"Congratulations ma'am, it's a boy.." Sabi ni Dr. Perez sa kanyang pasyenting babae.
"Thank you Doc!" Sabi ng lalaki kay Dr.Perez.
"Honey !" Sabi ng lalaking asawa sa kanyang Misis na hinang- hina sa panganganak.
Masayang nakangiti si Doctor Perez habang nakatingin sa kanyang first patient at sa mag-asawang nagkangitian sa isat-isa at hawak ang kanilang supling na nabuo sa kanilang pagmamahalan.
Bagong doctor pa lamang si Miss Perez at nakamit na nya ang kanyang pangarap na maging Isang Doctor.
Kahit nasasaktan sya sa iyak ng baby dahil naalala nya ang kanyang anak kung nabubuhay sana ito.
Bata pa lang si Dr.Perez aka Alwina Perez ay inampong sya ng mag-asawang walang anak.
Parehong mga Doctor ang nag- ampom sa kanya at binigyan sya ng pangalan , pamilya at edukasyon.
Dahil parehong Doctor ang nag-ampon sa kanya ay naging pangarap na din nya ang maging katulad nila na gumagamot sa may sakit.
Kaya nag-aral sya ng mabuti noon para maging masaya ang kanyang mga magulang. Ito ang paraan nya para maipakita nya na hindi nagkamali ang kanyang mga magulang na ampunin nila ito.
Nang magka highschool ay maraming nagliligaw sa kanya dahil taglay nya ang kagandahan ng Isang Americana.
Ang sabi ng iba ay baka anak sya ng GRO dahil Pina ampon parin sya nito. Kahit na may dugong dayuhan at maraming nagsasabi na kung sila daw ay magkaroon ng anak na Isang Americana ay aalagaan daw nila ito ay paglaki ay gagawin Isang artista o Modelo.
Kaya lang ay baliktad ang nanyari sa kanya kundi pina-ampon sya nito. At mabuti na lang ang mag- asawang Perez ang naka-ampon sa kanya.
Naging maganda ang buhay nya hanggang mag dinalaga ay maraming taga hangga sa kanyang angking kagandahan.
Kaya lang ay wala sa kanyang pag-iisip ang ganyang bagay dahil naipangako na nya na magkakaroon sya ng Isang magandang buhay na maipagmamalaki sa
Taong ng Iwan sa kanya na parang Isang hayop na bigla nalang iniwan kung saan-saan.
Kaya noon mag college na sya ay bigla na lang naghiwalay ang mag-asawang nag-ampom sa kanya.
Naiwan sya sa kanyang ina na laging naglalasing. Palaging nasa kwarto at napabayaan na nya ang kanyang trabaho bilang Isang Doctor.
Sa kanilang mag-asawa ay mas malapit si Alwina sa kanya Ina kaya nasasaktan sya kapag nagkakaganyang ang kanyang Ina.
Kaya lagi syang ng alala kung sya ay pupunta sa eskwelahan at baka maabutan na lang nya na may gagawin itong masama sa kanyang sarili.
Kaya nang minsan sya ay nasa eskwelahan ay may natanggap syang tawag sa kanyang Ina na umiiyak at hinahanap sya nito. Kaya agad naman syang lumabas sa kanyang school at nataranta nalang.
Bigla syang sumakay sa Isang kotse na akala nya ay Isang taxi at huli na ang lahat ng nakatingin sa kanya ang driver ng sasakyan.
Lalabas na sana si Alwina ng magsalita ang lalaki sa kung saan sya pupunta at ihahatid na lamang nya ang dalaga.
Kaya sinabi ang kanyang address at ilang minutes lang ay naihatid na sya at nagpasalamat sa lalaki.
Kaya Dali-dali syang pumasok sa bahay at nakita nyang mga basag ang kanilang mga gamit at nagkakalat ang mga boteng kanya ng nainom.
Lasing na lasing ang kanyang Ina Kaya nya ito dinala sa kanyang kwarto.
Marami pang mga araw na mas nagiging Malala Ang kanyang Ina at hindi na nya alam kung ano ang gagawin.
Habang sya ay kumukuha ng mga libro sa library ay nakita nya ang lalaking tumulong sa kanya, ang naghatid sa kanyang bahay.
Nilapitan sya nito at ngumiti.
Nakita nya ang I'd ng lalaki Isa pala itong propesor na nagtuturo sa ibang department. Kaya hindi nya ito nakita at napakalaki ng kanilang school.
Kaya nagpakilala sya sa lalaki at nag-usap ng ilang mga bagay na hindi nya namalayan ang takbo ng oras.
Naging nagkapalagayan loob sila ng lalaki hanggang sa nanligaw ito. Kahit alam naman nyang bawal ang paki pagrelation sa Isang teacher.
Ilang buwan din na nanliligaw ang lalaki sa kanya, palagi sya nitong hinahatid sa kanyang bahay at Isang araw ay nadatnan nilang lasing ang kanyang Ina at tinulungan sya nitong dalhin sa kanyang kwarto.
Malapit na ang pagtatapos si Alwina ng may nanyari sa kanila ng lalaki at nagbunga ang kanilang sekretong pagmamahalan.
Dahil ilang taon na walang trabaho ang kanyang Ina at sa kanyang ama sila umaasa kaya nahihiya sya sa kanyang kalagayan.
At mas nakakahiya ang pagdadalan-tao nya na kung malalaman ng iba na ang ama ay Isang propesor sa kanilang paaralan.
Kaya lang ay mas nangingibabaw sa kanya ang pagiging Ina.
Kaya sinabi nya ito sa kanyang nobyo na sya ay nagdadalangtao at biglang nalang itong nag-iba ng tungo sa kanya.
Hindi na sya kinakausap o nagpapakita man lang. Kaya lang ay huli na ang lahat ng malamang nya ang tunay nitong pagkatao.
Na ang kanyang nobyo ay may asawa na pala at naiwan sa kanilang probinsya dahil dito sa maynila nagtatrabaho ang akala pa naman nya ay sya ang magpoprotekta sa kanya.
Iyun pala ay magpapahamak sa kanya kaya dumating ang Isang hindi nya kailanman pinangarap na gagawin.
Ang ipapalaglag ang kanyang dinadala dahil iyun na lamang ang kanyang tanging paraan para hindi sya hahantong sa mas malaking eskandalo.
Kaya walang syang nagawa kundi gawin ang bagay na yun sa kanyang anak.
Pumasok sa kwarto maglalagay sa kanya ng Isang malaking kasalanan sa buhay, sa itaas at sa kanyang anak.
Habang nasasaktan sya sa ginagawa ng Isang matandang babae sa kanyang p********e ay iyak lang ang tangi nyang nagawa at hinanakit sa mundo.
Ilang araw din syang nakahiga sa kanyang kama.
"Alwina, nak! Wala ka bang klase ngayon." ang pagtatanong ni mama sa akin.
"Wala pa po ma!" Sagot ni Alwina sa kanyang Ina.
Nang bumalik na sya sa kanyang paaralan para tapusin ang mga dapat pang tapusin mga project at homework na hindi nya nagawa noong nasa bahay sya.
Akala ng iba ay nagkasakit lang si Alwina ang hindi nila alam ay may buhay na syang
Pin-tay.
Nakapagtapos nga sya at nakapasa sa board exam pero hindi nya maitatago na may buhay syang sinakripisyo para lang sa kanyang pangarap.
Naluluha na lamang syang tumalikod sa mag-asawang nakangiti habang hawak ang kanilang anak. Dahil kailanman ay hindi na sya magkaroon ng anak dahil sa kanyang ginawa.
Nalaman nalang nya na magpatingin sya sa Doctor at sinabihan na may problema sa kanyang mattress na hindi na nya kaya pang bumuo ng anak.
Parusa na siguro ito ng maytaas sa kanya dahil sa kanyang ginawa.
The end.