Humahapdi na ang isa kong mata dahil sa tulo ng pawis na pumasok dito. Umaabot na ang mabilis na paghinga ko sa lalamunan ko kasabay ng mabilis na pintig ng puso ko. Sana normal lang na jogging ang ginagawa ko sa alas tres ng madaling araw pero punyeta, hindi!!
"Yuko!!!" Napasigaw ako sabay tulak kay Araw na halos ma-mudmod siya sa lupa dahil sa pagkalakas ng tulak ko sa kanya. Umuulan na naman ng bala sa direksyon namin. Para kaming mga bulag na pinipilit tumakbo kahit madilim ang paningin namin sa paligid. Pinipilit naming ilagan ang bala na paparating sa direksyon namin.
"It's so f*****g dark out here!" Sigaw ni Araw habang tumatakbo ng nakayuko.
"Gago ka ba? Ano bang ine-expect mo sa alas tres ng madaling araw?!" Sigaw ko at hinila siya at mas binilisan namin ang pagtakbo nang wala na kaming marinig na putok ng baril.
Kung umuulan lang ng tubig okay lang eh pero punyeta! Wag naman sana yung bala! Sinabihan kami ni Nanay at Tatay na dapat maging maaga kaming babangon kinabukasan para makaabot kami sa jeep na dadaan sa hilagang bahagi ng kagubatan pero hindi ko inaasahan na hindi pa tumitilaok ang manok ay tatakas na naman kami! Bigla nalang akong ginising ni Araw kanina at kinuha ang mga gamit namin at tumakbo. Sabi niya may paparating na kalaban kaya tumayo na naman ako agad. Uhaw na uhaw na ako sa kakatakbo. Ni hindi man lang niya ako pina-inom ng isang basong tubig pagka-gising! Iniwan nalang namin sila Nanay at Tatay ng walang paalam.. Sana walang masamang mangyari kina Nanay at Tatay. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanila.
"Don't stare out of nowhere! Run!" Di ko namalayan na unti-unti na palang bumabagal ang takbo ko dahil sa kakaisip ko kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko kahit halos wala na akong makita. Hindi na namin alam kung saan na kami papunta sa kakatakbo namin, ang importante nalang ay ang mailigaw ang mga sumusunod sa amin. "Damn!" Napaluhod bigla si Araw kaya napahinto ako sa kakatakbo at binalikan siya. Di ko maaninag ang mukha niya pero alam kong nadaplisan ang hita niya ng bala.
"They'll gonna fvcking pay for this!" Inis na sabi ni Araw. Ngayon ko lang talaga siya nakitang nagalit ng ganyan. Noong una, chill lang siya pero ngayon parang unti-unting nagiging demonyo na siya. Pinipilit niya pa ring tumayo at umaksyong tatakbo pero pinigilan ko siya.
"What?!" Inis na sabi niya kaya nainis na rin ako.
"Kung gusto mong maubusan ng dugo at mamatay, ipapapatay nalang kita sa kanila! Tabi nga yang kamay mo!" Giit ko sa kanya at kinuha ang kutsilyo at pumunit ng bahagi ng damit ko upang itali sa dumudugo niyang hita. Di ko na siya narinig na nagprotesta pa. At kung mag protesta man siya, tutusukin ko talaga yung bunganga niya! Binilisan ko ang ginagawa ko upang mapagpatuloy namiin ang pagtakas namin, mabuti nalang at nakalayo kami sa mga kalaban at hindi kami nakita.
“Magpatuloy na tayo sa pagtakbo” Sabi ko sabay alalay kay Araw upang tumayo. Nakakalakad pa naman siya pero hindi na niya kayang mabalanse ang katawan niya. Alam kong pagod na pagod na siya. Wala pa siyang pahinga, binugbog pa siya doon sa hideout. Di rin nakakain ng marami kina nanay dahil hindi niya gusto ang pagkain. Kailangan na naming makalayo upang makakita ng lugar para makapagpahinga.
Nasa unahan ko si Araw na pinipilit billisan ang hakbang niya. Tutulungan ko na sana siya nang biglang may humapit sa leeg ko galing sa likod at sinakal ako.
“Bakit mo nagawa ‘to Athena!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng taong nagsabi ng mga salitang iyon.
Sisikuhin ko na sana siya ng bigla niya akong hinagis sa malapit na puno. Lalo akong walang makita dahil na rin sa hilo pagkatapos akong ihagis sa puno.
“Angelo..” tanging nasambit ko lang.
Pilit kong hinahanap si Araw pero sa kasamaang palad, nadakip na siya ng kalaban at pinaluhod sa harapan ko. Sumasakit ang mata ko dahil sa mga ilaw na dala dala nila. Katapusan na ba ito? Hanggang dito nalang ba kami?
“f**k it , Athena! Bakit mo ako iniwan?! Bakit?! Bakit?!” Sigaw ni Angelo at sinipa ako sa sikmura ng ilang beses. Hilong-hilo na ako at nanggagalaiti sa sakit dahil sa ginawa niya. Napasuka ako ng dugo dahil sa sipa niya. Putangina.
Hinahanap ko si Araw, kung saan saan tumutungo ang pananaw ko dahil hinahanap ko si Araw hanggang sa nakita ko siyang pinipilit makawala sa dalawng lalaking nakatutok ng baril sa kanya at pinipilit siyang talian.
Pinipilit kong gumapang patungo sa kaniya. Dapat makatakas siya. Dapat di siya madakip. Walang kwenta ang pinagdaanan namin kung madadakip lang siya. Dahan dahan kong iniabot ang kamay ko patungo sa kanya pero nanlaki ang mga mata niya nang bigla itong tinapakan ni Angelo.
“Dahil ba sa kanya ha Athena? Dahil ba sa kanya at nagawa mong magtaksil at iwan ako??” Giit ni Angelo at tinapak-tapakan ulit ang kamay ko. Hindi pa siya nakuntento at hinila ang buhok ko ng pagkalakas kaya napaluhod ako sa harap niya habang hapit-hapit ang buhok ko.
“Di sana magiging miserable ang buhay mo kung di mo ako iniwan dahil sa lalaking ‘yan, Athena. Akin ka lang diba??” Mahigpit niyang hinawakan ang buhok ko na halos matanggal ito sa ulo ko at diniinan din ng paghawak gamit ang kabila niyang kamay ang baba ko.
“Siya ba ang pinagmamalaki mo ha?” Pilit niya akong pinalingon kay Araw. Pinipilit niyang sumigaw kahit tinakpan na ang bunganga niya ng tela upang hindi makapagsalita.
“Apollo..” Nahinto si Araw dahil sa pagsambit ni Angelo ng pangalan niya. Bigla namang tinanggal ng mga lalaking nasa likod ang tali sa bibig ni Araw.
“I’ll kill you!” Sigaw ni Araw. Nanlilisik ang mga mata niya dahil sa galit. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan na gusting patayin ang lahat ng makikita niya.
Pipilitin ko sanang makawala kay Angelo nang bigla niya akong itinulak sa lupa ng pagkalakas. Ramdam kong dumudugo ang ulo ko dahil natamaan ito ng bato. Bigla na naman niyang hinila ang buhok ko kaya napaluhod ako ulit. Ramdam kong umaagos ang dugo sa mukha ko pero wala na akong lakas upang maigalaw ang katawan ko. Naririnig ko lang ang boses ni Araw na isinisigaw ang pangalan ko.
Nakaka-awa ba akong tingnan? Wala lang ba ang lahat nang hirap na aming nadaanan? Parang mapupunta nalang sa wala yung sakripisyo namin ni Araw.
Natawa nalang ako sa sarili ko. Hanggang dito nalang pala talaga ako. Pero kahit ganun, mamamatay akong lumalaban…
“Athena!! Fight!!” Napatingin ako sa direksyon ni Araw at paulit-ulit na isinisgaw ang mga salitang iyon..
“Don’t worry about me! Fight for your life!!” Para akong nahimasmasan sa mga salitang lumabas sa bibig niya.
Saktong itinulak na naman ako ni Angela sa lupa kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makuha ang bato. Sapilitan niya akong pinatihaya at inupuan ang tiyan ko.
“Bababuyin kita hanggang sa mamatay ka Athena, kahit mamatay ka man bababuyin ko pa rin ang katawan mo!” Sigaw ni Angelo sabay tawa. Pinilit kong tingnan si Araw at ningitian siya. Tumango siya na parang alam niya ang iniisip ko.
“Fight” Sigaw ako at malakas na iniihapas sa ulo ni Angelo ang bato na hawak-hawak ko. Napahiga siya sa sakit ng pagkakahampas ko. Agad akong tumayo at pinagpatuloy ang pagkakahampas sa mukha niya gamit ang bato.
Kailangan kong lumaban. Para sa buhay ko, para sa kalayaan ko!
“Athena..”
“Aaaah!!!!” Napasigaw ako dahil may nagtangkang tumigil sa akin. Nakita ko si Araw na duguan at halos hindi na makatayo.
“Enough, let’s go” sabi niya at hinila ako. Hindi ko namalayan na napasobra ako sa pagkakahampas sa mukha ni Angelo dahil hindi ko na ma-itsura ang mukha niya dahil sa pagkakahampas ko.Tiningnan ko ang paligid, lahat nakatumba at duguan.
“A-anong nangyari?” Tanong ko kay Araw na busy sa pagkuha nang anumang magagamit niya.
“You told me to fight, then I fought.” Tiningnan niya ako gamit ang mapupungay niyang mata. Wala akong masabi kaya tumango nalang ako.
“Let’s go.” Naglakad siya papunta kung saan sisikat ang araw. Diko akalain na sumikat na ang haring araw. Pakiramdam ko buong gabi kaming naghahabulan sa kagubatan. Napangiti ako sa sarili ko na malamang buhay pa ako sa pagsikat ng araw.
“Help me” Sabi ni Araw na nakahawak sa puno at halos hindi na makatayo. Dali-dali akong lumapit sa kanya kahit mahirap sa akin ang maglakad dahil sa natamog sugat at pasa ko. Kami lang ang magkakampi dito kaya akay-akay naming dalawa ang sarili naming.
Kinuha ko ang kabilang braso niya at isinampay sa balikat ko upang makadepende ang balanse ng katawan niya sa akin para kahit papaano ay makatayo siya at makalakad.
Tahimik kaming naglalakad papunta sa labasan ng gubat. Natatanaw ko na ang daan sa kinatatayuan namin. Tiningnan ko si Araw na hirap na hirap na sa kakalakad. Pagod na kaming dalawa. Puro pasa at sugat ang natamo namin. Kailangan na talaga naming makalayo upang makapagpahinga kahit papaano.
Saktong pagkaabot naming ng daan ay may dumaan na isang truck na may kargang sako at mga klase ng damo.
“Tulong! Tulong!” Sigaw ko upang makita kami ng driver. Salamat sa Diyos at huminto ito sa harapan namin
“Jusmiyo!” Sigaw ng lalaki pagkababa niya ng truck.
“Anong nangyari sa inyo hijo, hija at sugatan kayo?” Alam ko na magugulat ang mga tao na makikita kaming ganito pero wala na akong pake-alam.
“Manong, tulungan niyo po kami, may humahabol sa amin. Pakiusap po!” Pagmamakaawa ko. tiningnan niya kaming dalawa ni Araw. Nagulantang nalang ako na natumba si Araw, hindi ko na siya mabalanse. Sakto ring nahawakan siya ni Manong at tinulungan akong alalayin siya papunta sa likod ng truck at isinakay.
“M-may tubig ho kayo? Uhaw na uhaw nap o kami sa kakatakbo.” Dali-dali naman akong binigyan ni manong ng tubig.
“Hindi ako gaanong makakatulong pero ihahatid ko kayo sa mangagamot sa baryo namin. Bibilisan ko upang magamot kayo sa lalong medaling panahon!” Sabi ni manong at dali-daling pumanhik sa harap upang paandarin ang truck.
Uminom agad ako ng tubig para magamot ang uhaw na uhaw kong lalamunan. Tiningnan ko si Araw na nangagalaiti sa sakit ng sugat na kanyang nakuha. Tiningnan ko ang bote ng tubig. Hindi ko alam kung papano siya papainumin gamit nito. Wala kaming baso na para ma-dahan dahan ko siyang mapainom.
“W-water” Bulong ni Araw. Punyeta. Wala na akong ibang maisip! Uminom ako ng tubig at itinipon ito sa bibig ko tsaka inilapat ang labi ko sa labi ni Araw para dahan-dahan ang pag-inom niya ng tubig. Wala na akong maisip na ibang paraan. Hindi ko na din magalaw ng maayos ang katawan ko.
“M-more” Punyeta! May pa-more pa siya! Pero wala na akong choice kundi gawin ulit iyon.
Kung hindi lang sa kalagayan namin ay hinding-hindi ko ito gagawin. Inulit ko lang ang ginagawa ko hanggang sa maubos ang tubig sa bibig ko. Lalayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang ulo ko at mas idiniin ang labi niya sa labi ko.
Para akong nabato sa ginawa niya. Napanganga ako sa gulat kay nagkaroon siya ng chansa na diinan ang paghalik niya sa akin. Ramdam kong pinaglalaruan niya ang labi at dila ko. Ramdam ko ang pag-labas-pasok ng dila niya sa bibig ko na kunwari naghahanap ng isang matamis na bagay sa loob nito. Halos hindi ako makahinga sa bilis na pag-galaw ng bibig niya sa bibig ko na para bang isang contest ang nagaganap ngayon. Ilang minuto ang nagdaan at natigil ang isang matamis na panaginip na sa kanya ko lang nakamtan.
“I’m glad… I’m glad you’re safe.” Sabi niya at pumikit. Natulala ako dahil sa pangyayari. Hindi ko aakalaing magagawa kong humalik ng ganun sa lalaking hindi ko gaano kakilala! Parang sasabog ang puso ko sa biilis nga pintig nito. Ang init ng pakiramdam ko. gaya ng pag-init ng mga sugat ko sa paa.
Natawa nalang ako sa sarili ko. Hindi ako makapaniwala na mangyayari ito sa buhay ko. Humiga nalang ako sa tabi ni araw at tiningnan ang mga ulap na parang dumadaan lang sa aking pananaw.
Ako si Athena, at lalaban ako para sa buhay ko. Pero ngayon, Siya si Leo at ako si Clara na gagawin ang lahat para mabuhay.