mo kung gaano kagulo ang pamumuhay ng mga diyos at diyosa. Ma-iimagine mo rin kung gaano sila kaganda, kamapangyarihan, at nakakataas sa panahon na iyon. Nahilig lang rin ako sa pagbabasa nito dahil na rin siguro sa pangalan ko.
Athena Elise Rojas
Diko alam bakit ito ipinangalan sa akin ng magulang ko at di ko rin malalaman dahil wala na rin akong mga magulang. Lumaki ako sa isang bahay-ampunan. Sa pagkakaalam ko ay iniwan lang ako sa harap nga gate ng bahay-ampunan na may sulat-kamay na papel na Athena Elise Rojas. Ito nalang rin ang ipinangal sa akin ng mga madre dahil nagbabaksasakali silang may babalik na pamilya upang kunin ako.
Iniisip ko nalang na parang isang pelikula ang buhay ko. Na ako ang bida at iniisip na inilagay lang ako sa lugar na iyon pero may babalik na pamilya upang kunin ako. Pero sa loob ng dalawamput-isang taon na pamamalagi ko doon ay walang ni-isang taong kumuha sa akin. Mga pamilyang bumabalik sa ibang bata, o mga pamilyang umaampon ng ibang bata, o mga bata na nawalay sa pamilya lang ang parati kong nasasaksihan doon. Nagtagal pa ako sa bahay-ampunan na iyon hanggang sa napag-desisyunan kong bumukod na mag-isa.
Kaya siguro Athena ang ipinangalan sa akin ay kagaya ng diyosa na si Athena matapang na babaeng sumusugod sa anumang digmaan na paparating. Gusto kong panindigan ang pangalang Athena kaya bumukod na ako mag-isa.
Hindi ko naman kinasusuklaman ang ampunan na bumuhay sa akin, bagkus ay sumuporta pa sila sa akin sa aking desisyon. Utang ko sa kanila ang lahat.
Hindi ako nakapag-tapos ng kolehiyo dahil na rin sa walang makakapagpa-aral sa akin. Nagsikap akong mabuti para makatungtong lang ng kolehiyo, pero ganun naman talaga ang buhay diba? Minsan hindi lang talaga pabor sa iyo.
Ngayong bente-singko anyos na ako ay nakakaraos din ako sa buhay. Kung anu-anong trabaho ang pinapasukan ko noon, pero iba na ngayon.
Minsan tayong mga tao ay gagawin ang lahat para lang mabuhay. At ito rin ang gagawin ko upang mabuhay ako.
“Athena, pinapatawag ka ni boss” sabi ni Randy at umalis.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at inubos ang kape na iniinom ko.
Iniisip ko nalang minsan, bakit ako napunta sa ganitong trabaho? Di ko lubos maisip na mangyayari sa akin ito.
Gusto ko lang naman noon na mabuhay ako, pero hindi sa ganitong paraan.
Habang naglalakad ako ay rinig na rinig ko ang tawanan ng mga kalalakihan at mga boses ng basong pinagkukumpulan sa bawat isa. Masayang-masaya siguro sila sa mga nangyayari.
“Athena, okay ka lang ba?” di ko namalayan na nasa gilid ko na pala si Roselle.
Ngumiti lang ako sa kanya at tinignan anng hawak niyang baril.
“Hinahanda ko ng mmga baril na gagamitin bukas, gagawin namin ang trabaho namin, Dinadasal ko na mag maging matagumpay tayo sa pag kidnap sa target” dagdag niya.
Naigting ako sa sinabi niya. Anong ipinagdadasal niya? Nagbibiro ba siya?
“Hindi na tayo pwedeng magdasal. Kahit ano pang gagawin natin. Impyerno ang bagsak natin.” Malamig kong sabi sa kanya. Iiwan ko na sana siya ng bigla pa siyang nagsalita.
“Oo, marami na tayong ginawang makasalanan. Pero hindi ko kinakalimutan ang Diyos Athena”
Mas naigting ako sa sinabi niya.
“Wag mo gamitin ang pangalan ng Diyos sa trabaho natin Roselle. Makasalanan na tayo simula nang pumasok tayo sa trabahong ito. Hindi na tayo maililigtas ng Diyos.” Iniwan ko nalang siya sa kinatatyuan niya. Ayokong mas lumaki pa ang pagkakasagutan naming dalawa.
Sumali kami sa isang grupo ng mga sindikato. Nasaksihan na naming ang karumaldumal na gawain nila. Yung mga batang pinipilit nilang paglilimusin sa daan, mga batang ginagawanng runner sa mga pinagbabawal na gamot, mga babaeng binebenta sa iba’t-ibang lahi.
Nakokonsensya ako sa mga nasaksihan ko. Gusto kong magsumbong sa mga pulis tungkol dito pero hindi ko magawa.
Laging pumapasok sa isipan ko ang mga salitang pumapatay sa pilit kong binubuhay na isipan..
“Importante sa iyo si Angelo diba? Alam mo na ang mangyayari kung patataksilan mo kami”
Parang sirang plaka na paulit-ulit na sumasambit sa isipan ko ang mga salitang iyon..
“Angelo..”
“Athena?” pamilyar na boses ang narinig ko kaya napalingon kaagad ako sa likod ko.
“Sinambit mo ang pangalan ko? Na-miss mo ako?” Niyakap niya ako at binigyan nga mabilis na halik sa labi ko.
Napangiti ako sa ginawa niya. Siya ang dahilan kung bakit ako nandito dahil gusto kong ligtas siya. Siya rin ang nagpasali sa akin dito.
Parehas laang kami ng gusto, ang mabuhay sa mundo ito kasama ang isa’t-isa. Masaya na ako na magkasama kami. Sa hirap at ginhawa.
“Handa ka na ba para bukas?” tanong niya habang pinaglalaruan nga buhok ko. Tumango lang ako.
Bukas na magaganap ang pinakahihntay naming lahat.
Ang i-kidnap ang isa sa pinakamayang negosyante sa bansa.
Ang Araw.
Apollo Eilidh Sunniva
Ang pinakabatang bilyonaryo sa bansa. Kung makukuha naming siya ay bilyones rin ang makukuha naming bayad.
Ang gagawin ko lang ay aakitin siya hanggang mahulog siya sa bitag namin.
Para mabuhay lang kami. Gagawin ko ang lahat.
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.