Kabanata 6: Ang mag-asawang turista

1146 Words
Gusto ko lang sanang magpahinga, gusto kong maholim kaagad ang mga sugat ko. Gusto kong gumising na si Araw upang may kausap ako ng matino. Gusto ko nang kumain, gusto ko nang uminom ng malamig na tubig. Gusto ko nang maligo! pero hindi ko kaya... Lalo na kung alam kong pinapalibutan kami ng maraming tao! Nakahinga na ako kahit papaano dahil sa pagligtas nung lalaki sa amin. Laking pasasalamat ko nung iniwan niya kami sa isang matandang mangagamot sa isang maliit na baryo. Pero di ko naman aakalain na ganito ang trato ng mga tao dto sa amin.   "Mga turista ba sila? Ang ganda at gwapo naman nila!"    "Ano ba ang nangyari sa kanila?"    "Sabi nung mama may humahabol daw sa kanila! Baka ikikidnap sila!"   "Oo! halatang mayaman ang mag-asawang yan eh!" Rinig na rinig ko ang mga boses nila sa labas ng maliit na kubo. Yung iba pa pinipilit na sumilip sa loob ng kubo para lang makita kami ni Araw. "Wag mo na silang pansinin hija, sadyang ngayon lang kami nakakita ng mga nakakaakit na tao, puno pa ng dugo at sugat." Napatawa nalang si nanay Lusing habang ginagamot ang sugat at pasa ko sa katawan. Natapos na siya sa paggamot kay Araw. Sabi niya mahaba-haba pa ang tulog ni Araw dahil sa mga pasa at sugat niya. Kailangan niya ng pahinga upang mapabilis ang paggaling niya.  "Turista kayo diba? ano ba ang nangyari at puno kayo ng sugat? Nakidnap ba kayo?" Parang nawalan ako ng hininga saglit dahil sa tanong ni nanay Lusing. Di nila dapat malaman ang katotohanan.   "Kakauwi lang namin ng asawa ko galing ibang bansa. Nagbakasyon lang kami saglit dito dahil namimiss ko na ang Pinas, pero di namin akalain na ganito ang kahahantungan namin ng asawa ko. Sana hindi nalang talaga kami umuwi sa bansang ito." Yumuko ako upang matakpan ng buhok ko ang mukha ko kasi baka mahalata niyang nagsisinungaling lang ako. Papanindigan ko nalang kung ano ang tingin nila sa amin. Sanay na akong magsinungaling upang itago ang katotohanan, sisiw lang sa akin ito. Sa lalim ng aking pag-iisip, hindi ko namalayan na hinawakan na pala ni nanay ang kamay ko at bahagyang pinisil ito. "Magpahinga muna kayo ng asawa mo. Pasensya na at iisang banig lang ang maipapagamit sa inyo." sabi niya at ngumiti.  "Maraming salamat po talaga sa tulong niyo, kung hindi dahil sa inyo, baka kung ano na ang mangyari sa amin ng asawa ko." halos maluha ako nang pinisil uli ni nanay ang kamay ko, parang nabunutan ng tinik ang puso ko dahil sa simpleng ginawa ni nanay.  "Oh 'sya, humiga ka muna sa tabi ng asawa mo, kailangan mo rin ng pahinga, gigising lang kita upang kumain mamaya ha?" Nabigla ako dahil pinilit akong pinatayo ni nanay at inalalayang tumabi  kay Araw. Maliit lang yung banig kaya mas idinikit ako ni nanay kay Araw sa pagkakahiga. Hindi na ako nakapigil sa ginawa ni nanay dahil nahihiya na rin ako. Tulog din naman si Araw, mayamaya, babangon lang ako at hihiga sa kaiblang dulo, kahit walang banig. Lumabas na si nanay ng kubo, rinig na rinig kong binubugaw niya papalayo ang mga tao upang makapag-pahinga kami. "So we're a couple now?"  Halos mapatayo ako sa biglang pagsasalita ni Araw!  "G-gising ka?" Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa'akin. Tatayo na sana ako  ng pinigilan niya ako.  "Rest, endure the awkwardness." sabi niya at pumikit ulit. Magsasalita pa sana ako pero pinigilan ko nalang ang bibig ko. Wala na akong lakas para makipag-away pa. Pagod na pagod na ako. Tiningnan ko nalang ang bubong ng kubo, iniisip ang mangyayari sa kinabukasan. "|Did you regret everything of this?" biglang tanong ni Araw. Nagsisisi ba ako? Oo. Simula pa noong pumasok ako sa problemang ito ay nagsisisi na ako. Halos bangungutin ako gabi-gabi dahil sa mga mala-demonyong gawi ng sindikatong 'yon. "Marami nang beses na sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na, na gusto ko nang makawala, gusto ko nang tumigil. Pero hindi ko magawa." "Why?" Bakit nga ba? "Hindi ko alam. Siguro noong una, dahil kay Angelo. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, ginawa ko siyang langit sa mala impyerno kong buhay. Pero nag-iba noongpinagtaksilan niya ako. Pinagtaksilan ako ng buong sindikato." Nakatitig lang ako sa kisame at inaalala ang nangyari sa amin ni Angelo. Oo minahal ko siya, pero mas mahal ko ang sarili ko. "Gusto ko lang maging malaya. Gusto ko lang mabuhay" Napangiti ako ng napakapait. Alam kong hindi magiging maganda ang buhay ko sa kabila ng mga nangyari sa akin ngayon.  "Pero alam kong hinding-hindi mangyayari yun. Baka nga bukas mamamatay ako." Napatawa nalang ako ng mahina. "Why did you save me?" napailingon ako sa kanya sa pabigla niyang tanong.  "Hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto kong maghiganti sa kanila." nanlaki ang mga mta niya at biglang napatawa. "Kahit na nahirapan tayong tumakas, atleast nakapaghiganti ako kahitpapaano sa kanila." dugtong ko. "But did you ever regret on saving me?" "HIndi, kahit man lang bago ako mamatay, nakagawa ako ng mabuti sa kapwa hahaha!" pabiro kong sabi at tumingin uli sa kisame. "Marry me."  Nanlaki ang mga ko sa sinabi niya. "Gago ka ba, baka nga mapatay kita tapos sasabihin mo sa akin na pakakasalan kita?" Pinilit kong bawiin ng kamay na hawak hawak niya pero wala na akong lakas para makigpag-away pa sa kanya. "I'm serious. the offer will never expire" sabi niya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko kay naglakas-loob akong sipain siya sa paanan. Napaigting siya sa sakit at bahagyang tumawa. Biglang hinawakan ni Araw ang aking kamay at pinisil ito ng bahagya. "I'm serious Athena  and please call me by my name." tumagilid siya at humapit sa katawan ko. "B-baliw ka ba?! umusog ka nga doon at bitawan mo ko!" giit kong bulong sa kanya. Nahihibang na ba siya?! "I'm tired, let me rest." "Edi magpahinga ka doon! wag kang yumakap sa akin! Tabi nga!" pero hindi na siya kumibo pa. "Huy! tulog ka na?!" piilit kong umalis sa mga yakap nya pero lalo lang sumakit ang katawan ko. Hindi na siya nagsalita at nakatulog na siya talaga. Hindi na ako nanlaban pa dahil wala na rin akong lakas para itulak siya papalayo sa akin. Pagod kami pareho at kailangan na naming magpahinga. Pinapakiggan ko lang ang kanyang mga mahinahong paghinga. Napakahimbing na ng kanyang tulog na para bang wala siyang problema.  Hindi ako makatulog sa dami ng aking iniisip. Alam kong hahanapin kami ng sindikato. Alam kong mamamatay ako. Alam kong kong maghihirap ako. Pero ano kaya ang mangyayari kay Apollo kung iiwan ko siya? Tatakas nalang ba ako mag-isa? Mas madal kung tatakas ako mag-isa, walang problema. Tutal siya naman ang habol ng sindikato... "Hmmm.." Napatingin nalang ako sa kanya sa paghigpit niya ng yakap sa akin. "Bahala na. Magkasama na tayo ngayon." To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD