"La!, La!, Wag nyo po ako'ng Iwan, kailangan ko kayo la!" Ang naiiyak na sabi ni Alijandro sa kanyang Lola.
Nakahiga sa hospital bed ang kanyang Pinakamamahal na Lola Auring.
Naka dextrose at maraming mga tubo ang nakalagay sa katawan ng kanyang Lola at hirap na sa paghinga.
Kaya umupo ito sa tabi ng kanyang Lola at hinawakan ang kanyang mga kamay at umiiyak dahil sa hindi nya makayanan makita na nagkakaganyang ang kanyang Lola.
Naalala nya ang unang tagpo ng kanilang buhay sa isat-isa.
"Ma!, Saan tayo pupunta" tanong ng batang si Alijandro sa kanyang mama.
"Iiwan muna kita sa iyung Lola Auring sa probinsya at maaalagaan ka nya ng mabuti." Sabi ng kanyang mama.
"Ma!, Iiwan nyo ako!, Ma! Ayoko wag ma!"ang naiiyak nyang pagmamakaawa sa Ina.
"Doon ka muna at babalik din ako kapag may trabaho na ako sa maynila." Sabi ni mama sa akin.
Habang naka sakay kami sa barko papunta sa probinsya ni mama.
Ng bumaba na kami sa barko ay sumukay kami sa jeep at pagkatapos nong nasa bayan na kami ni mama sumakay kami sa kalabaw at papunta na sa bukirin at doon nakatira si Lola.
Ng dumating kami sa bahay ni Lola Auring ay napa ka simple ng kanyang bahay isang bahay kubo at maraming mga tanim na mga gulay ang nakapaligid sa kanyang munting bahay.
Naglibot ako sa paligid at marami din syang mga alagang mga bebe at manok na ngingitlog na nakakalibang ang manood sa kanila kaya gumaan ang aking pakiramdam dahil sa napakaganda ng tanawin.
Dahil iba ito sa maynila na aking pinaggalingan ang mga bahay duon ay magkakatabi at ang ingay ng mga sasakyan at napakabaho ng hangin.
Mahal na mga bilihin dahil araw-araw ay nag-aaway sina mama at Tito Ben sa mga gastuhin, maraming mga taong gumagamit ng druga at araw-araw ay may p*****n.
Pero dito sa probinsya ang bahay lamang ni Lola ang aking nakitang bahay at sa malayo pa makikita ang kanyang mga kapit bahay.
Bumalik ako sa loob ng bahay at narinig ko ang kanilang pinag-usapan ni Lola.
Na ayaw daw akong makasama ng kinakasama ni mama dahil hindi nya ako tunay na anak.
Kaya ayaw ni mama na mahiwalay kay Tito Ben kaya ng desisyun si mama na iuuwi na lamang ako sa kanyang Ina.
At nabigla ako sa narinig ko sa kanya na buntis sya at magpapakasal daw sila ni Tito Ben at ayaw ni Tito Ben sa akin.
Iiwan pala ako kay lola dahil magpapakasal sya kay Tito Ben hindi ang maghanap ng trabaho kundi dahil buntis sya at bubuo ng bagong pamilya.
Kaya sumama ang aking loob kay mama hindi ko na sya pinansin buong maghapon at nang gumabi na ay masarap ang aming pagkain nakakagana ang amoy ng probinsya at puro mga gulay ang nililuto ni Lola dahil sa maynila lahat ng nililuto ni mama ay noodles at de-lata lamang.
Dahil wala na sa oras si mama na magluto ng mga gulay.
Nang matutulog na kami ay hindi ko parin pinansin si mama kaya tumabi ako kay Lola.
Nang mag-uumaga na masarap ang aking gising, naamoy ko ang malinis at malamig na hangin. Naririnig ko din ang talaok ng mga alagang manok ni Lola.
Nang magising ako at pumunta sa labas ng bahay. Napakaganda talaga ng paligid ng bahay ni Lola ang bubungad sayo mga puno na namumunga at gulayan.
Nong bumababa ako ay nagtanong ako kay Lola kung nasaan na si mama. Umiyak ako sa aking narinig habang tumakbo na palabas ng bakuran ng bahay at hinabol ako ni Lola.
Dahil umalis na pabalik si mama nong natutulog ako. Ang sama ng loob sa kanya hindi man lang sya nagpaalam sa akin bago sya umalis.
Tumakbo ako para ma abutan pa si mama kaya lang ay pinipigilan ako ni Lola Auring.
Napa upo ako sa lupa at umiiyak dahil iniwan na nya ako.
Niyakap lang ako Lola at inaya nang bumalik kami sa bahay nya at binigyan nya ako ng gatas na galing sa kanyang alagang kambing .
Nasarapan ako sa gatas ng kambing at pinasyal ako ni Lola sa mga gulayan nya at mga punong may bunga kaya nawala na sa aking ang nanyari kanina.
Maraming araw na ang dumaan at tinutulungan ko si Lola para magdilig ng mga gulayan at nangunguha ng mga bunga at nilalagay sa basket. At bini benta sa palengke para kami ay magkapera lagi din kami namamasyal sa ilog kung saan doon ako natutong lumangoy.
Makalipas ang ilang taon nabalitaan namin na namatay si Mama dahil sa pagbugbog ni Tito Ben kay mama dahil lagi itong lasing at nang babae kaya kapag umuuwi sya sa bahay ay palagi silang nag-aaway ni mama.
Naiwan ni mama ang dalawa nyang anak kay Tito Ben sa maynila.
Kaya lumuwas si Lola para kunin ang mga apo nyang dalawa kay mama dahil pinabayaan lang ito ni Tito Ben.
Nailibing na si mama sa maynila dahil ilang araw na pala itong patay at ngayong lang namin nalaman ng may tumawag na kaibigan ni mama sa maynila at sinabihan dito sa probinsya ang nanyari kay mama kaya nalaman ni Lola ang ganoong pangyayari kay mama.
Nang bamulik si Lola ay kasama na nya ang dalawa kong kapatid sa Ina, Sina benito at
Benigno kinuha pa sa pangalan ng kanilang ama na mamatay tao.
Naiinis ako kapag naririnig ang pangalan Ben dahil naiisip ko ang kanyang ginawa sa mama ko.
Ilang taon na ang lumipas ay naka pagtapos na ako ng pag-aaral at nagkaroon trabaho at ako na ang nagpapaaral sa mga kapatid ko dahil matanda na si Lola.
Isang araw ay bigla na lang natumba si Lola sa lupa habang sya ay naglalakad dahil nagdidilig ng mga gulay ang mga kapatid ko at si Lola ay tumitingin sa kanila ng biglang natumba si Lola sa lupa kaya dinala namin sya sa hospital.
At nalaman namin na may sakit si Lola at matagal na nya itong tinatago sa amin. At huli na ang lahat dahil may tanging na ang kanyang buhay.
Nang marinig ko ay bigla akong naghina dahil sa nalaman hindi ito ang aking ini expect yung mangyari sa kanya dahil marami pa akong pangarap na gagawin na kasama sya dahil sa walang sawang pagmamahal at pag-aaruga nya sa amin magkakapatid.
Ngayon ay naka tingin ako sa kanya habang hinahabol nya ang kanyang hininga at hindi ko binibitawan ang kanyang mga kamay at nanalangin sa itaas na wag nya munang kunin ang aking Lola dahil hindi mapapantayan ang kanyang pagmamahal sa amin na kanyang mga apo.
Binigay nya ang lahat ng kanyang makakaya upang kami ay mabuhay nya.
Nag bebenta ng mga gulayan sa palengke at nangunguha ng mga bunga ng kahoy para ma ibenta at ipangbayad sa tuition ko noon ako ay college student pa lamang.
Nakita ko ang sakripisyo nya para sa akin at sa mga kapatid ko.
Hanggang sa nakita ko na nag line ang kanyang heartbeat sa Holter monitor ay nagsisigaw na ako dahil iniwan na ako ng aking mapagmahal na Lola.
The end.