Kabanata 2: Pagtataksil

1623 Words
Eto ang gabi na pinakahihintay nilang lahat. Nandito na kami sa party kung saan isasagawa ang plano namin. "Gonna leave everything on you now, mi amore. You look beautiful on your gown." Sabi ni Ricardo sabay halik sa pisngi ko. Kung wala lang tao ay sinapak ko na agad itong taong ito! Tiningnan ko lang siya at ngumisi ng napakapait. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito para makapagpahinga na ako. Ang sakit ng ulo ko sa mga nangyayari. Mga bagay na ang hirap paniwalaan. Kumuha ako ng wine at ininom ito ng isang tulakan para na rin makalma ako nang biglang nagkagulo ng konti sa may entrance. Puro flash ng camera ang nakikita ko sa banda roon.  Nagkatinginan kami ni Ricardo na nasa malayo at tumango siya. Ibig sabihin nun, nandito na ang target. Medyo lumapit ako sa nagkukumpulang tao, sakto na dumaan ang araw sa harapan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang dumaan talaga sa harap ko ang isang araw. Nakakasilaw ang kanyang aura na para bang lumapit talaga ang araw sa akin.  Bago siya nakalampas sa kinatatayuan ako ay nagkatitigan kami. Dapat ba akong kumerengkeng? Oo, dapat! kaya ginawa ko ang lahat upang mapakita ang napakatamis kong ngiti at boom! Napangiti rin siya! Di ko alam kung ngumiti siya dahil sa akin pero alam ko, nagkasalubong ang mga mata namin. Kaya ko ito. Magagawa ko ang trabahong ito na walang palya.     Lumalalim na ang gabi pero di ko parin magawang makalapit sa araw dahil na rin sa dami ng taong gustong makausap siya. Siguro sa business, isa siyang napaka-maimpluwensiyiang tao, kaya lahat nalang siguro gagawin ng mga negosyante upang makalapit at magkaroon ng kapit sa kanya. Kahit na siguro ibigay nila ang mga anak nila sa araw ay gagawin nila. Maya-maya ay dahan-dahang umaalis ang mga taong umaaligid sa araw. Gustong-gusto ko siyang tawaging araw dahil ito na rin ang inihahambing ng mga tao sa kanya. The untouchable man. The brightest star! Exaggerating diba? Sinubukan kong lumapit ng dahan dahan sa araw. At nagtagumpay naman ako pero bago pa ako makapagsalita ay isang malamig na inumin ang bumuhos sa akin. Parang na himasmasan ako dahil dun. Punyeta amoy alak ang dibdib ko! “Ma’am! Sorry po! Di ko po sinasadya!  Natapilok lang po ako! Patawarin niyo po ako!” sabi nung waitress at halos lumuhod na sa harap ko dala ng pagmamakaawa. Hinawakan ko naman siya sa braso at pilit na pinatayo. “No, it’s okay. Maybe you’ll give me a spare of clothes for me to wear instead?” Nagawa ko pang mag ingles sa nangyayari sa akin punyeta. Natigilan ang waitress sa sinabi ko at akmang iiyak pero tinapik ko lang ang balikat niya para maging assured siya na okay lang ako. “Maghihintay ako sa garden. Salamat.” Sabi ko sa kanya at ngumiti. Tinalikuran ko na agad siya at tumungo sa garden. Alam kong pinagtitinginan na kami ng mga tao kaya sumibat na agad ako.   Pagkarating ko sa garden ay napa-buntong hininga nalang ako. Yung chansa kong makalapit sa araw ay naging bato pa. Bakit napakamalas ko sa panahong ito? Nakakasakit sa ulo. Di pa tapos ang party kaya may oras pa kaming gawin ang plano. Kung di pa dadating yung waitress ay babalik nalang ako sa loob. Pero ngayon, magmu-munimuni muna ako dito. Tiningnan ko ang napakalawak na garden na may iba’t-ibang klase ng bulaklak pero tumama ang mga mata ko sa napakapulang rosas. Paborito ko ito dahil ito ang parating ibinibigay sa akin ni Angelo.   “Angelo, buntis ako. Ikaw ang ama”   Parang sirang plaka na paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang sinabi niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Roselle kay Angelo. Pero doon ko na nadama ng sobra ang sakit nang biglang napatawa ng malakas si Angelo at nagpasalamat sa Diyos na magkaka-anak na silang dalawa. I can still hear him say I love you to her. Ano ba ako sa buhay niya? Matagal na ba silang may relasyon? Di ko na namalayan na umaagos na pala ang luha ko. Marami akong isinakripisyo para sa kanya pero ito lang ang gagawin niya sa akin? Kung gusto na niya ng anak bakit di niya sinabi sa’kin at sa iba siya gumawa ng bata?! Diko namalayan na nakimkim ko ang rosas kaya tumagos sa palad ko ang mga tinik kaya panay ang pagdurugo nito. I feel so humiliated. Punyeta! Napapa-ingles ako sa sakit na nararamdaman ko! Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko pero ayaw pa niyang tumigil nang biglang may kung anong mainit ang yumapos sa mga balikat ko. “Baby, it’s cold outside.” Agad akong napalingon sa likod ko at nakita ang araw na ngumiti ng konti. Hinawakan ko ang mga balikat ko upang malaman ko kung ano ang inilagay niya dito. Coat? Coat niya? Nanlaki ang mga mata ko ng sinaniban ako ng realisasyon.   LUMAPIT SA AKIN ANG ARAW!   “Baby, why are you crying?” sabi niya at pinunasan ang mga luha ko. Napaatras ako ginawa niya sabay kunot ng noo ko.   “Di mo ako baby” sabi ko at tinalikuran siya. I should divert my attention to the flowers. Huminga ako ng malalim upang makapag-isip ng mabuti. So, I’ll just go with the flow. Naramdaman kong tumabi siya sa akin.  Dumaan muna ang napakalamig na hangin bago ako magsalita. “Naranasan mo na bang magmahal?” bigla kong tanong sa kanya. Bakit ba ako nakikipag-usap sa kanya ng mga ganitong bagay? Hindi naman siya sumagot kaya pinagpatuloy ko nalang ang pinagsasabi ko. “ Ako, sobra akong nagmahal, kaya sobra din akong nasaktan ngayon. Akalain mo, yung lalaking pinagsakrispisyohan ko, yung lalaking binigay ko lahat ng todo-todo ay siya pa yung may ganang saktan ako ng ganito.” Tumulo agad ang mga luha ko. Isa lang siyang estranghero kaya makakalimutan din niya ang sasabihin ko. Hindi na rin kami magkikita kapag naibigay na namin siya sa kliyente namin. “ Alam mo yung masakit? Yung nag-plano kayo para sa future niyo, nag set kayo ng goals at dreams pero sa iba niya ginawa yun? Paano nalang ako?” Napakagat nalang ako sa labi ko dahil ayoko pang umiyak ng todo-todo. Hindi pa ito ang oras upang mag emote at umiyak. “Then what will you do about it? About him? About everything you two promised with each other” bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya? Anong gagawin ko? Napayuko nalang ako. Dahan-dahan kong itinas ang ulo ko at tumingin sa maliwanag na buwan. I am Athena, and I am a warrior. Kahit anong laban ay haharapin ko. Marami na akong naranasan na napakapait, sanay na ako.   “I think we should head back inside” in-offer niya ang kamay niya pero umiling ako. “Uuwi na ako. mauna ka na” ngumiti ako at isinauli ang coat niya In-assume ko na ihahatid niya ako sa may gate. Kahit sa gate lang, upang ma senyasan ko si Ricardo na isagawa ang plano. Pero di ako sinagot nitong araw na ito. Magpapakipot pa ba ako? o magiging straightforward ako? Gusto ko nang matapos ito para makapagpahinga na ako. Lumakad na ako patungo sa gate pero tumigil ako at liningunan siya. “I think it’s a gentleman’s way to offer a walk to a lady towards the gate” Binigyan ko siya ng napakatamis kong ngiti at agad siyang tinalikuran.   Punyeta. Kung di niya ako hahabulin ay magiging walang saysay ang planong ito! Pilit kong hinihiling na susundan niya ako! Pero halos isang minuto pa ang nagdaan ay di parin niya ako sinusundan. Punyeta totoo talagang arogante ang lalaking iyon!  Sampung Segundo. Huling sampung Segundo pag hindi pa siya lalapit ay---   “It’s cold, wear these” at ibinalik niya sa balikat ko ang coat niya. Nanlaki ang mga mata ko sa pangyayari. Punyeta! Bumalik siya! May tyansa pang maisasagawa ang plano. Alam kong magiging matagumpay ang planong ito!   “I’ll walk you to the gate. Don’t thank me. It’s a gentleman’s way to offer a lady a walk to the gate” sabi niya at tumawa ng mahina. So tumagos pala sa utak niya ang sinabi ko. Di ko nalang siya sinagot dahil ayaw nya rin naman ng thank you.   Nakaabot na kami ng gate nang walang kibuan. Akmang tatangalin ko na sana ang coat niya para isauli sa kanya ng nasalita siya.   “It’s yours now. So that you’ll remember me.” Sabi niya at ngumiti.   “I’ll always remember you, don’t worry” sinagot ko siya at binigyan ulit siya ng matamis na ngiti. Bigla kong namatyagan na huminto ang van mismo sa harap ng gate.   Sakto wala ang bodyguards niya. Dalawang security guards lang ang nasa gate. Di ko inaasahan nga napakasisiw lang pala ng gagawin sa susunod.   “Apollo” sabi ko at tiningnan niya ako. Agad kong hinila ang necktie niya upang mapalapit siya sa akin at agad kong hinalikan sa labi niya. Nanlaki pa ang  mga mata niya dahil sa ginawa ko. pero bago pa niya ako mahalikan pabalik ay napaigting na siya.   Binitawan ko na ang necktie niya upang makabalanse siya. Hinawakan niya ang leeg niya at na-realize niyang may nakatusok na tranquilizer sa parteng iyon. Bago siya matumba, umuulan na agad ng bala. Alam kong may mamamatay at may magiging sugatan dito, at nakokonesya na talaga ako. May mga lalaking nagmamadaling lumapit upang kunin ang araw pero di pa siya nakukuha ay bigla niyang isinambit ang mga salitang diko inaasahan.   “Athena..”     To be continued…    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD