Kabanata 1: Plano

1156 Words
  " We have to lure that bastard into our trap"  "Nakahanda na ba lahat ng gagamitin?" "Opo boss!" "Ang mg baril!" "We must follow the flow para walang palya" Tinig ng kalalakihan ang pumapasok sa tenga ko. maririnig mo sa mga boses nila ang gayak at sabik sa pinakahihintay na araw nila. Bukas ng gabi ang takda ng pagkidnap ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa. Kinuha ko ang litrato ng aming target sa lamesa at tinitigan ng mabuti. Hindi ko dapat kalimutan ang pagmumukhang ito. Ang pagmumukhang magpapayaman sa akin ng todo!   "Hi sweetiepie!" nairita ako sa lalaking lumpait sa akin at akmang hahapit sa bewang ko. Sa isang segundo ay itinutok ko sa leeg niya ang kutsilyo na hawak ko.   "Woah! woah! Hot as ever!" Itinaas niya ang kamay niya na parang susuko kaya ibinalik ko ang kutsilyo si kinalalagyan nito sa lamesa at tumayo. Naiirita ako kapag lumalapit sa akin si Ricardo. "We should be practicing for tomorrow's event sweetheart. Let me touch your waist" Sabi niya at ngumiti na parang aso. "Kung magaling kang aktor Ricardo, kaya mo na yan sa isang gawaan lang. Impromptu kumbaga." Irita kong sabi sa kanya. "Darling, it's just for the show. even actresses practice before the shoot, then why don't we?" sabi niya habang iniinom ang wine sa baso niya. Di ko alam kung bakit ini-insist na mag practice kami para bukas eh wala rin namang siyang gagawin?   Kailangan niya lang akong ihatid, iwan, at ako na ang gagawa ng paraan para patulugin an target namin. Ninanais ko na si Angelo na lang ang gagawa sa parte na iyon pero ayaw ni bossing. Kung ipaghahambing nga naman si Angelo at si Ricardo ay mas gwapo pa talaga si Ricardo. Pero wala akong pakealam. Gwapo si Angelo sa paningin ko! "God! Athena the warrior, laging palaban!" sabi niya at tumawa pero tumigil lang rin siya at tiningnan ako ng seryoso. "Pero hanggang kailan ka magiging palaban?" Malamig niyang sabi at ngumiti ng napaka-seryoso. Susugurin ko na sana siya ng biglang dumating si boss. Siguro  binugbog ko na itong lalaking ito kung hindi lang dumating ang boss na napaka-seryoso ng mukha. Naiirita ako sa mga lalaking mahangin kagaya niya! "Athena, Ricardo" Napaigting ako sa napaka-seryosong sambit ni boss sa pangalan namin. Inaamin ko, siya ang kinatatakutan ko. Tiningnan ko rin yung mga lalakingsumunod kay boss at pumasok na rin sa opisina. Namatyagan ko rin si Angelo kaya medyo nagliwanag ang paningin ko. Si Angelo lang ang nagpapasaya sa akin dito. Siya lang ang rason para mabuhay ako. Pero biglang nagdilim ang paningin ko nang nakita ko si Roselle na kasunod ni Angelo. Nag-iba ang pakiramdam ko sa nakikita ko. Hindi ako selosa, pero iba talaga ang pakiramdam ko. Naputol ang iniisip ko ng nagsimula nang magsalita si boss. "Alam kong nangagalaiti na ang mga kamay niyo sa mangyayari bukas, dahil parehas lang tayo ng iniisip! Bukas mangyayari ang pinaka-asam-asam nating lahat. Ang dukutin ang araw!" Nagbunyi ang lahat sa sinabi ni boss.  "Apollo Eilidh Sunniva, anng pinakabatang bilyonaryo sa bansa! Hindi ko inaasahan na may mag o-offer sa atin ng bilyones para sa dukutin ang isang aroganteng batang bilyonaryo." Ngumiting uminom ng alak si boss, bakas sa mukha nya ang galak na kinikimkim niya. "Para sa di nakakaalam, magbibigay ng impormasyon sa inyo si Ricardo" tinawag niya si Ricardo upang tumayo sa harap naming lahat.Tumingin muna sa akin at kumindat. Napakalaswang lalaki! "Ehem! I always wanted to be in this spot to tell you the important details! Alam kong na-e-excite na kayong lahat! at kasama na ako sa inyung kagalakan! Pero hindi natin magagawa ng matagumpay ang plano natin kung wala man tayong ka-alam-alam sa target natin diba?" Tumango naman ang mga kalalakihan sa sinabi ni Ricardo.  "Katulad ng araw, hindi basta-bastang mahahawakan ang isang Sunniva. Kaya ang aroganteng batang iyon ay inihahalintulad ng mga tao sa isang araw. Ang natitirang buhay sa angkan ng Sunniva. Athena, details please" uminom ng alak si Ricardo at sinenyasan akong magsalita sa mga detalye tungkol sa target. "Apollo Eilidh Sunniva, 30 years old, isa sa pinakamayang tao sa bansa at ang pinakabatang bilyonaryo na makikilala natin. Nag-iisa sa angkan ng Sunniva kaya ginagawa ang lahat ng kanyang butler upang proteksyonan siya. Pero bukas ay mag-iiba ang ihip ng hangin dahil-" "Woah! I should say that Athena!" Di ko natapos ang sasabihin ko dahil inaagawan ako ng spotlight nitong gagong Ricardo na ito! Inirapan ko nalang siya at di na pinatulan. Tumataas ang altapresyon ko sa lalaking ito! “Tomorrow’s event is a bidding party hold by one of the millionaire’s of this country! Narinig ng ating ibang kasama na nagmamatyag sa araw na iyon na konti lang ang dadalhin niyang bodyguards. Sa pagkakaalam ng lahat ay sobra sampu ang bodyguards niya pag lumalabas siya ng kanyang mansion. Pero mag-iiba nag ihip ng hangin bukas ng gabi.. Dalawa lang ang dadalhin niyang bodyguard. Maybe he just don’t want to shine more like the sun at night? But who cares? It’s our chance!” Sigaw ni Ricardo at sumigaw na rin ang lahat sa kagayakan. Tiningnan ko ang mga masasayng mukha ng kalalakihan  na nandito hanggang sa tumungo ang mga mata ko papunta kay Angelo na parang wala sa kondisyon na tumitingin sa sa direksyon na di ko inaasahan.   Kay Roselle.   Si Roselle na halatang masama ang pakiramdam, puno ng pawis at pilit na pinipiit ang tiyan. Ibinalik ko ang tingin ko kay Angelo na halatang nag-aalala sa babaeng iyon. Ayokong mamaratang ng tao pero iba ang pakiramdam ko sa nakikita ko. Parang nanlalamig ang pakiramdam ko at hindi ko na masyadong naririnig ang sigawan ng mga lalaki dito.   Masama ang kutob ko. Masasamang bagay ang nasa isip ko. Ayokon isipin ‘yon! Hindi yun totoo!   “Athena!”   Naibalik ako sa realidad ng biglang tinawag ni boss ang pangalan ko.   “Wag kang tumunganga diyan at dapat maayos ang kondisyon mo para bukas.” Sambit ni boss at seryoso akong tumingin sa akin.   “Handa na ako para bukas boss. Sisiguraduhin kong magiging tagumpay ang plano” Tumango si boss at sinenyasan ang lahat para tumahimik..   “Nagka-usap kami ulit ng taong nag-hire sa atin upang kidnapina ng araw. Plan A, kidnapin ang batang bilyonaryo ng walang palya..Plan B, kidnapin ang batang bilyonaryo, buhay man o patay. Pero siyempere dapat buhay para mas Malaki ang makukuha nating pera. Kuha niyo!” Sumigaw naman ulit ang  kalalkihan pero wala sa kasiyahan nila ang atensyon ko. Buong-buo ang atensyon k okay Angelo na pinagmamasdan si Angelo na halatang ang-aalala kay Roselle. Lalapitan ko na sana siya ng biglang hinawakn ni Ricardo ang braso ko sabay bulong “Magiging palaban ka pa kaya, Athena?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. May alm ba siya? “Anong ibig moong sabihin?” Tiningnan ko siya  pero ngumiti lang siya at binitawan ako. Di na niya ako sinagot pa. Nakita kong lumabas si Roselle at sumunod din si Angelo. Biglang bumigat ang pakiramdam ko sa nakita ko at sinunda sila.   Hindi ko pinahalata ang presensya ko at sinusundan lamang sila hanggang lumiko sa sulok si Roselle sa sulok at sumunod si Angelo. Lumapit ako upang marinig ang pinag-uusapan nila. Pero di pa nga ako nakakalapit masyado ay parang napako na ako sa kinatatayuan ko.   “Angelo, buntis ako. Ika ang ama”     To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD