Hinihingal na ako sa kakatakbo habang hinihila ang araw. Alam naming paikot-ikot lang kami sa kagubatan. Wala kaming magagawa kundi ang gawin ang lahat upang maiwasan sila.
Ilang oras na kaming tumatakbo pero hindi parin namin makita ang daan. Parang lalo kaming isinusuksok sa gitna ng kagubatan dahil sa pagkakatakbo namin.
“I’m tired. L-let’s rest.” hingal na sabi ng Araw. Alam kong pagod na pagod na siya. Galing pa siya sa pagkabugbog kaya wala pa talaga siyang lakas. Tiningnan ko ang likuran namin, wala akong makitang nakasunod o narinig man lang na kaluskos na gawa ng tao kaya napag-pasyahan kong magpahinga muna ng saglit. Hinila ko ang araw sa likod ng malaking kahoy at pina-upo.
“Limang minuto Bibigyan kita ng limang minute para magpahinga. Kailangan nating makalayo dito kung ayaw mong mamatay!” Giit ko sa kanya. Hindi ko pwedeng pabayaan ang lalaking ito. Wala na akong pakealam sa pera. Ang importante sa akin ngayon ay makatakas.
Binantayan ko ng mabuti ang paligid kung may makita akong kakaiba ay hihilahin ko na agad itong araw na ito upang makalayo na kami. Uupo n asana ako saglit nang biglang nang-init ang hita ko. Hinawakan ko to at nabigla akong makita ang dugo.
“You’re bleeding!!” Sigaw ni araw kaya bigla kong tinakpan ang bibig niya. Baliw ba siya? Paano nalang pag may nakarinig sa kanya!
“Wag na wag kang sisigaw kung ayaw mong pasabugin ko yang bibig mo!” Pilit kong pinipigilang sumigaw dahil sa galit. Mabuti at nakinig siya at bumalik siya sa pinagka-uupuan niya.
“Nadaplisan siguro ang hita ko nung pina-uulanan tayo ng bala.” Hinubad ko ang polo ko at ginupitan ng manipis upang ibalot sa hita ko na nadaplisan ng bala. Wala akong makitang tubig kaya pinunasan ko lang ang dugo gamit ang natitirang piraso ng damit na ginupitan ko.
Mabuti nalang at nakasando ako, hindi na ako naghanap pa ng ibang ipangtakip sa sarili ko.
“Are you all right?” Napatingin ako sa araw dahil sa tanong niya. Nababaliw na yata siya at may gana pa siyang magtanong kung okay pa ako sa sitwasyong ito.
Hindi ko siya sinagot sa tanong niya kaya tumayo na ako upang ipagpatuloy ang pagtakas namin.
“Tayo n—“
“Gotcha!!”
Natumba ako dahil sa impact ng bala na dumaplis sa braso ko.
“I see you now Athena!!” sigaw ni Ricardo sa di kalayuan. Siya lang mag-isa. Kaya pa naming makatakas. Alam kong paparating na ang mga kasamahan niya dahil sa pagputok ng baril niya.
“Takbo!!” Sigaw ko kay araw sabay tayo. Hindi pa naka-rehistro sa utak niya ang nagyari kaya hinila ko na siya at agad tumakbo.
“Are you okay?” Sigaw niya sa akin habang tumatakbo.
“Punyeta! Anong okay sa sitwasyon nating ngayon!! Yuko!!” Agad kaming yumuko dahil umuulan na naman ng bala mula sa baril ni Ricardo. Hindi ko dapat sayangin ang bala sa baril na hawak ko dahil tatlo na lang ang natitira.
“You’re bleeding Athena!” Hinila niya ako para magtago sa malaking kahoy at tinangkaang hawakan ang braso ko.
“Nahihibang ka na ba? Kailangan na nating tumakbo!” Sinilip ko ang direksyon ni Ricardo. Halatang hindi niya alam kung saan kami nagtatago.
“Athena, Athena. Why don’t you just stay with me? I can protect you, you know?” Sigaw niya sabay tawa. Nahihibang na talaga siya. Matapos kong marinig ang pinag-usapan nila Roselle ay mas lalo pa akong nandiri sa kanya.
“Just give us that goddamn sun and surrender yourself. All will be well afterwards!”
Kahit anong salitang lumalabas sa bibig niya ay hindi parin kapani-paniwala. Hindi ako bobo para mahulog sa mga patibong niya.
“Athena. Save your self”, bulong ng Araw sa akin. Tiningnan ko siya. Di ko namalayan na sobrang lapit na pala ng mga mukha namin.
“Let them have me. Save your self.” Ulit niyang sabi.
“Kahit ibigay kita sa kanila, walang magbabago. Hahanapin at hahanapin pa rin nila ako upang patayin. Kung ganun naman lang rin, wala paring saysay ang sakripisyo mo kaya manahimik ka at tatakas tayo.” Giit ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Totoo naman, kahit sino sa aming dalawa ang mag sasakripisyo ay iisa parin ang resulta. Mamamatay kaming dalawa.
Pero kahit na alam kong mamamatay ako, lalaban pa rin ako. Matira matibay kung baga.
“Athena I-“ Hindi pa niya natapos ang salita niya ay pina-ulanan na naman ng bala ni Ricardo ang direksyon naming.
“I know you two are behind that tree. Athena, come with me” Base sa lakas ng boses niya ay alam kong papalapit na siya. Kailangan na naming ng plano para makatakas na kami sa kamay ni Ricardo.
“How many bullets?” biglang tanong ni Araw.
“Tatlo. Hindi dapat ito masayang. Kung gagamitin na natin ito agad ay malaki ang---“
“I know. We’ll save them later. All I need you to do is to lure him. Talk to him as long as you can” Hindi ko alam kung bakit siya tumingala kaya tumingala nalang din ako upang malaman ko kung ano ang tinitingnan niya.
Puro sanga lang ng kahoy ang nakikita ko, wala namang--- teka..
“I’ll pounce on him from above if he’ll come near. Give me the knife.” Agad ko namang ibinigay sa kanya ang kutsilyo.
Hindi mapapansin ni Ricardo na aakyat sa mga sanga si araw dahil dumidilim na at itutuon ko ang buong atensyon niya sa direksyon ko lang.
“Athena!! Surrender your self and give us back that sun!” sigaw ulit ni Ricardo at pinaulanan ulit ng bala ang direksyon namin.
“Hindi ko kasama ang araw, Ricardo. Oo susuko na ako!” Sigaw ko pabalik. Kakausapin ko lang siya. Ipapaisip ko sa kanya na susuko talaga ako.
Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko at nakita ko namang ngumisi ng pagkalaki-laki si Ricardo.
“Where’s the sun darling?” Tanong niya at unti-unting lumalapit sa akin. Pinipilit kong patigilin ang pagdurugo ng braso ko gamit ang isa ko pang kamay.
“Iniwan na niya ako. Para lang makatakas siya ay ginawa niya akong pain. Punyeta!” Asik ko sa kanya. Kailangan kong um-acting para lang mapaniwala siya.
“Tsk. Why did you ever help that man darling. We’ll just have to kill that sun to avenge you.” Aatras na sana ako pero ayaw gumalaw ng binti ko dahil sa manhid. Di ko namalayang nakalapit na pala siya sa akin.
“You look hot with all that sweat and blood darling.” Sabi niya at hinawakan ang baba ko at dahan dahang hinawakan ang leeg ko patungo sa dibdib ko.
Ininda ko ang nakakadiri niyang ginagawa hanggang nakahapit na siya sa bewang ko.
“Oh, I’m sorry I hit your leg and arm my dear. Come here, I’ll kiss the pain away.” Pero bago pa niya mailapat ang labi niya sa labi ko ay agad na tumalon galing sa taas patungo kay Ricardo si araw at sinuntok ato sa mukha at sinipa agad sa tiyan. Hindi pa nakalaban si Ricardo ay agad nang sinaksak ni Araw si Ricardo sa mga binti nito. Kinuha niya agad ang baril sa kamay ni Ricardo nung namalayan niyang nawala sa atensyon ni Ricardo ang baril niya.
“You damn f*****g s**t!!!” Napasigaw si Ricardo dahil mas ibinaon ni Araw ang kutsilyo.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang hindi siya yung kasama ko sa pagtakas na pagod na pagod at parang walang ka-laban laban.
“Nandito sila!!” May sumigaw na lalaki sa di kalayuan. Nandito na ang resbak ni Ricardo. Kailangan na naming makatakas pero ayaw gumalaw ng mga binti ko.
“Let’s go” Malamig na tugon ni Araw at binuhat ako na parang sako. Kung hindi niya ako binuhat ay hindi ko ma re-realize kung anong nangyayari.
“I’ll kill you Sunniva! I’ll kill you both!!” Sigaw niya Ricardo pero bago pa tumakbo si Araw na karga ako ay tiningnan niya si Ricardo
“I’ll be waiting.” At binaril uli ang sugat ni Ricardo kay napasigaw na naman ito. Itinuon agad ni Araw ang baril sa paparating na kalaban at sa isang bala ay natumba agad ito.
“You!!! f**k you!!!” Huling sigaw na narinig naming galing kay Ricardo at tumakbo na si Araw na karga-karga ako.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa ni Araw! Medyo brutal yung ginawa niya na maski ako ay hindi ko magawa. Tao ba siya?? At tsaka..
“Nahihibang ka ba? Anong I’ll be waiting ang pinagsasabi mo?” Pinagpapalo ko siya habang tumatakbo siya. Tanga ba siya? Gusto niya lang talagang habulin kami ng sindikato at patayin!
“Let’s just find a place to hide. They’ll be busy helping that man so we have enough time to rest. It’s getting darker. It’s hard to see the track.” Seryoso niyang tugon.
Hindi na ako sumagot pa dahil alang kong tama rin ang mga sinasabi niya. Unti-unti siyang huminto sa pagtakbo at dahan dahang akong ibinaba. Patuloy lng kami sa paglalakd hanggang sa may nakita kaming kubo na pinalilibutan ng matataas na damo. Di mo aakalaing may nakatira dito dahil parang napakalayo na nito sa ibilisasyon.
“Someone’s there. They might help us.”Sabi niya at bigla akong kinarga na parang bagong kasal.
“Dahan dahan ka nga! Masakit yung sugat ko!” Asik ko sa kanya. Bigla-bigla niya lang akong bubuhatin na parang isang sako ng patatas! Hindi niya ako pinansin at tumungo agad sa kubo.
Di pa kami tuluyang nakalapit ay nakita na agad kami ng matandang babae at lumapit sa amin.
“Diyos ko hijo! Hija! Anong nangyari sa inyo at puno kayo ng sugat sa katawan! Ruben!” Inalalayan kami ni nanay papasok sa kubo niya at agad namang may matandang lalaking may dala pang kahoy at itak ang nanlaki ang mga mata nung nakita kaming dalawa ni Araw.
“Diyos ko! Kukuha muna ako ng malinis natubig Anita!” Dali-daling umalis ang yung Ruben.
Pinaupo ako ng maayos ni Araw sa maliit na silya at inalalayan agad ako ni nanay. Lumabas siya saglit at agad namang bumalik na may dala-dalang mga dahon at pang dikdik.
“Saang lupalop ba kayo galing at nagkasugat kayo ng ganyan!” Tanong ni Nanay pero hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot.
“Hinahabol kayo ng sindikato?” Biglang sulpot ni Tatay na may dala-dalang tubig.
“Yes.” Tipid na sabi ni Araw na dahan-dahang inilagay sa katabing silya ang kutilyo at baril na hawak niya.
“Matagal-tagal na rin silang nakatambay sa bahay doon sa timog na bahagi ng gubat. Sa ilang buwang pangangahoy ko sa gubat ay ngayon ko lang nakitang nagkagulo sila.” Pagpapatuloy ni Tatay.
Tinulungan naman ako ni Nanay na linisin ang sugat ko. Kumuha siya ng kung anumang dahon at dinikdik at inilapat mga sugat ko. Napaigting ako sa sakit nung binalutan agad ni nanay ang mga sugat ko para hindi na magdugo.
“Salamat po nay” Tanging sabi ko sa kanya.
“Nanay Anita nalang, Siya naman si Ruben, asawa ko” Ngumiti naman si Tatay Ruben pagkatapos na ipinakilala siya ni Nanay Anita
Binigyan ako ng maiinom na tubig ni Nanay Anita. Saktong nauuhaw ako kaya agad kong sinunggaban ang baso
“I’m Leo and she’s Clara, my wife” Muntik kong maibuga ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi ni Araw.
Tiningnan ko siya dahil gusto kong baliin yung sinabi niya pero tiningnan niya ako ng napaka-seryoso.
Alam ko na ang ibig sabihin niya. Kailangan naming itago ang totoo naming pagkatao. Pero hindi ko naman inaasahan sa ganitong paraan!
“Halikayo at kumain muna. Hindi kami makakabigay sa inyo ng engrandeng pagkain pero halina at pagsaluhan natin” Pagiimbita ni Nanay Anita. Tinulungan naman ako ni Araw na tumayo at inalalayan ako patungo sa lamesa.
Umupo naman si Tatay Ruben sa harap namin ni Araw. Inihapag naman ni Nanay Anita ang kamote at gulay sa lamesa.
“But I don’t eat that stu—“ Di ko na pinatuloy sa pagsasalita itong buang na katabi ko at isinuksok ko agad sa bibig niya ang kamote upang tumahimik siya.
“Kung ayaw mong ako ang sasaksak sa iyo, Tumahimik ka at kumain.” Pilit akong ngumiti kahit nanggagalaiti ako sa pikon dahil sa kanya. Nakalimutan kong isa pala siyang napaka-aroganteng bilyonaryo na hindi kumakain ng pagkaing mahirap.
Hindi na rin siya umimik at dahan-dahang nagpatuloy upang kumain.
Tumawa lang si Nanay Anita sa aming dalawa.
“Halatang mayaman ka hijo. Pagpasensyahan mo na kung ito lang ang mai-aalok namin” Mahinhin na sabi ni Nanay Anita.
“Laking pagpapasalamat na po namin sa tulong na ibinigay niyo. Alam natin na magiging delikado ang buhay niyo s pagtulong sa amin pero heto, tinanggap niyo parin kami.”
Kung hindi lang dahil sa kanilang dalawa ay siguro sa kawalan na kami makikita.
“Hindi kami makakatulong ng malaki ng asawa ko pero bago sumikat ang araw. Sa hilagang bahagi ng kagubatan ay may dyip na dadaan. Kailangan niyong abutan ito upang makalayo kayo dito. Hindi ko kayo kilala pero alam kong hindi kayo masama.” Sabi ni Tatay Ruben.
“We’ll absolutely pay for your kindness ma’am, sir.” Formal na sabi ni Araw kaya napangiti nalang ako sa kanilang dalawa.
Pagkatapos naming kumain ay pinahiga nila ako sa banig upang makapag-pahinga.
“Rest well” Tanging sabi ni Araw at tinalikuran ako at lumabas ng kubo. Siya siguro ang magbabantay muna. Kahit gusto kong magbantay ay hindi ko magagawa. Wala parin akong ka-kwenta-kwenta dahil sa mga sugat ko kaya magpapahinga na muna ako.
Bukas, isang panibagong hamon na naman ang haharapin naming bilang Clara at Leo.
To be Continued….