Bagong lipat ang pamilya De la Cruz sa looban ng St. Marikit. Nang mag simula silang maghakot ng mga gamit ay nakita nilang may nag-iinuman sa labas ng daan.
Kaya tinignan na lang nila ang mga ito. At nagsalita ang kanilang mama sa kanilang papa.
"Kung alam ko lang na dito ang bagsak natin ay mas gusto ko pang di nalang tayo lumuwas ng Maynila, At napa ka delikado ng lugar na ito." Ang hinanakit ng kanilang Ina sa kanilang ama.
Na tanggal kasi sa trabaho ang kanilang ama bilang manager ng isang kompanya ng gatasan.
Nung hindi pa natanggal ang kanilang ama ay nasa subdivision sila nakatira at malaki ang sahod ng kanilang ama.
Kaya lang na tanggal ang kanilang ama ay dahil pinaghihinalaan na kumuha ng pera sa kumpanya.
Kaya wala ng trabaho ang kanilang ama at ang kanilang Ina naman ay sa bahay lang at nanahi ng kung anu-ano para maka benta.
Nung lumipat sila sa looban ay napakabilis ng pangyayari at wala silang perang na itabi at humanap ng bahay na makakayanan nilang pamilya.
Ng matapos na silang mag-ayos ng mga gamit sa kanilang bagong lipat na bahay.
Ay may narinig silang mga ingay ng mga tao na nagtatakbuhan at nagsisigawan.
Kaya lahaylt Sila ay pumunta sa kanilang bintana at tinignan kung ano ang nanyayari sa labas.
Nakita nilang may mga pulis na tumatakbo at may hawak na baril at ang iba nilang kasamahan ay may hawak ng mga taong nadakip na.
Kaya sila ay natakot sa kanilang nakita at nagsalita ang kanilang ama sa kanila.
Huwag kayong masyadong lumalabas dito sa atin at napakadelikado ng atin nalipatang lugar.
Kaya tumango ang kanyang mga anak tanda ng pagsasang-ayon nila sa kanilang ama.
Nang sumunod na mga araw ay may na raid sa kanilang lugar at may nakuhanan ng mga pinagbabawal na gamot.
Kaya natakot ang kanilang Ina sa mga nanyayari sa kanilang lugar.
Ng magbubukas na ang klase ay lahat ng kanyang apat na mga anak ay lumipat sa public school.
Nong minsan umuwi ang isa nya'ng anak ay may sumuntok sa kanya at dumugo ang kanya labi.
Kaya pumunta ang kanilang Ina at pinatawag ang Ina ng bata.
Marami pang mga bagay ang kanilang pinagdaanan na bago sa kanilang buhay.
Habang tumagal-tagal ay nakasanayan na nila ang mga gawain ng kanilang ka barangay.
Isang araw ay di-umuwi ang kanilang panganay na anak kaya nag-aalala ang kanilang Ina dahil senior high school na ito. At napapasama sa mga barkada nyang taga looban din nakatira.
Ng umuwi na ang panganay nyang anak ay hindi ito maka-usap at laging toliro.
Kung minsan ay palaging sumisigaw sa kanyang mga kapatid at sinisigawan din ang kanilang Ina.
Mga ilang buwan din nagkakaganyan ang kanilang panganay na anak at lagi naman pinagsasabihan ng kanilang Ina.
Kung ano ang kanyang problema Kaso laging tahimik at kung minsan ay sumisigaw lang ito.
Kaya natatakot na ang kanilang Ina sa nangyayari sa kanyang anak dahil hindi ito ganoon.
Kaya Isang araw ay may pinuntahan ang kanilang Ina at ama naiwan sa bahay ang kanilang mga anak.
Nang biglang may tumawag sa kanila na hindi kilalang number.
Nang sagutin nila ito ay Isa palang kapit bahay na pina- alam ang nanyayari sa kanilang bahay.
Nahuli raw ang kanilang panganay na anak na may pinagbabawal na gamot. At dinala na raw sa Police department at hinihintay silang mag-asawa na puntahan ang kanilang anak.
Habang sila ay papasok sa presinto ay nakita nyang nakagapos ang kanyang anak sa loob ng presinto at umiiyak.
Kaya niyakap na lamang ito sinabihan ang dalawang mag-asawa na kailangang nilang ipasok sa juvenile drug counseling
dahil menor pa ito.
Kaya wala ng nagawa ang mag-asawa kundi ipasok ang kanilang anak.
"Being high is pleasure, but living life without drugs is next-level fun!"