Tikbalang

1239 Words
ISANG nilalang ang pagala-gala sa madilim na parti ng mga ka-kahuyan at sa mga matataas na mga kawayan. Hindi ito palaging nagpapakita sa mga tao dahil may angking nakakatakot ang kanyang anyo. Isang nilalang na kinatatakutang ng lahat. May dalawang magkaibigan ang umakyat sa bundok, Sina Rocettes at ang kanyang kaibigan si Anna. Magkatrabaho silang dalawa at ngayon araw ay naisipan nilang akyatin ang bundok marikit. Na syang kanilang pinakamahirap na hiking sa lahat ng mga naakyat nilang mga bundok mahilig kasi silang umakyat ng mga bundok at yun ang kanilang passion. Umaga palang ay naghanda na silang mag-ayos ng mga gamit at mga kailangang dalhin. Dahil baka abutin sila ng mga ilang araw bago makababa kaya pinaghandaan nila ang mga dapat nilang dalhin tulad ng mga lubid, pocket knife, pagkain, extrang damit at tents at hindi rin mawawala ang kanilang inumin na tubig , may dala din sila kunting alcohol in can. Dahil mahilig din sila mag iinom ng mga alcohol kapag naakyat na nila ang tuktuk ng kanilang inaakyatan bundok. Malalaking mga bag ang kanilang mga Bitbit sa pag-akyat ng bundok, Habang sila ay papunta sa bundok. Kailangan nilang sumakay sa single na tryciyle at inihatid sa paanan ng bundok.Maganda ang panahon ng sila ay naglalakad patungo sa bundok. Noong una ay madali lang ang kanilang paglalakad dahil nasa patag pa ang kanilang nilalakaran. Habang tumatagal ay papalayo na sila sa paanan ng bundok at nakikita na lang nila ang mga Puno na may ibat-ibang klase. Mga hayop at mga halaman na sa bundok mo lang makikita. Masaya silang nagku-kwentuhan habang ng lalakad at kumukuha ng mga picture para kanilang souvenir sa kanilang pag-akyat sa bundok. Naka-isang araw na sila at hindi pa narating ang tuktuk kundi nasa kalagitnaan ng bundok. Bago pa dumilim ay naghanap sila ng Isang lugar na pwede nilang patayuan ng kanilang tent. Ng maitayo na ang kanilang tent ay nagsimula silang mag siga ng apoy at nagluto ng kanilang mga dalang pagkain. Lahat ng kanilang pagkain ay naka de lata para madaling buksan. Ng matapos na ang kanilang pagluluto ay masarap nilang pinagsaluhan ang pagkain. Ng matapos na silang kumain ay napag usapan nila ang mga pinagdadaanan nila sa buhay hanggang sa nakatulog na. Nasa kalignaan na ng kanilang pagtulog ng magising- si Anna dahil may naririnig syang ingay sa labas ng kanilang tent. Kaya tinignan nya kung ano yun, ng buksan ng kaunti ang zipper ng kanilang tent ay may nakita syang Isang nilalang na di nya alam kung ano yun. Bigla nalang nawala kaya bigla syang tumabi sa kanyang kaibigan at ginising ito. "Rocettes!, Gising may nakita ako sa labas ng tent natin!" Sabi ni Anna habang nangangatog ang kanyang katawan dahil sa takot. "Ano yun?" Ang tanong ni Rocettes sa kanya. "Di ko rin masyadong nakita pero malaki sya Rocettes!" Sagot ni Anna. Tinignan ni Rocettes ang kanyang cellphone at mag ala-una na ng umaga kaya buong Gabi silang di nakatulog dahil sa pangyayari. Ng mag-uumaga na ay nagluto sila ng kanilang pagkain. Habang naghahanap ng mga kahoy ay may nakita silang batis at natuwa sila. Kaya naisipan nilang maligo muna sa batis Bago bumalik sa kanilang tent. Naligo nga sila at ilang oras din silang ng papalamig sa tubig. Nag matapos na ang kanilang pag swimming sa batis ay bumalik din sila sa tent at may bitbit na mga kahoy na kanilang panggatong. Nakaluto na sila ng kanilang pagkain at ready na mag-ayos ng mga gamit para maglakad muli. Habang sila ay naglalakad ay bigla nalang huminto si Anna at tinignan ang kanilang nilalakaran. "Rocettes nakakahalata Kaba? Na parang ilang ulit na tayong naglalakad dito pero dito parin tayo!" Tanong ni Anna Kay Rocettes. "Ano naliligaw na tayo!" Ang pagtatanong ni Rocettes Kay Anna . Kaya tinignan nila sa kanilang dalang mapa kung nasaan na sila. Naglalakad lang sila ng di na alam kung nasaan na sila at hanggang sa napagod na sila sa kalalakad ay hindi pa nila narating ang tatlong post ng bundok. Dahil bawat post ay alam mo kung nasaan kana una ay nasa patag pa sila ang ikalawa ay nasa paanan pa ng bundok at ang ikatlo ay dapat nasa kalagitnaan na ng bundok. Hanggang umabot ka sa ikalima at yung ay nasa tuktuk ka ng bundok. Kaya ng pahinga muna sila at kumain ng sky flakes . Sumakdal lang sa mga Puno at nilagay ang kanilang mga bag sa kanilang tabi at nagpahinga hanggang sila ay nakatulog dahil nga hindi sila nakatulog buong magdamag. Unang nagising si Anna at nakita nyang tulog pa si Rocettes at ihing-ihi na kaya pumunta sya sa matataas na damo at doon na sya umihi. Ng bumalik sya ay wala na si Rocettes kaya hinanap nya ay hindi nya makita ito kaya nagsisigaw na wala parin Rocettes na nagpapakita sa kanya. Hanggang nakita nya na may gumagalaw sa matataas na damo at lumabas si Rocettes at naglakad pa punta sa kanya. At nilagpasan lang sya nito at kinuha ang mga bag at naglakad ng hindi ng sasalita kay Rocettes. Kaya sumunod si Anna na nagtataka . Naglalakad papunta sa madilim na parte ng kakahuyan si Rocettes. "Rocettes sandali bat di ka nagsasalita dyan, at nasaan na tayo ?" Pagtatanong ni Anna kay Rocettes. Hanggang sa nakaramdam na ng takot si Anna dahil may kakaiba kay Rocettes na di nya maintindihan. Maya - Maya ay napa-upo si Anna sa kanyang nakikita si Rocettes na kanyang kaibigan ay nag-iba ng anyo at Isang nilalang na ang ulo ay kabayo at ang katawan nito ay tao. Nagsisigaw si Anna sa kanyang nasaksihan hanggang sa bigla nalang nawala ang sigaw ni Anna. Nagising si Rocettes na wala sa tabi nya si Anna tumayo ito sa pagkakasandal nya sa Puno. Madilim na sya ay nagising at wala si Anna kaya tinawag nya ito. Walang lumalapit na Anna kaya nilabas nalang nya ang kanyang tent at nag-ayos. Dahil baka darating din si Anna at iyun ang kanyang nasa isip. Hanggang sa natapos na nya ang pag-aayos at hinintay si Anna ay hindi parin ito nagpapakita sa kanya. Kaya naglakad si Rocettes gamit ang kanyang flashlight at tinitignan ang bawat sulok. Ngunit hindi nya parin nakita si Anna. Ilang oras syang naglilibot hanggang may naapakan sya at ng kanyang tignan ay mga gamit ni Anna na nakakalat sa lupa. Nag-aalala na si Rocettes kung ano na ang nanyayari sa kanyang kaibigan. Umiiyak ito habang sumisigaw at hinahanap si Ana. Nang biglang may tumambad sa kanyang Isang malaking nilalang na nakakatakot. Tumakbo ito pabalik dahil sa takot ay nabitawan nya ang kanyang flashlight at nagkakangdarapa na ito sa kakatakbo. Hanggang sa nakarating na nya ang batis na Hindi nya namalayan at dito nagtago . Nagpalinga-linga ito dahil sa takot na makita ang nilalang na kanina nya nakita . Isang tikbalang ang kanyang nakita dahil ang katawan nito ay parang sa tao pero ang ulo ay sa kabayo. Sa subrang kaba nya ay naririnig na nya ang t***k ng kanyang puso. Makalipas ang ilang araw. Ilang tao na ang humahanap sa dalawang babae na umakyat sa bundok marikit at ilang araw ng hindi na bumalik kaya pinapahanap na ito ng kani- kanilang pamilya. Hanggang sa makita nila si Rocettes nasa batis at nagtatago. Hindi na nila ito maka- usap ng maayos dahil wala sa katinuan ang kanyang pag-iisip. "Tikbalang!, Ayan na sya kukunin nya ako!" Ang sigaw ni Rocettes. At hindi na nila nakita pa si Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD